CHAPTER 4

1306 Words
CHAPTER 4 “Are you okay, Eleanor?” bumaba siya ng kaunti at umabot na sa puntong pumantay ang kanyang mukha sa akin. “Bakit parang gusto na kitang halikan, kap?” Nasa tamang pag- iisip pa ba ako sa mga oras na ito? Ngayon ko lang ito naramdaman sa kanya. Nakakaakit ang kanyang mga labi sa aking paningin. Na para bang gusto ko na lamang siyang itulak papunta sa akin, upang magdikit ang aming mga labi. Isang pagnanasa na tila apoy, sumisiklab sa aking dibdib, na nagtutulak sa akin na higit pang lumapit, na higit pang makapit sa kanya. Ngunit ang pagnanasang iyon, ang pag-uudyok na iyon, ay masyadong malakas, at masyadong mapang-akit. “Lasing kana, Eleanor. Hindi mo na alam ang iyong sinasabi. Sige na, pumasok kana ng banyo. Hihintayin kita rito sa labas.” Dapat ay makaramdam ako ng pagkahiya sa naging sagot nito sa akin. Ngunit kabaligtaran nun ang aking naramdaman. Mas lalong umusbong ang aking damdamin. Gusto kong maramdaman ang labi niya, ang init ng kanyang hininga, at ang haplos nito sa aking balat. Sa bawat segundong dumadaan, mayroong nag- uudyok sa akin na ilapit pa lalo ang aking katawan sa kanya. “Ayaw mo ba sa aking halik, kap? Tinatanggihan mo baa ko?” mayroong halong pagtatampo sa aking boses. Napaigtad ito at tila napapaso itong umiwas nang subukan kong hawakan ang kanyang pisngi. “Lasing ka, Eleanor. Hindi mo dapat ginagawa ang bagay na ito gayong wala ka sa wastong pag- iisip. Subukan mong itanong ulit sa akin ‘yan bukas at ibibigay ko sa ‘yo ang gusto mo.” Napaawang ang aking mga labi. Dumampi na ang aking mainit na palad sa kanyang pisngi at sa ngayon ay hindi na siya umiwas. Hinayaan na niyang hawakan at haplusin ko iyon ng marahan. “Paano kung mas gusto kong gawin ngayon, kap? Nakakaakit ang iyong mga labi. Maaari ko bang tikman at ng malaman ko kung ano ang lasa, kap?” ang aking kamay na nasa kanyang pisngi ay unti- unti iyong naglakbay patungo sa malalambot na labi nito. Hinaplos ko iyon. “Pumasok kana sa loob, Eleanor. Malapit ng maputol ang aking pasensya. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sa ‘yo kung sakali.” Nababaliw na ba ako? Kahit ang kanyang boses ay sadyang nakakaakit na sa aking pandinig. Nag- aapoy ang aking katawan. “Bakit, kap? Anong gagawin mo?” I tried to move my face closer to his. Nagulat ang aking buong sistema sa kanyang sunod na ginawa. Hinila niya ako sa isang sulok. Iyon ang daan papunta sa banyo. Dali- dali niya akong sinandal sa dingding at kinulong ng kanyang mga kamay upang hindi ako makawala. Sigurado akong walang pumapasok na tao rito dahil nasa tagong parte ito. Wala rito si Samuel at mukhang ibang banyo ang kanyang napuntahan. “What do you want now, Eleanor? Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo,” he said in a very husky voice. Nanuyo ang aking lalamunan. Nasaan na ang tapang mo ngayon, Eleanor? Bakit hindi kana makapagsalita at makasagot sa kanya? Kanina lang ang tapang- tapang mo. Bakit ngayon ni isang salita ay walang lumabas sa iyong bibig? “What? Nawala na lang ba bigla ang tapang mo?” pang- aasar nito. Dahil hindi ko nagustuhan ang tono ng kanyang boses ay tumingkayad ako. Sa pagkakataong iyon ay umusbong na naman ang tapang sa aking katawan. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ko ang aking sarili na gawin ang gusto kong gawin simula nang makapasok kaming dalawa sa kusina niya. Sa oras na maglapat ang mga labi naming dalawa ay akala ko mawawala na ang aking pagka- uhaw. Ngunit nagkamali ako, isa iyong napakalaking pagkakamali. Dahil sa halik na iyon ay mas lalo ko lang nilagay sa alanganin ang aking sarili. Dahil sa halik na iyon ay tila mayroong hinahanap ang aking katawan. Hindi halik, higit pa sa halik ang aking gusto. Gumalaw ang kanyang labi. Parang akong nasa dagat at dinadala ako ng alon sa hindi ko alam kung saan. Nagtagal ng ilang minuto ang aming halikan. Nang bitawan niya ang aking labi ay humabol pa ako ngunit ako ay nabigo dahil iniwas niya ang kanyang mukha sa akin. “Tama na, Eleanor. Hindi ito tama, lasing ka. Pumasok kana sa loob, maghihintay ako sa ‘yo sa labas.” Iniwan niya agad ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Nanghina ang aking mga tuhod na para bang dinala ni Kapitan ang buong lakas na natitira sa aking katawan. Kung hindi ako nakasandal sa dingding ay baka kanina pa ako natumba. Sinikap kong makapasok sa loob ng banyo. Nawala na ang naramdaman ko kanina na parang masusuka ako. Umihi na lang ako sa loob. Nahimasmasan na ako ng kaunti. Medyo maayos na rin ang aking paningin at paglalakad nang lumabas ako. At ngayon pa lang, parang ayaw ko ng magpakita pa kay Kapitan. Kahit ang aking kaluluwa at anino ay nahihiyang magpakita sa kanya. Ano ang pumasok sa isip mo, Eleanor? Bakit mo siya inayang halikan ka? May sira ka ba sa ulo? Nakatayo ako at nakatago rito sa malaking vase na na nasa sala nila. Nakasilip ako kay Kapitan na nakatayo sa labas. May kausap itong tao, nakalagay ang kanyang kamay sa likuran niya. Paano ako lalabas at uuwi ng hindi niya nakikita? Pwede bang dalhin ko na lang itong vase para makapagtago ako sa kanya? Bumalik ako sa loob ng kusina at naghanap ng posibleng mga daan para makalabas ako. Nagtagumpay naman ako. May daan palabas. Ang kailangan ko lang gawin ay bilisan ang paglalakad para hindi niya ako mapansin. Nang maglakad na ako ay tinakpan ko ng aking buhok ang aking mukha. Double- double ang aking bawat hakbang. Napagtanto ko na kanina ko pa pala pinipigilan ang aking paghinga dahil nang tumapak na ang aking paa sa labas ng bahay nila ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. “Salamat naman at nakalabas ako doon,” bulong ko sa sarili ko. Naglakad na ako papunta sa loob ng aming bahay. Tanghali na nang magising ako. Nakatulog na agad ako kagabi nang makauwi ako. At oo, naaalala ko pa rin ang katangahan na ginawa ko kagabi. Kahit anong pilit kong kalimutan iyon ay paulit- ulit lang na bumabalik ang mga alaala ko. Doon pa talaga bumabalik sa senaryo kung saan naglapat na ang mga labi naming dalawa. Lasing ako kagabi. Pwede ko ‘yong gamiting rason. Sasabihin ko sa kanya na wala na akong maalala pa. “Eleanor, gumising kana d’yan at aalis na ako!” kasunod ng pagsigaw ni tiya ay ang kanyang katok mula sa labas ng aking kwarto. Tapos na akong maligo at kanina pa ako gising. Hindi lang ako lumabas. Bakit baa ko natatakot na lumabas? Wala naman si Kapitan sa labas. Binuksan ko ang pintuan. Naligo na agad ako nang magising ako kanina para mawala ang sakit ng aking ulo. “Masakit ‘yong ulo mo, ‘no? May sabaw akong hinanda d’yan, initin mo na lang kapag kakain kana. May gamot din doon sa mesa kunin mo na lang mamaya.” Naglakad kaming dalawa papunta sa sala. “Aalis na ako, Eleanor. Ikaw na ang bahala sa tindahan. ‘Wag kang magpapautang sa iba, ah?” tumango ako sa kanya at naupo sa sofa na gawa sa kawayan. Pupunta na naman iyon sa kanyang kaibigan at magsusugal na naman. Napahawak ako sa aking sentido nang kumirot iyon. Kaya ayaw kong umiinom ako, eh. Kasi ito agad ang mararamdaman mo. “Pabili po!” Hawak- hawak ko ang aking sentido nang lumabas ako para pumunta ng tindahan. “Anong bibilhin n’yo?” tanong ko nang makapasok na ako sa loob. Umatras agad ako ng isang hakbang nang makita kung sino ang bibili. “Magandang umaga, Eleanor. Pabili nga ako ng isang sibuyas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD