CHAPTER 2

1733 Words
CHAPTER 2 “Alam ko na! Bakit kaya hindi na lang si Kapitan Anatalio ang ireto ko sa ‘yo, Eleanor?” Nagkatinginan kaming dalawa ni Kapitan. Nakaramdam ako na parang uminit ang aking magkabilang pisngi. “Namumula si Eleanor, oh!” tumanggi agad ako. Bakit naman ako mamumula? “Mga kalokohan mo talaga, Joefel! Dinadamay mo pa si kap!” Maraming mga babaeng tinutukso rito sa gwapo naming kapitan. Mapabata man, kasing edad niya, o kaya naman kahit matatanda na ay nahuhumaling pa rin sa kanya. Bukod kasi sa mabait sa ibang tao ay gwapo rin kaya bet na bet ng lahat. May lahi yatang American ang kanyang lola kaya naman ay ubod ito ng puti kahit na nandito kami sa bukid. “Eh, kasi, wala namang asawa itong si Kapitan Anatalio. Wala ka rin namang nobyo, Eleanor. Aba, malay mo at kayo palang dalawa sa huli! Hindi natin alam na sa kapit-bahay mo lang pala mahahanap ang forever mo!” hindi kailanman pumasok sa isip ko na mag- aasawa ako kay Kapitan Anatalio. Kahit ubod pa siya ng gwapo ay hindi naman ako nakaramdam na parang mas lalalim pa ‘yon. “Alam mo, Joefel. ‘Wag mo kaming isali ni Kapitan sa mga kalokohan mo!” nakita kong maging si Kapitan ay natatawa sa sinasabi ni Joefel sa akin. “Si Kapitan Anatalio ang dapat nating tanungin tungkol d’yan. Kasi babae ka naman, Eleanor. . .” humarap ito kay Kapitan. Uminom na muna ito gn softdrinks na nasa baso niya bago pinagpatuloy ang kanyang sasabihin. “Kap, wala ka namang nobya ngayon, kap. Tanong lang naman ‘to, kap, ah? May chance ba na magkagusto ka kay Eleanor?” umamba ako na parang susuntukin ko si Joefel. Ang lakas ng loob niyang itanong ‘yan! Kababata ko itong si Joefel kaya ang alam ko ay puro kalokohan lang ang alam niya sa buhay. Ewan ko ba kung bakit pinatulan ‘to ng asawa niya. Ang asawa niya ay kababata ko rin at medyo close kaming dalawa. “Joefel, masyado pang bata para sa akin si Eleanor. Sigurado akong ang tipo niyang mga lalaki ay kaedad niya lang.” K I N A B U K A S A N “Bilisan mo na d’yan, Eleanor at baka mahuli tayo sa party ni Kap!” sigaw sa akin ni tiya Aurelia. Kanina pa nakasara ang tindahan niya dahil sobrang excited na ito para sa selebrasyon ngayon. Pinaghandaan niya ito ng sobra dahil bumili pa siya ng isang bagong damit. Ang suot niya ay kulay pulang bestida, sleeveless iyon at v- neck. Hanggang tuhod niya iyon. Ang aking tiyahin ay malaking babae, kaya lang ay wala itong pwet at dibdib lang ang kanyang maipagmamalaki. “Tiya naman, masyado kang excited! Nasa kabila lang naman ang bahay ni kap at mukhang kaunti pa lang naman ang mga tao.” sabi ko habang naglalagay ng lipstick sa aking labi. Puting square pants ang aking suot, terno din nun ang isang puting t- shirt na may print na malaking puso sa gitna na kulay itim. Nagsuot lang ako ng tsinelas dahil malapit lang naman tsaka gabi na. “Tapos kana ba? Halikana, baka nandoon na sina Nene maunahan pa tayo!” sina Nene ay mga kasing edad din niya. Palagi niyang kasama sa inuman. Nang matapos na kaming mag- ayos ng aming mga sarili ay lumabas na kami ng bahay. Napatingala ako sa taas at nakita ko ang mga kumikislap na butuin. Hindi naman yata uulan dahil payapa naman ang langit. Habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Kapitan Anatalio ay sa labas pa lang marami na kaming nakakasabay na mukhang doon din papunta. Malakas ang musika at mapapaindak ka sa tunog nun. Wala ng mga magulang si Kapitan Anatalio. Namatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente at naiwan lang siyang mag- isa. Pero kahit ganoon ay hindi siya napabayaan dahil maraming mga ari- arian at malalapad na lupain ang naiwan sa kanya. Isa rin siyang engineer. Mas lalong lumakas ang tunog nang makapasok na kami sa kanilang gate. May mga mesang at upuan na nakahanda, at may iilang tao ng nakaupo doon. Sa harap naman, malapit sa kanilang main door ay nandoon nakalagay ang isang mahabang mesa kung saan nakapatong sa ibabaw ang iba’t- ibang mga pagkain. “Batiin na muna natin si Kap, Eleanor! Mukhang wala pa naman dito sina Nene.” Sabi nito sa akin at hinawakan ang aking kamay. Hinila niya ako papunta sa kumpol ng mga tao. Malapit iyon sa main door. Kahit sa rami ng mga tao na nakapalibot sa kanya ay kahit sa malayo ay kitang- kita ko pa rin siya. Ibang- iba ang kanyang porma ngayon. Madalas ay sa tuwing bumibili siya sa aming tindahan ay simpleng mga t- shirt at short na kupas lang ang kanyang suot. Pero ngayon ay ibang- iba siya. Maayos at mukhang ilang paketeng gel ang nilagay sa kanyang bagong gupit na buhok. Nakasuot ito ng pormal na longsleeve na kulay puti, nakatupi iyon hanggang sa kanyang siko. Kulay itim naman ang kanyang sapatos at slacks. Habang nakikipag- usap siya sa iba ay nasa loob lang ng bulsa ng kanyang pantalon ang isang kamay niya. Tumatawa ito at minsan ay napapahawak ito sa kanyang baba. Ang gwapo ni Kap! Kahit noong kabataan niya ay mukhang gwapo rin siya! Nang makalapit na kami sa kanila ay nakuha agad ni tiya ang kanyang pansin. “Magandang gabi, kap! Kahit isang buwan na ang nakalipas, binabati ka pa rin namin sa iyong pagkakapanalo sa eleksyon! Sana ay mas mataas na posisyon na ang tatakbuhan mo sa susunod.” Ngumiti ito sa sinabi ng aking tiyahin at nilahad pa ang kanyang kamay. “Maraming salamat sa inyong mainit na suporta sa akin, Aurelia. At salamat sa pagpapunta!” halos mangisay sa kilig ang aking tiyahin nang tanggapin niya ang kamay ni Kap Anatalio. “Sa ‘yong- sa ‘yo ang boto naming dalawa ni Eleanor, kap!” mabilis akong tumango nang sikuhin ako ng aking tiyahin. “Opo!” nahalata kaya nila na halos hindi na ako kumurap sa pagtitig sa Kapitan namin? “Magandang gabi, Eleanor!” binati ko siya pabalik. Umiwas na ako ng tingin sa kanya. May mga iilang bagong dating na pumunta sa kanya kaya hinila ko na si tiya para umalis na doon. “Ang gwapo ni Kap, Eleanor! Sana ayain niya akong sumayaw mamaya! Ipapakita ko sa kanya ang tinatago kong galing sa pagsayaw!” impit itong humiyaw na parang kilig na kilig pa. Hindi ko siya sinagot. Naghanap lang muna ako ng mauupuan. Wala pa ang ibang mga kaedad ko rito. Unti- unti ng dumami ang mga tao. Dumating na rin ang ibang kamag- anak ng aming Kapitan na nakasakay pa sa dalawang magagarang kotse. Hindi sila taga rito. Dumating ang kanyang lolo at lola, magulang iyon ng kanyang ama. May dalawang babae at tatlong binata rin na mukhang pinsan niya. May mga seremonyas pang ginawa bago nasimulan ang kainan. Kasama ko sa iisang mesa si Joefel at ang asawa nitong si Hershey. Wala ang anak nila dahil gabi na. Si Tiya naman ay hindi na ako binalikan kanina at nandoon na sa mga kaibigan niya. Lasing na nga yata ang mga iyon dahil sa lakas ng mga tawanan nila sa kanilang mesa. “Okay lang ba kayo rito, Joefel? May pagkain pa doon sa mesa. Kumuha pa kayo,” muntik akong mabilaukan nang mayroong nagsalita sa aking likuran habang kumakain ako ng salad. “Busog na po kami, kap! Ang sasarap po ng mga pagkain n’yo rito!” ramdam kong malapit lang siya sa akin dahil naamoy ko ito. Sa tuwing bumibili siya sa akin sa tindahan ay madalas parang amoy kahoy siya na ewan. Kaya ngayon alam kong may pabango siya dahil naamoy ko ang parang Victoria secret na amoy. “Ikaw, Eleanor, baka gusto mo pang kumain. ‘Wag kang mahiyang kumuha doon sa mesa, marami pang mga pagkain na nandoon.” Nakita ko ang ngisi ni Joefel sa akin. Nang lumingon ako ay hindi ko akalain na ganito pala kalapit si Kapitan sa akin. Ang kanyang kamay ay nakapatong pa sa ibabaw ng sandalan ng aking upuan. Kung nasa malayo ka ay makikita mo na parang inaakbayan ako nito. “Busog na po ako, kap. Maraming salamat po,” Nang matapos kumain ay doon na nagsimula ang mga palaro nila. Wala namang magrereklamo na maingay kami dahil halos lahat ng tao sa lugar namin ay nandito naman. “Magsisimula na ang ating palaro! Sino ang gustong sumali?” napailing ako nang makita kong halos tumakbo na ang aking tiyahin papunta sa gitna. Hila- hila nito ang kanyang dalawang mga kaibigan. “Wala na bang ibang sasali d’yan?” tanong nito nang makitang kaunti lang ang mga sumali. “Sumali tayo, Hershey!” rinig kong ay ani Joefel sa kanyang asawa. “Ayoko, pagod ako ngayon dahil ang dami kong nilabhan kanina. Manood na lang tayo,” Nakita kong tinuturo ako ng aking tiyahin sa taong may hawak ng mic. “Si Eleanor daw! Sumali ka raw sabi ng tiyahin mo!” Wala akong nagawa kung hindi tumayo at maglakad papunta sa kanila. Nasa unahan din pala si Kap, nakaupo ito kasama ang kanyang mga kagawad at mukhang manonood pa sa paglalaro. “Ang ating unang laro ay tatawagin nating putukan na!” dalawa lang kaming medyo bata sa aking grupo at halos lahat ay matatanda na. Sa kalaban naman namin ay walang mga bata at halos lahat ay mayroon ng edad. Sinabi na sa amin kung ano ang gagawin. Binigyan na kami ng tig- iisang lobo at kailangan namin itong paputukin sa pamamagitan ng pag- upo sa kandungan ng ibang kagrupo namin. Buti na lang ay ang nasa unahan ko ay babae at ganoon din sa aking likuran. Tumayo ang isang kagawad at may binulong ito sa aming emcee. Ngumiti ito at tumango. Mga matatanda na rin ang aming mga kagawad at may pamilya na ang lahat. “Gusto raw sumali ng mga barangay officials natin!” humiyaw ang aking mga kagrupo at nangunguna na doon ang boses ng aking tiyahin. Hinati na muna silang lahat at napunta sa aming grupo si kap. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari pero siya na ang nasa aking unahan. Ibig sabihin lang nun ay sa kandungan niya ako uupo para maputok ko ang lobo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD