CHAPTER 6

1901 Words
CHAPTER 6 Napatingin kami kay Samuel at Kapitan nang magkasabay itong tumayo. “Dito kana, Eleanor.” nagkatinginan silang dalawa nang magkasabay nilang sabihin iyon. Naiilang na tumawa si Joefel, isang mahinang at maikling tawa. Sabay silang napaiwas ng tingin sa isa't isa. Ang mga mata ni Kapitan ay napunta sa direksiyon ng mga pagkain. Habang ang mga titig naman ni Samuel ay sa bintana nakatingin. “Dito ka nalang umupo, Eleanor!” sigaw ni Joefel sa akin at mabilis na tumayo. Naging tahimik ang buong paligid. Na kahit ang mga boses ng palaka ay nawala na rin dahil sa pangyayaring iyon. Nang tumayo na si Joefel ay ako na ang pumalit sa kanyang pwesto. Umupo ako doon. Pilit na pinasiglang muli ni Joefel ay paligid sa pamamagitan ng pagbibiro niya. Ang katabi ko ay isang katrabaho ni Joefel na si Martin. Kaharap ko naman si Kapitan at ang nasa tabi niya ay ang isang ding katrabaho ni Joefel na si Enriko at sunod nun ay si Samuel. Nang magsimula na kaming kumain ay tumayo na ako upang kumuha ng pagkain. Nasa mesa na silang lahat at kumukuha ng pagkain. Nasa likuran lang ako at hinihintay kong matapos na silang kumuha. Dahil nasa banda ko ang kanin ay napunta rin sa aking direksiyon si Kapitan. Nagkatinginan kaming dalawa at ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya. Yumuko ako, tumingin ako sa aking mga kamay at pinaglaruan ko ang aking mga daliri. Napatingala ako nang may nag- abot sa akin ng isang pinggan na may laman ng pagkain. “Kumuha ka nalang ng ulam doon, hindi ko alam kung ano ang magugustuhan mo.” tipid na sabi ni Kapitan. Wala sa sarili ko iyong tinanggap mula sa kanya. Gusto ko pa sanang magpasalamat sa kanya ngunit walang lumalabas na salita mula sa aking mga labi. Naglakad na papunta sa mga upuan upang umupo. Tila natuod ako sa aking kinatatayuan, ang aking mga paa ay parang mga ugat na nakabaon sa lupa. Ang aking puso ay mabilis na tumitibok, isang malakas na tambol. Siya ang kumuha ng pinggan ko? At nilagyan niya pa ito ng kanin. Umikot na ako upang kumuha na ng ibang ulam. Kumuha ako ng adobong manok at nilagay ko iyon sa aking pinggan. Naglagay din ako ng kaunting menudo sa gilid. Pagkatapos kong kumuha ng mga ulam ay bumalik na ulit ako sa upuan. Magkaharap kaming dalawa ni Kapitan. Hindi na bumalik sa kanyang pwesto si Samuel. Ang ginawa nito ay sa aking tabi siya umupo. “Ang konti naman ng kinakain mo.” kumento nito nang tiningnan niya ang aking pinggan. “Dagdagan ko nalang kapag kumulang. Tsaka, nga pala, Samuel. Pasensya kana kung hindi ako nakapagpaalam sa 'yo nang umalis ako nung gabing 'yon. Lasing na lasing kasi ako.” sabi ko sa kanya bago sumabo ng isang kutsarang kanin. Ang rason kung bakit hindi ako nakapagpaalam nang umalis ako ay nasa harapan lang natin, Samuel. “Okay lang, Eleanor. Walang problema iyon sa akin. Ang mahalaga ay maayos kang nakauwi nung gabing iyon.” Sa totoo lang, gwapo naman itong si Samuel. Malaki ang kanyang katawan. May kaunting bigote din siya. Malinis ang pagkakagunting ng kanyang buhok. Singkit ng kaunti ang mga mata nito. Maayos din naman itong manamit. Nagpatuloy lang ako sa aking pagkain at minsan ay nakikisali sa pag- uusap nina Joefel. “Kap, mukhang nagustuhan mo ang Maja Blanca ni Eleanor, ah? Napansin ko na nakailang kuha ka.” napaubo si Joefel nang siniko siya ng kanyang asawa sa kanyang tagiliran. “Masarap. Masarap ka palang magluto nito, Eleanor.” hilaw akong ngumiti bago tumingin sa kanya. Kanina pa siya nasa harapan ko pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob na tingnan ulit siya sa kanyang mga mata. Umaapoy ang titig nito habang nakatitig siya sa akin. Dahan- dahan niyang inangat ang kanyang kamay na may hawak na kutsara at sinubo iyon sa loob ng kanyang bibig. Pumikit pa ito upang namnamin ang sarap ng aking luto. “Masarap magluto 'yang si Eleanor, kap! Nung nag- aaral pa kami ay kung ano- anong ulam ang itinitinda niya sa paaralan.” Bumalik sa aking mga alaala ang mga oras na 'yon. Madaling araw pa lang ay kailangan ko ng gumising para makapagluto ako ng ibebenta ko sa aking mga kaklase. Kung hindi ulam ay mga meryenda ang tinitinda ko. Mahirap lang kami. Hindi kaya ng aking mga magulang na pagsabayin kami ng aking mga kapatid. May tatlo pa akong mga kapatid. Ako ang panganay. Kaya naman ay gumagawa ako ng paraan para mapaaral ko ang aking sarili nung mga panahong iyon. Sa tuwing sabado at linggo ay dito ako kay Tiya Aurelia at tumutulong sa tindahan para na rin may bigas kami. Sa tuwing linggo naman ay tumatanggap ako ng labada para may dagdag pambaon ang mga kapatid ko. “Talaga, Eleanor? Sana ay matikman ko pa ang ibang mga luto mo sa susunod!” masiglang sambit ni Samuel sa akin. Sumingit na naman si Joefel. Hindi ko alam kung saan niya ba ako tinutulak, kay Kapitan ba o dito sa kababata niyang si Samuel. “Kapag natikman mo ang luto niya, Samuel ay baka gusto mo na agad siyang pakasalan para gawing asawa!” nakatikim na naman ng isang hampas si Joefel sa kanyang asawa. “Ikaw talaga! Ang hilig mong asarin si Eleanor.” saway sa kanya ng kanyang asawa. Tumaas ng kaunti ang sulok ng labi ni Kapitan na parang may sasabihin. Ngunit tinikom niya ulit ang kanyang mga labi at mas pinili nalang na sumubo ng pagkain. Nang matapos na kaming kumain ay naglabas ng mesa si Joefel. Dahil mag- iinuman daw muna sila sa labas ng bahay. Ako naman ay tumulong na sa pagliligpit ng mga pagkain na natira pa sa mesa. “Alam mo, Eleanor. Okay naman si Samuel sa akin kasi gwapo at may trabaho na. Kaso okay lang din sa akin si Kapitan kasi gwapo rin naman at may trabaho. Kaya lang. . . Si Samuel ay sa malayo nagtatrabaho. Iyon lang ang malaking lamang ni Kapitan dahil malapit lang kayo sa isa't- isa at magkapit- bahay pa!” muntik ko ng itakip sa bunganga ni Hershey ang aking kamay na mayroong sabon. Naghuhugas ako ng mga pinggan at baso na ginamit namin kanina habang siya naman ay nagbabanlaw. Rinig sa loob ang tawanan nila at ang nangungunang boses doon ay syempre walang iba ang boses ni Joefel. “Anong pinagsasabi mo d'yan, Hershey? 'Wag mong idamay si Kapitan at baka may ibang makarinig sa 'yo at baka kung ano pa ang sabihin nila.” kaming dalawa lang naman ang nandito sa mesa. “Base lang naman sa mga nakikita at napapansin ko sa paligid- ligid, Eleanor. Kanina nung tumayo silang dalawa para bigyan ka ng upuan ay muntik pa akong sumigaw sa kilig! Ang haba ng buhok mo doon, Eleanor! Dalawang gwapo ang pinag- aagawan ka!” namula ang aking mukha sa kanyang sinabi. “Ewan ko sa 'yo, Hershey. Parang si Joefel kana rin kung mang- asar sa akin. 'Wag mo ngang bigyan ng kahulugan ang mga ginagawa ni Kapitan. Mabait lang 'yon tsaka siya ganoon sa akin.” talaga ba, Eleanor? 'Wag bigyan ng kahulugan? Simula nung naghalikan kaming dalawa ay lahat ng mga ginagawa niya sa akin na normal lang naman sa akin dati ay ngayon may kahulugan na lahat. Gusto kong binibigyan iyon ng kahulugan. “Sige, Eleanor. Sabi mo 'yan, eh. . .” ngumisi ito sa akin. Nang matapos na kaming maghugas at magligpit ng mesa ay lumabas na kami ng bahay. May ilaw na nakakabit sa labas ng bahay nila ni Joefel. Walang buwan ngayong gabi kaya madilim ang buong paligid. At sa ikalawang pagkakataon. . . Sa ikalawang pagkakataon ay sabay na namang tumayo sina Samuel at Kapitan upang ibigay sa akin ang kanilang upuan. Dahil magkatabi lang kaming dalawa ni Hershey ay nakuha niyang bumulong sa akin. “Tingnan mo. . . mukhang nagpapa- unahan na silang dalawa sa 'yo. Sino ang pipiliin mo ngayon, Eleanor?” Tumingin ako sa dalawang lalaking nakatayo at nag- aabang na kung sinong upuan ang piliin ko. Wala akong pinili sa kanilang dalawa. Ang ginawa ko ay inaya ko si Hershey na pumunta sa labasan. Doon sa gitna ng daan. Dahil gabi na ay wala naman na masyadong mga sasakyang dumadaan sa kanila. “Nakita mo 'yon, Eleanor?” ang tinutukoy niya ang nangyari kanina lang. “Ikaw talaga, mababait lang ang mga iyon kaya binibigyan ako ng upuan.” Ang ginawa ko ay inaya ko si Hershey na pumunta sa labasan. Doon sa gitna ng daan. Dahil gabi na ay wala naman na masyadong mga sasakyang dumadaan sa kanila. “Nakita mo 'yon, Eleanor?” ang tinutukoy niya ang nangyari kanina lang. “Ikaw talaga, mababait lang ang mga iyon kaya binibigyan ako ng upuan.” Nakahawak siya sa aking braso habang nakatayo kami sa labas ng kanyang bahay. “Sus! 'Wag na 'wag kang manghihingi ng payo sa akin kapag nahirapan kang pumili sa dalawa, ha?” umiling nalang ako sa kanya. Kanina niya pa pinagpipilitan na gusto ako nung dalawa. Parehas na sila ng asawa niya. “Alam mo, Eleanor. Hindi kana bata, malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo. Kaya sana ay buksan mo na ang puso mo dahil may mga taong gustong pumasok. Matutulad ka talaga sa tiya mo na tatandang mag- isa sa buhay.” Bakit ba gustong- gusto na nila na mag- asawa na ako? “Wala pa sa isip ko ang mag- asawa, Hershey. Tsaka na lang siguro kapag nakapagtapos na ang mga kapatid ko sa pag- aaral nila.” Bumalik na ulit kami sa loob ng bahay nila. Naubos na nila ang dalawang bote ng alak at pinigilan na sila ni Heshey na magbukas pa ng isa pang bote dahil may trabaho pa bukas. “Tama na 'yan, Joefel. Sapat na ang dalawa.” “Uuwi kana rin ba, Eleanor? Sumabay kana kay Kapitan tutal magkapit- bahay lang naman kayong dalawa. Wala ng tricycle sa ganitong oras.” May choice pa ba ako para tumanggi? Hindi pwedeng si Samuel ang maghatid sa akin dahil sa ibang direksiyon ang kanyang bahay. “Sumabay ka nalang kay Kapitan, Eleanor. Hindi kana nito mahahatid ng tricycle.” tinuro niya si Joefel na pumipikit- pikit na ang mga mata. “Lasing na 'to, baka kung ano pa ang mangyari sa inyo sa daan.” Sa huli ay sabay- sabay nila kaming hinatid ni Kapitan patungo sa tapat ng sasakyan nito. “Ingatan mo 'to, kap, ah! Ikaw na bahala sa kanya!” inakbayan ako ni Joefel at muntik pa kaming matumba dahil nilagay niya sa akin ang lahat ng bigat niya. Lasing na nga talaga ang isang 'to. “Joefel! Halika nga dito! Matutumba na kayong dalawa ni Eleanor!” kinuha siya sa akin ni Hershey. Tumabi sa akin si Samuel. “Pwede ba akong pumunta sa bahay n'yo bukas?” mahinang bulong nito na sapat lang na kaming dalawa ang makarinig. “Ha? Bakit ka naman pupunta ng bahay namin, Samuel?” tanong ko. “Wala, gusto lang kitang makita bukas. Puntahan kita, ah?” Hindi pa ako nakakasagot sa kanya ay tinawag na ako ni Kapitan. Nakabukas na pala ang pintuan ng kanyang kotse at hinihintay na akong pumasok sa loob. “Aalis na tayo, Eleanor. Pumasok kana sa loob ng sasakyan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD