CHAPTER 17

1217 Words
CHAPTER 17 “Ano nga ang sinabi mo sa kanya, Kap?” mayroon ng inis sa aking boses. “Hindi ako nagsisinungaling, Eleanor. At kung sakali mang mabuntis kita ay handa akong panagutan ka. Pinuntahan na ng Tiya Aurelia mo ang mga magulang mo at kakausapin daw nila ako.” napahilamos ako sa aking palad. “Kap, malaking problema 'to! Kapag nalaman ni na— Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang makarinig ako ng sigaw mula sa labas. At sa boses pa lang ay alam ko na kung sino ang may- ari nun. “Kapitan! Ilabas mo ang anak ko! Eleanor, lumabas ka d'yan!” boses iyon ni nanay na sumisigaw. Nandito na si Nanay! “Buksan mo ang gate, Kap! Papasukin mo rito si Nanay at baka magwala pa sa labas.” nagpapanic na sigaw ko sa kanya. Naglakad ito at binuksan ang kanyang gate na gawa sa bakal. Gusto ko na agad takpan ang tainga ko. “Eleanor! Ikaw na bata ka! Bakit ka rito natulog, ha?” lumapit sa akin si Nanay at napasigaw ako dahil kinurot niya ang aking tagiliran. “'Nay! Magpapaliwag po ako! Aray, 'nay!” lumayo ako sa kanya at nagtago ako sa likuran ni Kapitan. “Magandang umaga po, sa loob po tayo mag- usap ng mahinahon, Aling Erlinda.” magalang na sambit ni Kapitan sa kanya. Nakataas ang kilay ni Tiya sa akin nang sumilip ako. Para akong isang batang napagalitan ng magulang. Naunang maglakad si Kapitan at nasa likuran niya lang ako. Tahip- tahip na ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Nahihiya na ako kay Kapitan dahil nasanay siya sa akin. Naupo kami sa sala ng bahay ni Kapitan. Nasa gitna ako ni Nanay at Tiya habang kaharap naman namin si Kapitan na nakaupo sa pang- isahang upuan. “Ano po ang gusto n'yo? Kape po ba o juice?” mahinahon pa rin ang boses ni Kapitan. Paano niya nakakayang maging kalmado sa mga oras na 'to? “Kapitan, maraming salamat po sa alok n'yo. Diretso na lang po tayo sa kung ano ang pinunta namin dito.” mahinahon na ang boses ni Nanay ngayon kumpara kanina. Hinawakan ko ang braso ni Nanay. “Nay. . .” lumingon ito sa akin. Umiling ako sa kanya. “Kapitan, kumalat na po sa labas ang balita na rito natulog ang anak ko kagabi. At alam ko na iisa lang ang nasa isip nila ngayon.” tumango si Kapitan. Hinayaan niyang magsalita si Nanay. “Ano po ang balak n'yo sa anak ko, Kap? Alam kong may edad na kayong dalawa, tapos wala rin naman kayong mga karelasyon. Pero para sa akin bilang nanay ni Eleanor. Ang pangit pong pakinggan na natulog kayo sa iisang bahay at hindi man lang kayo magkasintahan. O baka may hindi lang kami nalalaman tungkol sa inyong dalawa?” ito na nga ba ang sinasabi ko! “Naiintindihan ko po kayo, Aling Erlinda. Gaya nga po ng sabi ko kay Eleanor kanina ay kung magbunga man po ang ginawa namin kagabi ay handa naman po akong panagutan siya.” tumingin ako kay Kapitan. Bumalik na naman sa aking alaala ang mga sinabi niya kagabi. Na matagal na niyang hinihintay ang pagkakataon na iyon na mangyari sa amin. “Kap, hindi n'yo po kailangang gawin 'to. 'Nay, naman, nakakahiya po kay Kapitan.” hindi pumasok sa isip ko na hahantong sa ganito ang ginawa naming dalawa kagabi. “Ano ang plano mong gawin, Kap? Alam na halos lahat ng tao na nandito ang anak ko. Ayokong kumalat ang mga kwento- kwento at pag- usapan nila ang anak ko, Kap.” pakiramdam ayaw ko ng lumabas ng bahay sa isang linggo. Nakakatakot na at ako pa yata ang pagpipiyestahan ng mga tao kapag lumabas ako. Tumingin ito sa aking mga mata bago siya magsalita. “Kung papayag po si Eleanor, papakasalan ko po siya.” Hindi agad ako nakasagot dahil sa aking pagkabigla sa mga narinig. Ano? Papakasalan niya ako? Ni hindi nga kami dumaan sa magkasintahan! Magkapit- bahay kami pero ngayon lang din kami naging malapit sa isa't- isa at halos wala pang isang buwan 'yon! Tapos magpapakasal na agad kami? “Kung ako ang magdedesisyon, papayag ako para matahimik na ang mga tao sa labas. Kapag kasal na kayong dalawa ay titigil na sila. Pero syempre, hindi naman ako ang papakasalan mo kaya kay Eleanor pa rin ang desisyon kung papayag siya.” Anong gagawin ko?! Hindi basta- basta ang kasal! Hindi pwedeng pumasok kami sa puntong mag- asawa na ng dahil lang may nangyari sa aming dalawa. “Nay, parang ang lalim naman po yata ng pagpapakasal. Mawawala rin naman siguro sa isip ng mga 'to.” pero matagal. Titiisin ko para lang 'wag maikasal kay Kapitan. Ayaw ko rin siyang itali sa akin. Maraming mga babae na mas karapat- dapat sa kanya. “Kap, hindi n'yo po kailangang gawin 'to. Maghanap na lang po tayo ng pwedeng irason kapag nagtanong na sila. May iba pa pong solusyon.” ano naman ang sasabihin namin sa mga tao? Pumayag naman silang lahat sa naging desisyon ko na 'wag magpakasal kay Kapitan. Iyon nga lang ay laman kami ng balita at talagang nakaapekto iyon sa reputasyon ni Kapitan. Maraming mga sinasabi sa kanya ang mga tao. At sa akin din dahil inakit ko raw si Kapitan. Hindi n'yo lang alam na si Kapitan ang umakit sa akin! Nasakto lang na nasa bahay niya kami! Nung araw na 'yon ay hindi ako lumabas ng bahay. Pinalipas ko muna ang ilang araw bago ako nagpasiyang lumabas na. Hindi rin kami nagkita ni Kapitan at wala akong balita sa kanya kahit nasa kabilang bahay lang siya. “Eleanor, bakit ka natulog sa bahay ni Kapitan?” tanong ng isang tindera sa palengke nung bumili ako ng isda sa kanila. “Nakalock na po kasi ang bahay ni Tiya Aurelia at tulog na siya kaya naman doon na niya ako pinatulog sa bahay niya.” paliwanag ko. Umalis na agad ako pagkatapos kong kunin ang isda. Sa mga sumunod na araw, unti- unti ng nawala ang mga usap- usap tungkol sa pagtulog ko sa bahay ni Kapitan. Makakalimutan na 'yon ng iba dahil may mga bagong chismis na dumating. “Pabili po!” nag- angat ako ng tingin upang tingnan kung sino ang bumili. Mula nung huling pag- uusap namin sa bahay niya kasama si Nanay at Tiya Aurelia ay ngayon lang kami nagkita ulit. “Magandang umaga, Eleanor. Pabili ng kape,” hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya pagkatapos kong tanggihan ang kasal na alok niya. Nang lumapit ako sa kanya at ibigay ang kape na binili niya ay hinuli niya ang aking kamay at hinawakan iyon. “Ayos ka lang ba? Kumusta ka nitong mga nakaraang araw?” tumingin ako sa paligid. Binawi ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak. “Ayos lang po ako, Kap. Humupa naman po ang tungkol sa atin. Mukhang hindi naman po nila tayo pinag- uusapan na.” sagot ko sa kanya. Buong akala ko ay ayos na ang problema ko. Pero labis akong nabahala nung sunod- sunod na umaga ay palagi akong inatake ng pagsusuka katulad ng mga buntis. Nagbunga ba ang isang mainit na gabi naming dalawa ni Kapitan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD