CHAPTER 5

1401 Words
CHAPTER 5 “Anong bibilhin n’yo?” tanong ko nang makapasok na ako sa loob. Umatras agad ako ng isang hakbang nang makita kung sino ang bibili. “Magandang umaga, Eleanor. Pabili nga ako ng isang sibuyas.” Si Kapitan! Ang taong iniiwasan ko ay nasa harapan ko na ngayon. “Eleanor? Ayos ka lang ba?” nag- aalalang tanong nito sa akin nang hindi ako makasagot sa kanya. Umakto ka na parang wala kang naalala sa ginawa mo kagabi, Eleanor. 'Wag mong ipahalata na mayroon kang naaalala. “Magandang umaga, kap! Isang sibuyas lang po ba?” pilit akong ngumiti sa kanya at naglakad na papalapit. Binuksan ko ang maliit na pintuan bago ako kumuha ng isang pirasong sibuyas. “Oo, Eleanor.” Nang inabot ko na sa kanya ay binigay niya rin sa akin ang kanyang bayad. Sakto lang iyon kaya naman ay nilagay ko na iyon sa arenola na ginawa ni tiya na lalagyan ng kita sa tindahan. Akala ko ay aalis na ito pagkatapos niyang bumili. “Kumusta ka ang pakiramdam ko ngayon? Ang dami mong nainom kagabi,” tanong nito sa akin. Buo na ang aking loob na magpanggap na wala akong naaalala sa naging halikan naming dalawa. “M- mabuti naman po, kap! Medyo masakit lang ang ulo ko. Ang dami ko palang nainom na alak kagabi. Hindi ko na matandaan ang ibang mga nangyari. Kahit nga kung paano ako nakauwi ay hindi ko na rin maalala.” mahabang sabi ko. Sana ay 'wag niyang mahalata na nagsisinungaling ako. “Uminom ka ng gamot, Eleanor. Para mas mabilis na mawala ang sakit ng ulo mo. Sana natuwa kayong dalawa ng tiya mo sa aking simpleng selebrasyon.” tumango ako bago sumagot. Kahit kakaligo ko lang ay tagaktak na naman ang aking pawis. “Natuwa po kaming lahat, kap! Maraming salamat po! Sana sa susunod ay may gaanong selebrasyon din tayo.” saan ka ba talaga natuwa, Eleanor? Hindi, hindi ako natuwa sa halik na iyon. “Oo naman, hindi 'yon ang huli, Eleanor.” natigil ako at napatingin sa kanya habang nanlalaki ang aking mga mata. Bakit parang iba ang ibig sabihin nun? May ibang pinapakita ang kanyang mga mata. Umubo siya ng mahina, tumitig ng mariin sa akin at isang ngiti ang pinakita ng kanyang mga labi. Isang ngiti na puno ng kahulugan. “Alis na muna ako. Magluluto pa ako ng pananghalian.” paalam nito sa akin at mabilis siyang tumalikod. Nang mawala na siya sa aking paningin ay tsaka lang ako napaupo ako sa isang upuan. “Salamat naman at naniwala siya. . .” bulong ko sa sarili ko Nadala lang ako ng tama ng alak kaya ko nagawa ang bagay na iyon. Lumipas ang mga araw at naging normal naman ang aming pakikitungo ni kap sa isa’t- isa. Na para bang walang halikang nangyari sa aming dalawa nung gabing iyon. Pakiramdam ko ay parehas namin iyong kinalimutan para hindi magkaroon ng pagkailang ang aming pagtuturingan sa isa’t- isa. “Birthday ko mamaya, Eleanor! Pumunta ka, ah? Doon kana maghapunan.” Bumili ng tatlong 1.5 na coke si Joefel sa tindahan at sinabi niya iyon sa akin. “Susubukan ko, Joefel. Kapag nakauwi si tiya ay pupunta ako. Pero kapag hindi ay baka walang magbabantay ng tindahan niya.” Napakamot siya sa kanyang ulo. “Pupunta ka dapat kasi nandoon si Samuel mamaya! Nagtatampo pa rin iyon sa ‘yo dahil iniwan mo.” Nung gabing umuwi ako ay hindi na ako nakapagpaalam pa kay Samuel dahil iniiwasan ko na magkrus ang landas naming dalawa ni kap. Hindi na kami nagkita pa ng mga sumunod na araw kaya naman ay hindi na ako nakahingi ng paumanhin sa kanya. Sumapit ang hapon, dumating naman si tiya kaya nagpaalam akong pupunta ng birthday ni Joefel at pumayag naman ito. Kanina ay nag- isip na ako ng pwede kong dalhin doon. 'Yong madali lang lutuin para mabilis. Nagpasiya akong Maja Blanca nalang ang lutuin dahil may mga sangkap naman kami rito sa tindahan. Nang matapos na akong magluto ay nilagay ko muna iyon sa loob ng refrigerator namin para mas mabilis tumigas. Nagsimula na akong mag- ayos nang matapos akong magluto. Naligo ako at nagbihis ng isang kulay pink na t- shirt at short na maiksi. Pagkatapos kong mag- ayos ng aking sarili ay nag- abang lang ako ng tricycle sa labas. Mayroon namang mga dumadaan ng ganitong oras dahil alas sais pa naman. Kung umaga ito ay pupwede ko namang lakarin. Kaya lang ay gabi at natatakot akong maglakad ng mag- isa. Sampong piso lang naman ang bayad sa tricycle kaya pwede na rin. Hindi pa ako nakakarating sa bahay ni Joefel ay alam ko na agad na andoon si Kapitan sa kanila. Dahil nakaparada sa labas ng kanilang bahay ang kanyang kulay puting pick- up ni Kapitan. Pwede pa ba akong umatras ngayon? Syempre iimbitahin din niya si Kapitan dahil malapit ang loob nila sa isa’t- isa. Bakit ko nga ba hindi naisip iyon? Huli na ang lahat dahil huminto na ang tricycle sa tapat ng bahay. Humigpit ang aking kapit sa aking dalang Maja Blanca. “Ito po ang bayad, manong.” Inabot ko ang aking bayad at bumaba na ng tricycle. Sakto lang ang laki ng bahay nina Joefel. Nung unang beses na pasok ko rito ay birthday ng kanyang anak. Pagpasok mo ay bubungad sa ‘yo ang kanilang sala, at ang nagsisilbing harang lang sa sala at kusina ay isang mataas na kurtina. Isang kwarto lang din ang nandoon. At nasa likod naman ang kanilang banyo. May mga bulaklak na gumamela ang labas ng kanilang bahay na nagsisilbing bakod ng bahay nila. Sa gilid ay mayroong mga tanim na okra at talong. Rinig ko ang mga tunog ng palaka marahil ay nasa harapan lang ng bahay nila ang taniman ng mga palay. Naglakad na ako papunta sa loob. Sa labas pa lang ay rinig ko na ang kanilang mga tawanan. Marami kayang bisita ngayon si Joefel? “Magandang gabi po,” bati ko sa kanila nang nasa tapat na ako ng pinto. Ang unang nakita ko ay limang tao, kabilang na doon si Joefel, Samuel, at si Kapitan. May dalawa pang mga lalaki na katrabaho rin yata ni Joefel. “Hershey, nandito na si Eleanor! Pumasok ka, Eleanor! Nasa kusina sina Hershey, hinahanda ang ating hapunan. Ano 'yang dala mo? Sana hindi kana nag- abala pa.” Tumayo ito at sinalubong ako. Kinuha niya mula sa akin ang inabot kong isang Maja Blanca. Buti nalang at marami itong dala ko. “Happy birthday, Samuel! Pasensya kana at Maja Blanca lang ang kaya kong lutuin ngayon!” “Ano ka ba! Okay lang 'yon! Salamat dito!” Iwas na iwas ang aking mga tingin kay Kapitan. Tumayo rin si Samuel para sana salubungin ako ngunit pinigilan ito ni Joefel. “Mamaya kana lumandi, Samuel! Pumunta kana doon sa kusina, Eleanor.” Ngumiti lang ako kay Samuel bago ko hinawi ang kurtina. Tatlong babae ang nandoon, si Hershey, si Aling Segunda na nanay niya, at si Aling Merlita na nanay naman ni Joefel. “Magandang gabi po,” bati ko sa kanilang tatlo. Tapos na yata silang magluto at nilalagay na nila ang ulam sa isang malaking bowl. “Ano po ang maitutulong ko rito sa inyo?” tanong ko sa kanila nang makalapit ako. “Magandang gabi rin, Eleanor! Buti naman at nakapunta ka!” masayang sabi ni Hershey sa akin. “Magtatampo ‘yang asawa mo kapag hindi ako pupunta. Alam mo namang nung birthday niya nung isang taon ay hindi niya ako pinansin ng ilang linggo dahil hindi ako pumunta.” Natawa ito. “Tulungan mo nalang kami na dalhin 'to doon sa mesa sa sala, Eleanor. Para makapagsimula na tayong kumain.” Tinulungan ko silang dalhin ang tatlong putahe ng ulam, isang bowl ng adobong manok, sinigang, at menudo. Inayos na muna namin ang mesa. Nilagay ko sa gitna ang maliit na cake ni Samuel na kanina pa inaabot ng kanyang anak dahil gusto ng kumain nun. Nang matapos na naming dalhin ang lahat ay doon na kami sa sala. Dahil maliit lang ang kanilang sala ay nakatayo lang ako sa gilid. Wala na kasing ibang mga upuan at ukupado na ng lahat. Napatingin kami kay Samuel at Kapitan nang magkasabay itong tumayo. “Dito kana, Eleanor.” nagkatinginan silang dalawa nang magkasabay nilang sabihin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD