Chapter 2

2525 Words
Kinabukasan sa room nila Keith, hindi pa dumarating ang Prof nila. Ang iba sa classmates nila ay wala sa kanilang mga pwesto at nakikipagkwentuhan pa. Si Abi nasa tabi ni Keith at nakayuko sa lamesa. "Ang sakit ng ulo ko, ayoko ng uminom" daing pa nito dahil sa hangover. "Ako din, girl" hawak pa nito sa ulo. Nang dumaan sila Tristan, Paul at Steven sa hallway kinilig pa yung ibang girls, narinig pa ng ibang classmates nila kaya sumilip sa pinto. "OMG, sila Steven pala eh" kilig na kilig na sabi ni Bea. Dumaan pa sa pangalawang pinto ng room nila sila Tristan at Steven, napalingon din sila Keith at Abi pagdaan nila. "Grabe ang daming gwapo dito no" kinikilig pang sabi ni Abi. "kilala mo ba yun?" Turo ni Keith kay Steven. "Si Steven? si Paul? si Tristan? Matalino na gwapo pa, paanong hindi sila makikilala tapos varsity din" kinikilig pang sabi ni Abi "At antipatiko" singit ni Keith sa sasabihin pa ni Abi. "Mabait yan sila" "At paano mo naman nasabi" "Wala, basta, gwapo eh" natatawang sagot ni Abi kay Keith. Nang makita nilang papasok na Prof nila, nagsipagbalikan sila sa mga pwesto nila. Naunang pumasok si Mr. Greg, Adviser nila ito, mabait at very understanding na Professor, kasunod na pumasok sila Tristan, Paul, Steven, Cliff at lima pang ibang studyante. Halos kiligin ang mga babae pagpasok ng mga ito sa classroom nila. "Bakla nasa heaven na ba tayo" "Omg" Halos hindi nila mapigilan ang mga sarili nila sa paghanga sa mga ito. Bakit hindi, eh halos sikat sa school nila ang mga ito, tapos eto at nasa harapan nilang lahat. Sa paningin halos ng karamihan they are almost perfect. Gwapo, matalino, varsity sino bang hindi magkakagusto sa kanila. "Quite" sabi ni Sir Greg ng magbulungan ang buong klase niya. "Anong meron?" Nagtatakang tanong ni Abi ng lingunin si Keith "Ma at Pa" Nagkibit balikat pa si keith dahil hindi rin niya alam kung bakit nandoon at kasama sila ng prof nila. Tumingin pa si Keith kay Cliff at pasimpleng ngumiti. "Some students of AD2 will be included in this class, not so sure, but maybe until the end of semester. Ahall building will start the renovation and as per our meeting, no need to transfer from other rooms. Medyo delikado na yung building sa kabila kaya nasabay sa klase ang renovation, so for safety wala munang dadaan dun. i hope there will be no problem with you guys" paliwanag ng prof nila sa kanila. "Sir kahit hangang makagraduate" sabi pa ni Jane isa sa pinakamaingay ito sa klase nila. "Sir ok na ok" "100% okay samin" Napansin ni Steven na ang ganda bigla ng ngiti ni Keith, sa isip isip niya tuwang tuwa ito na makakasama ang boyfriend niya. Pasimple din siyang tumingin kay Cliff na nakangiti din kay Keith. "Alright, Jake, lumipat ka dun, you may sit there" turo nito sa bakanteng upuan. Nagulat pa sila ng ipaglipat lipat ni Mr Greg ang pwesto ng upuan nila. Sa bandang gitna naupo si Cliff katabi ni Bea na agad naman nagpakilala sa kanya, si Abi naman ang naging katabi ni Tristan. Huling pinaupo si Steven sa tabi ni Keith, napatingin pa yung ibang girls sa kanya dahil nainggit. Naiinis man wala naman magawa si Keith, inusog pa niya yung gamit niya para makalayo ng konti kay Steven. "Alright guys, next to your seat will be your partner for our upcoming project" Sinulat pa ng prof nila sa board ang mga task na gagawin nila. "Tsk!" Inis na sambit ni Keith. "Girl palit tayo gusto mo?" Napalingon si Jane sa kanya. "Sure" sagot naman ni Keith. "Ayaw mo kong partner?" Napatingin pa si Steven kay Keith, nainis siya lalo dito. "Oo" mabilis na sagot ni Keith dito dahil ayaw naman talaga niya itong maging kapartner sa task na gagawin. "Sir, ayaw daw po niya akong partner eh" agaw pansin pa ni Steven sa klase. Napalingon pa yung iba sa kanila, nagbulungan pa yung iba. "Keith? Is there any problem" tanong ni Mr. Greg sa kanya. "No Sir" halos mahinang sambit ni Keith. Napangiti ng sarcastic si Steven at saka muling hinarap si Keith "Keith right, I'm Steven" saka nilahad yung kamay para makipag shakehands, pero hindi ito pinansin ni Keith sa halip ay inusog pa ang kamay ni Steven. "Makinig ka na lang sa lesson" ang naging sagot pa sa kanya ni Keith. Naasar naman lalo Steven sa kanya, napatingin pa siya kay Cliff ng mapansin niyang lumingon ito sa kanila. Mayamaya, breaktime na nila bumalik sa room si Keith dahil naiwan niya ang wallet niya, habang kinukuha niya sa bag ay nilapitan siya ni Bea "Bakit ayaw mong partner si Steven, nakakaingit ka nga katabi mo siya" "Paki tanong naman favorite food niya" sabi naman ni Lyn isa pa nilang kaklase na may crush kay Steven. "Saka hobbies" singit pa ulit ni Bea. "Kayo nalang" sabi niya sa mga ito, naiirita siya pero hindi naman niya pwedeng ibaling sa kanila ang inis kay Steven. "Sige na please" pangungulit pa sa kanya ni Bea. "Next time, sige" sabi na lang niya para hindi na siya kulitin ng mga ito, napangiti naman sila kaya nakahinga siya ng maluwag para maiwasan na niya na kulitin siya tungkol kay Steven. "Kung alam lang niyo kung gaano siya ka antipatiko" bulong niya pa sa sarili bago lumakad, pero hindi niya inaasahan na mababangga niya ang isa sa mga siga na classmates nila. "Hoy!" sigaw ni Troy sa kanya, napatingin pa yung iba sa kanila, "Sorry" sabi niya dito. Sinabi na sa kanya ni Abi na hanggat maiiwasan eh iwasan niya ang dalawang classmates nila na ito dahil bukod sa puro kayabangan ang alam eh sisiga siga sa loob ng klase. "Bago ka ba dito?" "Medicine ka dati diba?" Sabad ni Dave, mayabang din ito at mahilig mang inis ng babae. "Ah nagshift ka pala" nakangising sabi pa ni Troy. Aalis na lang sana si Keith para iwasan nalang sila, pero hinawakan sya sa braso ni Dave para pigilan. "Kinakausap ka pa namin ah" napatitig si Davekay keith, hindi niya akalain na napakaganda lalo ng mukha nito sa malapitan. "Bitawan mo nga ko" inis na sabi ni Keith, saka inalis yung kamay ni Dave. "Ang tapang mo ha" galit na sabi ni Troy sa kanya. Napalingon na sa kanila si Jake, na kanina pa nakikiramdam lang, hindi na nito mapigilan ang inis kaya napatayo siya para pigilan na sila. "Troy!" Sigaw ni Jake dito. Papasok na ng classroom si Cliff galing sa dean's office ng makita sila, agad siyang lumapit kay Keith, at hinila papunta sa likod niya saka tinignan ng masama sila Troy at Dave. Sakto rin papasok ng room si Steven, napahinto ito at napatingin sa kanila. "Kilalanin niyo binabanga niyo ah" inis na sabi ni Troy kila Jake at Cliff bago sila lumabas ni Dave. "Okay ka lang?" Tanong agad ni Cliff kay Keith na may halong pag aalala. "Oo, okay lang ako" kahit alam niya sa sarili niya na medyo kinabahan siya eh hindi na niya pinahalata pa. "Sure ka ha" sabi ni Jake sa kanya. Ngumiti pa si Keith dito saka tumango. "By the way, Im Jake" pagpapakilala nito sa sarili. "Keith" ngiti niya dito. Kitang kita ni Steven na si Keith pa ang unang nakipagshakehands, napailing pa siya sa inis dito, saka lumabas ulit ng classroom. "Cliff, pare" pagpapakilala naman ni Cliff sa sarili at nakipagshakehands narin sa kanya. "Pag may problema just let me know" sabi ni Jake sa kanya. Napangiti lang siya dito, gwapo din si Jake at mukhang mabait ngayon pa lang niya ito nakilala pero magaan na ang pakiramdam niya dito, hindi tulad ni Steven. Napailing pa siya ng maisip si Steven. Halos pakiramdam ni Keith pagod na pagod siya maghapon kahit wala naman masyadong ginawa, pagpasok niya ng bahay nila ay naupo muna siya sa sofa at sinandal ang ulo. Pagpasok ng maid nila matapos siyang pagbuksan ng pinto ay tinanong niya agad ito kung dumating ang mommy niya dahil napansin niya nakapark ang kotse nito. "Nasa dinning po kumakain" ito ang sagot ng maid nila sa kanya, napaisip siya kung pupuntahan niya o hindi ang mommy niya. Pero sa huli tumayo rin siya at nagpunta sa dinning room nila. "Dito ka pala magdidinner sana hinintay mo na ko" Napatingin pa ang mommy niya sa kanya, ni hindi man lang ito nguniti sa kanya at tila pa nagmadali sa pagkain. "Nagmamadali na kase ako at may parating akong pasyente" "Nandyan na ba si kuya?" "Night shift ang kuya mo" "Mommy, intern palang si kuya" Napansin niya na para bang nainis sa kanya ang mommy niya sa sinabi niya. "So? There's no problem with that, I need to train him well, kaya ikaw ayusin mo yang studies mo at gayahin mo ang kuya mo" saka umayos ito at tumayo. "Tapos ka na?" "I told you may patient pa ako" saka tuluyang lumabas na ng dinning ang mommy niya. Napabuntong hininga na lang si Keith, at kahit sanay na siya, hindi parin maiwasan na kumirot ang puso niya dahil mag isa na naman siyang kakain ng dinner. Kinabukasan, pababa pa lang ng hagdan si Keith, napansin na niya ang daddy niya nasa sala nila habang nakaupo sa sofa at may tinitignan. "What's this?" Tanong agad nito pagkakita sa kanya. Pinakita nito yung blank application form sa teatro, napaisip siya bigla, siguro naiwan niya ito sa table kagabi habang kausap niya si cliff sa telepono. "Anong kalokohan to? Don't tell me sasali ka sa Teatro?" Tila mapanghusga ang salitang binitiwan nito sa kanya. "Why not?" Sagot niya sa daddy niya. "And why? You can't even be the lead actress. Tigilan mo nga ang kalokohan mo" mapanghusgang sabi ng daddy niya. Kumirot ang puso niya sa sinabi ng ama, para sa kanya napakasakit isipin na ang baba ng tingin ng mismong daddy niya sa kanya. "Ang kuya mo kayang pagsabayin ang lahat, ikaw, You have to focus on your study, kesa yung puro ganito inaatupag mo!" Saka nito pinunit sa harap niya ang application form, at umakyat sa taas, naiwan siyang halos maluha sa mga sinabi ng daddy niya, nagulat pa siya ng makita ang Kuya Carl niya na hindi niya namalayang narinig ang pag uusap nila. "Keith.." sambit pa nito. Tinignan lang ni Keith ang kapatid saka umalis, pag lagpas niya sa kuya niya hindi na niya napigilan pumatak ang luha niya. "Aga aga, comparison" naibulong niya sa sarili niya habang naglalakad palabas ng bahay nila. Sa University, pagdating sa classroom, habang nakaupo si Keith, iniisip parin niya mga sinabi ng daddy niya. Halos tuwing magkikita sila eh puro masasakit ang naririnig niya pero hindi parin talaga siya nasasanay, masakit parin sa loob niya ang bawat sasabihin ng mga ito sa kanya. Nakita ni Steven si Keith na nakaupo na, nalaman niya na nagsubmit ito ng application sa teatro kaya pagpasok niya ay tumabi na siya agad dito. "Hi, sumali ka sa teatro?" Tanong niya dito. "Pwede ba kung mangiinis ka wala ko sa mood" seryosong sagot nito. "Bakit ba ang sungit mo sakin" Para hindi na siya kausapin ni Steven ay nagsuot siya ng headset, ayaw niya ng may kausap ng mga oras na iyon, pero inalis nito ang headset sa tainga niya. "Ano ba" inis na hinarap ni Keith si Steven. "Nandyan na prof natin" saka tinuro ni Steven si Mrs. Diaz na kapapasok lang. Nainis na tinago na ni keith yung headset niya, at kinuha yung ballpen sa bag niya. Wala siya sa mood na makipagtalo kahit kanino. Masamang masama ang loob niya kaya kahit may sinasabi ang Prof nila ay halos wala siyang naririnig. Mayamaya ay dumaan ng auditorium sina Keith at Cliff, Naupo muna sila habang tinatapos ni Ms. Toni ang audition para sa ilang character na kailangan sa play. Habang nanonood sila ay hindi maiwasan ni Cliff na mapatitig kay Keith, kahit na masama ang loob nito ay nakukuha paring ngumiti. "Oh bakit nakatingin ka dyan, nagtext si kuya sayo?" Tanong ni Keith kay Cliff ng mapansin na nakatingin lang ito sa kanya. "Nag away na naman kayo ng daddy mo o napagalitan ka?" "Eh kelan ba hindi, ihanap mo na nga ako ng apartment" "Hindi ka papayagan nila Tito" "As if naman malaman nila, eh nakikita lang nila ko pag gusto nila akong pagalitan" "Ayoko parin, delikado mag isa" kontra nito sa gustong mangyari ni Keith. Matagal ng plano nito na makahanap ng apartment pero pinipigilan niya dahil mahihirapan lang ito mag isa. "My gash, si Steven ba yun?" Napalingon pa sila ng biglang napalakas ang boses ng nasa likod nila. Habang naglalakad papasok ng Auditorium si Steven ay napalingon din agad ang ibang mga nanonood ng audition. "Bakit ba hindi kayo in good terms ni Steven? Inaasar ka ba?" Tanong ni Cliff sa kanya, napatingin siya kay Steven habang naglalakad paalapit kay Ms. Toni. "Hindi ko lang sya feel" "Ibang klase ka rin eh no, lahat sila kinikilig ikaw naiinis" "Gwapo naman sya, antipatiko nga lang" sabi pa ni Keith, nasundan pa niya ng tingin si Steven na lumapit kay Ms. Toni. "Hi Ma'am Toni" bati ni Steven paglapit palang niya dito, agad naman mapapansin ang saya nito ng makita siya "Steven, yes na ba yang pinunta mo dito?" "Sorry Ma'am, medyo busy kase talaga ko ngayon" Ilang araw na siya kinukulit ni Ms Toni para sa lead actor, at nahihiya na rin siya sa kakatanggi dito kaya naiisipan niyang dumaan ng auditorium para personal na humingi ng pasensya. "Ganun ba" malungkot na sabi nito sa kanya. "Kaya dumaan narin ako dito Ma'am Toni, para po sabihin na i open niyo yung sa lead actor natin" "Hindi na nga talaga ko nag pa audition eh, fit na fit kase sayo ang role" "Hi Ma'am Toni" singit pa ni Abi sa usapan nila Steven at Ms Toni, pagdaan niya. Manonood lang din siya ng audition kaya sumunod siya kila Keith at Cliff. "Abi, andyan na ba si Keith?" Naitanong narin nito sa kanya. "Ah yes mam, wait" hinanap pa ni Abi sa mga nakaupo sila Keith at tinuro kay Ms Toni ng makita "Ayun po Ma'am" Napatingin si steven kung saan nakapwesto ng upo si Keith, katabi si Cliff. "Paki tawag mo naman please" "Okay Ma'am" saka lumakad si Abi papunta kila Keith. Habang nakatingin si Ms Toni kila Keith at Cliff ay napapaisip na rin siya. Gwapo din si Cliff at siguradong marami itong hakot dahil Varsity player ito. "Mukhang bagay naman sina Keith at Cliff, pero parang mas nakikita kong bagay sa inyo ni Keith yung role eh" Napatingin kay Ms. Toni si Steven sa narinig, napaisip siya. "Si Keith ang lead actress niyo?" "Yes, she's a very good actress, nakasama ko na sya sa isang teatro outside school performance." Napangiti pa si Steven, biglang naisip niya na parang gusto niya sumali sa teatro para lalong inisin si Keith. "Okay Ma'am" saka kinuha yung form na hawak ni Ms. Toni. "Consider me in" Napangiti ito bigla sa sinabi ni Steven. "Talaga?" Gulat pang sabi ni Ms. Toni. "Yes Ms. Toni" saka tumingin pa kay Keith habang pababa ito ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD