Mariam's POV
"Anak, gising na" sabay yugyog sakin ni Mama
"Ma, just give me 1 minute please" sabi ko ng hindi minumulat ang mata saka nagtalukbong.
"Sige Mariam,basta pag na-late ka sa klase mo huwag mo akong sisihin ah" sabi ni Mama at rinig ko ang pag sarado ng pintuan.
Tamad akong bumangon sa pagkakahiga at tiningnan ko ang alarm clock ko sa side table pagtingin ko 5:30am pa lang ang aga pa. Pero dibale masasanay din naman ako nito tsaka alam ko ang mga ganyan na linyahan ni Mama, baka mamaya hindi niya ako ihatid sa school.
Ang Mama ko ay si Sally Guzman Ocampo na nagtatrabaho bilang Dentist bale may Dental Clinic si mama malapit sa papasukan kong school. Ang Papa ko naman ay si Miguelito Ocampo isang Real Estate agent noong nabubuhay pa siya. Mula ng namatay si papa 5 years ago dahil sa sakit nitong tuberculosis ay si mama na ang mag isang nagtaguyod sakin kahit napakapasaway kong anak sa kanya.Nag iisa lang akong anak nila mama. Ang tamad nila diba?hindi man lang ako binigyan ng makakalalaro.Siguro ayaw na nila madagdagan ng isa pang pasaway.
Tapos na akong maligo at isinuot ko na ang bago kong uniform, white blouse at pati ang dark blue ribbon saka ang pambaba ko naman ay pleaded navy blue skirt na abot hanggang tuhod matching with my white socks and black leather shoes.
"Ang ganda naman ng uniform ko,lalo na ang nagsuot" bulong ko habang tinitingnan ang sarili sa salamin.
Naka-pigtail lang ang long black hair ko saka naka eye glasses ako kasi tinatamad ako mag contact lense eh.
Bumaba na ako at nadatnan ko si mama na naglalagay na ng pagkain sa mesa.
"Ang dami naman atang pagkain ma, may fiesta ba?" tanong ko kay mama
Kasi naman may Adobo, Caldereta,Sandwich,Hotdog,Boiled Eggs,Pancit Palabok at Tapa this is too much para sa aming dalawa ni Mama.
"Naku,Mariam yang Adobo,Caldereta at Pancit Palabok bigay yan ni Tita Juliet mo" tugon ni Mama
Si Tita Juliet ay bestfriend ni Mama mula pa nung high school sila at di lang yun mag kapitbahay pa. Diba napakalupit.
I just nodded saka nilantakan na ang mga pagkaing nasa hapagkainan. Tahimik lang kaming kumakain ni Mama.
"Mariam, let's go"
agad naman akong pumasok sa kotse ni mama sa may driver seat ako umupo and I checked my wristwatch its already 7:00 am kaya pa naman may 1 hour pa naman eh. Saka hindi naman kalayuan ang school ko compare dun sa dati kong school.
Pinaharurot na ni mama ang sasakyan. Habang nasa byahe ay ramdam ko pa rin ang pagkabusog ko.
"Grabe ma, busog pa din ako until now, ang sarap kasi ng breakfast lalo na yung adobo" panimula ko
"Ang sarap talaga ni Juliet magluto since high school pa kami palagi nya akong dinadala sa restaurant na pagmamay ari ng family nya upang tikman yung mga putahe nila" kwento ni Mama
Hindi na ako sumagot at huminto na si mama sa tapat ng eskwelahan at
Bumaba muna ako kasi pinark pa ni mama ang kotse niya. Saglit kong tiningnan ang bago kong school.
"Freedom High School" mahina kong bigkas at tiningnan ko ang paligid napakaganda dito tapat pa lang ng school panalo na sa'kin.
Papunta na kami ngayon ni Mama sa Faculty Room.
"Are you Miss Selena Ferrer?" tanong ni Mama sa babaeng mahaba ang buhok na mukhang nasa 30's ang edad at abala ito sa pagtatype sa computer.
Saglit itong tumigil sa pagtatype at tiningnan niya kami.
"Yes" naka ngiting tugon nito.
Alam na ni Mama kung sino ang pupuntahan niya dito kasi kahapon ay pumunta na si mama dito sa school at kinausap ang Principal. At ang sabi nito ay makipag usap na lamang kay Miss Ferrer para sa other information.
Naka upo kami ngayon ni mama while facing Miss Ferrer.
"Oh,galing ka pala sa Sacred Heart High School, diba All Girls School yun" panimula ni Miss Ferrer habang tinitingnan ang school record ko
"Y-yes Ma'am" medyo nahihiya kong sabi
"How impressive,ang tataas ng marka mo"
I just smile at her.Nakakaflattered eh
"Class 1-3, yan ang section mo and I will be your adviser" she cheerfully said to me
"Thank you Miss Ferrer, Please look after Mariam" sabi ni Mama
Miss Ferrer smile and tiningnan niya kami parehas ni Mama.
"Last week, may nangyaring gulo dito sa eskwelahan at dalawang estudyante ang nasuspinde" kwento ni Miss Ferrer
Nagkatinginan kami ni Mama sa sinabing iyon ni Miss Ferrer.
"Mrs.Ocampo, Please look after Mariam" sabi nito habang naka tingin sa'kin
"Of course well.." nahihiyang panimula ni mama
"there were some bullies na inaaway ang anak ko..she should've ignored them pero nauwi ito sa maliit na argument lang po Miss Ferrer, so don't worry about it" pagpapaliwang ni mama.
Naglalakad na kami sa hallway ni Mama. Hindi pa maalis sa isipan ko ang sinabi ni Mama kanina.
"Ma, bakit mo pa kailangan na sabihin pa iyon?" I asked my mom with a worried tone.
"I just can't help it anak, basta kapag may nang away sayo huwag mo ng papatulan ah just ignore it para walang trouble,ok?" habilin sakin ni Mama
"I will Ma" sabi ko and she kissed my cheeks and umalis na ito.
"Mag iingat ka Ma" pahabol ko and she just give an "ok" hand gesture.
Nang makaalis na si Mama ay tumungo na ako sa Class 1-3. Malaki at malawak itong paaralan kumpara sa previous school ko saka maganda ang ambience.
Heto ako ngayon sa harap ng classroom ko. Medyo kinakabahan ako new school,new environment at new people ang makakasalamuha ko.Parang ayaw kong pumasok, parang gusto ko magsakit sakitan tapos dun na lang ako sa clinic tumambay.
"Class Listen,today we have a new student,Please come inside" Miss Ferrer said saka nag grand entrance ako sa classroom at lahat naman ng kaklase ko ay nakatingin sa'kin.
"Hello everyone, I am Mariam Grace Guzman Ocampo, 18 years old. I hope we can be friends" I smiled at them saka nilibot ko ang tingin sa mga kaklase ko. Agaw pansin ang lalaking malapit sa bintana na nakatitig ito sa'kin and he smile at me...wait!hindi lang ito pangkaraniwang ngiti..it's a playful smile. Agad namang nawala ang ngiti ko dahil dun. It's Julien De Silva, My Handsome Neighbor.
Oh no! Maybe my senior year will be not fun at all.