Kinabukasan, nasa kwarto pa si Keith nag aayos siya sa harap ng salamanin ng may tumawag sa kanya sa cellpone niya, number lang ito, kaya nag dalawang isip pa siya kung sasagutin.
"Hello" sagot niya sa pangalawang tawag nito.
"Hi keith, si Steven to" pagpapakilala nito sa kanya.
"Pano mo naman nakuha number ko?" Nagtatakang tanong nito.
"Basta, tapos ka naba? Nandito ako sa tapat ng gate niyo" sabi nito.
"What?" Gulat na tanong ni Keith.
"Sabay na tayo pumunta ng school"
"Pero..."
"I'll just wait here, okay bye" saka nito binaba yung tawag.
"Steven.. hello.." ng walang sumagot ay napailing na lang siya
"Tsk" saka kinuha niya ang bag at lumabas.
Sa labas ng gate naghihintay si Steven. Kumaway pa ito sa kanya, napaka simple lang nito sa suot na maong pants, white shirt, pero ang lakas ng dating para sa kanya. Inalis pa nito ang shades saka ngumiti sa kanya. Napailing si Keith sa sarili.
"Stop it Keith" bulong niya sa sarili, saka lumakad palapit kay Steven, pinagbuksan pa siya nito ng pinto sa tabi ng driver's seat.
Saktong parating ang sasakyan si Carl kasama niya si Cliff ng makita sipa.
"Sino yung kasama ni Keith?" Tanong pa ni Carl na nakatingin sa nakaparadang kotse.
"Ha?" napatingin pa si Cliff pero hindi na niya napansin si Steven dahil nakasakay na ito ng sasakyan.
"Ang alam ko may practice sila ngayon, pero hindi ko sure kung sino kasama niya, hindi ko napapansin yung kotse na yan sa school"
"Ah sira ata kase kotse niya" napatingin pa sa side mirror si Cliff para silipin yung kotse na dumaan.
"Dito ka na magbreakfast, Cliff"
"Sige" saka ibinaling na lang tingin sa ibang direction.
Malalakas na tugtog ng sound system ang maririnig sa loob ngauditorium, nagpparactice na kase sila para sa iba't ibang scene at dance rehersal. Habang nakaupo naman sina Keith at Steven nagbabasa ng kani kaniyang mga script ay biglang dumating si Selene may dalang coffee at sandwich na binili niya sa Starbucks.
"Hi steven" nakangiti nitong bati, hindi lang si Steven maging si Keith ay napalingon din.
"O Selene, Anong ginagawa mo dito?"
"Here" abot nito sa dalang sandwich at coffee.
"Napadaan lang. May gagawin ka pa after ng practice, samahan mo naman ako sa grocery, just want to buy some foods for monday tour" Pasimpleng napapatingin pa si Keith sa kanila lalo na ng naupo pa sa tabi ni Sreven si Selene.
"Please" paglalambing pa nito kay Steven na ikinataas niya ng isang kilay.
"Please Steven, nag out of town kase si Mona, wala akong kasama" pangungulit pa rin nito.
Pakiramdam ni Keith ay ipinaparinig pa sa kanya ni Selene ang lahat kaya bago pa siya mainis ay tumayo siya lumayo nalang muna sa kanila.
"Hindi ko pa din sure what time kami matatapos eh"
"Its ok, we also have meetings for pep squad" saka ito ngumiti at tumayo.
"I'll call you later"
"Sige" Ngumiti pa si Selene bago tumingin kay Keith palabas.
Sa stage habang nagdedetalye si Steven sa gagawin nila ni Keith.
"Pag lapit ko sayo nun, tumalikod ka pa kanan para pag hawak ko ha"
"Maiiba direction ko"
"Mas madali kase kita mahahawakan"
"Makatalikod naman ako sa audience"
"Ihaharap naman kita"
Ito ang maririnig na pagtatalo nina Steven at Keith habang pinag uusapan ang Scene 10 na gagawim nila. Ng mahalata sila ni Ms. Toni ay lumapit ito sa kanila.
"Godmorning.. buti naman nagkakasundo na kayo" kunwari ay tanong nito kahit alam naman niya na nagtatalo na naman ang dalawa.
"Hindi po" napasimangot naman si Ms. Toni sa naging sagot ni Keith.
"Bakit ba ayaw mo makinig" sabi ni Steven kay Keith.
"Eh sa pangit nga tignan" sagot naman nito.
"Hindi mo pa nga natry"
"Bahala ka nga"
"Ano bang problema?"
Lalong napasimangot sa kanila si Ms. Toni
"Should I look for new cast and get you both out of here?"
Hindi nakakibo sina Steven at Keith sa tinuran ng guro.
"Since Monday is excuse kayo for Architectural measurement, I am giving you until Tuesday. Let me know if kaya niyo magkasundo, this is not a joke for us. Hindi lahat ng tao dito mag aadjust dahil lang hindi niyo inaayos ang ginagawa niyo"
Lalong hindi nakakibo ang dalawa pakiramdam nila ay nakatingin pa ang iba sa kanila.
"You two may go home now" saka ito tumalikod, iniwan sina Keith at Steven sa stage.
Tumingin pa si Keith kay Steven, saka ito lumakad palabas kasunod si Steven.
"Ma'am Toni lumabas na po sila Steven" ani Emy.
"Hayaan mo" sabi pa nito.
"Ma'am papalitan niyo po ba talaga yung dalawa?"
"No" iling pa nito.
"Para magkasundo sila i need to do this"
"Ah ok po" napangiti naman si Jill sa pag aakalang hindi na makakasama sina Steven.
"Ma'am, alam mo ba na 200k shares na po tayo sa f*******:. Ang galing niyo po" masayang sabi pa nito.
"Talaga, that's great" proud na proud si Ms. Toni sa sinabi ni Jill. Sa sandaling panahon ay ganun na karami ang shares nila sa f*******:.
"Keith, wait" habol ni Steven dito sa labas ng auditorium.
"What?" Lingon naman ni Keith na may halong pagtataray,
Papunta namam ng auditorium si Jake ng makita sila.
"Keith, Hi" napatingin pa sila ni Steven dito.
"O jake, anong ginagawa mo dito?"
"Pinapunta ako ni Ma'am Toni, may ooffer kase sakin"
"Sa teatro?" Nakangiti pang tanong ni Keith.
"Oo, may oras pa naman, would you like to have some snacks?" Nakangiti pa nitong tanong kay Keith.
Napasimangot naman si Steven dahil nagmistula na siyang invisible sa dalawa.
"Sure" tango pa ni Keith.
"Hey" kontra sana ni Steven dito pero inaya na ni Keith si Jake.
"Lets go" saka lumalad.
Pagdating sa coffee shop, magkatabi nakaupo si Keith at Steven nasa harap nila si Jake na napapailing kay Steven, dahil kahit hindi niya inaya eh kusang sumama sa kanila.
"Bakit ba sumama ka pa" Pabulong na sabi ni Keith kay Steven.
Tumingin si Steven kay Jake, saka niya kinuha yung script at hinarang sa kanila ni Keith para hindi makita ni Jake pinag uusapan nila.
"Ayaw mo ba o gusto mo?" Sabi ni Steven sabay turo sa script.
"Tsk" sabay tingin ng masama ni Keith kay Steven.
"What?" sagot ni Steven sa kanya.
"Haynaku Steven, kumain ka na nga lang" sabay baba nito sa script na hinarang ni Steven.
"After nito uwi na tayo ha" sabi pa nito kay Keith.
"Tapos na kayo magpractice?" Tanong ni Jake sa kanila.
"Actually...."
"Sorry we have to go" putol nito sa sasabihin ni Keith, tumayo, saka hinawakan kamay ni keith.
"Lets go" aya pa nito.
"Ha?" Takang tanong ni Keith.
"Yung bag mo nasa kotse" pinatayo na nito si Keith.
"Wait" napatingin pa si Keith kay Jake
"Sige jake ha" nahihiya pa niyang sabi dito dahil ni hindi pa nagagalaw ang pagkaing inorder nila.
"It's okay" saad nito sa kanya.
Inaya na palabas ni Steven si Keith, sinundan pa niya ng tingin palabas ang dalawa.
"May problema ba?" Nakatingin si Keith kay Steven habang nagdadrive ito.
"Wala naman" seryosong sabi nito.
"Haynaku, kung ayos lang yung kotse ko hindi ako sasabay sayo eh"
"Gusto mo ipagawa natin bukas"
"Ipapaservice ko nalang po"
"May kakilala ako magaling yun, hindi ako mapapahiya" Hindi na sumagot si Keith kay Steven ng makitang tumatawag si Cliff.
"Hello, Cliff" napatingin pa si Steven pagsagot ni Keith ng tawag na iyon.
"Anong oras ka uuwi?"
"Bakit?"
"Nandito ko sa bahay niyo"
"Anong ginawa mo sa bahay?" Napasimangot pa si Steven sa narinig.
"Nagbasketball kami ni Carl. Kaso umalis eh inaya ng daddy mo sa.." napahinto si Cliff sa saaabihin dahil inaalala niya ang mararamdaman ni Keith sa sinabi.
Napabuntong hininga naman si Keith bago sumagot.
"Okay lang, nasan sila?"
"May bibilhin sa Mall, pauwi ka na ba?"
"May practice pa kami ano ka ba" pagsisinungaling niya sa kaibigan, ayaw niyang umuwi dahil ang gusto niya ay sundan sa Mall ang Kuya niya at daddy niya.
"Sige, txt mo ko kung papasundo ka" naramdaman agad ni Cliff ang bigat ng loob mg kaibigan kaya napatayo siya dahil alam niya na pupunta ito ng Mall.
"Okay bye" pagbaba ng tawag ay tumigin pa sa kabilang side si Keith, napapatingin sa kanya si Steven.
"Pwede mo ba ko idrop sa SM nalang"
"Samahan na kita"
Hindi kumibo si keith sa kanya pakiramdam niya ay may problema ito na ayaw sabihin.
*
Pagdating nila sa mall, alam ni Keith na nasa Han Tai sila para kumain dahil dun ang favorite ng Kuya niya, dati pa naman na sa tuwing lalabas sila kung hindi kuya niya ay ang ate niya ang nasusunod kung saan sila kakain, okay pa sila noon, pero ngayon kahit nga hindi siya ang masunod ay hindi naman siya kasama sa pagkain nila sa labas. Habang naglalakad nasa likod niya lang si Steven nakasunod sa kanya, napapaisip ito kung bakit o anong reason ng pagpunta niya sa Mall, ni hindi ito kumikibo at ni ayaw tumingin sa kanya. Palabas na sila Carl ng makita ni Keith, napahinto siya. Kasama mommy niya at daddy niya nagkakatawan pa silang lumabas, napakasayang pamilya naisip niya. Sinundan niya ang mga ito kung saan sila papunta, nakita pa niya na sa Cinema ang tungo nila. Manonod marahil ng sine, pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya habang nakatingin siya sa kanila. At para pigilan na maiyak, umalis na lang si Keith, nagmamadali itong lumakad. Susundan na sana siya ni Steven ng biglang may pumigil sa kanya si Cliff kasama nito si Abi, napalingon si Steven at ng makita si Cliff ay agad inalis ang kamay nito.
"Sa lahat ng ayaw ni keith yung lalapitan sya pag ganyan" muling pigil ni Cliff kay Steven na ikinalingon niyang muli.
"Pakiramdam niya kinakaawaan lang sya" Tumingin pa si Steven kay Keith, lalakad sana siya pero humarang si Abi
"Hayaan mo lang sya Steven" sabi ni Abi sa kanya.
Napansin naman ni Abi ang pagtataka sa mukha ni Steven.
"Ayaw niya nakikita ng iba na umiiyak sya, mas pipiliin niya mag isa kesa makita syang malungkot" sabi pa ni Abi.
Hindi kumibo si Steven, gusto nya sanang lapitan si Keith, pero pinigilan nalang niya ang sarili.
"Kayo ng bahala kay Keith"
"Sige.." aalis na sana si Steven ng magsalita ulit si Abi.
"Oo nga pala, bakit nagkasama kayo dito? Diba may practice kayo?" Pagtatakang tanong nito.
"Napagalitan kami ni Ms. Toni" sabi niya dito, napatingin pa siya kay Cliff at napansin niya na napasimangot ito.
"Ah, importante kay Keith yang teatro ayusin niyo na ha" nakangiti nitong sabi.
"No problem" saka ngumiti na rin si Steven at nagpaalam sa kanila. Kumaway pa si Abi saka sila naghiwalay.
Habang naglalakd si Steven tinawagan siya ni Selene.
"Hello Steven" nasa grocery ito at hinihintau si Steven.
"Selene, sorry hindi kita masasamahan"
"Why?" Dismayadong sabi nito kay Steven.
"May importante lang akong lakad. Bukas nalang okay sayo?"
"Promise?"
"Tawagan kita bukas kung anong oras okay"
"Sige ingat" naiinis na sabi ni Selene, dahil hindi man lang ito nagpromise na tulad noon sasabihin pa nitong "Promise i will make it up to you" binaba niya ang tawag sa cellphone na inis na inis at luabas ng grocery store.
Nung gabi ding iyon ay nakipagmeet si Steven kay Keith, hindi siya mapakali kay Keith alam niyang may dinaramdam ito. Nasa park sila malapit sa bahay nila Keith.
"About ba saan yan?" Tanong ni Keith sa kanya dahil tinawagan siya nito kung pwede sila mag usap kaya lumabas siya ng bahay para puntahan ito sa Park.
"About sa teatro"
"Aayusin mo na ba?" Nakatingin na sabi ni Keith sa kanya.
"Oo na" Natawa pa si Steven sa sinabing iyon ni Keith.
"Sige na aayusin ko na nga rin" ngumiti pa nitong sabi.
"Bakit ba ang init ng ulo mo kanina sa auditorium?"
Naaalala ni Keith si Selene kanina, hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit inis na inis siya.
"Ha.. wala" halos hindi siya makasagot agad.
"Kausapin na natin si Ma'am Toni" sabi pa ni Steven.
"Sige, promise yan ha.. wag ka mang aaway ha" nakangiti pang sabi ni Keith
"Ako pa yung nang aaway"
"Medyo" natatawang sagot ni Keith.
"O, para mawala topak mo" sabay abot ng chocolates dito, napatingin naman si Keith.
"Hmp!" Kunwari ay irap ni Keith pero ngumiti din at kinuha ito kay Steven.
"Mahilig ka talaga sa chocolates?" Curious na tanong niya dito.
"Wala lang, pag kase nagtatampo ako nun binibigyan ako ng chocolate ni daddy, kaya pag kumakain ako ng chocolates iniisip ko nung time na okay pa kami"
Hindi kumibo si Steven nakikinig lang siya kay Keith habang nagkukwento ito.
"Kapag inaaway ako ni kuya or ni ate, basta umiyak na ko bibigyan ako ni daddy ng chocolate, titigil naman ako" pagpapatuloy ni Keith sa sinasabi.
Napatitig si Steven kay Keith, ramdam niya na may sama ng loob na tinatago ito pero ayaw ilabas.
"Ikaw lang sinabihan ko ha, kapag may ibang nakaalam lagot ka sakin" pananakot pa nito sa kanya.
"Sure no problem, Para walang ibang magbigay ng chocolate sayo" biro pa niya.
"Baka masanay naman ako, magastos yan"
"Kailangan ko na palang magtipid, topakin ka pa naman"
"He!" Natawa na lang si Steven sa kanya, alam niya na kahit papaano nabawasan ang kung ano mang kinikimkim na sama ng loob nito.