Chapter 9

2708 Words
"Steven!" Sigaw ni Selene na ikinalingon nila ni Keith. "Let's eat na, lunch time na" sabi pa nito sa kanya. Kasunod ni Selene sila Tristan, Paul, Drex at Mona. "Sige na, later nalang ulit" sabi ni Keith sa kanya ng mapatingin siya dito. "Kumain ka muna" sabi pa ni Steven sa kanya. "Sabay na kami nila Cliff" turo pa nito sa kaibigan na nag aayos na rin ng mga gamit. "Lets go" aya pa ni Selene kay Steven, hinila pa niya ito para hindi na makausap pa si Keith. Lumakad palapit si Keith kay Cliff, pagkakita ni Cliff sa kanya kinuha yung bagpack niya saka nila pinuntahan si Abi para ayain kumain. "Inuna na talaga ni Abi magpicture picture" sabi ni Keith habang naglalakad sila ni Cliff. Katatapos lang nila kumain, si Abi nagmamadali para makapag picture pa daw siya. "Alam mo naman yan future architect s***h photographer." Nakangiting sabi pa ni Cliff. "Picture na rin tayo" sabi ni Keith saka kinuha yung cellphone. "Sa gitna talaga" "Oo wala namang araw" Saka nito hinarap ang cellphone para makapag selfie sila. "Ikaw maghawak" "Gusto mo lang payat tignan eh" "Syempre no" Habang nagseselfie sila ay lumapit si Bea. "Cliff, start na tayo para matapos din agad" sabi nito skay Cliff. "Sure sige" sabi ni Cliff kay Bea. "Tara" aya pa nito. "Dun na kami Keith" paalam pa nito sa kaibigan. Habang naglakad lakad si Keith ay nagkuha pa siya ng mga pictures. Nakita siya ni Steven kaya nilapitan na siya. "Tama na yan" sabi pa nito sa kanya. "O... kumain kana?" Lingon ni Keith kay Steven. "Oo tapos na" "Selfie tayo.. send natin kay Ms. Toni" suggest ni Keith kay Steven. "Sige sabihin mo okay na tayo" Nilagay pa ni Steven yung cap na suot niya kay Keith, saka dumikit para makapagselfie. "Cute mo dyan" turo pa ni Steven sa picture ni Keith. "Syempre" natawa pang sabi ni Keith. "Isa pa dali" Habang nagpipicture silang dalawa ay hindi maiwasan ng iba na mapatingin sa kanila, may ilan na naiinggit kay Keith dahil kasama si Steven. Ang iba naman ay iniisip na bagay na bagay silang dalawa. Hangang hapon ay tinapos ng bawat magpartner ang mga dapat nilang sukatan, kuhanan ng picture para sa mga details na kakailanganin nila. Hangang sa pauwi na sila. Halos lahat ay napagod pero nag enjoy. Sa bus, papasok na ng University ang sinasakyan nila Keith. Pinakita niya kay Steven ang reply ni Ms. Toni sa sinend niyang picture. "Reply ni Ma'am Toni" pinakita ang hawak na cellphone. Natawa pa si Steven ng makitang picture din ang sinend nito at ngiting ngiti pa, marahil ay iniisip nitong okay na nga sila ni Keith. Himinto na ang bus na sinasakyan nila kaya nagsipagtayuan na ang iba. "Sunduin ka ba ng kuya mo?" "Baka malate siguro ng konti yun" tumingin pa sa suot na relo kung anong oras na. "Gawin na natin yung iba sa project gusto mo? Mabubusy tayo sa rehersal eh" "Sige ichat ko nalang din si kuya" sagot ni Keith sa kanya, tumayo na rin si Steven at kinuha yung bagpack ni Keith. "Thanks" aabutin na sana niya ito pero hindi binigay ni Steven. "Ako na magdala" saka nito nilagay sa likod niya. "Ako na kaya ko naman" pigil niya dito pero hindi na talaga binigay sa kanya. "Keith, susunduin ka ni kuya Carl?" Narinig niyang tanong ni Abi matapos itong tumayo at sumilip sa kanya. "Hindi, sabay na kami ni Steven" "Ha?" nagulat pa ito sa sinabi ng kaibigan, pero napangiti rin siya ng sumenyas si Kieth sa kanya. "Sshh, bye" paalam nitk sa kaibigan. "Sige.. ingat" sabi na lang din ni Abi dito. Pati si Steven ay sumenyas na lang kila Paul para magpaalam ba mauna ng umalis. Pagtayo ni Cliff ay nakita pa niya bumaba na si Keith kasunod si Steven, napasimangot pa nga siya ng mapansin na dala ni Steven ang bagpack ni Kieth. "Pauwi na yun?" Takang tanong niya kay Abi. "Oo daw, tara na" saka bumaba na rin sila ni Abi para makauwi. Naghihimutok sa galit si Selene ng pagpunta niya ng parking ay makita niya si Steven pinagbuksan pa ng pinto ng kotse si Keith para makapasok sa loob. Never itong ginawa ni Steven sa kanila ni Mona. At sa pagkakaalam rin niya ay hindi nagpapasakay si Steven ng iba sa kotseng dala nito, pero ngayon kasama niya si Keith. "Kailangan makagawa ako ng paraan para sirain ka kay Steven" bulong niya sa sarili bago umalis. Napagkasunduan nila Keith at Steven na sa bahay ng huli sila magpunta, mayroon silang mini studio sa bahay, kung saan pwede silang makagawa ng Project ng walang istorbo. "Pasok ka" aya ni Steven. "Thanks" nahihiyang sabi pa ni Keith. "Mas ok sa studio nalang tayo para tahimik din" "Sige lang" Sumunod si keith kay Steven papunta sa sinasabi nitong studio. Pagpasok nila dito ay namangha agad si Keith, may dalawang malalaking salamin dito, napakaluwag animo'y dance studio talaga ng mga artista o dancer na gustong magpractice. Naisip niya kaya siguro ito pinagawa ng parents nila ay dahil na rin sa talent nila sa pagsayaw. "Wow, okay dito ah, ang cool" napangiti pa si Steven sa naging reaction niya. "Pakuha lang ako ng juice" "Hindi wag na" pigil niya pa kay Steven. "Okay lang wait lang" ng hindi mapigilan ay hinayaan na lang niya itong kumuha ng juice. Nang lumabas si Steven ay kinuha ni Keith cellphone niya at naghanap ng pwedeng isayaw sa t****k saka niya ibinaba para mapraktis ang steps na gagayahin, naabutan pa sya ni Steven sa ginagawa niya, napahinto pa siya at pinagmasadan si Keith. Napakaganda nito habang suot ang cap niya at nagsasayaw. Hindi niya mapigilan na humanga dito, napakalambot ng katawan nito habang sumasayaw. "May stand dito" Napalingon pa si Keith. "Ayoko na nahiya na ko" biro pa nito kay Steven. Nilagay ni stevem yung stand na nandun saka inilagay ang celphone niya. "Magsasayaw din naman tayo sa teatro play" sabi pa nito sa kanya. "Tuturuan mo ba ko? Sayawin natin" sabi pa ni Keith sa kanya. "Anong title?" Sabi pa ni Steven ng maset up ang cellphone. Hinanap pa nila yung gagayahin nila at pinanood muna maigi, saka sila nagpractice, palibhasa ay parehong magaling sumayaw, nakuha nila agad ang step, ng matapos ay pinanood pa ito ni Steven, habang naupo muna si Keith. "Sabay na sabay, isave ko muna sa draft" "Patingin muna bago mo isave" "Mamaya na" sabi ni Steven saka naupo sa tabi Keith. "Patingin muna kung maganda" Kukunin sana ni Keith ang cellphone ni Steven pero nilayo nito ang phone kaya napayakap siya kay Steven na muntik ng ikinabagsak nila pahiga kung hindi lang naitukod ni Steven ang kamay niya. Nagkatitigan pa silang dalawa dahil sa pagkakalapit na 'yun. Napatingin pa si Steven sa lips ni Keith, dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya to kiss her ay nagsalita siya "Gawin mo na yung sa measurement natin" saka dahan dahan lumayo si Keith dahil nahiya ng matauhan na halos nakayakap siya dito. Ini- off na lang ni Steven ang cellphone para hindi na mangulit si Keith. Nang umuwi na si Keith ay hinatid pa sya sa bahay ni steven, "Thanks" ngumiti pa siya dito bago binuksan ang pinto ng kotse "Huwag ka ng bumaba okay lang" sabi niya dito ng mapansin na bababa ito, alam niya na pagbubuksan pa siya nito ng pinto. Nang makababa si Keith ay binuksan ni Steven ang bintana ng sasakyan saka niya ito tinawag. "Ah keith" tawag niya dito. "Yes?" Lingon pa niya dito. "Sunduin na kita bukas" Bago sumagot ay napangiti pa si Keith sa kanya. "Sige" "Sige, okay.. alis na ko" nakangiting sabi pa ni Steven. "Ingat" Kumaway pa si Steven saka pumasok si Keith sa bahay nila, napapangiti pa siya habang naglalakad papasok ng bahay nila. Kinabukasan, bago umalis si Steven ng bahay nila ay nadaanan niya mommy niya sa salas, nagbabasa ito nh news paper. "Ang bango naman ng panaganay ko" biro nito ng maamoy ang pabango pababa palang ng hagdan si Steven. "Goodmorning my, alis na po ako" "Kumain ka muna" pigil pa nito sa anak. "Sa school na po" saka ito humalik sa pisngi ng ina bago nagpaalam. "Mag iingat ka" bilin pa nito sa kanya. Palabas na rin si Keith ng makita sya ng Kuya Carl niya, may hawak itong kape. "Keith" tawag nito sa kanya. "Hi kuya" ngumiti pa ito. "Hatid na kita" suggest nito sa kapatid dahil wala naman siyang gagawin sa umaga. "Ha? Hindi na" tanghi agad niya sa kuya niya. "Paano ka papasok? Eh diba nasa auto shop sabi mo ang kotse mo" nagtataka pa nitong tanong. "Bye Kuya malate na ko" iwas niya sa sasabihin kay Carl, saka nagmamadaling lumabas. "Keith.." Narinig niya pang tawag ng Kuya niya pero hindi na niya nilingon pa, naghihintay na si Steven sa labas. "Nagbreakfast ka na ba?" Tanong ni Steven kay Keith habang nagda-drive papunta ng school. "I'm on a diet" sabi pa ni Keith dito. "Hindi pa ako kumain drive thru nalang tayo" "Ako ayoko, sayo nalang" "Hindi pwede" saka nito iniliko ang sasakyan sa drive thru ng makita ang Mcdo. Pagdating sa auditorium, walang nagawa si Keith ng umorder si Steven ng pagkain nila, habang nagpapraktis yung iba ay kinakain niya ang burger na binili nito. "Hati tayo" sabi pa ni Keith dito. "Ubusin mo na, meron pa dito" Uminom pa ng coffee si Keith, saka binigay kay steven pati ang kalahating burger. "May scene ako next dun ubusin mo na yan ayoko na" "Konti palang kinain mo Keith" habol pa nitong sabi kay Keith na patalikod na. "Ayoko na" ngiti pa nito sa kanya ng lingunin siya saka nagpunta ng stage. Ang hindi nila alam ay napapatingin si Ms. Toni sa kanila at lihim na natutuwa dahil nagkakasundo silang dalawa. After ng rehersal nila sa auditorium, sabay na pumasok sa classroom sila Keith at Steven. Si Steven ay lumapit pa kila Tristan at Paul samantalang naupo na si Keith sa pwesto niya. "Tumakas ka agad kahapon ah" sabi ni Tristan paglapit ni Steven sa kanila. "Maaga kase kami ngayon, hirap ng may hangover" sabi niya dito. "Maaga? May date ka no?" Sabay tingin pa ni Paul kay Keith. "Alam mo na yun Paul" tila pagsang ayon pa ni Tristan sa kanya. Pagpasok ni Cliff ay nakita niya si Keith nakaupo, bakante ang upuan ni Steven kaya dito muna siya dumerecho upang tabihan ang kaibigan. Napangiti pa si Keith sa kanya. "Hi Cliff" "Bakit umalis ka agad kahapon?" Bungad nito sa kanya. "Ha?" Pero bago muling makasagot si Cliff ay nagulat sila sa pagpasok ni Jake may dalang roses at inabot kay Keith, napatingin pa yung iba sa kanila, si Cliff ang agad nagreact kaysa kay Keith. "Para saan yan?" Tanong niya pa kay Jake, pero imbis na sumagot ito sa kanya ay tumingin kay Keith. "Keith.." sambit pa ni Jake sa pangalan nito. "Anong meron? " tanong pa ni Keith kay Jake na hindi inaabot ang dala nitong roses. "I like you" seryosong sabi ni Jake. Nanlaki ang mga mata ni Keith sa sinabi nito, hindi niya inaasahan na magsasabi ito sa kanya na gusto siya, hindi agad siya nakakibo dito. Nagkahiyawan ang mga classmates nila ng marinig si Jake, napasimangot naman si Steven na napatingin din sa kanila. "Pwede ba kong manligaw?" Sabi pa ni Jake na lalong ikinabigla ni Keith. Nagulat pa sila ng sinipa ni Dave yung upuan para tumahimik ang iba, ito ang naisip ni Cliff na pagkakataon tumayo siya saka kinuha yung roses palabas, sumunod naman si Jake sa kanya. "Cliff" habol ni Jake dito. Nung naabutan niya ito sa labas, kukunin na sana niya yung roses ng lumabas sa kabilang pinto si Steven kinuha kay Cliff yung roses, napatingin naman si Jake at Cliff sa kanya. "Anong ginagawa niyo sa labas, pasok na at may klase pa tayo" narinig nilang sabi ni Ms. Gie kaya napalingon pa sila. "Pinabibigay po ni Jake Ma'am" nakangiti pang sabi ni Steven saka iniabot ang roses. "Really" napangiti pa ito ng kunin ang roses. "Oo nga Ma'am" sabi ni Cliff na tumingin pa kay Jake. "Thank you.. sige na pasok na" saka ito naunang pumasok sa loob ng classroom. "Tsk!" Inis na inis si Jake kila Steven at Cliff, tinignan niya pa ang dalawa at nagkibit balikat pa saka parang walang nangyari na pumasok sa loob ng classroom. Nang tumunog ang bell nila para sa lunch, nagmamadaling tumayo si Keith para hindi siya malapitan nila Cliff at Jake. "Tara na" aya nito kay Steven. "Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong pa ni Steven. "May lunch meeting pa daw tayo" Saka hinila ni Keith palabas si Steven. "Hoy Keith pakainin mo naman friend namin" sigaw pa ni Tristan sa kanila. "Inaagaw mo na samin ah!" Narinig pa niyang sabi ni Paul pero hindi na nila pinansin. Nagkatawanan pa sila Tristan at Paul ng hindi talaga sila pinansin nung dalawa. "Akala ko ba may meeting tayo?" Natatawang sabi ni Steven kay Keith, niyaya siya nitong kumain sa labas ng school. "Nagugutom na kase ko" sagot nito sa kanya. "Sino ba sa dalawa iniiwasan mo, si Jake o si Cliff?" Tanong nito sa kanya. "Pwedeng both" nakangiti pa nitong sabi. "Bastedin mo na agad si Jake, may ipopromote pa tayo" "Ano kayang nakain nun ni Jake, tsk tsk, nakakahiya sa classroom" "Bawal malink sa iba" napatingin si Keith kay Steven natawa pa siya sa sinabi nito. "Showbiz?" "Kailangan natin masold out yung nga ticket, tayo yung magpartner tapos sa iba ka magfofocus" "Sino naman may sabi sayo na magfofocus ako kay Jake" inabot pa nito yung fries kay Steven para ialok. "O, Hi Steven" Napatingin sila Steven at Keith ng may lumapit sa kanila, si Selene. Nakangiti pa ito kay Steven, kasama si Mona. "Selene.. Hi" sabi ni Steven na ikinairita ni Keith. "Pwede makishare nalang dito?" Nakangiti pang sabi ni Selene. Tumingin pa si Keith kay Steven, pinagmamasdan ang reaction nito, gusto niyang sabihin na hindi pwede, napansin naman ni Selene na lumingon pa si Keith sa ibang table. "Wala na kaseng vancant na table" sabi pa nito sa kanya. "Sure" sagot ni Keith sa kanila, pero tumayo siya at lumipat ng pwesto sa tabi ni Steven. "Usog" sabi pa niya kay Steven para makaupo siya. "Bawal malink sa iba diba" pabulong pa nitong sabi na ikinatawa lang ng isa. "Order na tayo, Selene" aya si Mona na tumingin pa ng masama kay Keith, saka sila nagpunta ng counter para maka order ng pagkain. "Friend ko yan sila ano ka ba" hinarap na sabi ni Steven kay Keith pag alis nila Selene. "Halata namang may gusto sayo si.." "Tapos ka na ba kumain?" Putol nito sa sasabihin ni Keith. "Bakit iniiba mo usapan" "Tara na?" Tanong pa nito kay keith. "Bawal malink ka pa dyan, eh napaka daming may crush sayo" pang iinis pa ni Keith, saka uminom ng softdrinks. "Tayo na" sabi pa ni Steven sa kanya. "Ayoko nga.." pang iinis pa nito kay Steven. Ipinatong ni Steven ang kamay niya sa sandalan ng upuan ni Keith saka humarap dito. "Tatayo ka ba o hindi?" "Ayoko" Pagharap ni Keith kay Steven, napatitig pa sya dito, hindi niya malaman bakit ganun nafefeel niya, ang lakas ng t***k ng puso niya bigla, nagulat lang siya ng magring ang cellphone niya. "Si.. si Ma'am Toni" halos pautal utal niyang banggit. "Sagutin mo na" sabi nito sa kanya. "Hello Ma'am" "Keith, pwede ba kayong dumaan saglit sa Office" Habang kausap ni Keith si Ms. Toni ay palapit na sina Selene sa kanila inis na inis ito sa sa pwesto ng upo ni Steven, hindi parin kase inaalis ni Steven ang kamay nito sa sandalan ng upuan at nakapaharap kay Keith. "Tara?" Aya ni Steven kay Keith, pinpapunta sila ni Ms. Toni sa office nito dahil may sasabihin lang daw sa kanila ni Steven. Paglapit nila Selene at Mona ay tumayo na rin si Keith. "Una na kami Selene, Mona" sabi pa ni Steven sa kanila. "Tapos na ba kayo?" Takang tanong pa nito. "Oo patapos na kami kanina eh" "Okay" sabi na lang ni Selene pero ang totoo ay naiinis siya sa pagpaalam nung dalawa. "Bye" paalam din ni Mona sa kanila, saka lumakad sila Steven at Keith palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD