Habang hinihintay nila Steven at Keith si Ms. Toni ay ipinapanood ni Steven ang video ng sayaw nila ni Keith.
"Ipopost ko na nga sana eh"
"I-tag mo ko" nakangiti pang sabi ni Keith.
"Ilang araw ko na kayang hinahanap account mo sa IG at t****k" sabi pa ni Steven dito, halos mapuyat pa nga siya kakaisip kung ano ang account nito.
"Na kiseu, search mo" sabi nito sa kanya.
"Na kiseu?" Ulit tanong nito sa kanya.
"It's me keith" napatingin pa ito kay Steven.
"Korean" natatawa nitong sabi ni Keith ng hindi kumibo si Steven.
Nang hanapin ito ni Steven ay nagulat pa siya sa dami ng followers nito.
"Pa autograph naman" pabiro pa niyang sabi.
"He!, hindi kasing dami ng followers mo yan"
Pinanood ni Steven yung isang sayaw ni Keith na nakapost, napangiti pa siya dito at humanga sa galing nitong sumayaw.
"Galing" nakangiti pa nitong sabi.
"Huwag ka ng manood nakakahiya"
"Nakakahiya? Bakit ka mahihiya ang galing mo nga"
"Nagkamali nga ko dun sa step eh"
"Hindi ko nga napansin, kung hindi mo sinabi" Pinanood pa nito yung isang sayaw ni Keith.
"Ipost mo na, Steven"
"Sige" Saka nito binalikan ang video nila na nakasave sa draft. Tinag na rin niya si Keith.
Nang pumasok si Ms. Toni para kausapin sila ay napansin pa niya ang ngiti nung dalawa at halos magkadikit pa habang may pinapanood sa cellphone.
"Sorry, may tinapos lang ako" hindi namalayan nila Steven at Keith ang pagpasok ni Ms. Toni, napatingin sila dito.
"Okay lang po" sabi pa ni Keith.
"I just want to ask sana for some help regarding our ticket online. Tomorrow we can start selling of tickets. Can you guys help us promote this."
"No problem Ma'am" sabi ni Steven.
"Thanks Steven"
"Pagtutulungan natin Ma'am dont worry, diba Keith" dugtong pa nito sabay tingin kay Keith.
"Yes Ma'am" sangayon pa ni Keith
"So.. okay na kayo?" Saka pinagsalit ang tingin sa kanilang dalawa.
"Yes po"
"Medyo po" sagot ni Keith na ikinalingon ulit ni Steven.
"Medyo?" Tanong niya dito.
"Oo medyo" seryoso pang sabi ni Keith.
"Tignan mo nga Ma'am" kunwari ay nagtampo si Steven saka ito tumingin kay Ms. Toni, turo pa nito kay Keith.
"Sira!" Sabay hampas nito kay Steven.
"Ma'am oh mapanakit pa"
Napapangiti na lang sa kanila si Ms. Toni alam nitong nagkakasundo na nga ang dalawa.
"Sige na bumalik na kayo sa klase niyo ill see you later after class" "Okay Ma'am" "Bye po" paalam pa nila bago lumabas.
Bago pumasok ng classroom ay nakita ni Keith sina Abi at Cliff sa hallway.
"Bilisan mo lang ah" pabulong pa niyang sabi kay Steven. Pagdaan nila ay hinarangan siya ni Abi, napatingin pa ito pati kay Steven.
"Pasok na nga ko diba" ngumiti pa sa kanya si Abi bago siya pumasok sa loob.
"Sa pagkakatingin niyo sakin parang may kasalanan ako ah"
"Ano palang balak mo?" Tanong ni Abi sa kanya.
"Hindi ko nga alam kung seryoso yun o hindi eh"
"Mukhang seryoso naman, nainis nga ng kinuha namin yung roses eh" natawa pang sabi ni Cliff.
"Loko loko ka kase eh" Nakita pa nila papasok sa kabilang pinto si Jake, tumingin pa sa kanila bago tuluyang pumasok sa loob ng room.
"May chance ba?" Tanong ni Abi sa kanya.
"Haynaku, tara na nga pasok na tayo" nauna ng pumasok si Keith sa loob.
"Nakita mo ba yung bagong post ni Steven, magkasama sila ni Keith" narinig ni Abi na sabi ng isang studyante na padaan bago sila pumasok ng room.
"Talaga?" sagot ng kasama nito.
"Oo ichek mo sa t****k ang dami ng views, ang ganda ng sayaw nila"
Kinuha ni Abi ang cellphone niya sa bulsa saka sinilip ang t****k account, saka pinanood ang sayaw nila Steven at Keith.
"Pumayag si Keith na itag sya ni Steven"
Tinignan ni Cliff yung video sa cellphone ni Abi at saka piannood din.
"Infairness no ang galing, parang ikaw lang din sumayaw. Hindi ko tuloy alam kung sino mas bagay na partner ni Keith sa sayaw. Ikaw o si Steven" sabi pa ni Abi sa kanya.
"Tingin mo?" Sabi pa ni Cliff sa kanya.
"Tingin ko, si Steven" natatawa nitong sabi.
"Thank you ha" sabay talikod nito.
"Welcome" sagot ni Abi kay Cliff saka sumunod papasok ng classroom.
Nung hapon sa auditorium, maayos naman ang naging practice nila Keith, Steven at ng iba, nagpapahinga muna si Keith habang nakaupo sa isang tabi. Nasa stage sila Steven, Tristan, Paul at Drex, nagkukulitan sa isasayaw nakatingin naman ang ibang mga girls sa kanila.
"Grabe kung ganyan mga nasa stage parang ayaw ko na lumabas dito" sabi ni Ann habang titig na titig kila Steven.
"Ang gwapo at galing pa sumayaw" dugtong naman ni Olga.
"Napaka perfect nila" sabi naman ni Loti.
Napatingin pa si Keith sa stage ng marinig ang usapan ng bga ito, pinagmamasdan niya si Steven habang nakikipagbiruan kila Paul, feeling niya nagkakagusto na sya kay Steven, nagulat pa sya napatingin sa kanya ito sa kanya at ngumiti pa, lalong lumakas yung t***k ng puso niya. "No Keith" saway niya sa sarili saka hinarang ang script at kunwari may binasa para maiwasan ang tingin Steven.
Nung pauwi na sila, tinawagan ni Abi si Keith na mauuna na sila ni Cliff nagpahatid siya dito dahil may pinapagawa pa ang mommy niyang importante. Kay Steven siya sumabay dahil medyo late na at mahirap ang taxi pag ganung oras na.
"Lagi ka maglagay ng tissue dito, para pag kailangan mo" sabi pa ni Keith kay Steven habang inaayos ang tissue na dinala niya.
"Kalalaki kong tao" naiiling na sabi pa nito.
"Syempre pano pag may sakay kang girlfriend"
Hindi na sumagot pa si Steven dahil nakita niya na tumatwag ang kapatid niya.
"O, Trina, bakit kailangan nka videocall, binabantayan mo na ba ko?" Biro pa niya sa kapatid.
"Kuya, bakit hindi mo sinabi kilala mo pala si ate keith"
"Ate talaga?" natatawa pa nitong sabi.
"Nakakainis ka naman eh, sobrang idol kaya namin sya, nakakainis ka"
Napatingin pa si Steven kay Keith, yung tingin na nagtatanong kung pwedeng iharap ang cellphone sa kanya, tumango lang si Keith saka ngumiti, pagharap ng camera ay nagulat pa si Trina.
"Omg" halos tili na ni Trina
"Hi" nakangiting sabi pa ni Keith.
"Kapatid ko yan si Trina"
"Hi Ate Keith"
"Nasaan ka ba?" Tanong pa ni Steven.
"Pauwi palang nasa school, naghihintay ng taxi"
"On d way naman natin sya, daanan mo na kaya" tumingin pa si Steven sa kanya.
"Okay lang sayo?" Tanong nito.
"Oo naman"
"Trina, hintayin mo na ko sunduin ka namin" sabi ni Steven sa kapatid.
"Sige kuya, ingat kayo" saka nito binaba ang tawag.
Pagdating sa school kung saan nag aaral si Trina, sumakay ito sa likod ng kotse saka umalis. Tuwang tuwa pa ito na nakilala si Keith. Nasa tapat na sila ng gate ng magselfie pa sila ni Keith. Natatawa nalang din si Steven dito.
"I really cant believe it, mamemeet pala kita in person. Imagine 1.2million agad ang views ng sayaw niyo ni Kuya. Ang galing ng sayaw niyo sabay na sabay" tuwang tuwa pang sabi ni Trina.
"Thanks, pano mauna na ko" ngiti pa nito kay Trina.
"Nice to meet you Ate Keith."
"Same here.. I'll see you next time, Ingat kayo ah"
Pinagbuksan pa ni Steven ng pinto si Keith bago bumaba.
"Bye Ate" habol pa ni Trina kay keith.
"Hindi mo ba ko palilipatin sa harap?" Sabi pa ni Trina ng sumakay na si Steven.
"Huwag na, okay ka na dyan."
Napapangiti pa si Trina na nagtanong sa Kuya niya
"Kayo na ba?" Usisa pa nito sa Kuya niya.
"Ano?" Natawa rin ito sa sinabi ng kapatid.
"Eh bakit may headrest na pink dito? Tapos never ka nagsakay ng iba sa kotse na to, eh halos hindi mo nga gamitin to" naiintriga nitong sabi sa Kuya niya
"Hoy Trina" saway nito sa sinasabi ng kapatid.
"Kunwari ka pa, inlove ka no" lalong pang aasar nito.
"Tigilan mo nga ako"
"Bagay kayo Kuya Steven, promise. Yun din nga ang sabi sa mga comment eh"
Natatawa na lang si Steven sa kapatid niya, alam niyang hindi na siya titigilan nito hangang makauwi.
Kinabukasan, sa school auditorium, habang nag papractice ng sayaw sila Tristan, Paul, Drex at Keith para sa special number nila wala sa mood si Keith kaya nagkakamali sya sa steps.
"Sorry.." matamlay niyang sabi.
"Ayos ka lang keith?" pagtataka ni Drex, dahil nahalata nito sa kilos ni Keith na may dinaramdam.
"Break muna ko okay lang?" Matamlay na sabi pa ni Keith.
"Sige sure" ngumiti pa si Drex sa kanya, saka bumaba ng stage si keith at naupo muna saglit.
Nang bumalik si Steven sa stage matapos sagutin ang tawag kanina ay tinanong agad niya kung bakit bumaba si Keith. Napatingin pa siya sa kinauupuan nito. Lalapitan na sana niya si Keith ng makita niya si Jake na inabutan ng mimeral si Keith saka naupo pa sa tabi nito, habang pinagmamasdan niya na nag uusap yung dalawa ay napasimangot siya at tila nawala na rin sa mood.
"Keith, scene niyo muna ni Steven para makita ko if kabisado na" narinig pa ni Keith na sabi ni Ms. Toni.
"Wait lang Jake" tumingin pa si Keith kay Jake saka tumayo.
"Sure" ngiti nito sa kanya.
Habang nagpapractice ng scene sila Keuth at Steven sa stagr, ilang beses nagkamali si Keith sa line niya.
"May problema ka ba?" Tanong ni Steven.
"Wala.. sorry" paumanhin pa ni Keith dito.
"Wala? Kanina ka pa nagkakamali, kanina sa dance rehersal ngayon naman sa lines mo" sita pa ni Steven sa kanya.
"Pwede ba, Steven" napatingin pa ito sa kanya.
"Anong pwede ba? kung may problema ka sabihin mo, kung may mali sa ginagawa namin magsalita ka hindi yung ganyan ka, hindi lang ikaw ang apektado dito Keith" mahinahon pero madiin na pagkakasabi niya kay Keith.
"Seven!" Tawag ni Ms. Toni sa kanya, Natahimik siyang bigla ng mapansin na parang naiiyak si keith.
"Gago tong si Steven" sambit ni Tristan, nasa baba sila ng stage at nagpapahinga ng marinig nila ang pag uusap ng dalawa.
"Sa tingin ko kung hindi may sakit may problem si Keith" sabi naman ni Drex.
"Mukhang si Steven ang magkaka problema" si Paul.
"Lagi na lang niyang inaaway si Keith, hindi ko na sya magets. Minsan feeling ko na inlove na kaibigan natin, minsan naman hindi." Naiiling na sabi ni Tristan.
"Sinabi mo pa" pagkasabi ni Drex ay naupo muna siya.
"Excuse lang po" saka tumingin si Keith kay Ms. Toni, pababa si Keith ng stage para magtungo sa dressing room at kunin ang gamit niya, gusto muna niyang lumabas para magpahangin.
Sinundan naman siya agad ni Steven pababa, pero bago siya makarating ng dressing room ay narinig niya si Abi nagsalita, kanina pa nito hinihintay si Keith para may makasama dahil alam niyang hindi ito magiging okay maghapon.
"Death anniversary ng Ate niya ngayon"
Napalingon bigla si Steven kay Abi, nagulat sya sa sinabi nito. Hindi niya expected iyon, nainis siya sa sarili niya dahil sa ginawa niya.
"Kaya ako dumaan dito para sana ipagpaalam si Keith kase alam kong mag iisip sya at hindi makakapag concentarte, wala kase si Cliff may emergency kaya ako na muna ang nagpunta" sabi pa ni Abi.
Lalong hindi nakakibo si Steven sa sinabi ni Abi, ng makita ni Steven na lumabas ng dressing room si Keith, patakbo itong lumabas ng auditorium, tumingin pa siya kay Abi sakay sumukod kay Keith.
"Keith, wait" hawak ni Steven sa braso ni Keith ng mahabol niya ito.
"Sorry hindi ako makapagpractice ng maayos, paki sabi nalang may pupuntahan lang ako"
Tinitigan ni Steven si Keith saka hinawakan sa kamay at nagpunta sa kotse niya para pasakayin ito.
"Steven.." halos pabulong na sabi ni Keith.
"I wont ask anything" seryosong sabi lang ni Steven, dahil sa kagustuhan na rin na umalis muna ay sumakay na rin siya. Habang nasa biyahe silang dalawa ay hindi kumikibo si Steven, nakatingin lang si Keith sa kabilang side ng bintana ng kotse at nag iisip.