Episode 1 - Start

1163 Words
[Magasin by Eraserheads is continuously playing] ~ Nakita kita sa isang magasin Dilaw ang iyong suot at buhok mo'y green.~ "Tama na yan. May klase na tayo." Iminulat ko ang mata ko at tumingin sa kumalabit sa akin. Tinanggal ko ang earphones na nasa tenga ko at bumuntung-hininga. Ayaw ko pa sanang tumayo mula sa pagkakaupo ko. Ganito ba talaga kapag simula pa lang ng school year? Parang nakakatamad naman. "Ay oo. Tara na." Pagsang-ayon ko. Kahit naman tinatamad akong pumasok, ayaw ko pa ring mahuli sa mga klase ko. Kaya kong lumiban sa klase pero di ako nagpapa-late simula nong mag-aral ako. Siya si Kiel. High school friend ko and unfortunately ay kaklase ko pa rin hanggang ngayon. Ako nga pala si Cloud Angelo Cordial. 2nd year college student sa isang sikat na university. Isa akong nursing student dito. "Nga pala, nagtext na ba sayo si Francis? Miss ko na yun eh." Tanong sa akin ni Kiel habang nilalagay ko sa bulsa ko ang earphones ko. Si Francis yung isa pa naming barkada na close masyado kay Kiel. Sa ibang school kasi siya nag-enroll kaya ayan, lumalabas ang pagiging babae nya. "Tigilan mo nga ako sa kakatanong mong yan. Kinikilabutan ako sayo eh. Tss." Tumawa siya at sinuntok ang braso ko. "Nga pala. Ano yung naiwan mong subject? Kinuha mo ba yung ngayon?" Tanong niya. Tumango ako. Dalawang subject yun. Okay lang naman kasi hindi naman halata na 2nd year na ako. Hehe. Nung nakarating na kami sa klase, naupo na ako sa likod. Tumabi naman siya saakin. Kinuha ko ang phone ko para tingnan sana kung may nagtext pero wala naman. Napangiti na lang ako ng makita ko ang wallpaper ko. "Hala. Natuluyan na." Tiningnan ko ng masama si Kiel. Tumawa lang naman siya. Tss. Parang baliw. Tawa nang tawa. Noong natapos na ang unang subject, naghiwalay na kami ni Kiel. May sunod pa kasi siyang klase pero ako, vacant na. Pumunta na lang ako sa Education Department at hinintay siyang lumabas sa classroom niya. Nung nakita niya ako, kumaway siya kaya napangiti ako sa kanya. Shit. Eto na naman. Her face. Lagi ko na lang yang nakikita kapag tinitingnan ko ang girlfriend ko. f**k. Am I cheating with my girlfriend? Siya ang tinitingnan ko pero ibang mukha ang nakikita ko. "Hon." Umiling ako para mawala ang iniisip ko. "Hey. Anong problema?" Hinawakan ko ang pisngi niya at umiling. Kinuha ko ang kamay niya at naglakad na kami papuntang canteen. Siya si Julia, ang girlfriend ko. Almost 5 months ko din siyang niligawan. Naging kami lang kinabukasan noong graduation nila. Nag-date kami noon kahit parang wala ako sa sarili ko, tapos sinabi niyang sinasagot niya na ako. Syempre, bilang lalaki, tuwang-tuwa naman ako kasi sa wakas, kami na. Umupo na kami sa bakanteng upuan sa canteen pagkatapos naming maka-order ng pagkain. Ayan na naman. Pagkatapos kasi ng gabing yun, sa hindi ko maintindihang dahilan, ay parang tumigil ang mundo ko. Yun feeling na hinahanap-hanap ko lagi ang presence niya at hihintayin ko siyang sabihin na mahal niya ako kahit lagi ko siyang tinataboy palayo saakin. But I shouldn't feel this way. I should be happy with my Julia kasi kami na at mahal ko siya. I should not suppose to think about someone else because she's just nothing but a creepy stalker in my PAST. Mabuti na lang at hindi naman napapansin ni Julia ang madalas kong pagspace-out pag kasama ko siya. Hinatid ko na siya sa next class niya after naming kumain. s**t. One hour lang naman yun but I feel like it was forever sitting there doing nothing. Tsk. Pumunta na ako sa next class ko. Ito na yung subject ko na naiwan ko. Dalawang magkasunod ito na nasa pareho lang na room kaya hindi hassle. Naupo na ako sa pinakalikod na upuan. Siyempre, pag makikinig ka lang naman at di ka magaambag sa klase, sa hulihan ang best upuan. Wala akong kakilala dito since this is a block section of first year students. Kinuha ko na lang ang earphones ko at nilagay sa tenga ko saka nakinig sa music. Nung dumating na ang teacher namin, as usual, nagpakilala na naman at sa aking swerte, ako pa ang inuna kahit nasa hulihan na ako.  Tumayo naman ako at ipinakilala ang sarili ko. Pagka-upo ko, ibinalik ko sa tenga ko ang earphones ko at nakinig ng music not minding everybody na busy sa pagpapakilala sa isa't-isa. Pero syempre nung nagdiscuss na ang teacher, nakinig naman ako. Yung sunod na subject, pareho lang ang mga kaklase ko. Nung introduce yourself part, parang dati lang na ako ang nauna dahil nasa hulihan ako. At tulad kanina, nakinig lang ako sa music the whole time na nagpapakilala sila. Somehow, I don't wanna get involved sa mga taong di ko naman matagal makakasama. Don't get me wrong, marami naman akong kaibigan sa block ko, including Kiel. And that's because, I know we are in it for four years. Kami kami ang magkakasama hanggang makagraduate kami and that's where I want to build friendship with - yung magtatagal. Natapos na ang klase at nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Ang iingay nila. Tsk. Sabagay, ganyan talaga pag freshman ka. Masyado ka pang excited sa pagiging college kaya lahat na lang ng bagay, napapansin, pinag-uusapan o pinagkaka-abalahan. Nung nakalabas na ako, kinuha ko sa bag ko yung wallet ko ng mapansin kong wala yung binder ko doon. Aish! Naiwan ko ata! Mabuti na lang at hindi pa ako nakakalayo. Tumalikod ako para bumalik sa classroom ng makita ko ang mukha niyang nakangiti na nakatingin sa akin na parang natutuwa siyang makita ako. Shit. Biglang kinabog ang dibdib ko kahit alam kong hindi siya yan. Alam na alam kong hindi siya yan dahil palaging nangyayari ito sa akin. Sa tuwing lalapitan ko na siya, biglang mag-iiba nag mukha niya.  Ang mukhang palagi kong nakikita sa iba. Ahh. I must be hallucinating again, just like the other times this happened. Gutom lang to. Imposible eh. Pero paano kung siya nga iyan?. Baka sinudan niya talaga ako dito para sirain at guluhin ulit ang buhay ko katulad nung high school kami. Kung ganon nga, ano pala ang silbi noong pinag-usapan namin nung gabing yun? I composed myself and walked towards her. Pinanatili ko lang normal ang sarili ko hanggang sa malapit na ako sa kanya. At habang papaliit ang distansiya namin sa isa't-isa, nararamdaman kong totoo siya at hindi ako nananaginip. Ah s**t. Parang gusto kong tumalon sa saya nung kinawayan niya ako. Pero syempre, hindi ko ginawa. Bakit ako tatalon sa tuwa eh galit nga akko sa kanya diba? Mas pinili kong bigyan siya ng galit na tingin dahil hindi maganda ang paghihiwalay namin nung gabing yun. Nakita ko siyang naglalakad papunta sa pwesto ko kaya tumigil ako sa paglalakad. Nakangiti pa rin siya saakin. "Anong ginagawa mo dito? Hanggang ngayon pa rin ba eh sinusundan mo ako? Tss." "Hi, Cloud my loves! Missed me?" ---------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD