CHAPTER 7 ( SLIGHT SPG)
“Pwede ba akong pumunta sa bahay n'yo bukas?” mahinang bulong nito na sapat lang na kaming dalawa ang makarinig.
“Ha? Bakit ka naman pupunta ng bahay namin, Samuel?” tanong ko.
“Wala, gusto lang kitang makita bukas. Puntahan kita, ah?”
Hindi pa ako nakakasagot sa kanya ay tinawag na ako ni Kapitan. Nakabukas na pala ang pintuan ng kanyang kotse at hinihintay na akong pumasok sa loob.
“Aalis na tayo, Eleanor. Pumasok kana sa loob ng sasakyan.”
Tapos na pala siyang makipag- usap sa mag- asawa.
“Mauna na kami sa inyo, Samuel. Salamat, Joefel at Hershey!”
Hindi ko alam kung pupunta ba talaga siya sa bahay bukas dahil hindi naman ako sumagot sa kanya.
Kumaway pa ako sa kanilang tatlo bago ako tuluyang pumasok na sa loob. Nilagyan ko agad ng seatbelt ang aking sarili. Umikot siya at pumasok na rin sa loob ng sasakyan.
Katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Wala ng ibang tao, kaming dalawa na lang at hindi ko akalain na ganitong pagkailang ang aking mararamdaman sa mga oras na ito.
Mabagal ang pagpapatakbo niya ng kanyang kotse. Palipat- lipat ang aking paningin. Kunwari ay sa labas ako nakatingin, pero nagnanakaw ako ng sulyap sa kanyang mukha ng mga ilang segundo lang. Namumula lang ang kanyang magkabilang pisngi. Pero sa kanyang mga kilos ay parang hindi naman ito lasing.
“Matutulog kana ba agad, Eleanor?” tanong nito sa akin nang huminto na ang kanyang sasakyan sa tapat ng bahay niya.
Wala ng ilaw ang bahay namin at sarado na rin ang aming tindahan. Ang ibig sabihin niyan ay tulog na si Tiya. May susi naman ako ng bahay.
“Hindi ko po alam, kap. Pero baka hindi pa kasi hindi pa naman ako inaantok.” sagot ko at tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. Ganoon din ang kanyang ginawa.
“Pwede ka munang sa bahay tumambay, magkape ka muna.”
Hindi ko alam kung bakit napapayag niya akong pumunta sa bahay nila. Parang may kakaibang magnetism sa mga mata niya, isang tahimik na puwersa na nag-utos sa aking mga paa na sumunod. Na tila ba isang kasalanan kung tumanggi ako. Lalo pa nang magtagpo ang aming mga mata. Doon ko nasabing hindi ako pwedeng tumanggi sa alok niyang magkape sa loob ng kanilang bahay.
Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa isang kakaibang uri ng kaba, isang halo ng excitement at pag-aalala.
“Umupo ka muna rito, Eleanor. Ihahanda ko lang ang 'yong kape.”
Umupo ako habang nililibot ko ang aking tingin sa paligid.
Ang sala ay maluwag, puno ng mga antigong kasangkapan. Isang malaking sofa na may makapal na tela ang nakapuwesto sa gitna, dito ako nakaupo ngayon. Isang malaking kristal na chandelier ang nakasabit sa kisame. Sa isang sulok ay may isang lumang piano, sa ibabaw nun ay may isang kumpol ng mga bulaklak na nakalagay sa isang vintage na vase. Hindi na ba ginagamit ang piano na 'yon?
Kahit nag- iisa na lang si Kapitan na nakatira rito at lalaki pa siya ay napakalinis ng kanyang bahay.
Hinintay ko lang na bumalik na ulit si Kapitan dito.
Ang aking mga kamay ay nakapatong sa aking kandungan at pinaglalaruan ko ang aking daliri.
Hindi nagtagal ay dumating na rin ito. May bitbit siyang dalawang tasa ng kape. Mayroong mga ngiti na nakapaskil sa kanyang labi habang papunta na ito sa aking direksiyon.
“Ito na ang kape mo, Eleanor.” Nilapag niya ang isang tasa sa center table. Akala ko ay uupo ito sa kaharap kong sofa. Kaya nagulat ako nang maupo ito sa aking tabi.
Mas lalong lumakas ang tambol ng aking puso. Hindi ko makuha ang tasa ng kape na nasa ibabaw ng center table dahil hula ko ay nanginginig ng husto ang aking mga kamay.
“Hindi ka ba hahanapin ng tiya Aurelia mo, Eleanor?” tanong nito sa akin. Bago sumagot ay sinikap kong damputin ang isang tasa ng kape. Uminom ako ng kaunti doon bago ko siya sinagot sa kanyang tanong.
“Tulog na ‘yon, kap. Bukas ng umaga na ‘yon magigising. Tsaka nagpalaam naman ako sa kanya na gagabihin ako sa pag- uwi kaya hindi ‘yon mag- aalala sa akin.” Kahit hindi ako nakaharap sa kanya habang sinasagot siya ay nakita ko sa gilid ng aking mga mata na tumango ito.
“Kumusta ang pagkakatimpla ko ng kape? Hindi ba masyadong matamis? Dinamihan ko kasi ng asukal at baka hindi mo gusto ang masyadong mapait na kape.” Napatingin ako sa tasa.
“Okay lang, kap. Nagustuhan ko po ang lasa. Sakto lang po ang pagkakatimpla n’yo.” Lumingon ako sa kanya at ilang segundo lamang ang tinagal ng titig ko. Muli akong umiwas ng tingin.
“Gumagana pa ba ang piano na ‘yan, kap?” tinuro ko ang piano na nasa isang sulok.
“Oo, kaso minsan ko na lang ginagamit. Gusto mo bang tumugtog ako?” tanong nito at tumayo. Naglakad na ito papunta sa direksiyon ng piano.
Nilapag ko sa center table ang kape at iniwan ko iyon na nakapatong doon. Tumayo ako at nagpasiyang sundan siya.
Ang una niyang ginawa ay binuhat niya ang vase na nakapatong doon at nilagay sa isang maliit na mesa na nasa gilid. Nandoon din nakalapag ang kape niya.
Ilang hakbang ang aking ginawa bago ako nakarating sa likuran nito. Nakatingin lang ako sa kanya.
Sa unang pindot pa lamang niya sa isang key sa piano ay nagtayuan na ang aking balahibo.
“Ano ang gusto mong itugtog ko sa ‘yo, Eleanor?” marahang tanong nito at umupo na.
Sa mga oras na ito ay wala akong maisip nak anta. Ang dami ko namang mga paborito pero ngayon ay wala akong masabi kahit isang kanta man lang.
“Ikaw ang bahala, kap. Kung ano po ang gusto n’yong itugtog ay ‘yon na lang po.”
Tumango ito. Dalawang key ang pinindot niya. Tumigil ito at lumingon sa akin.
“Umupo ka rito,” he tapped his side.
Walang pag- aalinlangan akong umupo sa kanyang tabi. Hindi ko alam kung anong kanta ang tinugtog niya.
Nakatuon lang ang aking mga mata sa kanyang mga matataas na daliri. Kung paano iyon ekspertong pumindot kahit na nakapikit siya. Magaan at maayos nitong hinahaplos ang itim at puting teclas. Ang sarap niyang panoorin.
Napakasarap nun sa tainga na tila ba hinihila akong humiga na sa kama. Bumibigat ang talukap ng aking mga mata at gusto ko nalang ipikit iyon para mas lalo kong madama ang musika. Ang bawat nota na tinutugtog niya ay parang may humahaplos sa aking kaluluwa.
Marunong din pala siyang tumugtog ng piano, hindi ko iyon alam.
Hindi ko namalayan na tapos na pala siyang tumugtog ng piano. Katahimikan ang sumunod na nangyari. Dahan- dahan kong minulat ang aking mga mata, at sinalubong ako ng kanyang titig- isang titig na nakakapanindig balahibo. Punong- puno ng emosyon ang kanyang mga mata.
Parang isang magnet, unti- unti, dahan- dahan na lumapit ang aking mukha sa kanya. Ang hangin ay tila ba nag- iba ang temperatura. Nakaramdam ako ng kaunting kaba, at mas nangibabaw sa akin ang excitement. Naaamoy ko na ang kanyang pabango. Ganitong- ganito rin kami nung gabing iyon, pamilyar- pamilyar sa akin.
Hanggang sa ilang dangkal na lamang ang layo naming dalawa. Nakikita ko ang aking repleksiyon sa kanyang nagbabagang mga mata. Parehas kami, nandoon din ang pagnanasa at pag- aalinlangan sa mga mata nito.
Hanggang sa maglapat na ang mga labi naming dalawa. Sa una ay mabagal, isang maingat na halik na tila ba natatakot itong masaktan ako ng malalambot na labi niya. Ngunit nang tumagal ang halik, umabot sa puntong naging mas malalim, naging mapusok at naging agresibo.
Naghalikan kaming dalawa na tila ba may humahabol sa aming dalawa. Masyadong mapusok, hindi ko iyon kayang pantayan.
Lalo pa nang ang mainit nitong kamay ay naramdaman ko sa aking kandungan. Dahan- dahan iyong humahaplos, parang may kuryente akong naramdaman na kahit ang balahibo ko sa aking batok ay ramdam kong nagtayuan na.
Nang maghiwalay ang mga labi naming dalawa ay punong- puno pa rin kami ng pagnanasa.
Sabay kaming napayuko, napatingin sa kanyang kamay na ngayon ay umaakyat na papunta sa isang maselang bahagi ng aking katawan.
“Gusto kong hawakan ito, Eleanor. Maari ba?”