PROLOGUE
Habang naglalakad sa hallway si Mariam kasama ang Principal ay ramdam ni Mariam ang masasamang tingin ng mga estudyante sa kanya kada dadaan siya sa mga classroom ay pinagbabato siya ng mga crumbled paper.
"Mariam...Mariam!" ito na lamang ang tanging naririnig sa hallway sabay bato sa kanya ng napakaraming papel.
"What a know it all! Serves you right!"someone yelled at malakas na ibinato ang crumbled paper sa ulo ni Mariam dahilan para mapatigil ito sa paglalakad at ganun din ang Principal.
"Sinong nagsabi niyan?!" galit na tanong ng Principal
Kaya nagsitahimik ang mga estudyante.
"Mga wala kayong respeto! Back to your seats" galit na galit na sabi ng Principal at agad namang umalis sa kaniya kaniyang pwesto ang mga estudyante.
"Don't just stand here like that. Let's go" sabi ng Principal kay Mariam at muli silang naglakad.
Nasa labas na nang school ground si Mariam ng may 4 na kababaihan ang humarang sa kanya.
Lumapit sa kanya ang babaeng may benda ang kanang balikat.
"Mariam...happy that you're switching school?" nakangising sabi nito.
Hindi tumugon si Mariam at tiningnan lang ang mga babaeng nasa harap niya.
"Don't you dare go around saying crap about me.." tugon pa nito and gritted her teeth with annoyance.
Ngumisi lang si Mariam at tatadyakan na sana niya ito ngunit mabilis itong lumayo sa kanya.
"Hell...you startled me" ani ng babae halatang nagulat ito
Nag aalangan na lumapit ulit ang babae kay Mariam.
"Y-you promised not to hit me again, huwag kang magtatangka na ipagsabi ang away natin sa iba" pakiusap nito kay Mariam.
Tiningnan lang ito ni Mariam at naglakad na ito papalayo.
"Keep your promise!" sigaw ng babae sa kanya kaya napahinto si Mariam sa paglalakad at ngumisi lang ito saka tumuloy na sa paglalakad.