After ng class sa auditorium, naghihintay na sa stage si Keith para sa photoshoot nila, aasarin pa sana niya si Steven dahil napakatagal nito sa dressing room.
"Daig pa ang babae" bulong pa niya sa sarili.
Pag akyat ni Steven ay napatitig siya dito, inayos nito ang buhok at nilagyan ng konting wax, napaka neat din nitong tignan sa suot na longsleeve na white at maong na black.
"Okay.. Steven, Keith, please make your best angle for this" sigaw pa ni Ms. Toni sa kanilang dalawa.
Habang pinipicturan sila Keith at Steven ay magkahiwalay pa rin sila ng konti.
"Ma'am Toni, paki sabi closer" senyas pa ng photographer nilang si Rey. Hindi ito makakuha ng maayos dahil pakiramdam niya pang divorce ang itsura ng dalawa.
"Can you guys move closer" saad ni Ms. Toni sa dalawa pero walang gumalaw sa kanila.
"Steven!" Napalakas na ang boses ni Ms. Toni sa kanila dahil pakiramdam nito ay ayaw parin makinig sa kanya, nakita niyang napabuntong hininga pa si Steven
"Okay Ma'am" sabi pa nito saka tumingin kay Keith.
Hinawakan ni Steven si Keith sa braso saka dahan dahang hinila palapit sa kanya. Dahil hindi inaasahan napalapit ng husto si Keith at napahawak sa dibdib niya.
"Picture.. Picture.. bilis" biglang sabi ni Ms. Toni kay Rey na halatang tuwang tuwa.
"Yes Ma'am" saka ito kumuha ng kumuha ng magandang anggulo dahil halos magkayakap na ang dalawa.
"Just go with the flow.." bulong ni Steven saka ngumiti pa ito at inilagay ang dalawang kamay ni Keith sa batok niya. Hindi nakakibo si Keith sa sinabi ni Steven naging sunud sunuran siya sa bawat galaw nito. Kahit humaharap siya sa camera ay hindi niya maiwasan mapatingin kay Steven. Ngayon niya lang natitigan ng ganun kalapit si Steven napakagwapo pala nito sa malapitan, mamulamula ang pisngi. Matangos na ilong, may magandang mata na pakiramdam niya ay punong puno ng emosyon ng mga oras na yun, mapulang labi, napaka perfect halos bulong ng isip niya.
Habang kinukunan sila Steven at Keith para sa poster nila,nandun sa isang gilid sila Selene at Mona inis na inis sa nakikita.
"I can't believe this"
"Diba you ask Steven para dito, hindi ka na nagsubmit because ayaw niya. Then eto he did accept din pala" maarte pang sabi ni Mona.
"I have to do something about this" saka padabog na lumabas kasunod si Mona.
Masayang masaya naman si Ms. Toni habang pinagmamasdan ang dalawa. Napakasweet pagmasdan at bagay na bagay. Sino ba ang nag aakala na parang mga aso't pusa ang dalawa kung mag away. Naiiling pa siya na natatawa.
Isang busina ang nagpalingon kay Keith habang naglalakad, napatingin pa siya kung saan padaan si Cliff, Tapos na ang photshoot nila at pauwi na sila.
"Okay na?" Tanong pa nito sa kanya.
"Yup" saka nito binuksan ang backseat para ilagay ang mga gamit.
"Magdala ka na ng kotse bukas ha"
"Mas feel ko parin yung pinagddrive ako, hatid sundo yung ganyan"
"Boyfriend hanapin mo"
"Ah di ba driver?"
"Loko, sumakay ka na nga" nakangiti pa nitong sabi sa kanya.
"Is he her boyfriend, they are so bagay" narinig ni Steven na sabi ni Selene kay Mona, palabas na sila at nagkaayaan na magdinner muna.
"Gwapo si Cliff and also matalino, ano pa bang hahanapin niya girl"
"Hindi sila magboyfriend" sabat ni Paul sa usapan nila Selene at Mona.
"But the way they look each other, there is something between them" sabi pa ni Mona.
"Gutom lang yan girls, tara na" sagot ni Tristan kay Selene, saka sila lumakad palabas ng university.
Kinabukasan sa bahay nila keith pababa sya ng hagdan para pumasok ng makita niya pa Kuya Carl at daddy niya.
"Coding ka ba today, Carl"
"Oo dad eh"
"Mabuti pa sabay na tayo" bago sumagot si Carl napansin nito si Keith ngumiti pa siya dito.
"Papsok ka na ba Keith?" Tanong ni Carl
Tumango lang ito at tumingin pa sa daddy nila.
"Sabay ka na samin idaan ka namin sa school" nakangiting sabi pa nito sa kapatid.
"Carl may meeting pa ko" Seryosong sabi ng daddy niya na halata namang ayaw siyang isabay.
"Sige na dad" pagpupumilit pa ni Carl dito.
"Wait kunin ko lang gamit ko" saka ito nagmanadaling umakyat pa sa taas.
"As I have said, may meeting pa ko I cant drop you off" pabulong halos an sabi nito pero may diin ang bawat salita.
"No problem" sarkastikong sagot niya sa ama saka lumakad.
"Keith" tawag nito sa kanya, huminto siya para lingunin ito sa sasabihin.
"Huwag mo ng ituloy yang teatro, you can never be like Carl" sabi pa ng daddy niya.
Nainis si keith sa sinabi nito pero pinigilan niya ang sarili, lumakad at umalis na lang siya para hindi na abutan pa ng kuya niya.
Pagdating sa school, magkasunuran halos dumating si Keith at Steven, bago pumasok si Keith ng room naalala pa niya sinabi ng Daddy niya kaya napahinto sya. Muntik namang mabangga sa kanya si Steven.
"Tsk, kung ayaw mo pumasok, wag ka nakaharang" sabi nito saka lumakad at nilagpasan si keith pero huminto din sya dahil hindi ito kumibo at nakatayo lang sa labas ng pinto ng classroom nila.
Bumalik sya para lapitan ulit si Keith saka hinawakan sa magkabilang balikat papasok sa loob ng room nila, at pinaupo.
"Okay ka lang?" Tanong niya pa dito.
"Gusto ko ng chocolates" wala sa loob na sabi ni Keith sa kanya.
"Ha?" Nagtataka pa nitong sabi.
"Wala" sabi nito sa pag aakalang hindi narinig ni Steven ang sinabi niya. Pumasok na Prof nila kaya tumahimik na ang lahat.
Mayamaya ng matapos ang ilang subjects nila, nakaupo si Abi sa pwesto ni Jane habang nakikipagkwentuhan pa ito sa iba.
"Halfday ba si cliff?"
"Sabi niya, ewan ko dun masama daw pakiramdam"
"Ah kaya pala" saka tinignan pa nito ang t****k account.
"Abi, tawag ka ni Ma'am Jackie sa teachers office na lang daw" tawag ng isang kaklase nila sa kanya.
"Okay, thanks" ngiti pa ni Abi.
"Papa long quiz na naman yan si Ma'am" sabi ni Keith bago tumayo si Abi.
"Sinabi mo pa, puntahan ko muna ha
Nang mapansin ni Steven na umalis si Abi ay lumapit siya at naupo na sa tabi ni Keith. Walang kibo na nilagay ni Steven sa table ang chocolate na dala niya, saka inusog papunta kay Keith, napatingin pa ito sa kanya, pero tumayo rin siya at saka lumapit ulit kila Paul at Tristan.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Dave ang patagong pag abot ng chocolate ni Steven kay Keith.
"Tignan mo yan si Steven, dumidiskarte ba kay keith yan" inis na turo pa ni Dave kay Steven.
"Bakit? Type mo ba si keith" natatawang tanong ni Troy.
"Hindi" tanggi ni Dave dito.
"Naku, huwag mo nga kong lokohin" naiiling na sabi pa nito.
Lunch nasa canteen sila Abi at Keith, tapos na si Keith kumain, habang hinintay niya si Abi matapos ay nag ice cream pa siya. Nandun din sa kabilang table sila Steven, Tristan at Paul. Pinagtitinginan at pinag uusapan pa ng ibang studyante, lalo at nagtrending na naman ang sayaw nila sa t****k.
"Napanood mo na ba to Keith?" pinakita ni Abi ang post ni Paul.
"Cute ni Tristan dito sumayaw"
"Patingin nga" inabot ni Abi ang cellphone saka pinanood ni Keith yung sayaw nila Drex, Paul, Tristan at Steven.
"Account ni Paul?"
"Oo"
"Ang dami niyang followers"
"Lahat sila girl, million ang followers"
"Talaga" manghang sagot ni Keith sa sinabi ng kaibigan.
"Oo, kala mo ikaw lang marami followers ha" sabi nito, saka uminom ng softdrinks ng matapos kumain.
"Sira, marami ka dyan"
"Ay talaga ba konti ang 1.5M" exagge nitong sabi
"IG yun girl" nahiya pa nitong sabi sa kaibigan.
"t****k mo din naman, 5million nga total of likes mo no"
"Oo tapos di ka naka follow" pangiinis pa nito sa kaibigan
"I follow na ba kita"
"Please" kunwari ay pagmamakaawa pa ni Keith.
"Bukas na lang" saka ibinaba ang cellphone sa lamesa at tinapos ang kinakain, kunwari ay umirap naman si Keith sa kanya bago sabay na nagkatawanan pa sila.
"Pare ayos ang upload mo million agad views ah" sa kabilang table ay usapan naman ng magkakaibigan na Tristan, Paul at Steven.
"Wala eh sikat si Paul eh, idol" sabay turo pa kay Paul ni Steven.
"Tapos yung comment puro name niyo" sabay pakita pa ni Paul ng mga comment sa cellphone.
"Puro nga kay drex eh" saad naman ni Tristan.
"Lakas makahatak ng babae"
"I post ko mamaya yung isa" sahi ni Tristan habang inuubos ang biniling sandwich at palabok.
"Sama mo na yung sa Tagaytay" sabi ni Tristan na ang tinutukoy ay ang ginawa nilang video ng magpunta sila sa Tagaytay para sa seminar.
"Huwag yun" natatawa pang sabi ni Steven ng maalala na puro kalokohan ang pinag gagawa nilang sayaw.
"Edit ko nga yun" sabi naman ni Tristan,
"Subukan mo lang" natatawa na rin niyang sabi, alam naman niya na hindi nito ipopost ang video.
After class, habang palabas ng university si Keith naalala niya yung pagbigay ni Steven ng chocolate sa kanya.
"Haay.. baka isipin niya nagpaparinig ako sa kanya... nakakainis" sabay hampas niya sa manibela ng sasakyan niya.
Nang makakita ng bakenteng parking ay inayos niya ang sasakyan para bumili ng pagkain, naisipan niyang dalawin si Cliff dahil amy sakit ito.
"Hello" habang nakahiga ay sinagot ni Cliff ang tawag ni Keith sa kanya.
"Anong gusto mong pasalubong?" Tanong agad ni Keith sa kanya.
"Huwag na Keith"
"Beer?" Biro pa ni Keith.
"Sige" mabilis na sagot ni Cliff sa kanya na ikinatawa ni Keith sa kabilang linya.
"Asa ka,sige na hanap lang ako papunta na rin naman ako dyan"
"Okay sige, ingat ka"
"Bye" paalam ni Keith saka binaba ang tawag. Matapos ilagay ang cellphone aa bag ay lumabas narin sya sasakyan para maghanap ng mabibiling pagkain.
Habang naglalakad si Keith ay napansin sya ni Steven, wala naman siyang balak na lapitan ito at kausapin pero napansin niya ang parating na lalaki, pasuray suray ito at halatang nakainom. Nung mababanga nito si Keith, ay agad niyang nahila. Nagulat pa si Keith sa biglang paghila sa kanya ni Steven.
"Titingin ka nga sa dinadaanan mo" sabi pa nito sa kanya.
"Hmp" sabi ni Keith na ikinais ni Steven.
"Thank you ha" sarkastikong sabi pa niya sa babaeng ito na tinulungan na nga eh ito pa ang galit.
Patalikod na sana siya ng makita ang grupo ni JM palapit sa kanila.
"Look who's here" nakangisi pa nitong sabi kay Steven.
Napansin ni Steven na napatingin pa kay Keith si Anton, umusog naman siya ng konti para maharangan si Keith.
"Wala kase kami magawa ngayon eh" hinimas himas pa ni Anton ang kamao niya na akmang susuntok.
Napansin ni Keith na mukhang mapapaaway si Steven sa mga ito, hindi niya kilala lung sino ang grupo na ito pero sa paningin niya ay mukhang mga siga rin ito, sinilip pa niya ng konti apat sila nag iisa lang si Steven.
"Kahit saan talaga maraming kalat" narinig pa niya si Steven na matapang pang sumagot sa kanila.
"Anong sabi mo?" Galit na sabi ni JM
"Pwede ba next time..." Hindi na natapos ni Steven ang sasabihin nagulat siya ng biglang hinawakan ni Keith ang kamay niya saka hinila sya patakbo.
"Hoy!" Sigaw ni Anton sa kanila.
Hinabol ng grupo nila JM sina Steven at Keith, habang tumatakbo wala ng nagawa si Steven kaya inalis niya pagkakahawak ni Keith sa kanya at siya na humawak dito ng mahigpit at tumakbo para makaiwas. Hindi nila napansin na nakita sila ni Dave na tumatakbo ng patawid ito ng kalsada.
Nang makapagtago sa isang gilid, sinilip pa ni Keith kung nakasunod pa sa kanila ang apat na lalaki.
"Wala na kaya sila?" Sabi niya pa ng mapansin na wala ng nakasunod sa kanila.
"Ano bang ginagawa mo?" Inis na sabi ni Steven.
"Ha?" Nagtataka pang tanong ni Keith.
"Bakit mo ko hinila"
"Ha? Eh ang dami kaya nila" sabi ni Keith na ikinasimangot pa si Steven
"So?" Mayabang oa na sabi ni Steven.
"Baka kase..." hindi pa man natatapos so Keith sa sasabihin ay nagsalita na agad si Steven.
"Iniisip mo na di ko sila kaya?"
"Pwede ba" naiinis na rin na sabi ni Keith dahil para sa kanya tinulungan na nga niya ito hindi mapaaway siya pa ang may kasalanan.
"Wag ka nga mayabang iniwas ka na nga sa gulo eh"
"Huh! Alam mo ba iniisip ng mga yun ngayon" nainis na tinignan pa nito si Keith.
"Ewan ko sayo Steven" saka siya lumakad, pero sinundan siya ni Steven.
"Saan ka nagpark?" Tanong pa nito sa kanya.
"Paki mo ba" mataray nitong sagot.
"May choice ba ko sa ginawa mo" Naiinis siya hindi dahil sa hinila siya nito o isipin nitong hindi niya kayang labanan ang grupo nila JM, kundi ang iisipin ng nga ito, baka pati si Keith ay madamay sa hindi nila pagkakaunawaan.
"Wala akong ginawang masama, tinulungan ka lang umiwas sa gulo tapos ikaw pa galit" sabi ni Keith sa kanya habang naglalakad palayo sa kanya.
"Next time, mag isip ka munang mabuti bago ka magdesisyon" habol naman niya dito
"Sorry ha!" saka hinarap si Steven,
"Napakayabang mo kahit kailan! Huwag mo nga akong susundan, saka huwag mo kong kakausapin!" Saka nagmamadaling lumakad at naiwan si Steven na inis na inis din.
"Anak, magpahinga ka muna baka mabinat ka" napatingin si Cliff sa mommy niya ng maabutan siya nakaupo sa sala nila, hinihintay niya si Keith na dumating, kanina pa siya nag text dito pero hindi nagrereply.
"Okay na ko mom dont worry" ngumiti pa siya sa mommy niya.
"Huwag na matigas ulo, Cliff"
"Yes mommy.. aakyat na po ako mayamaya"
"Okay" saka ito umakyat upang makapagpahinga na rin.
Sinilip pa ni Cliff ang cellphone niya wala parin reply si Keith sa kanya. Sinubukan niyang tawagan ulit ang cellphone ni Keith.
Sa kwarto ni Keith, inis na inis siya na naupo sa kama.
"Akala mo kung sino, napakayabang kahit kailan.. nakakainis " saka padabog na nahiga sa kama niya si Keith, naramdaman pa niya nagvibrate ang phone niya saka kinuha sa bag, napaupo siya bigla ng makitang tumatawag si Cliff.
"Shocks" nawala sa loob niya na pupuntahan niya ito para dalawin sana.
"Hello Cliff" aniya pagkasagot ng tawag.
"Akala ko ba dadalhan mo ko ng food nagutom lang ako" habang nakasandal sa sofa na sabi ni Cliff.
"Sorry Cliff, sorry talaga" nakukonsensya niyang sabi sa kaibigan.
"Okay lang, anong bang nangyrai?"
"Ha?"
"Bakit hindi ka tumuloy?"
First time itong nangyari kay Keith na nakalimutan niya ang usapan nila ni Cliff. Dati kahit gaano siya ka busy lalo at may sakit ito ay pinupuntahan niya agad.
"Cliff wait lang tawagan kita, bye" Saka ibinaba ni Keith ang phone at napahiga sa kama.
"Sorry talaga Cliff". Napatingin pa si Cliff sa cellphone at napapaisip bakit siya biglang binabaan ni Keith ng phone.