Chapter 4

2426 Words
Kinabukasan, maagang hinatid ni Carl si Keith sa school bumaba ito sa may entrance dala ang mga damit na gagamitin sa photoshoot. "Bye ingat" kaway pa nito sa kapatid bago pumasok sa loob ng University. Papasok si Steven ng School ng makita pa sila, pakiramdam niya ang aga aga niyang nawala sa mood. Nasilip pa niya sa side mirror niya si Keith ng makasalubong nito si Abi ay ngiting ngiti na binati ang kaibigan. Pagkatapos magpark ay kinuha na niya ang mga damit na kakailanganin sa backseat ng sasakyan. Saka lumakad papunta ng auditorium. Habang nagreready yung team sa set up ng photoshoot. Napapatingin si Steven kay Keith, hindi niya maintindihan bakit naiinis siya dito. Kanina lang ay maganda ganda na ang mood niya pero ng makita niya si Keith ay tila na bad mood na naman siya. Nang tawagin sya ni Ms. Toni para kunan sila ni Keith, ay lumapit agad siya. "Okay" bungad nito sa kanila ni keith. "Let's start, can you move a little closer" sambit ni Ms. Toni sa kanya dahil nakatayo na magkahiwalay sila Keith. Nagkakatinginan pa ang mga staff ng wala sa kanilang dalawa ang gumalaw. "Ma'am, mamaya nalang po pwede masama lang pakiramdam ko" matamlay na sabi ni Steven kay Ms. Toni. "Why?" Pag aalalang tanong pa ni Ms. Toni. "Pahinga muna po sana ako" "Sige sige okay lang" "Thank you po" Saka siya bumaba ng stage para lumabas ng auditorium, nagtataka man si Keith ay hindi na lang kumibo pa. "Keith ok lang later?" Kahit naman ano pa ang isagot niya ay wala rin naman na siyang magagawa umalis na si Steven. "Yes po Ma'am" sabi na lang niya bago bumaba ng stage. "Yung ibang cast na lang muna" pinaakyat ni Ms. Toni ang ibanv cast ng teatro para makapagpicture sila. Paglapit ni Keith kay Abi ay alam niyang magtatanong na ito. "Ano nangyari kay Steven?" Hindi siya nagkamali ng isip sa kaibigan. "Masama daw pakiramdam" "Ah ok" tila hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. "Ano sa room na tayo" aya nito sa kanya "Mabuti pa nga tara" saka kumapit siya sa kaibigan. "Hi Steven" bati ni Lou kay Steven ng makita ito sa hallway sa labas ng room na nakasandal at tila may malalim na iniisip. "Lou, napadaan ka dito, akala ko ba ayaw mo na ko makita kaya ka nagshift" sabi nito sa dating kaklase. "May aabot lang ako kay Candy, saka wala na akong pake sayo no may boyfriend na ko" pagmamalaki pa nito. "Good" natatawa pang sabi ni Steven. "Talaga matapos mo ko bastedin" "May girlfriend ako nun" "Girlfriend? Dalawa kaya girlfriend mo nun" nakapameywang pang sabi nito sa kanya. "Hindi ka rin naman papayag na pangatlo ka eh, diba" Nagkatawan pa sila pagkabirong sabi niya. Padaan naman na sila Keith at Abi ng mapansin sila. Napasimangot pa si Keith, ang akala niya ay masama ang pakiramdam nito pero eto nakikipagtawanan lang pala sa babaeng yun. Inis na inis siya pagdaan niya sa harap nila Steven. Halos ibagsak niya ang gamit niya sa lamesa pagkaupo niya, napatingin pa siya sa pinto ng magpaalam si Steven sa kausap nito. Pagpasok ni Steven ay naupo narin siya sa tabi ni Keith. "What an excuse, masama pakiramdam? parang hindi naman" narinig ni Steven na sabi ni Keith pagkaupo niya. "At kailan ka naman naging concern kung masama pakiramdam ko o hindi mas gusto mo nga yon diba yung hindi ako makasama" Sasagot pa sana si Keith pero lumapit si Hana at Lei sa kanya. "Ang gwapo ng boyfriend mo Keith ah" sabi ni Hana kay Keith. Ikinainis ni Steven ito ng marinig, ikakabit na sana niya earphone sa tainga niya ng sumagot si Keith. "Wala akong boyfriend no" sagot ni Keith sa kanila. "Nakita ka namin kahapon, sino yung kasama mo sa coffee shop?" Segunda naman ni Lei na halatang interesado sa isasagot ni Keith. "Ang sweet niyo kaya" sabi pa ni Hana sa kanya. Napalingon pa si Cliff sa kanila, napangiti lang dahil alam naman nitong si Carl ang kasama ni Keith kagabi. "Kuya ko yung kasama ko kahapon" Pagkasabing yun ni Keith ay halos pigilan ni Steven na mapangiti. Nagsamid samiran nalang siya para hindi mahalata nila Hana saka ikinabit ang earphone sa kabilang tainga niya. "Hindi nga" na excite na sabi ni Hana "Willing ako maging ate mo" kinikilig naman na sabi ni Lei. "Willing ka din bang pumila" biro naman ni Keith sa kanila. "Pwede naman, bakit hindi ang gwapo kaya ng kuya mo" "Pakilala mo naman kami" hindi na mapigilang sabi ni Jane habang nakikinig sa naging usapan nila. "Huwag ka na makisali Jane, kami kaya nakakita" biro ni Hana dito sabay tulak pa paharap para huwag na makinig sa usapan nila. "Okay lang" lingon ulit ni Jane sa kanila. "Nandyan naman si Steven eh" turo niya pa kay Steven sabay ngiti. "Yan gusto ko sayo eh" birong sagot ni Steven. "Nagmomodel ka palang idol na kita" "Ako ba o yung mga kasama ko?" "Pwede both" natawa pa sa kanya si Steven. "Goodmorning class" narinig nilang sabi ni Mr. Greg kaya nagbalikan na sila sa kani kanilang pwesto. "Basta girl ha" habol pa ni Hanang sabi kay Keith, hindi niya mapigilan na mapangiti talaga namang gwapo ang kuya niya at maraming nagkakagusto dito, meron itong nililigawan ngayon at alam niyang seryoso ang kuya niya dito. Kinuha ni Keith ang notebook niya ng nakita niya na may sinulat sa board ang prof nila. "We will discuss today about your project for this quarter. As what I've told you, your seatmate will be your partner, you are going to make an measurement report and design. Sinulat pa sa board ni Mr. Greg ang mga report na gagawin nila. "So, partner tayo" pabulong na sabi ni Bea kay Cliff "Yes" sagot ni Cliff "Number mo?" Saka inabot ni Bea ang cellphone niya para makuha ang number ni Cliff. "Okay" kinuha naman ito ni Cliff dahil kakailanganin naman talaga nila ng communication sa isa't isa. "Paraparaan ka ah" pabirong sabi ni Kim kay Bea ng makita silang nagpalitan ng number. "He" sabay irap nitong sabi kay Kim. "Sir, kahit saan po ba or dito lang sa campus?" Nakataas kamay na tanong ni Jane sa prof nila tungkol sa kung saan sila magsusukat. "Sir dapat pwede sa labas" sabi pa ng isa nilang classmate. "There will be a certain place. I will make a schedule and approval with the school for this project. It could possibly two sections to combine" Habang nagpapaliwanag ang prof nila ay narinig ni Keith si Troy na tila tinatakot ang partner nito. "Ikaw magtapos ng project ha" "Ako?" Mahinang sagot ni Nico kay Troy. "Oo bakit may reklamo ka ba sakin" Napapatingin pa si Keith kay Troy, habang napapailing naman si steven sa naririnig. Sila kase ang malapit sa table ni Troy, pero marahil ay nagbibingi bingihan lang ang iba dahil sa takot. "Tsk.. Ni..." tawag sana ni Keith kay Nico pero pinigilan siya ni Steven "Sshhh" pigil agad ni Steven kay Keith saka inhinarang ang katawan patagilid upang hindi na niya tignan pa sila Troy. "Huwag ka na makisali pinag iinitan ka na rin nya diba" pabulong na sabi niya sa katabi. Kahit naiinis ay hindi nalang kumibo si keith, saka kibit balikat na nakinig kay Mr. Greg. * Breaktime, nasa canteen ang ilan sa mg studyante at kumakain. Sila Abi, Keith at Cliff ay sabay sabay naring kumakain habang nagkukwentuhan. "Buti okay na kayo ng kuya mo" "Eto kase" turo pa ni Keith kay Cliff na muntik ng masamid ng isisi pa sa kanya kung bakit nagkaayos silang magkuya. "Ang layo ko na gusto bumalik pa ko ng school" "Eh bat ba umuwi ka agad" tanong naman ni Abi sa kanya. "Wala lang" natatawang sbai pa ni Cliff. "Eh pano kinausap siya ni kuya" si Keith na ang sumagot dahil alam naman niya na idedeny ni Cliff na nagkausap sila nila Carl. "Atleast bati na kayo" natatawa pa nitong sabi sa bestfriend niya. "Oo nga pala Keith" "Hmm" halos kasusubo lang niya ng kinakaing sandwich ng magsalita ulit si Abi. "Hinihingi ni Jake number mo?" "Binigay mo ba?" Sagot agad ni Cliff kay Abi kahit hindi naman siya ang kinakausap. "Hindi" iling ni Abi kay Cliff. "Ikaw ba si Keith?" Natatawang sabi ni Keith kay Cliff sabay hampas sa braso nito. "Aray, wag mong ibibigay Abi ha" sabay usog nito dahil sa nakaambang hampas ulit ni Keith sa kanya. "Ano Keith ibigay ko ba pag tinanong ako ulit?" Napatingin pa si Keith kay Cliff "Huwag magseselos to eh" iiwas sana si Cliff dahil akala niya hahampasin siya pero kumapit pa ito sa braso niya. "So ano? Kayo kahit hindi" nakataas ang isang kilay na sabi niya sa dalawa. "Hindi, babaero kaya to" sabi ni Keith sabay tingin pa kay Cliff. "Babaero.. wag ka nga" "Nagbago ka na ba?" "Nililigawan mo ba si Claire?" Biglang singit ni Abi sa dalawa. "Claire?" Nagtatakang tanong ni Keith kay Abi. "Fine arts siya diba" "Hindi ko nililigawan yun, Abi" "Sabi mo eh" Inalis ni Keith yung kamay niya sa pagkakahawak sa braso ni Cliff saka lumayo ng konti. "Hindi ko nga nililigawan yun" natatawang sabi niya kay Keith na kunwari eh nagtatampo at hindi siya kinausap, napatingin pa si Cliff kay Abi sabay senyas ng peace sign sa kanya. "Shoot" sigaw ni Steven pagkaraan mashoot ang bola ng billiards na nilalaro nila, sabay ngiti pa nito kay Selene. Sa labas sila ng school nagpalipas ng breaktime, magkakasama sila nila Paul, Tristan, Drex, Mona at Selene. Nagkaroon sila ng pustahan na ang team na matatalo ay manlilibre ng lunch kinabukasan. Magkakampi sila Steven, Paul at Selene. Sila Tristan, Drex at Mona naman ang magkakampi. "Pano ba yan" pagmamayabang pang sabi ni Selene. "Ngayon lang naman kayo nanalo" pang aasar naman ni Mona sa kanila. "Parang unli ang masarap bukas" sabi ni Paul sabay hawak pa sa tyan. "Oo, basta unli beer" biro naman ni Tristan. "Naman, derecho na pala sa Planet bar yun" "Sagot niyo naman eh" ani ni Paul habang inayos pa ulit ang table ng billiards. "Guys, mauna na kami darating nasi Sir" pagmamadali ni Selene. "Drex, tara na" aya naman ni Mona kay Drex dahil kaklase nila ito aa subject na papasukan. "Sige sunod agad ako" sabi pa nito. "Sumunod ka na ah" "Oo" tango pa nito sa dalawa habang palabas. "Last game malalate na rin tayo" sabi ni Steven sa kanila ng matapos maset ang table. "Sige" sagot ni Tristan sa kanya. Hinawakan ni Steven ang tako at saka hinasa, habang ginagawa niya ito ay napatingin siya sa parating na grupo. Sila JM at ang mga kaibigan nito ang dumating, nagkabangaan sila nito last time sa isang car racing event, napansin sila at nilapitan agad. "Kamusta" mayabang ay nakangisi pang sabi ni JM kila Steven. "Parang sarap mag exercise" dagdag pa nito. "Oo nga eh" sabi ni Anton habang iginalaw galaw ang leeg pakanan at kaliwa na akala mo ay pinapatunog pero wala ka namang maririnig. "Hindi parin pala kayo nadala" si Tristan ang unang sumagot sa kanila. "Gago pala to eh" "Mayayabang kase kayo nun dahil puro bodyguard nasa tabi niyo" saad ni Anton sa kanila. "Bakit lalaban ba kayo?" Inis na sabi ni Steven. "Mayabang ka parin" sabay lapit ng konti kay Steven. "Dahil may ipagyayabang" nanghahamon hindi lang ang salita ngunit pati nag mata ni Steven habang nakatingin sa kanila. Nakaready na rin sila Paul Tristan at Dreex kung sakali na magumpisa man ng gulo sila Jm, pero bago pa pumalag sila JM ay lumapit si Sir Greg sa kanila nakita sila na mukhang mapapaaway kasama nito ang isa pang Professor sa school na si Sir Felipe. "Steven" napalingon sila Paul ng marinig ang familiar na boses na yun ng guro. "Tara na malalate na kayo sa klase sabay sabay na tayo" aya nito sa kanila. "Excuse us please" Narinig nilang sabi ni Sir Fidel na tumingin pa sa grupo nila JM. Kahit tinawag na ay nakatingin pa sila Steven kila JM, kaya umakbay pa ang prof nila sa kanya. "Sige na tara na" Saka sila pilit na pinalabas ng billyaran. Pagdating sa school, nasa teachers office sila Tristan, Paul, Drex at Steven. Alam nila na sesermunan sila ng Prof nila, kahit close sila dito ay hindi sila kailanman kinunsinti sa kahit anong gulo. "Next time kayo na ang umiwas" sabi pa ni Sir Greg sa kanila. "Sir nilapitan kami" "Oo nga sir di naman kami ang nauna" sabi pa ni Drex, napatingin sa kanya si Sir Fidel ng maalala na ibang section ito. "Ikaw diba sa section ka ni Ms. Rea, ibang oras breaktime niyo ah nag cutting ka Drex?" "Ano po sir, hindi naman" pautal utal pang sagot nito. "Go back to your class" "Thank you sir" napangiti pa nitong sabi dahil naisip niya na makakaiwas siya sa sermon. "Sir Greg, magstart narin klase namin" hirit pa ni Tristan. "Sige na bumalik na kayo, next time ha umiwas hangat kayang umiwas" "Yes sir" sabay sabay na sagot nila, saka iaa isang lumabas ng teacher's office. Sa room nila, pagpasok ni Steven naupo na sya sa tabi ni Keith, inusog pa niya yung book nito dahil sakop hangang lamesa niya, tumingin pa ito ng masama sa kanya. "Lagpas ka na" turo pa nito sa pwesto ng gamit. "Ewan" irap pa ni Keith dito. "Basketball tayo mamaya" narinig ni Steven na aya ni Tristan kay Paul. "Si Cliff ayain mo din" "Bakit?" Tanong ni Cliff ng marinig ang pangalan niya. "Basketball?" Sabay aksyon pa ng kunwari eh nagshoot ng bola. "Sige" sagot naman ni Cliff. "Sali kami, ano Jake, game?" Hindi pa man sumasagot sila Tristan eh nag aya na rin ng iba si Mike dahil mahilig din ito sa basketball. "Sure" sagot naman ni Jake, napangiti pa si Steven sa kanila. "Sige after class ha" sabi ni Paul. Tumingin pa si Tristan kay steven sabay tango at aya dito. "Basketball"sabi nito nito. "Another excuse ba yan?" Pabulong na sabi ni Keith kay Steven na ikinangiti pa nito. "Next time, Tristan" sabi ni Stevena sa kanil "Pinagpapalit mo na ba kami" kunwari ay pagtatampo nito. "Oo" seryosong sagot naman kunwari ni Steven. "Sure ka dyan ha" natatawang sabi pa ni Paul. "Wala akong naririnig" pang aasar pang lalo ni Steven sa kanila. "Guys, may binully na naman sila Troy sa freshmen student" patakbong balita nila Lanie at Mel. "Whats new" "Makakahanap din sila ng katapat" "Sana nga" halos kanya kanyang himutok sila dahil sa inis kila Troy, Natahimik lang sila ng pumasok na classroom sila Troy at Dave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD