Sa dressing room pinapunta ni Ms. Toni sina Keith at Steven para mas tahimik at makausap niya ng maayos ang dalawa.
"Perfect, bagay na bagay kayo"
"No" tanggi agad ni Keith sa sinabi ni Ms toni.
Napailing si Steven sa sinabi ni Keith, hindi pa man eh mukhang magkakaasaran na talaga silang dalawa.
"Ano bang ayaw mo sakin?" Napatitig pa si Steven kay Keith, lalo na ng humarap din sa ito kanya.
"Lahat" sagot nito sa kanya.
"Alam mo ang yabang mo"
"Bakit ikaw hindi"
"Ano bang ginawa ko sayo ha"
"Basta"
"Basta?"
"Stop" natigil lang sila ng itaas na ni Ms. Toni ang kanyang kamay para awatin ang dalawa, napatingin sila dito.
"May problema ba tayo dito?"
"Yes" sabay na sagot pa nina Steven at Keith.
Napabuntong hininga pa si Ms. Toni at saka pinagsalitan ang tingin sa kanila.
"Should i look for another lead actress and actor?"
"No" halos sabay na sagot nila Steven at Keith.
"Ha?" Nagtataka ng sabi ni Ms. Toni sa kanila.
"Ma"am, iba na lang kase ang lead actor natin" Medyo inis na rin siya pero hindi niya pwedeng ipakita kay Ms. Toni.
"Hindi pwede" sagot naman ni Steven sa kanya.
"Bakit nag audition kaba?"
"Some actors in showbiz doesn't need to audition because talent managers already saw future with them" pagmamayabang pa nito.
"Pero ang ending hindi pala marunong umarte"
"Bakit hindi mo ko subukan"
"Mayabang ka rin eh no"
Dahil sa inis ni Ms. Toni ay nakapamewang na niyang pinatigil ang dalawa.
"Guys, I want you both to come back here tomorrow after class. Lets talk again, at ayoko ng nag aaway kayo" mataray nitong sabi.
Hindi kumibo si Keith at Steven, dahil napansin nila na sumeryoso si Ms. Toni sa pakikipag usap sa kanila bago lumabas ng room.
Kinabukasan, Nasa isang coffee shop sila ni Cliff at kumakain.
"Ang sarap neto, Thank you sa treat" kasabay ng pagsubo ng cake ay napangiti pang lalo si Keith.
"So, itutuloy mo parin ba ang teatro?"
"Yes, kinaya nga ni kuya eh bakit hindi ko kakayanin"
"Nagkausap na ba kayo ni Carl, kahapon pa niya ako tinatanong sayo"
Umiling pa si Keith at hindi sumagot, maaga siyang umalis ng bahay nila para hindi sila magkita ng Kuya niya,
"Keith.." pero bago maituloy ni Cliff ang sasabihin ay ngumiti pa si Keith sa kanya, dahil ayaw niya na mapag usapan pa ang kuya niya.
"Lets not talk about him, okay"
Napasandal na lang sa upuan si Cliff at pinagmasdan si Keith.
"Sige, kumain ka na para di tayo malate alam mo naman si Ms. Lee"
"Sungit pa naman yun"
"Kaya nga eh, kaya kumain ka na ng kumain dyan" Tumango lang si Cathy at saka inubos ang cake na kinakain.
Sa canteen kung saan kumakain naman sila Tristan, Paul at Steven ay nagkaayaang lumabas after class,
"Billiards tayo mamaya" ani Tristan habang kumakain ng paborito nitong Kare-kare.
"Hindi ako pwede, may meeting kami sa teatro" sabi ni Steven ng maalala ang naging usapan nila kahapon dahil sa hindi nila pagkakasundo ni Keith.
"Akala ko ba ayaw mo?" Natatawang biro pa ni Paul sa kanya.
"Oo nga, tinangap mo?" Segunda naman ni Tristan na ayaw pa ring tigilam ang pagkain ng kanin at kare kare.
"Oo" mabilis na sagot ni Steven.
"Kapag nalaman ni Selene tiyak nagwawala 'yun. Eh ilang bese ka pa naman kinumbinse nun dati" naiiling na sabi pa ni Paul.
"Anong pumasok sa isip mo at sumali ka?" Dagdag pa nito kay Steven.
"Namiss ko lang sumayaw sa stage, Musical daw eh isa pa ilang araw na akong kinukulit ni Ms. Toni"
"Hindi ako magtataka pag isang araw tinangap mo na offer sayo" pang aasar pa na sabi ni Tristan sa kanya.
Matagal na kase siyang inoofferan ng kaibigan ng mommy niya, pangarap din nito na makapag artista silang magkapatid. Sa katunayan nagpagawa pa ito ng maliit na studio sa bahay nila kung saan pwede silang magpractice ng sayaw or acting. Mahilig naman silang magkapatid sa pagsayaw pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na pasukin ang showbiz.
"Kapag nag offer ulit so Tita Ina ikaw nalang Paul isuggest ko"
"Ayoko, mahirap magkabisado ng script" sabay tawanan pa nila.
Pagkatapos kumain ay dumerecho na ng canteen si Keith para puntahan si Abi at sabay na silang pumasok, patapos na itong kumain ng lapitan niya.
"Abi" bati niya sa kaibigan na mukhang sarap na sarap sa kinakain.
"Katatapos lang ng meeting niyo?" Tanong pa ni Keith kay Abi.
"Oo, kaya nagmamadali na kong kumain"
"Nakita mo ba yan sila Troy" turo ni Paul kila Steven at Tristan ng makitang papasok ng canteen ang dalawa.
"Ang yayabang nga eh" may pagkainis ring sabi ni Tristan.
"Malapit na sakin yan eh"
Tumingin pa si Steven kina Troy at Dave, lumapit ito sa pwesto kung saan nakaupo sila Abi at Keith, at pilit pinapaalis.
"Hoy wala kami mapwestuhan" dinig nila Steven na sabi ni Troy kila Keith
"That's not my problem" sagot ni Keith kay Troy.
Napasimangot pa si Steven sa sagot ni Keith na yun, naisip niya kahit kailan talaga mataray itong babae na 'to hindi man lang umiwas na lang dahil sa attitide problem ng dalawang sisiga siga sa school nila.
"Tssk lipat" pananakot pa ni Dave.
"Keith tara na" aya ni Abi ng mapansin na tila gusto silang lamunin ng buhay ni Dave.
"No" sagot ni Keith sa kanya, napahawak pa si Abi kay Keith at inaaya ng tumayo.
"Matigas ka ha" inis na sabi ni Troy, at ipinatong pa ang isang paa sa upuan, paharap kay Keith.
Dito na biglang napatayo si Steven, pero napansin niya si Jake biglang tumayo sa katabing pwesto ng table nila Abi at Keith.
"Tapos na kami dito na kayo" sabi nito na ikinalingon ni Troy.
"Ano?" Inis na sabi ni Troy
"Dito namin gusto eh" magkasunurang sabi ni Dave at Troy sabay hampas sa lamesang kinakainan ni Abi.
Dahil sa inis na rin ay lumapit na sa kanila si Steven, na ikinagulat pa nila Tristan.
"Steven!" Awat pa sana ni Paul para huwag ng makisali sa gulo. Paglapit ni Steven, ay papasok na rin si Cliff nauna sa kanya si Keith dahil dumaan pa siya ng locker niya, nakita nito na tila pinagtitripan sila Abi at Keith.
"Tara" hinawakan ni Steven ang kamay ni Keith para makaiwas na lang sa gulo.
Napatingin si cliff sa kanila, napasimangot pa. Pagpunta ni Selene ng canteen ay nakita niya agad na hawak ni Steven sa kamay si Keith. Inis na inis siya at lalapit sana pero pinigilan siya ni Mona.
"Ano to? Ha?" Nakangisi pang sabi ni Troy kay Steven.
"Kinakalaban niyo ba kami?"
"Keith lets go" muling aya ni Abi sa kaibigan.
Napansin ni Keith halos nasa kanila na attention ng mga kumakain sa canteen, inalis niya kamay ni Steven saka tumayo at inaya si Abi.
Naiwan pa sila Steven, Jake at Cliff na pare parehong masama ang tingin kila Troy at Dave.
"Anong meron? Tapusin na mga pagkain dyan" sigaw ng isang Prof.
Napailing pa si Dave habang nakatingin kay Steven bago naupo katabi ni Troy.
"Nag aaway ba kayo dyan" muling sabi ng Prof na dumating, kung kaya't bumalik na lang sa pwesto niya si Steven, si Jake naman ay lumabas na kasma ang mga kaibigan, si Cliff ay lumabas na rin upang sundan sila Abi at keith.
Nang makita ni Selena na naupo na si Steven kung saan ay kumakain sila lumapit siya dito.
"Why did you do that?" Tanong niya kay Steven na may halong inis at kaba.
"Bakit?" Balik tanong niyang sabi kay Selene.
"Hindi mo ba alam, grupo nila pinaka siga dito. Ewan ko ba bakit nagshift pa sila dito eh" tumingin pa ng masama sa pwesto nila Troy sabay irap.
"Lalayo na ba kami kay Steven" biro ni Tristan sa sinabi ni Selene.
"Sige" natatawang sagot lang ni Steven sa kanya.
"Iwanan ka muna namin sa ere" sabi ni Paul.
"Bakit kase nakikisali ka dun" saad naman ni Mona dito.
"Umiwas ka sa kanila ah, baka mapagtripan ka din" pag alalaang sabi ni Selene kay Steven.
Hindi kumibo si steven sa sinabi nito napatingin lang siya kila Troy at Dave, kung hindi lang dumating yung Prof nila nakatikim sana ito.
"Keith! Abi!" Habol na tawag ni Cliff sa dalawang kaibigan habang naglalakad sa hallway.
"Ayos lang kayong dalawa?" Tanong niya ng huminto sa paglakad sina Keith at Abi.
"Yup" ngumiti pa si Abi ng sumagot kay Cliff.
"Ang yabang talaga ng Troy na yun, akala mo kung sino" inis naman na sabi ni Keith.
"Pero kinilig naman ako kay Jake" nakangiti pang sabi ni Abi.
"Crush mo?" Natatawang sabi ni Keith ng halos umabot tenga ang ngiti ng kaibigan.
"Sshhh...." saway naman agad nito kay Keith.
"Nga pala close na kayo ni Steven? Bakit hinawakan ka niya sa kamay" nanunuksong sabi ni Abi dito.
"Naku ewan ko sa mayabang na yun at nakikisali pa"
"Next time kayong dalawa umiwas na lang kayo sa gulo, pwede ba ha" pag iiba ni Cliff sa usapan.
"Oo" sagot ng dalawa sa kanya.
Hindi malaman ni Cliff bakit ganun nalang ang naging reaksyon niya ng makitang hawak ni Steven ang kamay ni Keith, pakiramdam niya ay nagselos siya kanina.
Sa classroom nang magbabalikan na sila sa mga upuan, nagkkwentuhan pa ang iba dahil wala pang Prof, nakita ni Steven na nakaupo na si Keith kaya naupo na rin siya sa tabi nito, Nang mapansin naman ni Keith si Steven ay nagsuot siya ng headset para hindi na siya kausapin nito.
"Steven yung ballpen mo" abot ni Tristan kay Steven ng ballpen na hiniram nito.
"Thanks" tumango lang si Steven sa kanya, saka bumalik ng upuan niya si Tristan para makahiram ng notes kay Abi dahil hindi nito nasulat yung mga posibleng gagawin sa task nila.
"Guys! Guys! Listen" sigaw ni Ann sa loob ng klase pag pasok kasunod nito si Ina na excited din sa ibabalita.
"Nasa room pala natin ang lead actress natin sa Teatro for this coming event"
"Actually pati ang lead actor" kinikilig pang sabi ni Ina.
"Wow talaga"
"Support natin yan"
"Si Steven at Keith" turo pa ni Ann sa dalawa.
Napatingin sa kanila yung ibang classmates nila.
"Totoo?" Lingon ni Jane kay Keith.
Tumango lang si Keith, si Steven hindi kumibo tumingin pa kila Paul at Tristan dahil pati ang dalawang kaibigan ay nakikisigaw pa sa mga kaklase nila.
Mayamaya sa auditorium, Nasa dressing room sila Keith at Steven kasama si Ms. Toni para pag usapan ang photoshoot na gagawin para sa cover ng ticket, tarpaulin at maging sa gagawin nilang campaign na ipopost nila sa f*******: page.
"Photoshoot will be tomorrow para magawa na yung poster, last year hindi naubos ang ticket, but not that bad cause almost 20% lang naman ang hindi nabemta. So i hope this time maipromote niyo ng maayos and im expecting a sold out, i have the best actors here, right?" May pagmamalaki pa nitong sabi kay Keith at Steven.
"Ma'am" tanging nabigkas lang ni Keith pero napatingin pa siya kay Steven.
"He's a good actor, singer and dancer kaya wala ka dapat i worry" nakangiting sabi ni Ms. Toni sa kanya.
"Baka ako pa mag worry Ma'am" pang aasar na sabi ni Steven sabay tingin kay Keith.
"Puro ka yabang" sagot naman nito sa kanya na may kasamang irap
"I told you nakasama ko na si Keith and sya ang nakikita ko na bagay sayo dito"
Tinaasan pa ng isang kilay ni Keith si Steven ng muling tumingin sa kanya.
"Ma'am ano nga palang kailangan kong dalhin bukas?" Tanong ni Steven kay Ms. Toni.
"Ah wait, kunin ko yung copy niyo" saka ito lumabas saglit ng dressing room para sa mga print out copies.
Paglabas ni Ms. Toni ay nagring ang phone ni Keith, pagtingin niya ay si Carl ang tumawag, dahil nagaayos siya ng buhok at nagtatali ay niloud speaker na lang niya ang cellphone niya.
"Why?"
"Galit ka pa din" dinig ni Steven na sagot ng nasa kabilang linya.
"Oo"
"Sunduin kita"
"Ayoko"
"Nandito na ko sa entrance"
Napasimangot pa si Steven sa narinig, napapaisip siya kung sino yung tumawag na lalking yun kay Keith.
"Hindi pa ko uuwi"
"Then, ill wait for you. Bye" saka ibinaba ni Carl ang tawag at tuluyan ng nagpark sa gilid ng school.
"Nakakaiinis" pabulong na sabi ni Keith pero hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Steven. Kakausapin na sana niya si Keith ng pumasok na si Ms. Toni dala ang copy ng mga pwede nilang dalhin sa para sa photoshoot.
"Here" inabot kay keith at steven ang folder.
"Okay lang ba mga morning and afternoon, it will be a two sessions of photoshoot"
"Sige po" sagot ni Steven habang sinisilip pa ang folder na binigay sa kanila.
"Okay then see you tomorrow" nakangiting sabi pa ni Ms. Toni,
Hindi kumibo si Keith pero alam ni Ms.Toni na darating ito, malakas ang pakiramdam niya.
"Nasan ka?" Tanong ni Keith kay Cliff habang naglalakad, tinawagan niya ito para makisabay dahil ayaw niya makasama ang Kuya Carl niya.
"Malayo na ko, wala ka ba dalang sasakyan?" sagot ni Cliff sa kanya, hindi na niya talaga hinintay si Keith dahil alam niyang susunduin siya ni Carl
"Coding ako"
"Ang layo ko na Keith eh, sorry"
"Okay lang sige na"
"Sumabay ka na sa kuya mo"
"Ah so Alam mo, tinawagan ka siguro no"
"Sige na, lowbat na ko, ingat kayo, bye" natatawang sabi pa ni Cliff sa kanya para lang makaiwas pa sa sasabihin pa nito.
"Tsk" wala ng nagawa pa si Keith ng binaba na ni Cliff ang tawag sa kabilang linya. Itinago niya ang cellphone sa bag, saka sinilip ang Kuya niya sa labas.
Nakita sya ni Steven. Lalapitan sana niya si Keith pero may biglang lumapit na lalaki dito kaya napahinto siya ng lakad.
"Pagtataguan mo talaga ko" napapikit si Keith ng marinig ang boses ng kapatid, wala na siyang magawa kundi ang harapin ito.
"Bakit kase nagpunta ka pa dito" Imbis na sumagot agad ay inakbayan nito si Keith at inaya palabas.
"Tara" nakangiting sabi ni Carl sa kanya.
Kitang kita ni Steven ang pag akbay ng isang lalaki kay Keith, naisip niya ito marahil yung tumawag sa kanya kanina. Napailing pa siya, "hayaam mo nga sila" bulong niya sa sarili.
Sa isang coffeeshop nagpunta sina Carl at Keith, pinagmamasdan mabuti ni Carl ang kapatid, panay kase ang irap nito sa kanya kapag napapatingin.
"Bakit sakin ka nagtatampo?" Tanong nito sa kapatid pero imbis na sumagot ay tinignan lang siya ng seryoso.
"Aga aga sinimangutan mo ko kahapon, wala pa ko tulog alam mo ba"
"Kawawa ka naman pala" sabay taas ng isang kilay ni Keith sa kanya. Nahinto sila sa pag uusap ng dinala ng waiter ang inorder na cake at juice ni Carl.
"Wala kong duty ngayon"
"Talaga" biglang napangiti si Keith dahil makakasama niya ng mas matagal ang Kuya niya na mismiss na niya itong kasama mula ng mag intern at maging busy sa hospital.
"Nagsmile ka na ah"
"Hindi kaya" huli na ng marealize niya na napangiti siya pagkasabi ng Kuya niya na wala itong duty.
"Movie?" Tanong pa nito sa kanya.
"Anong munang dinner?"
"Steak para mawala sumpong mo"
Nagkatawanan pa sila, alam na alam talaga ng Kuya niya kung paano siya mapapangiti kahit alam naman nitong hindi talaga siya nagtatampo sa kanya.
"Ano bang ginagawa ko" bulong ni Steven sa sarili habang nakaupo sa sofa, sinadal niya ang ulo niya saka napahawak sa buhok ng maalala na nasa labas siya ng coffee shop kanina at pinagmamasdan sa malayo ang sinundan na sila Keith. Hindi rin maalis sa isip niya ang ginawang pag akbay ng lalaking yun sa kanya. Umayos siya ng upo at napailing pa.
"Hi kuya, nagdinner ka na?" Halos hindi niya napansin ang paglapit ng kapatid niya dahil na occupy ni Keith at ng lalaking kasama nito ang isip niya.
"Hindi pa" sagot ni sa kaptid.
Naupo sa tabi niya si Trina at pinagmasdan pa siyang maige.
"Ano?" Tanong niya dito.
"Sumali ka sa teatro?"
"Oo bakit?" Sagot niya sa kapatid saka kinuha ang dala nitong juice para uminom.
"Pag nalaman ni mommy yan matutuwa ng husto yun, alam mo naman kung ipush ka sa showbiz" nakangiti pa nitong sabi.
"Kaya wag kang maingay" saka binalik nito ang juice na dala kanina ng kapatid.
"So ganun nalang" nilahad pa nito ang kamay na tila nanghihingi ng lagay sa pagtatago ng sikreto.
"Kahit kailan ka"
"3k lang kuya" nakangiti pa nitong sabi sa kanya.
"3k?" napasimangot pa ito hinihingi ng kapatid.
"May bibilhin kase ko" sabay taas baba pa ng dalawang kilay at ngiti ulit sa kanya.
"Bibili ka na naman ng mga kpop kpop na yan"
"Ah ayaw mo?" Tila may pagbabanta namang sabi sa kanya ni Trina.
"Mommy..." tawag nito sa mommy nila, kaya bigla niyang hinawakan ito sa bibig para pigilan.
"Hoy! Tsk!" Wala siyang nagawa, talo na naman siya dito kaya kinuha niya ang wallet niya para kumuha ng pera
"O, titpirin mo yan" saka inabot ang three thousand na hinihingi nito.
"Thanks kuya, the best ka talaga" Ngiting ngiti pa ito bago nilagay ang pera sa bag saka kinuha ang cellphone at tinignan pa yung f*******:.
"Tignam mo ugali mo matapos mo makuha gusto mo cellphone haharapin mo, tumayo ka na dyan kumain na tayo"
"Yes kuya Steven" sagot pa nito sa kanya saka tumayo at sumunod sa pagpunta sa dinning.