Chapter 6

2312 Words
Kinabukasan, sa room, pinagmamasdan ni Cliff yung post sa school page nila. Picture ito nila Keith at Steven para sa darting na Musical Play. Pakiramdam niya bigla siyang nagselos sa kuha nung dalawa, masyadong dikit na dikit sa isat isa. "Parang sila talaga sa picture no" sabi ni Abi, saka binasa ang mga comments. Halos sabay na pumasok ng room sina Steven at Keith, pagkaupo ni Steven ay dumerecho muna sa pwesto ni Abi si Keith dahil ayaw makausap si Steven. "Grabe ang ganda ng kuha niyo ni Steven, Keith!" Sabi ng isang kaklase nila. "Nakaka inlove" kinikilig na sabi naman ni Loti. "Steven, bagay na bagay kayo kahit nakakaselos na" sabi ni Jane kay Steven na nilongon pa sa upuan. Nagtataka pa si Steven sa mga sinasabi nila ng mapatingin siya kay Tristan sumenyas ito na tignan yung cellphone, sinend nito sa group chat nila ang link ng post sa f*******: page ng school. "Eto yun" pinakita naman ni Cliff kay Keith yung picture nila ni Steven. Kinuha naman agad ni Keith ng mapansin, Tinignan niya yung picture nila ni Steven nakapost sa f*******: page, "friendship - love -hate -love soon! a must awaiting musical love story" nakasaad pa dito. "Ang ganda ng kuha niyo bes as in" masayang sabi ni Abi sa kanya. Tinulak pa ni Cliff ang noo ni Keith gamit ang hintuturo ng hindi ibalik agad sa kanya ang cellphone. "Phone ko yan, dun ka magbasa sa phone mo" "Tsk!" Irap nito kay Cliff. "Super bagay kayo" sigaw ng isang kaklase nila. Ikinalingon ito ni Dave, Napatingin pa ito kay Keith matapos makita yung post ay inis na inis nitong binalingan si Steven. "Kaya pala magkasama kayo kagabi ni Steven" Napalingon yung iba kay Dave, tapos nagtuksuhan sila, napasimangot naman si Cliff ng marinig ito saka tumingin kay Keith. "Magkasama kayo kagabi ni Steven?" Tanong ni Cliff. Napaisip pa siya kaya pala hindi ito nagpunta sa bahay nila kagabi, napalingon pa siya kay Steven, napansin niya na sumeryoso ito at ang sama ng tingin kay Dave. "Totoo naman diba, tumakbo pa nga kayo dahil may humahabol sa inyo" sabi pa ni Dave. "Shut up" pagpapatigil ni Steven sa sinasabi ni Dave. "Humahabol?" Natatawang sabi ni Troy, "Tumakbo ka?" pang aasar pa ulit ni Troy. "Ang dami ba hindi mo kaya?" Nangaasar ding sabi n Dave. "Hindi ka ba titigil" inis na sabi ni Steven, Patayo na sana siya ng dumating na Prof nila, nag ayusan yung iba at bumalik sa kani-kaniyang pwesto tumayo narin si Keith lumipat na sa upuan niya. "Godmorming class" bati ni Sir Greg. "I just got the approval today and by monday we are going out for structural design and measurement for your project" sahi pa nito sa klase. Habang nakikinig ay hindi nagpansinan si Steven at Keith, napalingon pa si Jake sakanila, pati si Cliff lumingon pa kay Keith, ng mapansin siya nito ay iniiwas niya ang tingin agad. "Sir, wala po kami class nun" "Yes" halos magsigawan ang karamihan sa tuwa sa narinig. "But unfortunately you'll be having two projects, sakin at kay ms Fiona" "Haaay" malungkot na sabi ni Liz "Walang lusot" sabi naman ni Kim. Halos sabay sabay pang nagsalita ang iba dahil sa nadagdag na gagawing project nila. Sa classroom nila Selene, inis na inis sya sa picture nila Steven at Keith. Sa dinami dami ng unang lalabas pagbukas niya ng f*******: at picture nila ang makikita niya. "s**t" halos pasigaw pa niyang sabi ni Selene. "I've already talk to Ma'am Toni pero she still push si Keith" sabi parin ni Selene. "Kausapin mo daddy mo para ikaw ang ipalit as the lead actress" sabi pa ni Mona sa kanya. "No, I still have some plan Sisiraan ko siya kay Ms Toni and kay Steven mismo" halos hampasin pa niya ang mukha ni Keith sa cellphone. "I hate her, i really hate her" sabi pa niya kay Mona. Mayamaya nasa court ang section AD4 para sa PE class nila nakaupo si Keith at Cliff sa isang tabi habang hinihintay ang iba na hindi pa tapos magpalit ng PE uniform. "Bakit hinddi mo sakin sinabi kagabi?" Nagtatampong sabi ni Cliff kay Keith. "Alam ko naman magagalit ka eh" "Pano kung napahamak ka" saad ni Cliff kay Keith na may halong pag aalala nakatitig pa siya dito. "Sorry na" nakangiti pang sabi ni Keith sa kanya. napatitig si Cliff bigla dito, hindi siya makasagot sa sinabi nito kaya ginulo niya ang buhok nito para hindi mapansin ang pagbago ng expression ng mukha niya. "Tara na dun, nagtatawag na si Sir" Habang pababa ay inalalayan pa ni Cliff si Keith napatingin pa sa kanila si Steven. "Alright class, warm up muna, c'mon faster line up!" Sigaw ng professor nila. "Yes sir" nagsipagsipag puntahan sa bawat pwesto nila ang lahat para simulan ang sinasabi ng guro na warm up. After class ay dumercho pa sa auditorium ang cast at team ng teatro para sa meeting, kailangan silang makausap para sa schedules of rehersal and para maibigay ang script na kailangan nilang kabisaduhin. "Nandyan na rin sa script ang schedule of practice natin, i was hoping that we can make it." "Yes mam" sagot pa ng lahat. "Steven, Keith" tumingin pa ito sa dalawa, "Please stay, production team please proceed sa napag usapan natin the rest you may go" Ng mag. alisan ang iba ay hinarap ni Ms. Toni sila Steven at keith. "What's wrong with you?" Nakaupo sa harap ni Ms Toni sina Keith at Steven, hindi nagkikibuan at may bakante pang isang upuan sa pagitan nila. "Kung hindi kayo magtatalo, hindi kayo magkikibuan.. wala na ba talagang pag asa na magkasundo kayo?" Sabay tingin tango nito sa dalawa. "Kung pwede lang, bukas sa umpisa ng practice natin walang ganyang mga eksena, be professional" "Yes Ma'am" sabay na sagot nila Keith at Steven. Kinabukasan, sa classroom nakaupo na si Keith at nagbabasa ng English book, pagdaan ni Jake ay inabutan sya ng Milktea. "Why?" Napatingin pang sabi ni Keith sa kanya. "Hindi ba thank you istead of asking why?" Saka naupo muna sa tabi niya habang wala pa si Steven. "Thanks, pero.." "May gagawin ka ba mamaya?" Putol nito sa sasabihin sana ni Keith. "Ha?" hindi alam ni Keith ang isasagot niya dito at hindi niya inaasahan. Narining pa ni Steven si Jake paglapit niya para maupo na sana, medyo nainis pa siya dito dahil mukhang pumoporma kay Keith. "May practice kami mamaya" sagot ni Steven sa tanong ni Jake. "Ah.. okay" napatingin pa si Jake saka tumayo para makaupo na Steven, pero bago ito umalis ay tumingin pa kay Keith. "Can i have your number?" Saka iniaabot sana ang cellphone kay Keith para isave ang number nito pero pinigilan ni Steven. "Nandyan na si sir" sabay turo nito sa pagpasok ng professor nila. Napatingin pa si Jake kay Steven, sarkastikong napangiti bago bumalik sa pwesto niya. First day ng praktis ng cast ng teatro, nasa auditorium ang lahat. Habang inaayos ng assistant director nilang si Ciara kung paano ang mga magiging pwesro nila, naghihintay sa isang tabi sina Steven at Keith habang binabasa ang script. "Good! Okay Steven and Keith, let me hear scene 5 para makita namin kung okay" sabi pa ni Ms. Toni. Nagsipag pwestuhan na sila sa stage,at habang nagpapractice sila Steven at Keith napapangiti si Ms. Toni dahil hindi siya nagkamali sa chemistry ng dalawa. "Aright guys, for the meantime its ok kahit hawak niyo ang mga script, but make sure na kabisaduhin niyo ha" sabi ni Ms. Toni sa kanila. "Yes Ma'am" "Ok, lahat ng pwede bukas, you may come here 9am para sa dance rehersal" Nagsipagpaalam na ang iba, para makauwi ang iba naman ay nagligpit pa ng mga gamit. "Ah Steven" tawag ni Ms. Toni pagkababa ng stage. "Yes mam?" "Can you ask Tristan, Paul and Drex for a special dance number with you?" "Sige po Ma'am, no problem" nakangiti pa nitong sabi. "Thanks" pagkasabi ni Ms. Toni ay nagpaalam na rin siya dahil may pupuntahan pang meeting. Papunta ng parking si Steven ng makita niya na naglalakad si Keith may kausap pa ito sa cellphone. "Malapit na kami sa bahay, sunduin kita paghatid ko kay Vince" si Cliff ang kausap nito dahil wala siyang masasabayan ng gabi na yun, nagloloko ang kotse niya kaya ayaw niyang dalhin dahil baka bigla siyang masiraan sa gitna ng highway. "Hindi na okay lang" sabi niya kay Cliff. "Ang trapik kase kanina eh" "Ok lang Cliff magbook nalang ako" "Malapit naman na ko sa bahay" "Sige na, wag na nga okay lang. Ingat kayo.. bye" saka pinindot ang telepono para hindi na siya kulitin pa ni Cliff, saka siya lumakad na sya pero nagulat siya ng kausapin siya bigla ni Steven. "Wala ka bang dalang sasakyan?" Lumingon pa si Keith sa kanya saka umiling. "Wala, Bye" paalam pa nito para lumabas na. "Sabay ka na hatid na kita" Napatingin pa siya dito, at medyo nagtaka. "Hindi na" saka ngumiti at lumakad palabas ng School. Hindi na pinilit pa ni Steven si Keith sumakay narin ng kotse para makauwi na. Sa labas ng school, naglalakad si Keith papunta na siya waiting shed ng mapansin niya sina JM at Anton, naglalakad. Kitang kita ni Steven ang biglang pagtalikod ni Keith, nagtaka pa ito kaya tumingin sa paligid,napansin niya sila JM, naķita niya na tinuro ni Anton ang direction ni Keith, itinabi niya ang kotse at saka bumaba. "Keith" Ng makita ni Keith si Steven ay lumingon pa siya kila JM, na saktong lingon din nito ng ituro ni Anton. "Lets go" Pinagbuksan pa ni Steven si Keith ng pinto sa sasakyan, bago sya sumakay. Pagdaan sa waiting area nakita ni Mona at Selene ang kotse ni Steven na dumaan. "Diba that's Steven car? Nasa school pa pala sya eh" turo ni Mona kay Selene. "It's so hard pa naman to get taxi, tawagan mo na agad si Steven para bumalik" "Okay, wait" saka dinial ni Selene ang number ni Steven. "Nasa stoplight pa siya" Paghinto ni Steven sa stoplight ay sinagot nito ang tawag ni Selene. "Hello" bungad pa ni Steven. "Hello Steven" "Yes Selene bakit?" Napangiti pa si Selene kay Mona. "Pauwi ka na ba?" "Oo late na kami natapos kanina" napansin ni Steven paglingon niya kay Keith na hindi ito nakasuot ng seatbelt. "Baka pwede sana.." "Wait.." putol nito sa pag uusap nila ni Selene saka tumingin pa kay Keith. "Tsk mag seatbelt ka.." sabi nito, tumingin pa si Keith sa kanya sabay irap, natawa pa siya dito. "Hello, Steven" napasimangot pa. "Hello, ill call you back later ah" "What?" Ni hindi man lang nagpaalam ay binabaan na siya ni Steven. Napatingin si Mona sa naging reaction ni Selene. "Why? anong sabi?" "Binabaan niya ko" inis na sabi nito. "No way.. he will not do that to you" "He's with someone beside him" sabi pa ni Selene na humarap. "What?" nanlaki pa ang mata ni Mona sa narinig. Inis na inis na pinasok ni Selene ang phone niya sa bag. Napapisip siya sino ang kasama ni Steven at binabaan pa siya ng telepono. "Thanks" nakangiting sabi ni Keith kay Steven ng maihatid siya nito sa tapat ng bahay nila. "No problem" tumango pa si Steven. Paglakad ni Keith, ay sumakay na rin si Steven ng kotse niya. Aalis na sana siya ng makita niya yung script ni Keith na naiwan sa upuan, napailing pa sya saka kinuha at lumabas. Bago naman pumasok ng gate ay nakita pa ni Keith na lumabas ang kotse ng daddy niya, ng isasara na ng maid nila nakita sya kaya napahinto pa. "Ma'am keith" may pag aalalang sabi nito. "Si daddy yun?" Tanong nito sa kasambahay nila. "Opo mam" halos hindi ito makatingin sa kanya na halata mong may itinatago. "Si kuya, nandyan ba?" "Po?" Lalo itong nangamba sa tanong ni Keith. "Okay lang" sa itsura nito alam na niyang magkasama ang Kuya niya at Daddy niya. "Kakain na po ba kayo para makapaghanda kami" Umiling lang si keith sa sinabi nito, saka tumalikod. Nagtaka naman si Steven kung bakit hindi pumasok si Keith ng bahay nila, sinundan niya ito hangang sa magpunta ito sa malapit na Park dun at naupo, nag aalanganin man ay lumapit narin si Steven dito. "Keith" tawag niya dito, napatingin ito sa kanya at marahil naisip nito kung bakit nandoon pa siya. "Naiwan mo yung script mo" sabi niya dito pagkaraan. "Thanks" saka nito inabot ang script. "Okay ka lang?" hindi mapigilang tanong ni Steven sa kanya. "Medyo" matipid na sagot nito pero halata naman na hindi siya okay. "Medyo?" Sabi pa niya kay Keith. "Hindi tayo close no, bat ko naman sasabihin sayo kung ok ako o hindi" seryosong sabi ni Keith. Natawa lang si Steven sa kanya, bigla itong umupo at pagkatapos ay umusog ng mas malapit kay keith. "Dapat ba ganito ka close" Nagulat pa si Keith sa ginawang paglapit ni Steven. "So.. eh di close na tayo?" Biro pa ni Steven. "Hindi parin" natawa na lang si steven sa kanya. "Umuwi ka na nga late na" pagtaboy niya pa dito sabay tingin sa oras. "Diyan lang naman ako, sa kabilang village ako nakatira" sabi pa ni Steven. "Talaga?" "Oo, kaya pwede kita daanan bukas ng umaga pagpunta sa practice" "Hindi na, okay lang" tanggi pa ni Keith. "Gusto mo magdinner?" Tanong pa ni Steven. Naramdaman ni keith nagutom na rin sya, napahawak pa sa tyan niya. "Kawawa ka naman big tummy ayaw ka pakainin ni Keith" nakatingin pa nitong sabi sa tyan niya. "Sira" natatawa nitong sabi. "Aong gusto mo?" Kunwari nag isip pa si Keith ng gustong kainin. "Pares?" Sabi nito pagkaraan. "Sige" sang ayon niya dito. "Tara" Saka sila tumayo. Hindi nila alam nakatingin sa kanila sa malayo si Dave. Sinundan sila nito ng makitang sumakay sa kotse ni Steven si Keith. Ang sama pa ng naging tingin nito sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD