bc

As We Go On

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
family
opposites attract
like
intro-logo
Blurb

About two student who hate each other. Steven who is one of the most popular student, a magazine and apparel model, a dancer, will be the lead actor. Keith, a beauty and brain student who shift her course was accepted as the lead actress. Will they be in good terms as they meet each other at the stage, or will it be a problem with the staff and members of the play. Find out and read the story about Steven and Keith, together with their friends and families.Sa school auditorium, nakatayo si Keith sa gitna ng stage. Practice nila for a theater play sa upcoming school event. She was the lead actress, as she plays the role of Cathy. It was a musical play, she was a good dancer, as well as an actress who even starts in some theater outside the school before. Napatingin sya sa gilid ng stage kung saan nakatayo si Steven, he was the lead actor. Habang nakatingin sya kay Steven napahawak sya sa dibdib niya, ang lakas ng t***k ng puso niya,it was when suddenly bumalik lahat sa isip niya ang mga nangyari.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sa school auditorium, nakatayo si keith sa gitna ng stage. Practice nila for a theater play sa upcoming school event. She was the lead actress, as she plays the role of Cathy. It was a musical play, she was a good dancer, as well as an actress who even starts in some theater outside the school before. Napatingin sya sa gilid ng stage kung saan nakatayo si Steven, he was the lead actor. Habang nakatingin sya kay Steven napahawak sya sa dibdib niya, ang lakas ng t***k ng puso niya,it was when suddenly bumalik lahat sa isip niya ang mga nangyari. Months before the school program. Nasa parking lot ng school si Keith, habang itinatabi nya ang sasakyan ay kausap niya si ang kaibigang si Abi sa cellphone. Kanina pa ito tawag ng tawag at mukhang mas excited pa kesa sa kanya sa pag audition sa Musical play. "Girl, where are you na?" tanong nito sa kanya habang naghihintay sa Auditorium. "Parking" maikling sagot niya at tinignan pa ang sarili sa salamin. "Bilisan mo girl, ongoing na ang registration for lead actress, nakuha na kita ng form" "Papunta na ko dyan dont worry" natatawa niyang sagot sa kaibigan, alam niyang napaka supportive nito kahit sa ano mang bagay na gusto niyang gawin. "Bilisan mo ha" pagmamadali pa nito sa kanya. Nang ibaba na ni Keith ang phone, sinilip pa niya ulit ang sarili sa salamin saka bumaba ng sasakyan. Habang palakad na siya naalala niya na sa upuan niya nailapag ang cellphone, sa pagmamadali dahil sa kakulitan ng kaibigan pagikot niya para bumalik may nakabanggaan siyang studyante. "Tsk! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo" inis na sabi niya dito saka lumakad pabalik ng kotse niya. "Huh! sino ba sya sa akala niya" inis na bulong ni Steven sa sarili, siya na itong nabangga siya pa yung lumalabas na may kasalanan. Napatingin siya sa babaeng iyon at inabangan matapos niyang makita na may kinuha lang sa sasakyan. "Aren't you going to say sorry" harang ni Steven sa babaeng bumangga sa kanya. Pero napatingin ito sa kanya at napasimangot pa "Why would i do that?" Saka ito walang paki na lumakad at umalis. Inis na inis si Steven sa inasal nito, nagandahan pa naman sana siya pero hindi niya gusto ang ugali nito. Napailing na lang siya, tumingin sa oras at saka lumakad para pumunta na sa classroom nila. Sa auditorium, pagpasok ni Keith nakita agad niya na nakaupo sila Abi at Cliff, habang naghihintay sa kanya. Napangiti pa siya at lumapit sa kanila. "Here, fill up kana para mabigay mo,ang tagal mo kaya nagugutom na ko" sabi ni Abi sa kanya sabay abot ng application form para sa lead actress ng musical play for upcoming school program. "Thanks girl" pagkakuha ni Keith ay naupo na siya para mag fill up ng application. "Sigurado ka sasali ka?" Narinig niyang sabi ni Cliff sa kanya, bestfriend niya ito since elementary, nagkakilala sila ng dahil sa Kuya Carl niya kasama ito ng kuya niya sa taekwando team at madalas noon isama sa bahay nila. Kaya naging close din siya dito agad. "Oo naman" sagot niya sa tanong nito. "May lead actor na ba sila, girl" singit naman ni Abi sa usapan nila. "Sana nga gwapo eh" "So, apply na ba ko?" Nakangiting biro pa ni Cliff "ha ha ha" pang aasar na sagot niya kay Cliff, alam naman niya na hindi ito interesado sa mga acting, dahil sports ang hilig nito. "Tignan mo" tinuro ni Cliff yung mga nasa stage na nag audition, "Sa tingin mo sino mas gwapo samin?" Tumingin sa stage si Keith at kunwari nag isip. Hindi namn sa walang sinabi ang mga lalaking nasa stage, nagkataon na rin siguro na ang mas may mga dating at masasabing gwapo talaga ay mga walang interest pag dating sa acting. Tulad ni Cliff nakapagwapo, maraming nagkakagusto pero hindi niya mapilit pag dating sa theater play. "Well.. sila" biro pa niya kay Cliff. "Bulag" sabay tawanan nila. Nang matapos mag fill up si Keith ay niyaya na niya ang mga ito para lumapit kay Ms. Toni. "Done.. lets go" "Goodluck, girl" Habang nakaupo si Ms Toni, binabasa niya ang ibang application form na naisubmit sa kanya. Si Ms Toni ang head ng musical play, sa loob ng ilang taon mataas ang nagiging benta ng ticket nila, kaya naging mas pursigido sya dahil malaking tulong ito sa mga foundation ng School. Fund raising program ito, at 80% ng kita ay sa donation napupunta. Lumapit sila Keith, Abi at Cliff sa kanya para iabot ang application form. "Hi Ma'am Toni" nakangiti pa nitong bati sa kanya. "Keith, it was nice seeing you here, mabuti naman Abi at naipush mo ng makasali dito si keith" "Yes, ma'am with all my support" sabay kapit pa nito sa braso ni keith. Napatingin pa si Ms Toni kay Cliff dahil isa ito sa last year pa niya kinukulit na sumali sa teatro, sa gwapo nito at dami ng nagkakagusto sigurado siya na maraming ticket ang bibili sa kanila. "Cliff are you going to audition too?" Napahawak sa batok si cliff at napangiti "Naku po Ma'am" "Let me know as soon as you've change your mind" "Kasasabi niya lang Ma'am mag apply sya, diba?" Nakangiti pang sabi ni Keith, kahit alam naman niya na hindi talaga ito interesado. "Inaasar ka lang eh" sabay gulo nito sa buhok niya. "Haynaku" sa tuwing aasarin siya nito ay lagi nitong ginugulo ang buhok niya. Kumuha ng application form si Ms Toni at iniaabot kay Cliff. "Here.." Napatingin pa si Cliff sa application form, at hindi malaman kung kukunin o hindi, kaya ang ginawa ni Keith ay inabot at pilit binigay kay Cliff. Habang kausap sila ni Ms Toni ay napapatingin ang ibang studyante, may ilang babae ang kinikilig at nagbubulungan na sana ay makasama nila si Cliff sa teatro. Ang ilan naman sa kalalakihan ay gusto na rin magpasa ng application matapos na makita si Keith na nagpasa ng form. Lunch break, habang kumakain kinukulit parin ni Keith si Cliff para sumali sa teatro. "Sorry hindi ako pwede, kakatext lang din ni coach may chess at archery tournament kami hongkong" matapos sabihin ito ni Cliff ay umirap pa si Keith sa kanya. "Hindi naman yan one month" "Magiging busy ako sa training" "Palagi naman" may himig tampo na sabi niya dito. "Wag ka na magtampo, papangit ka, next time promise" dahil alam ni Cliff na hindi totoong nagtatampo ang kaibigan ay sinakyan na lang niya ito. "hmp! Ewan" pero napangiti narin ito ng magpacute si cliff sa kanya. "Oo nga pala Keith, kamusta pag shift?" Nasa medicine course si Keith noon pero nagshift siya ng BS Architecture, hindi sa ayaw niya sa medicine course, sa katunayan CEO ang daddy niya sa Cams Hospital. Kilala ang parents niya sa industry of medicine at gusto niya sumunod sa yapak ng mga ito, pero magmula ng mawala ang ate Camille niya, hindi na sila naging okay ng family niya, unti unti lumayo loob niya na maging isang Doctor. Si Cliff ang tumulong sa kanya para maayos ang pagshift niya. "Okay naman, buti na lang tinulungan mo ko, thank you" sabi nito sa kanya. "Thank you ka dyan, libre mo ko mamaya sisig at beer" "Haynaku lagi nalang may kapalit" "Wala na pong ng libre ngayon" Bago makasagot si Keith ay may lumapit sa kanila na studyante. "Excuse me, Cliff hinahanap ka ni Sir Greg puntahan mo daw sa office" Napatingin pa si Cliff kay Keith, tumango lang ito sa kanya na ang ibig ipahiwatig ay okay lang. "Okay sige, Thanks" pagkasabi nito ay agad ding umalis ang babaeng lumapit. "Sige na Cliff, Patapos na rin naman ako" sabi pa ni Keith kay Cliff. "Sige kita na lang tayo mamaya" Ngumiti pa si Keith bago tumayo si Cliff para puntahan ang coach nila. Mayamaya, sa 2nd floor ng AH building, nakaupo sa hagdan si Keith habang nagpapatugtog. Pababa naman ng 3rd floor sina Paul at Steven habang naglalaro ng bola, katamtaman lang ang laki nito, pinagpapasa pasahan nila ito, paghagis ni Steven ay hindi agad nasalo ni Paul kaya tinamaan si keith sa braso. "Ouch" inda ni Keith ng tamaan ng bola. Nagkatinginan pa sila Paul at Steven at mabilis na lumapit dito. "Sorry miss" sabi ni Paul, saka dinampot yung bola. Tumayo si keith para tignan kung sino ang nakatama ng bola sa kanya, nainis pa siyang lalo ng makita si Steven. "Pwede ba..." bungad niya sa kanila. "It's you again" ang biglang singit ni Steven sa sasabihin niya. Sa pagtataka pinagsalitan pa ng tingin ni Paul sina Keith at Steven. "Magkakiĺala kayo?" Curious na tanong niya sa mga ito. "No" madiing sagot ni Keith sa kanya. "Nasaktan kaba?" Tanong muli ni Paul sa kanya. "Next time kase wag ka nakatambay sa hagdan" sabi ni Steven. Hindi pa man nakakasagot ay nagsalita na si Steven Napatingin siya dito dahil sa inis, masyadong antipatiko akala mo kung sino. "Next time wag kayo maglaro sa hagdan, hindi dito ang playground" "Playground? Ano kami.." Hindi na natuloy ni Steven ang sasabihin dahil nagsalit na agad si keith "Andun yung playground sa park" turo pa niya sa labas. "Dun kayo maglaro" Saka inis na umalis si Keith at iniwan sila. "Pare" natatawang sabi ni Paul "First time yun ah, tinarayan ka, imbis na ngitian ka inirapan ka" "Kilala mo ba yun?" Inis na sabi ni Steven dito "Si Ms medicine yun pre si Keith" "Ms. Medicine? anong ginagawa nun dito" "Baka may hinihintay, malay mo boyfriend o kaya baka nagshift" Sinundan lang ng tingin ni Steven si Keith habang naglalakad sa hallway. Paakyat naman si Selene ng makita sila, napasimangot sya kung sino yung babae na nagtaray kay Steven. Matagal na niyang kilala si Steven at alam niya na maraming babae ang nagkakagusto dito at ginagawa ang lahat maging malapit lang dito, pero nagtaka siya sa babaeng yun at sobra kung makapagtaray. Tumingin pa siya kay Steven bago tuluyang bumaba. After ng class, nagpunta muna sa bar malapit sa school na pinapasukan nila sila Cliff, Abi at Keith. Ang planet bar ang pinaka convinient para sa kanila na tamabayan kung gusto nila magrelax at uminom ng konti. Malapit lang ito sa school nila, mataas ang price dito kaya konti lang ang nagpupunta, mga mayayamang studyante at afford ang gastos dito. "Okay ka lang?" Tanong ni Cliff kay Abi, umiiyak ito kanina dahil nakipag break siya sa boyfriend niya. "Gago yun" sabay inom ng isang basong beer. "Ikaw nakipag break sya ang gago?" Natatawang sabi ni Keith, alam niyang ilang araw lang eh magsasabi na naman itong nagkabalikan sila. "Eh gago naman talaga sya eh" "Bakit ba kayo nag break?" "Nakalimutan niya may date kami" Nagkatinginan pa sila Keith at Cliff sa sinabi ni Abi. "Baka naman may reason si Ian, hindi ka naman matitiis nun" saad ni Cliff para mahimasmasan ito. "Sabihin niya, nagrereason out lang sya" "Magkakabati din kayo nun" "Hindi na, as in never" nakipag cheers pa kay Keith. "Hinay hinay lang. Hindi ikaw ang nakipagbreak" Awat ni Steven kay keith sa pag inom. "Hindi pa nman ako lasing" "Kahit na, konti lang" Inis na napatingin si Abi sa kanila. "Ano ipapakita niyo sakin sweet kayo" "Bakit, ingit ka ba?" Nakangiti pang sabi ni Keith. Papasok sila Steven sa Planet bar kasama ibang friends nila, naghahanap sila ng pwesto ng mapansin niya si Keith at mga kasama nito. Umakbay pa si Cliff kay Keith, sinubuan naman siya nito ng sisig para lalong asarin si Abi. "Ay ewan ko sa inyo" sabi pa ni Abi na kinaway pa ang kanang kamay "Tawagan mo na si Ian" panginis pa ni Keith dito. "Nno way" "Eh di ingitin na lang kita ng ingitin" natatawang sabi pa ni Keith. "As if naman kase totoo" irap pa nito sa kanya, pero pagkaraan ay nakitawa din. Habang pinagmamasdan ni Steven sila Keith, napailing na lang siya. Classmate niya si Cliff, naisip niya na kaya siguro nandun sa Architecture department si Keith dahil boyfriend nito si Cliff. "Dun tayo" narinig niyang sabi ni Tristan, kaya iniwas na lang niya ang tingin kila Keith at sumunod sa pwesto na napili nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook