CHAPTER 3
“Ready, set, go!” tumakbo na ang aking mga kasama nang isigaw iyon ng emcee. Lahat sila ay nagsisigawan na dahil sa naging labanan. Ngunit ako ay namamawis na ang aking mga kamay. Nakikita ko na kung paano laruin at hindi ko gusto ang sitwasyon ngayon. Parang gusto ko ng umatras sa mga oras na ito. Lalo na at papalapit at papalapit na si kap.
Lamang na kami kaya mas lalong nagkagulo ang mga kagrupo ko. Gusto ko rin namang manalo kami pero bakit si kap pa ang nasa harapan ko ngayon?
“Go, kap!” sigaw sa kanya ng mga tao. Tumakbo na papunta sa unahan si kap at pumutok na ang kanyang lobo. It is my turn now.
“Go, Eleanor! Tumakbo kana! Mananalo na tayo!” aligaga ako nang itulak ako ni tiya para tumakbo na.
Hawak- hawak ko ang lobo habang mabagal na tumakbo papunta kay kap. Nakasunod din sa akin si tiya at sinisigawan ako sa kung ano ang dapat kong gawin.
“Upuan mo na! Bilisan mo! Baka makahabol pa ang mga kalaban natin!”
Prenteng nakaupo si kap at hinihintay na ang pag- upo ko sa kanyang kandungan.
“Ilagay mo na, Eleanor! Ang bagal mo!” atat na sigaw ni tiya habang nakatingin sa kalaban namin.
Nilagay ko ng dahan- dahan sa kandungan ni kap Anatalio ang aking hawak na lobo. Sa unang upo at lundag ko ng mahina ay hindi iyon pumutok.
“Ang hina, Eleanor! Lakasan mo naman!”
Napatingin ako sa aming kalaban at nakita kong malapit na kaming mapantayan.
“Ayan na sila! Makukurot ko talaga ang singit mo mamaya, Eleanor!”
Sa aking pangalawang upo ay yumakap na ang mga bisig ni kap sa aking tiyan at hinila na niya ako papunta sa kanyang kandungan. Sa pangalawang upo ko ay doon pa lang pumutok ang lobo kaya naman ay diretso na ang aking pang- upo sa kanyang kandungan.
“Tapos na! Ikaw na ang susunod!” tumakbo na si tiya at naiilang akong tumayo mula sa aking pagkakaupo sa kandungan nito.
Ni hindi ako makatingin sa mga mata ng aming Kapitan dahil sa hiyang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Umalis na mula sa kanyang pagkakaupo si Kapitan at ako na ang pumalit sa kanya.
Dahil babae naman ang kasunod sa akin ay naging madali lang iyon. Huli na kasi nang binulungan ako ni tiya na kurutin ko raw ng kuko ko kaya natagalan kaming dalawa ni tiya kanina.
Sa huli ay nanalo ang aming grupo.
Sa mga sumunod na laro ay hindi na ako sumali pa. Bumalik ako sa aming mesa at mayroon ng dumagdag na mga tao.
“Eleanor, halika rito! Ito ‘yong sinasabi ko sa ‘yong kababata ko na kakauwi lang. Samuel, ito nga pala si Eleanor,” hindi pa ako nakakaupo ay iyon na ang sinalubong sa akin ni Joefel.
Tumayo ang lalaki at nilahad niya ang kanyang kamay sa akin.
“Hello, magandang gabi, Eleanor.” Nakangiting bati nito. Tinanggap ko naman ang kanyang kamay at nakita kong malapad na ang mga ngiti ni Joefel sa aking ginawa.
“Magandang gabi rin, Samuel.” Nang bitawan ko ang kanyang kamay ay naupo na ako.
May nakatayo ng alak sa gitna ng mesa namin at mukhang nagsimula na silang uminom nang sumali ako sa laro kanina.
Sa pangalawang laro ay ilang barangay officials na lang ang sumali. Si Kap naman ay hindi na rin sumali. Nakatayo siya kasama ang kanyang mga kamag- anak.
Umikot na ang baso sa aming mesa hanggang sa mapunta na iyon sa akin. Umiinom naman ako, pero gaya lang nito, sa mga okasyon lang. Pero kapag ordinaryong araw lang ay hindi naman ako umiinom.
Katabi ko si Samuel at sinasagot ko naman ang kanyang mga tanong sa akin. Nasa harapan namin sina Joefel at Hershey, may sumali rin sa aming isang lalaki kaya lima na kaming nandito ngayon.
Libre rin ang alak na ito. At hindi ko namalayan na nakailang bote na pala kaming lima sa mesa namin.
“So, d’yan lang pala sa tabi ang bahay n’yo?” tanong sa akin ni Samuel.
Parehas na kaming natatamaan ng alak. Kaunti na lang din ang mga naiwang tao rito at karamihan ay mga lasing na. Sumasayaw na ang iba sa gitna at kanina pa ako inaaya ni Samuel na sumayaw. Kaso tumatanggi ako dahil umiikot na ang aking paningin.
“Bahay ‘yan ng tiyahin ko. Ang totoong bahay ko ay malayo rito.”
Ang kamay nito ay nasa likod na ng aking upuan at ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha namin sa isa’t- isa.
“Sasayaw muna kami doon, Samuel at Eleanor. Ipagpatuloy n’yo lang ang inyong pag- uusap at baka sa susunod na mga buwan ay ikasal na kayo.” Dahil sa tama ng alak sa aking sistema ay tumawa ako ng malakas.
Tinungga kong muli ang isang baso ng alak at padabog iyong nilapag sa mesa
“Punta muna ako ng banyo, Eleanor. Kanina pa ako naiihi, balikan na lang kita mamaya rito.” Pumipikit- pikit akong tumango sa kanya.
Nang iwan niya ako ay muli kong nilagyan ng alak ang aking baso at tuloy- tuloy na nilagok iyon.
Pinikit ko muna ang aking mga mata dahil nang tumingin ako sa mga tao ay umiikot na ang aking paningin. Lasing na nga talaga ako. Magpapahatid na ako mamaya kay Joefel kapag bumalik na silang dalawa ni Hershey dito.
“Eleanor. . .” minulat ko ang aking mga mata upang tingnan kung sino ang tumawag sa aking pangalan. Ilang beses akong kumurap- kurap upang aninagin kung sino itong tao na nakatayo sa aking harapan.
“Eleanor, lasing kana. Kanina pa umuwi ang tiya mo,” ang boses na iyon. Si Kapitan bai to? Tinitigan kong mabuti hanggang sa hindi na malabo ang aking paningin.
“Kap. . .” lumayo ako at muntik ng maduling dahil kaunting- kaunti na lamang ay magtatagpo na ang mga labi naming dalawa.
“Kap, ang saya ng selebrasyon n’yo! Maraming salamat sa pag- imbita sa amin!” ngumiti ito at ginulo ng kaunti ang aking buhok.
“Lasing kana, gusto mo bang iuwi na kita sa inyo? ‘Wag ka na masyadong uminom,” ang sarap pakinggan ng kanyang boses sa mga oras na ito.
“Nasusuka ako, kap. Nasaan ang banyo n’yo rito?” tanong ko sa kanya at tinakpan ko ang aking bibig.
“Nasusuka ka? Samahan na kita. Kaya mo bang tumayo?” tumango ako sa kanya.
Ngunit sa aking pagtayo ay muntik na akong matumba. Buti na lamang ay nahawakan niya ang aking siko.
“Alalayan na kita papunta sa banyo, Eleanor. Mukhang hindi mo na kaya,” hindi na ako umangal pa dahil totoo naman ang sinabi niya na hindi ko na kaya.
Talagang umiikot na ang aking paningin at pakiramdam ko ay umaalon ang lupang tinatapakan ko.
Pumasok kaming dalawa sa loob ng kanilang bahay. Walang mga taong nandoon. Ang halos lahat ng tao ay nandoon na sa gitna ng kanyang bakuran at sumasayaw na dahil sa tugtog.
Pumasok kami sa kusina. Ang linis ng kusina nito sa loob. May dalawang malalaking refrigerator na nandoon. Ang dami ring prutas sa gitna ng counter niya. Ngayon lang ako nakapasok sa bahay na ito kahit na ilang taon na kaming magkapit- bahay.
“Lumiko ka lang d'yan, nand'yan na ang banyo, Eleanor.”
Napalingon ako sa kanya. Dahil inaalalayan niya akong maglakad ay nakahawak ang kanyang kamay sa aking balikat na parang naka- akbay. Uminom din siya. Naamoy ko na may halong alak na ang kanyang amoy. Pero hindi iyon mabaho. Mas matangkad ito sa akin. Napatingala ako sa kanya. Dahil hindi ito nakatingin sa akin ay kitang- kita sa aking pwesto ang kanyang Adams apple na bumababa at napupunta sa taas sa tuwing napapalunok ito. Sa bawat paglunok nito ay may kung ano akong naramdaman sa loob ko. Tila ba ay naaakit ako lalo na nang dumako ang aking mga tingin sa namumulang mga labi nito. Ngayon ko lang siya natitigan ng mabuti dahil madilim naman sa labas. At dito sa loob ng kanyang kusina ay nakasindi ang lahat ng ilaw. Namumula na rin ang kanyang pisngi dahil sa kanyang iniinom na alak.
He slowly looked at me.
Tumitig ito sa akin.
“Are you okay, Eleanor?” bumaba siya ng kaunti at umabot na sa puntong pumantay ang kanyang mukha sa akin.
“Bakit parang gusto na kitang halikan, kap?”