CHAPTER 18
Malakas ang kabog ng aking dibdib habang ang aking kaliwang kamay ay nakahawak sa aking tiyan. Nanlamig ako ng maalala ko na hindi pala ako dinatnan nung isang buwan. Paano na ‘to? Anong gagawin ko? Naiiyak ako na hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito.
Buntis ako, buntis ako. . . at ang ama ng pinagbubuntis ko ay si Kapitan!
“Eleanor, buntis ka.” Hindi iyon tanong. Napalingon ako kay Tiya. Bumaba ang tingin nito sa aking tiyan na hawak- hawak ko ngayon. Sa tingin ni Tiya sa akin ay parang wala na akong karapatang tumanggi dahil nahuli niya ako sa akto.
“Tiya. . .” kusang umagos ang luha sa aking mga mata. Dali- daling lumapit sa akin si Tiya upang yakapin ako ng mahigpit.
“’Wag kang mag- alala, kakausapin natin si Kapitan. Papanagutan niya ang bata, Eleanor.” Sabi niya habang hinihimas ang aking likod.
Ang batang ito ay nabuo dahil lang sa isang gabi na nagpadala kami sa init ng katawan naming dalawa ni Kapitan.
“Sa atin na muna ito, Tiya. ‘Wag n’yo po munang sasabihin kay nanay at kakausapin ko na muna si Kapitan tungkol dito.” Hindi ko ito matatago habang buhay dahil lalaki ang aking tiyan. Wala akong kasintahan kaya alam na agad ng mga tao kung sino ang ama nitong batang dinadala ko.
Nang sumapit ang gabi ay nagpasiya akong puntahan si Kapitan sa kanyang bahay para ipagtapat ang tungkol sa pagbubuntis ko. Kailangang mag- usap muna kaming dalawa kung ano ang plano namin para sa bata. May Karapatan siya rito dahil kaming dalawa ang gumawa nito.
May kaba akong naramdaman habang nakatayo sa labas ng bahay ni Kapitan alas dies ng gabi. Huminga ako ng malalim bago ko tinaas ang aking kamay at pinindot ang lumang doorbell ng kanyang gate. Dalawang pindot ang ginawa ko.
Pagkatapos ng ilang minuto ay bumukas ang pintuan. Nakasuot si Kapitan ng isang sleeveless na damit at tagaktak ang kanyang pawis sa buong katawan. Magulo rin ng kaunti ang kanyang buhok. At ang suot naman niya sa pang- ibaba ay kulay itim na short.
Kahit tagaktak na ang kanyang pawis sa katawan ay wala man lang akong naamoy na pawis sa katawan niya. Ang bango- bango niya pa rin!
“Eleanor? May problema ba? Bakit ka nandito? Pumasok ka.” Nilakihan nito ang pagkakabukas ng pintuan upang makapasok ako. Sinara niya muna ang pintuan ng gate bago kami nagsimulang maglakad.
“May mahalaga akong sasabihin sa ‘yo, Kap.” Kinakabahang sabi ko. Kung nagbago man ang desisyon niya na kapag nalaman niyang buntis na ako at hindi niya ako panagutan ay ayos lang sa akin. Ang mahalaga ay malaman niya ang tungkol sa magiging anak namin.
“Doon na tayo sa loob mag- usap, Eleanor. Mukhang mahalaga ang sasabihin mo dahil pumunta ka pa rin dito kahit gabi na.” nagsimula na kaming maglakad hanggang sa makapasok na kami sa kanyang bahay.
“Ayos lang ba na magbihis na muna ako? I was working out when you came. Mabilis lang naman ako magbihis, babalik din agad ako.”
Pinaupo niya muna ako sa sala bago siya pumunta sa kanyang kwarto para magbihis ng damit. Hating gabi na pero nagwowork- out pa siya. Kaya naman palakahit may edad na ay magandang pa rin ang katawan dahil mahilig pa rin siyang mag work out.
Ilang minuto lang ang hinintay ko at dumating na siya na bago na ang suot na damit. Nakasuot na ito ng simpleng itim na t- shirt na may kulay itim na puno sa gitna ng kanyang damit. At nakasuot din ito ng short na kulay itim. Magulo ng kaunti ang kanyang buhok dahil yata sa kanyang pagmamadali. Kahit nakasuot ito ng t- shirt na hindi masyadong hapit sa kanyang katawan ay halata pa rin ang laki ng kanyang balikat at mga braso. May kaunting balahibo rin ang balat niya sa paa at sa braso na dumadagdag sa lakas ng dating nito.
Umupo ito sa aking tabi nang makarating na siya sa aking harapan.
Ang bango niya! Nanunuot iyon sa aking ilong at hindi nakakaumay ang kanyang amoy.
“Ano ang sasabihin mo, Eleanor?”
Napayuko ako at hindi agad nakasagot sa kanyang tanong.
“Eleanor. . . may problema ba? Sabihin mo sa akin.” huminga ako ng malalim at humugot na muna ng lakas bago magsalita.
“Kap, kanina ko lang din nalaman. Hindi ko alam na magbubunga pala ang gabing iyon.” sa loob niya pala pinutok at malaki nga ang posibilidad na mabuntis ako.
“Anong ibig mong sabihin, Eleanor?” nagtatakang tanong niya.
“B- buntis po ako, buntis po ako, Kap. . .” nilakasan ko ang loob ko na 'wag umiyak. Hindi pa rin ako makatingin sa kanyang mga mata.
Nagulat ako nang hinawakan niya ang aking kamay na nasa aking kandungan nakalagay.
“Eleanor, hindi pa rin magbabago ang sinabi ko. Papanagutan ko kayo ng bata. Kakausapin ko ang mga magulang mo. Let's get married before the baby comes out.”
Hinaplos niya ng dahan- dahan ang likod ng aking palad. Na para bang sinasabi niya na hindi ako nag- iisa sa bagong buhay na haharapin.
“Kap, okay lang naman po sa akin na 'wag tayong umabot sa kasalan. Kung gusto n'yo pong panagutan ang bata ay hindi na po kailangan ng kasal.” magkapit- bahay lang naman kaming dalawa. Kung gusto niyang magbigay ng suporta sa anak niya ay malapit lang.
“Hindi ako sang- ayon na kapag lumabas na ang bata ay hindi kasal ang mga magulang niya.” ibig sabihin ay magpapakasal kaming dalawa dahil lang sa anak namin? Bakit parang may kung anong kirot akong naramdaman sa aking puso? Hindi pwede, Eleanor.
“Pero, Kap. Kung magpapakasal tayo, ibig sabihin nun. . . matatali ka sa akin. Baka pagsisihan lang natin 'to sa huli.” iniisip ko rin siya. Oo, parehas kaming walang asawa. At nasa tamang edad na kami, lagpas na nga ang edad namin sa kalendaryo.
“Walang kaso sa akin kung matali ako sa 'yo, Eleanor. Papayag akong matali sa 'yo. Ano ba ang gusto mong kasal? Sa simbahan ba o gusto mo ay nasa dagat?” at ngayon ay talagang tungkol na sa kasal ang pag- uusapan namin at hindi na tungkol sa bata!
“Kap. . .” tanging naisagot ko sa kanyang tanong.
“Akong bahala sa kasal natin,”
Nangarap din naman akong maikasal pero hindi ganito. Biglaan ang lahat at 'yong lalaking papakasalan ko ay hindi man lang kami dumaan sa pagiging boyfriend at girlfriend! Diretso kasal na agad dahil magkakaanak na kami. Pero dapat ko ba itong ipagpasalamat? Dahil kahit walang namamagitan sa aming dalawa nung may nangyari sa amin ay handa siyang panagutan ang bata. Kasi mayroong ibang mga lalaki na nangyayari rin ang nasa sitwasyon namin pero hindi sila katulad ni Kapitan na pinanagutan ang kanilang nabuntis.
Kinabukasan ay pinapunta ko sina nanay sa bahay ni Kapitan. Si Nanay lang at si Kapitan ang nandoon at wala si Tatay.
“Ang gusto ko po sanang kasal ay civil wedding lang po. Ayaw ko po ng magarbong kasal.” wala akong pera para itulong sa mga gastos. Syempre bilnag babae ay marami rin naman akong pangarap sa kasal ko. Pero iba ang sitwasyon ko ngayon. Nahihiya rin akong iasa ang lahat kay Kapitan.
“Sigurado ka ba, Eleanor?” mabilis akong tumango.
“Opo, Kap. May mayor nalang po tayo magpakasal.”
Naging laman ulit kami ng balita ng buong barangay. Ang pumunta lang sa kasal namin ay sina Nanay, Tiya Aurelia, at ang mga kapatid ko. Nandoon din si Hershey at si Joefel na dala ang kanilang lalaking anak. Pero ni isa sa pamilya ni Kapitan ay walang dumalo. Inaasahan ko rin naman iyon na wala talagang pupunta dahil biglaan. At isa pa, ultimo lang ang napakasalan ni Kapitan na isang succesful sa buhay. Alam kong may iniexpect silang babae para kay Kapitan. Isang linggo lang naming pinaghandaan ang kasal at sa bahay lang din ni Kapitan gaganapin ang kaunting salo-salo.
Nakasuot lang ako ng putting bestida na hanggang tuhod. V- neck type ito at nakalabas ng kaunti ang aking dibdib kaya nagsuot ako ng kulay puti ring tube para magmukhang pormal naman. Bigay lang ito ni Tiya sa akin, pati na rin ang bagong sandal na suot ko ay si Tiya rin ang bumili. Si Kapitan Anatalio naman ay nakasuot ng white polo at black na slacks.
“I now pronounced you as Mr. and Mrs. Ajero! Kapitan Anatalio Raze, you may now kiss your bride!” nakangiting sabi ni Mayor sa amin.
Hinawakan ni Kapitan ang aking magkabilang pisngi, ngumiti ako at tumango sa kanya. Mabilis na halik lang, dinampi niya lang ang kanyang labi sa akin.
“Ang bilis naman! Isa pa! Isa pa!” napalingon ako kay Joefel at sinamaan ko ito ng tingin nang sumigaw siya.
“Isa pa! Isa pa!” sabi naman ni Mayor.
“Pagbigyan na natin, Kap.” Sabi ko para matapos na.
Muling dumampi ang labi ni Kapitan sa akin. Sa pangalawang halik na ay tumagal na iyon. It was a torrid kiss. Ang halik na iyon ay mabagal, malambing, at may sariling ritmo ang dila namin.
Mga isang minuto yata ang tinagal nung halikan naming dalawa.
Pagkatapos ng simpleng kasalan sa munisipyo ay dumiretso na kami sa bahay ni Kapitan para kumain. Hindi ko inaasahan na ganito karaming handa ang ihahanda ni Kapitan. Limang letchon ang nakahanda sa mesa, may ilang mga ulam pang nandoon.
“Congratulations!” salubong na sigaw nila sa aming dalawa ni Kapitan pagpasok pa lang namin sa gate. Nilibot ko ang aking tingin sa buong paligid at wala man lang akong nakitang kamag- anak ni Kapitan na dumalo kahit dito sa salo- salo.
“Salamat po!”
“Congrats, Kap!”
“Congrats, Eleanor!”
Nagsimula na kaming kumain. May kinakausap akong mga matatandang babae at binibigyan nila ako ng advice sa bagong kasal.
“Mamaya, Eleanor, ratratan na kayong dalawa ni Kapitan!”
“Kung ako sa ‘yo, Eleanor, ‘wag ka ng magsuot ng panty dahil huhubarin din naman ni Kapitan ‘yan mamaya!”
Namula ang aking mukha sa mga pinagsasabi nila. Kapag talaga matatanda na ay ang dami ng mga alam!
“Walang matutulog mamaya, Eleanor! Ihanda mo na ang katawan mo dahil mukhang wawasakin ni Kapitan ang banga mo!”