CHAPTER 2

815 Words
Mariam's POV "Mariam,go take an empty seat" Bigla akong natauhan sa sinabi ni Miss Ferrer at agad ko namang iniwas ang tingin ko kay Julien. waah! ilang minuto na ba ako nakatitig sa kanya? nakakainis. Humanap ako ng mauupuan ko ngunit dalawa lang ang bakante at parehas itong nasa hulihan. Ang choices ko is yung sa left side which is magiging seatmate ko yung Magandang babae or kapag sa right side naman maging seatmate ko si Julien. So naglakad na ako patungo sa upuan ko at syempre pinili ko na maging seatmate ko yung magandang babae. Pagkaupo ko palang ay rinig ko ang bahagyang pagtawa ni Julien. Ano naman kaya ang nakakatawa? Kaya agad naman akong napatingin sa kanya at binigyan ng what's-wrong-with-you look. "class turn your book on page 28" Miss Ferrer said Tiningnan ako ni Julien saglit at itinuon ang pansin sa hawak niyang libro. Naagaw naman ang atensyon ko nang biglang magsalita ang katabi ko. "Here" bahagyang inusog ng seatmate ko yung libro niya para share kami. Tahimik lang akong nakikinig sa lesson ni Miss Ferrer at nag take down notes din ako ng mga importanteng information baka kasi kinaumagahan magpa surprise test or quiz si Ma'am. Mas mabuti nang handa at may alam. *KRRRNG* hudyat na tapos na ang klase namin kay Miss Ferrer. "Since time na, we will continue our discussion tomorrow. Class dismissed" Kinuha na ni Miss Ferrer ang gamit niya at umalis na ito Ang mga kaklse ko ay nag aayos nang gamit nila at yung iba naman ay nagsilabasan na. Habang ako ay abala sa pag aayos nang aking gamit ay biglang may kamay na pumulupot sa braso ko kaya agad naman akong napatingin sa kanya..sa aking katabi. "Hi, I'm Serena.. Serena Montemayor" masiglang pagpapakilala nito sa'kin at hindi pa rin inaalis ang pagkakapulupot nito sa braso. "Hello,I'm Mariam Grace Guzman Ocampo" nakangiti kong saad habang nakatingin sa maganda niyang mukha siguro kung naging lalaki sana ako mahuhulog agad ako sa kagandahan nya maputi, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, inshort she had it all. She's a Perfect 10. "what's wrong? bakit natulala?" natauhan ako sa sinabi ni Serena "Ah..wala.. ang ganda mo kasi eh" medyo nahihiya kong tugon "Salamat Mariam, let's go" inalis nito ang pagkakapulupot sa braso ko tapos tumayo ito. Tiningnan ko ang wristwatch ko it's already 9:32 am, so break time namin ngayon. Papunta kami ngayon ni Serena sa cafeteria. Habang naglalakad kami ay napaisip ako kung ano nga ba ang pwede kong kainin ngayon. I'm craving for adobo na naman. I don't know kung merong adobo sa cafeteria since recess time pa naman baka mamaya pang lunch ang meron nun. Nang makarating kami sa Cafeteria nakita ko ang mga tingin sa amin ng mga estudyante lalo na kay Serena. "Personal Assistant ba yan ni Serena?" "Bakit may kasamang nerd si Serena?" "Napakaganda ni Serena para makisalamuha lang sa nerd na yan" "Ang pangit naman niyan, akala ko pa naman magandang babae ang nagtransfer dito sa school natin hindi naman pala.HAHAHAHA" iyan lamang ang mga narinig kong mga komento sa mga estudyanteng nadaanan namin ni Serena. I just don't mind them, kung pangit ako mas lalong pangit sila saka ayoko naman silang patulan baka mauwi pa sa away. Pero huwag lang nila ako sasagadin kasi papatulan ko talaga sila. Pumila na kami ni Serena. "Mariam, ano ang kakainin mo?" tanong nito habang nakatingin sa mga nakahain na pagkain. Tiningnan ko naman ang mga pagkain. Salamat! kasi mayroong adobo. Craving ako sa adobo simula nang matikman ko yung adobong luto ni Tita Juliet. "Ah,saken yung adobo ikaw?" masaya kong sabi kay Serena habang tinuro turo yung adobo tumawa naman nang bahagya si Serena at nagsalita ito "OMG! same tayo. I've been craving for adobo about 2 days na" she said with an amused look. Nang makabili na kami ni Serena ay humanap na kami ng pwesto yung apatan ang upuan. "let's eat" excited na sabi ni Serena kaya agad kong nilantakan yung pagkain at ganon din si Serena. Habang tahimik kaming kumakain ay may biglang nag tap sa kanang balikat ko kaya napatigil ako sa pagkain at napatingin ako sa taong 'yun. "Julien" tawag ni Serena "Can I join you?" tanong nito habang nakatingin sa'kin at agad naman akong umiwas nang tingin "Pwedeng pwede kang mag join sa amin, diba Mariam" sabat ni Serena tsaka tumingin sa'kin and I can see an awkward smile. Hindi pa man ako nagsalita ay umupo na si Julien sa tabi ko. Tahimik itong kumakain and napansin ko adobo din ang kinakain niya. "Omg! we're team adobo, Paborito mo din ba yan Julien?" tanong ni Serena, I saw something in her eyes the way Serena looks at Julien. It's like she's interesting on him. "No" tipid nitong sabi without looking at her and nagfocus lang ito sa pagkain "Ah,ganun ba?" she said and gave us an awkward laugh
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD