Chapter 8

2356 Words
Kinabukasan, nasa auto shop sina Steven at Keith, kaibigan ni Steven ang mayari nito, dito niya pinagkakatiwala ang kotse niya lalo na ang pang car racing niya. Subok na subok na niya ito,napakadaming nagpapagawa dito, ang iba ay kailangan pang magpabook pero dahil nasa iisang team sila sa car racing at isa sa close friend niya ito ay hindi siya matanggihan. "Discounted ba yan?" narinig niyang tanong ni Keith habang tinitignan niya ang pagchek up sa sasakyan nito. "Oo naman" napangiti pa siya dito. "Palitin na rin yung brakepad" "Palitan mo na, overall mo na brad" sabi pa ni Steven sa kaibigang mekaniko. "Ma'am, Overall na natin" sabi pa nito kay Keith. "Huwag mo na kong i Ma'am, Keith nalang" nahihiya pa nitong sabi. "Gusto mong palitan yung mags?" Suggest pa ni Steven. "Pwede din naman" "Ilang days namin iiwan dito?" "Mga 3-5 days brad, un stock ng iba ipadala ko pa dito nasa Cebu branch" "Okay lang brad kahit 1week basta sure" "May kukunin ka ba sa loob na importante?" Tanong ng mekaniko aky Keith. "Oo wait lang" Kinuha ni keith yung unan niya, headrest at sapatos sa loob ng sasakyan. "Ikaw ng bahala brad ha" "Sige, ako ang magaasikaso mismo" pagkakuha ni Keith ay tinanong narin niya ito kung magkano ang need na downpayment. "Pag natapos na lang, ichat chat ko nalang din si Steven pati sa mags na gusto mo isesend ko then pwede niyo tignan dito ng personal pagdating bago natin ikabit." "Sige Thanks ha" sabi pa ni Keith. "Thank you din. Ingat kayo" nakangiti pa nitong sabi. Nang sumakay si Keith sa kotse ni Steven, nilagay niya yung headrest sa upuan sa tabi ng driver's seat at itinabi ang flat shoes niya sa ilalim ng upuan. Natatawa pa si Steven dito, dahil panglalaking panlalaki yung kotse niya tapos may kulay pink na Headrest, unan at sapatos na pambabae. "Alisin mo yan mamaya ha" sabi pa niya kay Keith. "Dito mo muna yan, para pag kinuha ko kotse ko ililipat ko nalang" "Pink?" Naiilang pang sabi ni Steven "Bakit, ang ganda kaya" ngumiti pa, habang yakap unan niya. "Hindi bagay sa kotse ko" napapailing na sagot ni Steven. "Kapag nagsakay ka ng babae mo dito alisin mo to ha, ayokong may ibang amoy na didikit sa headrest ko" "Wow ah demamding" natawa pa nitong sabi. "Ilang days lang naman.. okay?" Hawak pa nito sa headrest niya. "Huwag kang mag alala walang ibang sumasakay sa kotse ko na to" natatawang sagot ni Steven. "Imposible" hindi naniniwalang sagot ni Keith sa kanya. "Totoo.." hindi naman talaga nagsasakay ng iba si Steven sa kotseng dala niya ngayon, bukod sa mommy niya kay Trina na kapatid niya, si Keith pa lang ang nakasakay ditong babae. Sila Tristan, Paul at Drex ay naisakay naman niya kapag pupunta sila ng car racing event. "Ah basta aalisin mo" sabi ni Keith sa kanya, binuksan pa nito ang isang lagayan sa harapan para ilagay ang wipes at isang pack ng whisper na ikinagulat pa ni Steven, pero natawa nalang din siya. "Hoy" "Sorry, for emergency ko kase, patago muna please" walang pake nitong sabi. Ni hindi man lang ito nahiya sa kanya eh samantalang hindi naman sila ganun ka close. Si Selene nga na matagal na niyang kilala ay never naging ganyan sa kanya. "Kumain na lang tayo, ano bang gusto mo?" Napapangiti nalang din kay Keith. "Sa SM nalang tayo, bibili na rin kase ako ng food para bukas" "Okay madam" saka nito pinaandar ang kotse niya. "Haay.. sana maayos agad kotse ko" saka ito nagsuot ng seat belt. Matapos kumain ay nag grocery na rin sila Keith at Steven, para sa babaunin nila kinabukasan. Habang naglalagay ng mga chichiria si Keith ay inaalis naman ni Steven. "Maghapon lang yun Keith" sabi pa nito sa kanya. "Pringles lang?" Naiinis pa nitong sabi. "Magtipid ka nga" sabi pa ni Steven sa kanya, inalis ulit ang ibang nilagay ni Keith. "Saka bakit may beer?" Inalis pa nito yung kinuhang beer incan na nilagay sa cart nila. "Sa bahay, stock ko" kinuha ulit yung beer na inalis ni Steven, pero inalis naman ulit ito ni Steven. "Buti na lang.." naiinis na kunwari nitong sabi. "Buti na lang ano?" Sagot naman ni Steven sa kanya. "Buti nalang hindi kita boyfriend, kundi break na tayo ngayon din" "Buti nalang nga" sabi naman ni Steven dito. "Ano?" "Sasakit lang ulo ko sayo eh" saka inalis ulit yung mga beer incan. "Tsk" Kinukuha sana ni Keith yung incan habang hawak pa ni Steven ng biglang nilayo ito ni Steven at iniangat ang kamay, muntik na mapayakap si Keith sa kanya, napalunok pa si Keith ng mapatingin kay Steven dahil halos magkalapit na sila, titig na titig ito sa kanya. "Gusto mo neto" sabay turo sa Lays at lumayo ng konti kay Steven. "Ayoko" napapangiti na lang nitong sabi bago tuluyang inilapag ang incan ng beer sa tabi, at makaiwas sa kay Keith. Pakiramdam niya ay nanghina siya sa pagkakalapit ni Keith. "Wala kang babaunin?" "Wala, ano fieldtrip ba yun" "Bakit ba" saka naglakad pa si Keith kasunod si Steven para mghanap ng ibang pwedeng baunin. Kinabukasan ay hinatid ni Carl si keith sa school, nagtext pa si Keith kay Steven na huwag na siyang daanan dahil maaga rin naman gumising ang Kuya niya at nagprisinta na siya na ang maghahatid. "Tawagan mo na lang ako pag pauwi ka na mamaya ha" sabi nito sa kanya, habang papasok ang kotse sa loob ng University. "Sasabay nalang ako kay cliff" "Nakita ka nga pala namin, may nagsundo sayo sino yun?" Curious na tanong nito sa kapatid. "Wala friend" sabi ni Keith. "Friend?" Napasimangot pang tanong ulit ni Carl. "Ingat Kuya" saka binuksan ang pinto ng kotse at bumaba para makaiwas sa tanong pa nito. "Hoy keith" "Bye" saka ngumiti pa sa kanya at lumakad. "Hi kuya Carl" napalingon pa si Carl sa boses na bumati sa kanya. "O Hi Abi.. ingat kayo ha" sabi pa ni Carl sa kanya. "Thanks" "Abi!" Sigaw naman ni Keith ng makita ang kaibigan, kumaway pa siya dito. "Bye kuya" saka ito tumakbo papunta kay keith. Nang palabas na si Carl nakasalubong niya yung kotse na sumundo kay keith, napatingin pa sya. "Hay.. keith" napapailing na sambit niya. Napapaisip tuloy siya kung sino ang sumundo na yun sa kapatid. Bago sumakay ng bus, nasa field pa ang mga studyante habang naghihitay sa iba, tatlong section sila pero dalawang bus lang ang kinailangan. Ng makita si Steven ay lumapit agad sila Mona at Selene. "Hi guys" bati pa ni Mona sa kanila. "Nakakatampo ka na, sabi mo tatawagan mo ko tapos di mo rin ako sinamahan" may himig pagtatampo na sabi ni Selene. "Busy kase ako" sabi ni Steven sa kanya "Hayaan mo na yan si Steven busy yan sa teatro niya" pangiinis ni Paul sa kanila. "Pre, bakit ibang kotse dala mo?" "Para hindi kayo nagpapahatid" natawang sagot nito. "Ayos ka ha" sabi naman ni Drex sa kanya. "Lets take a picture muna guys" saad ni Mona saka inilabas sa bag ang cellphone. "Sige sige" saka lumapit pa si Tristan sa kanya "Bus number ano ba kayo?" Tanong ni Paul. "Two" sagot pa ni Selene. "Talaga.. alright. Samin pala kayo kasabay eh" sabi naman ni Tristan. "Eh di okay" excited na sabi ni Selene. "Tabihan mo girl ah" pabulong na sabi ni Mona kay Selene. "Bakit ganyan suot mo?" Tanong naman ni Cliff kay Keith ng mapansin na naka crop top ito, may suot naman na jacket si Keith pero lumalabas parin ang pusod nito. Malamig ang panahon ng araw na iyon kaya naisipan naman ni Keith na isuot ang isa sa paborito niyang jacket, tinerno niya dito ang suot na itim na crop top. "Cute diba" nakangiti pa nitong sabi. "Sexy nga ni keith eh" sabi pa ni Abi. "Tapos di mo sinuot yung sayo" "Ayaw ni Ian" nakangiti pa nitong sabi 'Ah so nagkabalikan kayo?" "Sa panaginip" natawa pang sabi ni Abi. "Move on na, hayaan mo ako na lang magbabawal sayo" biro ni Cliff dito. "Ayoko, magseselos si keith" "Akala ko ba ayaw mo na samin" "Pwede pa naman, tabi tayo ha. Marami ka bang baon" "Wala nga eh" natatawa niyang sabi sa kaibigan, dahil hindi naman talaga siya nakabili ng maraming pagkain. "Pre, yung portable laser pala?" Tanong ni Tristan ng maalala na nagpadala siya kay Steven dahil naiwan niya yung kanya. "Nasa kotse, teka kunin ko" saka lunakad pabalik ng kotse kasunod si Tristan. "Buti nasa bahay ka pa kanina" "Oo nga eh paalis na ko nun" Pagdaan ni Dave binagga pa nito si Steven, pero hindi kumibo at derederecho lang nagkatinginna pa sina Steven at Tristan. "Anong problema nun" inis na sabi pa ni Tristan. "Yaan mo na" iwas na lang nj Steven dito. Pagbukas sa kotse ni Steven, napansin ni Tristan yung headrest at unan sa upuan, natawa pa sya. "Kanino yan?" Nangiinis na tanong ni Tristan. "Huwag ka na nga dyan" ng maalala na nandun nga pala ibang gamit ni Keith. Pero hindi nakatiis si Tristan at sinilip pa yung nasa headrest nakita niya may pangalan nakalagay. "Keith.. kay Keith to?" Natatawang sabi ni Tristan. Nung nakuha na ni Steven yung laser, tinulak nito si Tristan saka sinara un pinto. "Tara na" habang palakad sila ay natatawa na naiiling si Tristan sa kanya. "Alright guys!" Sigaw ni Sir Greg sa kanila. "Bus number one, Ms. Ria will be your guide. All bus bumber two please come forward" Nagsipaglapitan ang mga students na sasakay sa bus number two. "Your sitting arrangement will be by partner para makapag usap na rin kayo ng mga strategies and ideas on the way and pag uwi" Narinig pa ni sir Greg na may mga ibang nag react sa sinabi niya. "We prefer this sitting arrangement, para iwas din magulo at maingay. Though alam ko naman na kahit anong gawin namin maingay kayo" nagkatawanan pa yung iba. Napatingin pa si Selene kay Steven naiinis sa sitting arrangement. "Okay, pwede na kayong umakyat sa bus number two" Nagsipagsakayan na sila sa bus, nauna sumakay sila Steven at Paul kila Keith, hinintay pa ni Steven si Keith para sa tabi ito ng bintana maupo, pagdaan ni Jake ay tumingin pa sa kanila. "Diyan ka na Lea" turo ni Paul kay Lea para doon din siya maupo sa tabi ng bintana. "Thanks" ngiti nito sa kanya. Pag akyat ni Selene ay nainis pa sya magkatabi si Keith at Steven, saka siya lumapit sa partner niya para tumabi ni wala nga itong paki sa kanya. Nasa harap nila keith nakaupo sila Abi tumayo pa ito para magpicture sila. "Guys picture tayo" sabi ni Abi sa kanila. Dinikit pa ni Steven pisngi niya malapit kay Keith na lalong kinainis ni Selene ng makita. Matapos magpicture ay lumapit pa ito kay Cliff para doon naman magpicture. "Keith, bakit nasa kotse ni Steven yung mga unan mo" biglang sabi ni Tristan kay Keith na ikinagulat nito. "What?" hinampas niya si Steven sa pag aakalang sinabi nito kay Tristan. "Aray" kunwari ay nasaktan pa sa hampas. "Kayo na ba?" Biro pa nito. "Asa ka" "Ouch" hinawakan pa ang puso niya tapos tumingin kay Keith. "Sakit naman" sabi pa nito sa kanya. "Basted" sabay tawa pa nito, na kinatawa na rin ni Keith. Habang nasa biyahe ay nagkukulitan pa sila sa bus. Nagpipicture at nag aasaran. Kumakain ng mga baon nila. Nag paliwanag na rin ang Prof nila sa mga gagawin nila. Magsusukat sila at gagawa ng plano para sa project nila. Habang nagpalaliwanag yung Prof nila ay kinukulit ni Steven si Keith dahil inaantok. Tawang tawa pa siya dito kapag naiinis sa ginagawa niyang pangungulit. Pagdating nila sa site kung saang lugar napili ng mga Professors nila ang pagsusukatan nila ay nagkanya kanyang lakad na ang iba. Sila Steven at Keith ay naghahanap narin ng magandang part dun sa site. Habang naglalakad sila ay napapatingin lng si Selene sa kanila, maging si Cliff ay napapatingin sa kanilang dalawa. "Dito tayo?" Sabi ni Steven ng may makita na mukhang okay sukatan. "Sure" sangayon ni Keith sa kanya. "Set up ko lang to" saka inayos yung mga gagamitin na panukat. "Ang ganda ng place no" nagkuha pa ng picture habang nagaayos pa rin si Steven. "Kailangan mataas grade natin dito ha" "Gusto mo idistract ko sila" sabi ni Keith na napangiti pa. "Ha?" Iniisip naman ni Steven kung anong gagawin nito kung sakali. "Para magkamali sila sa sukat" sabi pa nito. Hindi pa nakakasagot si Steven ay inalis na ni Keith yung jacket niya, pinatong niya muna sa bagpack niya, sleeveless ang suoy niya na croptop kaya nung iangat niya kamay niya para may sukatin tumaas damit niya, dahil kulay itim ang damit na suot niya lalong naging nas maputi kung titignan ang kutis niya lalo pa at napakakinis niya kaya kahit sino ay mapapalingon. Napatingin si Jake sa kanila pati si Dave ay hindi inalis yung tingin kay Keith, pati ibang group ay napatingin na rin, Napatingin si Steven hindi lang kay Keith kundi pati sa ibang lalaki na akala mo ay gusto ng hilahin si Keith. Habang naglalakad napasimangot naman si Cliff ng makita si Keith na tinitignan ng iba, lalapitan na sana niya ito pero hinawakan ni Steven sa kamay si Keith at hinila papuntang restroom. "Why?" Nagtatakang tanong ni Keith. "Magpalit ka" saka inabot yung Tshirt na baon niya. "Ha?" Nagtataka pa nitong tanong. "Angat ng angat damit mo eh" inis na sabi pa nito. "Ayaw mo nun para nadidistract sila" ngumiti pa si Keith kay Steven. "Dali na, pag di ka nagpalit di tayo matatapos" saka tinulak papasok ng restroom si Keith, umirap pa ito sa kanya bago pumasok sa loob dala yung Tshirt ni Steven. "Mapapaaway pa ko sayo eh" pabulong na lang na sabi niya sa sarili. Pagtapos magpalit ni keith, paglabas niya ng restroom naghihintay parin si Steven. "Much better" ngumiti pa ito. "Much better ka dyan, hmp!" Sabi ni Keith saka lumakad. Sumunod nalang si Steven sa kanya na napapangiti pa, damit niya ang pinasuot niya kay Keith, dahil sigurado siyang sinadya ni Keith na puro sexy na damit ang baon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD