Chapter 11

2424 Words
Dumerecho sila Steven at Keith sa isang Simbahan, sa mismong harapan napili nila na maupo. Ilang minuto din hindi sila nagkikibuan, hangang sa magsalita na si Keith. "Favorite place namin ni Ate Camille dito, kaya tuwing Death Anniversary niya nandito ako, hindi ko kayang pumunta ng cemetery" habang sinasabi ay nararamdaman niya na para na syang maiiyak. "Sorry.." sabi pa niya kay Steven. Hindi kumibo si Steven, nag abot lang ito ng panyo. Napatingin pa si Keith sa kanya, saka napabuntong hininga. "Five years ago, may outing sila Ate nun, nagpumilit akong sumama sa kanya, kahit na ayaw nila daddy. Pero sinama parin ako ni Ate, habang nagka- camp fire sila nakita ko si Ate umalis kaya hinabol ko, pero hindi ko na sya mahanap.. iyak ako ng iyak nun hangang sa makita ko sya nakahawak sa sanga, mahuhulog na siya sa bangin kaya sinubukan ko syang tulungan pero ang nangyari nahulog kaming parehas, nagising na lang ako nasa hospital na ko at galit na galit sakin si daddy.. ako ang sinisisi niya sa pagkawala ni Ate Camille" Dito na hindi napigilan ni Keith na pumatak ang luha niya. "Sorry kanina hindi ako makapag concentrate eh" pinunasan pa nito ang luhang pumatak. "No, I'm sorry.." sa wakas ay nasabi niya kay Keith. "Kung alam ko lang kahit hindi na kita pinapunta" dugtong pa niya dito. "Okay na 'ko, nakapagkwento na nga ako eh.. its kinda wierd nga actually" napangiti pa nitong sabi. "I hate talking about this pero sinabi ko sa'yo" napangiti na ring sabi ni Keith. "If you need someone to talk to, nandito lang ako huwag mo sarilinin lahat, Okay" sabi pa nito sa kanya. Napatitig pa si Keith kay Steven, mas gumaan ang pakiramdam niya kaysa kanina. "Thanks, Steven" halos maluha luha pang sabi ni Keith. Ngumiti pa si Steven sa kanya. Sa labas ng simbahan ay nakatingin sa kanila si Carl, nagpunta sya doon dahil sa pag aakala na walang kasama si Keith, nagtataka man kung sino ang kasama nito ay kampante sya pakiramdam niya ay nasa mabuting kamay ang kapatid niya. Sa sementeryo, nandun daddy at mommy nila Keith upang dalawin ang puntod ni Camille. Habang nakatingin sa puntod ay tila naririnig pa ng Daddy nila ang nga sinabi ng kaibigan ni Camille. "Kitang kita ko po tinulak ni Keith si Camille, at bumaba rin sya para isipin ng lahat na aksidente ang nangyari" ito ang mga katagang binitiwan ni Sia na nagpagalit sa kanya. "Hindi magagawa ni keith yan" sabi pa ni Carl noon. "Pero nagawa na niya! Siya ang nagtulak kay Camille" umiiyak na sabi ni Sia noon. Napasimangot ang Daddy ni Keith ng maalala ang mga pag uusap nilang iyon. Saka niya pinagmasdan ang puntod ng anak, pumatak ang luha niya dahil dito. "Sorry ulit kanina" sabi ni Steven matapos huminto sa tapat ng bahay nila Keith, inihatid na niya ito para makapagpahinga na rin, tumawag na rin naman siya kay Ms. Toni para magpaalam na hindi na makakapagpractice si Keith. Maaga pa naman kaya makakabalik pa siya. "Sorry din" sabi ni Keith sa kanya, napalingon pa ito sa labas ng gate nila at nakita si Cliff sa labas nakasandal sa kotse nito. "Anong ginagawa ni cliff dito" Napasimangot pa si Steven ng makita si Cliff sa labas. "Thank you sa paghatid ah" saka ito nagmamadaling bumaba ng kotse ni hindi man lang hinintay na napagbuksan niya ng pinto o magpaalam sa kanya. "Cliff!" Sigaw ni Keith dito. Napalingon si Cliff sa tawag ni Keith. Mabilis na lumapit si Cliff kay Keith at niyakap ito, pababa ng kotse si Steven ng makita sila, nagulat siya sa ginawang pagyakap ni Cliff. "Thanks God you're okay" sabi pa n Cliff sa kaibigan, alalang alala siya dito ng makwento ni Abi ang nangyari. Hindi niya rin makontak si Keith kaya naghintay siya sa labas ng bahay nito, isang oras mahigit ata siyang nasa labas at nag aabang sakaling dumating ito o sumilip sa bahay nila. "Ano ka ba" hinampas pa sa braso si Cliff, saka umalis sa pagkakayakap. "Hello kailan ba ako hindi naging okay" pabiro pang sabi niya dito. Napatingin pa si Keith kay Steven ng mapansin na bumaba ito ng sasakyan, pati si Cliff ay napatingin dito maging sa kotse na dala ni Steven, bigla niyang naalala yung nagsundo kay Keith last time, ngayon alam na niya na ito pala ang kasama ni Keith. "Pasok na kami sa loob" nakatingin kay Steven na sabi ni Cliff. "Thanks ulit Steven" nakangiting sabi ni Keith sa kanya. "No problem" ngumiti pa siya kay Keith saka tumingin kay Cliff. "Tara" aya naman ni Cliff kay Keith papasok ng bahay. Kanina ay gusto niyang makapagpahinga si Keith, pero ngayon na kasama nito si Cliff ay parang gusto niyang hilahin si Keith at umalis ulit. Ngayon niya mas naintindihan kung bakit ganun na lang ang nangyari sa Mall nung nakaraan. Hinintay na niya muna makapasok sila Keith bago siya sumakay ng kotse at umalis. "Ikaw kaya ang nag uumpisa lagi ng away niyo" natatawang sabi ni Paul kay Steven. Nasa Palms Bar sila, matapos dumaan ng auditorium ay sumunod si Steven sa mga kaibigan para makapagrelax ng konti, pero kanina pa siya sinesermunan ng mga ito. "Parang hindi ako ang kaibigan niyo ah" sabi pa niya sa mga ito. "Totoo naman, hindi na kayo nagkasundong dalawa" sabi pa ni Tristan sa kanya. "Alam mo pre, okay naman si Keith kasama, mabait naman" "Kita mo samin walang kaaway, ikaw talaga ang probkema eh" pabiro pang sabi ni Drex. "Umamin ka nga, may gusto ka ba kay Keith. Nagseselos ka kay Jake at Cliff no" sabi pa ni Paul sa kanya. "Nadale mo, Paul, saka pre imagine hatid sundo si Keith, kahit naka ilang girlfriend na yan, never ko yan nakitang naghatid o kahit sundo man lang" singit ni Tristan. "Pero malamang basted 'tong kaibigan natin" sabi naman ni Drex sabay inom pa ng beer na hawak. "Imbis na ligawan sinusungitan kapag nagseselos" sabay tawanan pa nila. "Pinasunod niyo ko dito para pagtulungan no" natatawang sabi na lang ni Steven. Napaisip din siya bigla sa sinabi ni Paul, bakit nga ba siya naiinis sa tuwing lalapit si Jake, kanina ng biglang yakapin ni Cliff si Keith ay gusto niyang hilahin ito palayo. Masaya siya pag kasama niya si Keith, marami na rin siyang ginagawa na hindi naman niya dating ginagawa pero parang nakakasanayan niya ngayon, tulad ng pagsundo kay Keith sa bahay nito maging ang paghatid. Nagkaron din siya ng girlfriend na nagsabi sa kanya ng problema pero never siyang naging apektado tulad ng kung paanong concern na concern siya kay Keith. Napainom pa siya ng beer ng maisip kung may gusto nga ba siya kay Keith. Kinabukasan, maaga sila sa auditorium. Habang nagpapractice ng isang scene na iba ang kasama ay nanonood si Keith sa kanya. Katabi nito si Cliff sa upuan, nagprisinta itong siya na maghahatid sa kanya kahit maaga ang pagpunta sa School. Naghikab pa ito na ikinalingon ni Keith. "Inaantok ka pa no" natatawa nitong sabi. "Sino kaya ang ayaw pa kase magpauwi sakin kagabi" saka ito sumandal. "Gisingin mo ko pagtapos niyo ha" saka ipinikit ang mata. "Saka huwag mo akong titigan baka malusaw ako" pagbibiro pa nito. "Huwag masyadong feeling" natatawa naman nitong sabi sa kanya. "Akyat muna akong stage ah" sabi pa ni Keith saka inilagay ang hawak hawak na jacket sa kamay ni Cliff, dumilat pa ito saka napailing. "Late na kayo nakauwi kahapon?" Tanong ni Keith kay Steven pag akyat ng stage. "Medyo, nagbreakfast ka na ba?" "No" iling pa nito sa kanya. "May dala akong food kain muna tayo" "Hayanaku Steven, isang beses mo lang ako napakain ng breakfast" natatawa pa nitong sabi. "Practice na tayo, para makareview may quiz pa tayo." Sabi pa ni Keith dito. "Sige, pero habang nagrereview ka mamaya kumain ka" pangungulit pa nito sa kanya. Halos naging busy sila Steven at Keith sa teatro, mas naging close sila sa isa't isa na ikinatuwa ni Ms. Toni. Kung minsan ay sa bahay nila Steven sila nagpapractice ng sayaw kasama sila Tristan, Paul at Drex. Kapag may free time sila ay ginagawa nila ang projects nila sa library, at kung may hindi maintindihan ay itinuturo pa ni Steven kay Keith, na lalong ikinahanga ng huli. Habang tumatagal ay nararamdaman ni Keith na naiinlove na siya kay Steven. Ganun din naman si Steven, hindi niya maamin noong una, pero ngayon ay mas sigurado na siya sa sarili niya na Mahal niya si Keith. Dahil laging magkasama sina Keith at Steven ay inis na inis namang lalo si Selene sa dalawa, sa tuwing pupuntahan kase niya si Steven sa auditorium man o sa classroom lagi nitong kausap si Keith. At hindi lang basta kausap asikasong asikaso niya pa ito. Sabay na pumasok ng classroom sina Keith at Steven ng maagang matapos ang rehersal nila. Lumapit pa si Abi sa kanya ng makaupo sila. "Keith, nag aaya sila mamaya sa Palms bar daw, go ka?" Sabi nito sa kanya. "Sino?" Tanong naman ni Keith. "Sila Tristan, ano sama ka? After class pa naman" sabi pa nito sa kanya. "May practice pa kami mamaya" Lumapit sina Paul at Tristan ng marinig ang sagot ni Keith. "Yan sasama yang dalawa na yan, may sarili na silang mundo" pagtatampo pa ni Tristan. "Sama na kayo Keith" lingon naman ni Jane sa kanila. "Inaagaw ka na samin ni Keith" segunda naman ni Paul sa sinabi ni Tristan sabay tingin kay Steven. "Sunod nalang kayo" sabi pa ni Abi sa kanya. "Hayaan mo na sila Abi wag mo na pasunurin yan" kunwari ay pagtatampo parin ni Tristan. "Susunod ba tayo?" Natatawang tanong ni Keith kay Steven. "Depende sayo pag gusto mo" sagot nito sa kanya. "Tara na Tristan, under" sabi pa ni Paul. "Wala na, pinagpalit na tayo" sabi pa ni Tristan. "Bahala kayo" sabi ni Steven sabay nagkatawanan pa sila. Si Dave napapatingin naman sa kanila na napansin naman ni Troy. Alam niya na may gusto ito kay Keith kaya naiinis kay Steven. "Buti maaga parin tayong natapos" nakangiting sabi pa ni keith. Nasa hallway sila ng auditorium palabas na sana para sumunod sa Palms Bar ng makasalubong si Selene. "Steven" nakangiti pa nitong bungad. "O, selene, napadaan..." Hindi pa tapos sa sasabihin si Steven ng biglang yumakap si Selene kanya, nagulat pa si Keith sa ginawa nito, may ibang students na nakakita sa kanila, ang iba dito ay nagbulungan pa at naintriga. "I miss you" narinig pa ni Keith na sabi ni Selene. Inalis ni Steven ang kamay ni Selene sa pagkakayakap sa kanya, napatingin pa siya kay Keith. "Una na ko" saka ito tumalikod. "Keith" pigil niya kay Keith sa pagtalikod, pero hinawakan siya ni Selene sa kamay. "Wait" sabi ni Selene kay Steven. "Tinanong mo ako dati kung pwedeng maging tayo" sabi pang ulit ni Selene. Biglang napahinto si keith sa sinabing 'yon ni Selene. "And now my answer is.." Gustuhin mang lumakad ni Keith para hindi na marinig pa ang sasabihin ni Selene pero hindi niya magawa, nasasaktan na sya pero para siyang namamanhid at hindi makalakad. "Yes.. i want to be your girlfriend" Pagkarinig ni keith sa sinabi ni Selene ay pumatak ang luha niya, bago pa may makakita sa kanya ay pinilit na niyang makalayo sa kanila. "Ano bang sinasabi mo?" Napasimangot pa si Steven sa mga pinagsasabi ni Selene. "Steven.." halos pabulong na sabi ni Selene "I dont remember asking you to be my girlfriend" Saka tumakbo si Steven para habulin si Keith. "Steven!" Narinig pa niyang sigaw ni Selene pero hindi na niya nilingon pa. Kailangan maipaliwanag niya kay Keith ang narinig nito, ngayon pang nagiging maayos ang lahat sa kanila ni Keith. Bago pumasok ng Palms Bar ay inayos pa ni Keith ang sarili para hindi mahalata nila Abi na umiyak siya. Pinigilan niya ma maluha ulit ng maalala ang mga sinabi ni Selene, na girlfriend na ngayon ni Steven, naiinis siya dahil ang usapan nila ay bawal malink sa iba pero mukhang hindi na matiis ni Selene. "Keith!" Sigaw ni Abi ng makita siya, lumapit pa siya dito at naupo sa tabi nito. "Yun sumunod din, tagay" inabot pa ni Abi yung isang baso at beer, pinuno naman agad ni Keith ang baso saka ininom. "Steven" tawag ni Tristan ng makita ang pagpasok nito, halos kasunod lang siya ni Keith dumating. Lumapit ito sa kanila at napatingin pa kay Keith. "Pare buti naman sumunod ka" sabi pa ni Paul sa kanya. Sa inis naman ni Keith ay ininom niya pa yung isang punong baso ng beer. "Hoy hangang mamaya pa tayo dito" sita ni Abi ng maubos niya ulit ang isang baso ng beer. "Punuin mo agad kay Steven para makahabol" sabi ni Paul lay Tristan. "Keith.." bungad ni Steven pero hindi siya nilingon man lang nito. "Paabot pa ng beer" sabi ni Keith kay Abi "Busog ka ba? Baka uminom ka ng gutom ha" saway naman ni Cliff sa kanya. "Hindi ok lang ako" "Huwag kang uminom ng marami" sita pa ni Cliff "Keri lang yan" sabi pa nito kay Cliff. "Girl, si Jake" turo ni Abi sa papalapit na si Jake kasama nito si Mike. "Akala ko ba hindi ka makakapunta" sabi ni Jane ng makaupo si Jake. "Oo nga" segunda naman ni Lei. "May tinapos pa kase kami" sagot pa nito. "Sabihin mo nandito kase si Keith" biro pa ni Jane. Nagkatinginan pa sina Keith at Steven, pero iniiwas din agad ni Keith ang tingin niya dito at saka ininom ang beer sa baso niya. "Hinay hinay lang sa pag inom" saway ulit ni Cliff sa kanya. "Parang hindi mo naman ako kilala" saad pa niya. "Malalasing na kami ikaw hindi pa ganun ba yun" sabi naman ni Abi "Korek!" Ngiti pa ni Keith dito. "Hindi rin" kontra naman ni Cliff. "Hoy may problema ka ba?" Sabi pa ni Abi sa kanya. "Namiss ko lang kayo" "Umayos ka nga Keith" pabulong na sabi ni Cliff sabay kuha ng baso ng beer kay Keith. Habang pinagmamasdan ni Steven si Keith,masyadong malapit na si Cliff sa kanya, hindi rin siya makatiis na hindi ito makausap. Tumayo sya saka lumapit kay Keith. "Mag usap muna tayo" saka niya hinawakan sa kamay si Keith para tumayo. Napatingin lang silang lahat sa dalawa papasok sa vip room, nagtaka man pero hinayaan nalang din nila. "Parang mga asot pusa" sabi pa ni Tristan. "Kaya pala derederecho inom ni Keith" sabi pa ni Drex. "Magkaaway na naman yung dalawa" natawa pang sabi ni Abi. "Malamang nalasing agad un" sabi pa ni Drex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD