Pagpasok nila Steven ng vip room, bumitaw si Keith para lumabas sana pero humarang si Steven nilock yung pinto.
"Ano ba?" Naiinis na sabi ni Keith.
"Keith" pigil pa ni Steven.
"Gusto mo bang magtaka sila sa labas, saka ayoko may isping iba Selene" inis na sabi niya dito.
"Never akong nagtanong kay Selene na gusto ko syang maging girlfriend" paliwanag ni Steven.
"You dont have to explain" saka niya ito tinalikuran para hindi na mahalata yung totoong nararamdaman niya. Pero hinawakan siya nito saka iniharap sa kanya.
"Don't worry, malapit na yung event, after this pwede niyo ng gawing official yung relationship niyo.. "
Hindi pa man tapos sa sasabihin si Keith ng biglang dinampian sya ng halik ni Steven sa lips.
"If there's someone whom I want to be my girlfriend, ikaw yun Keith" sabi pa ni Steven.
Hindi nakakibo si Keith sa sinabi sa kanya ni Steven, halos sumabog sa kaba ang dibdib niya.
"I never felt this before, and everyday.. everytime na kasama kita im fallin in love with you.." seryosong sabi pa nito.
"Steven.." halos walang lumabas na boses na sabi ni Keith.
"I'm willing to prove it, I'm willing to wait, just please give me a chance" nakatingin pa ito sa kanya.
Hindi alam ni keith kung anong sasabihin niya, nabigla sya sa mga sinabi ni Steven. Napatingin pa siya ulit kay Steven, saka niya naalala na dinampian sya ng halik tapos saka ito manliligaw.
"Ganyan ka ba manligaw?" Sabi niya dito.
"Ha?" tanong pa ni Steven sa kanya.
"Uunahin mo yung.... hay wala.. Tsk" hindi matuloy ni Keith yung sasabihin dahil nahiya na rin siya na bangitin pa.
"Kung alam mo lang hindi lang ata hundred times ko pinigilan sarili ko gawin yun" saka inilapit pa ni Steven yung sarili niya, napalunok naman si Keith at napaatras pero lumapit pa rin si Steven sa kanya.
"Puntahan na natin sila baka magalit sakin si Abi" sabi pa ni Keith, pakiramdam niya ay mabubuwal siya anytime hindi niya alam mung dahil sa sunod sunod niyang pag inom ng beer o dahil sa mga sinabi ni Steven.
"Okay" napapangiting sabi ni Steven dahil sa reaction ni Keith sa kanya.
Nang bubuksan na sana ni Steven ang pinto ay pinigilam sya ni Keith.
"Pwede bang ano" sabi nito.
"Ano yun?" Tanong pa ni Steven.
"Huwag mong sabihin sa kanila"
"Na nililigawan kita?" Tanong pa ni Steven.
"Oo" sabay tango pa ni Keith.
"Ayoko nga" tangi pa nito.
"Kapag ginawa ko yun, mas marami pang Jake na magaattempt manligaw sayo" saka ito lumabas ng room kasunod si Keith at lumapit na ulit kila Tristan.
"Ano bang pinag awayan niyo?" Tanong pa ni Paul.
"Wala" saka kinuha ni Keith yung baso ng beer at ininom.
"Gusto mong fries, order tayo" alok pa ni Jake kay Keith.
"Kami hindi mo man lang tinanong" sabi pa ni Jane sa kanya.
"Pang lahat na" natawa pa si Jake sa kanya.
Present.
Sa school auditorium, nakatayo si Keith sa gitna ng stage. Practice nila for a theater play sa upcoming school event. Napatingin sya sa gilid ng stage kung saan nakatayo si Steven, her lead actor. Habang nakatingin sya kay Steven napahawak sya sa dibdib niya, ang lakas ng t***k ng puso niya. Hindi niya akalain na liligawan siya ni Steven, lagi niya itong kaaway noon. Pero ngayon napaka sweet nito sa kanya.
"Keith, ready" sabi ni Ms. Toni sakanya.
"Yes Ma'am" sagot niya pa dito.
Lumakad si Keith sa gitna ng stage, saka dahan dahan lumapit si Steven sa kanya, tumugtog yung music para sa sayaw nilang dalawa, habang pinagmamasdan sila ng iba ay kinikilig sila maging si Ms. Toni dalang dala siya sa emotion na ipinapakita ng dalawa, pakiramdam niya ay totoong mga inlove na character ang nasa gitna ng stage.
"Kukunin ko na 'tong mga gamit ko" habang hawak ang unan na sabi ni Keith. Inihatid siya ni Steven sa bahay nila ng matapos ang practice nila.
"Bakit?"
"Okay naman na kotse ko, saka para magamit ko na rin" sabi pa ni Keith.
"Hayaan mo na dyan nasanay na sila eh ayaw na umalis" kinuha pa yung unan na hawak ni Keith.
"Ah talaga ba at ayaw na nila sakin ganun ba yun" natatawang sabi pa niya.
"Medyo"
"Ewan ko sayo, sige na pasok na ko" saka nito inayos ang bag.
Pinagbuksan pa ni Steven si Keith ng pinto ng kotse, hindi nila alam na parating si Carl nakita sila at himinto ito sa pagdrive.
"Ingat ka" sabi pa ni Keith kay Steven.
"Okay" ngumiti pa si Steven dito.
"Bye" kaway pa nito kay Steven. Hinintay pa ni Steven na makapasok si Keith ng gate bago siya umalis.
Pasakay na sana si Steven ng kotse niya ng mapansin niya si Carl na palapit sa kanya.
"Goodevening" bati niya pa dito.
"Carl nga pala, Kuya ako ni keith" sabi nito.
"Steven" nakipagshakehands pa siya kay Carl.
"Pwede ba tayong mag usap?"
"Sure" Tumango pa si Stweven kahit medyo kinakabahan na makasama ang Kuya ni Keith.
Sa isang coffee shop malapit sa village nagpunta sila Carl at Steven.
"Mukhang close kayo ng kapatid ko ah, hatid sundo mo eh" seryosong tanong ni Carl.
"Ano po kase" halos hindi malaman ni Steven ang isasagot sa kanya. Napahawak pa siya sa buhok niya.
"Huwag mo na ako i po, mukhang magka edad kayo ni Keith, two years gap lang kami." Sabi la nito sa kanya.
"Nasira kase last time kotse niya, kaya sabay na kami umuuwi at pumapasok" paliwanag niya kay Carl, pakiramdam niya ay mas kinakabahan pa siyang magpaliwanag ngayon kaysa noong magpaliwanag siya kay Keith na hindi niya naman niligawan si Selene.
"Boyfriend ka ba ni Keith?" Sumunod na tanong pa nito sa kanya, napalunok pa siya bago umiling.
"Hindi pa" derechong sabi niya dito.
"Hindi pa? So nanliligaw ka sa kapatid ko?" Seryosong tanong niya dito.
"Yes" derechong sagot niya dito.
Hindi kumibo si Carl sa sinabi nito, napasandal ito sa upuan at seryosong nakatingin kay Steven.
"Seryoso ako kay Keith, and im willing to prove it"
"Madalas hindi nagbbreakfast si keith, hindi rin nakakapagdinner ng maayos pag wala ako, kung totoo yang sinasabi mo na seryoso ka sa kapatid ko, can you make sure she'll be doing fine, just incase I'm not around" sabi pa nito sa kanya.
"Sure, akong bahala"
"Buti natitiis mo kasungitan ni Keith" nakangiti na nitong sabi sa kanya.
"Lagi nga kami magkaaway. Muntik na kami sukuan ni Ma'am Toni"
"Nakwento nga sakin ni Ma'am Toni pinauwi daw kayo"
"Oo, hindi kami pinagpractice"
"Naiimagine ko mukha niya, hindi maipinta sa inis" Ikinatuwa ni Steven na naging maayos ang pag uusap nila ng Kuya ni keith, naging magaan din ang loob nila sa isa't isa, sisiguraduhin niyang hindi masisira ang tiwala nito na aalagaan niya si Keith.
"Okay class, ill see you tomorrow" paalam ng Prof nila matapos ang klase nito sa kanila.
"Gusto mong kumain?" Tanong ni Steven.
"Busog pa ko" iling ni Keith.
"Steven bili tayong drinks" aya ni Tristan sa kaibigan, nilapitan nila ni Paul.
"Anong gusto mo?" Lingon pa ni Steven kay Keith.
"Royal na lang pasabay"
"Sige, tara" aya niya kay Tristan.
"Sama ko" akbay pa nito kay Steven.
"Huwag na" pigil pa kunwari ni Tristan.
"Namimiss ko na si Steven eh"
"I miss you too" natatawang sabi ni Steven.
Napapangiti na lang si Keith habang pinagmamasdan ang magkakaibigan na nagkukulitan palabas ng room. Naalis lang ang tingin niya sa mga ito ng maramdaman ang vibrate ng cellphone niya, kinuha niya ito sa bulsa at nagtaka pa siya ng makitang daddy niya ang tumatawag.
"Hello dad" sagot niya sa tawag nito.
"I'm here at your school" sabi nito sa kanya.
"What?" Napatayo pa si Keith, kinabahan siya na baka malaman ng daddy niya ang ginawa niyang pag shift ng course. Napalingon pa si Cliff kay Keith nagtaka pa sa reaction ng mukha habang may kausap sa cellphone.
"Pumunta ka dito sa guidance office right now" madiin pa nitong sabi sa kanya.
Naramdaman ni Keith na galit yung boses ng daddy niya, binabaan pa siya nito. Nagmamadaling lumabas ng classroom si Keith, susundan na sana ni Cliff si Keith ng lapitan siya ni Lei.
"Cliff hinahanap ka ni Sir Greg asap daw regarding daw sa tournament"
"Sige, Thanks" saka itp tumayo para silipin si Keith, hinabol niya hangang sa makababa siya pero hindi niya alam kung saan nagpunta.
Sa guidance office, nakaupo ang daddy ni Keith kausap nito si Mr Sy, kaibigan nila si Mr Sy at personal doctor siya nito. Nagpunta sya sa University para personal na ibigay ang invitation para sa nalalapit na birthday ng wife niya. Saka noya din nalaman dito na nagshift ng architectural si Keith. Kumatok pa muna si Keith bago pumasok sa loob ng Office.
"Keith iha, pumasok ka." Napatingin si Keith sa daddy niya, napansin niya agad ang sama ng tingin nito.
"Saglit lang, I'll just answer this call" sabi ni Mr. Sy ng makitang tumatawag ang isa sa mga investors nila. Paglabas ni Mr. Sy, galit na nilapitan si Keith ng daddy niya.
"Sa ibang tao ko pa talaga nalaman" sabi nito sa kanya na may halong panunumbat.
"You wont even listen if I say so" mahinahong sagot niya sa ama.
"Aayusin ko ang papers mo, mag shift ka ng medicine ulit"
"I wont do that" matigas na sabi niya sa daddy niya.
"Bakit ba hindi mo gayahin ang Kuya mo, kung ang Ate Camille mo sana ang nabuhay siguradong magiging maayos ang tandem nila ng Kuya mo, wala sana akong anak na kasing pasaway mo" galit pa nitong sabi sa kanya.
"Sana nga si Ate Camille nalang nabuhay, ganun din naman eh, kahit ano namang gawin ko hindi mo ko nakikita" mahinahon pero may diin nasabi ni Keith.
"Pinag aaral ka pero kung ano ano ginagawa mo"
"Bakit dad? Ano bang mali sa ginagawa ko? And as if you really care about me"
Biglang sinampal si Keith ng daddy niya.
"Wala kang kwentang anak" galit na sabi nito.
Nangilid yung luha ni keith, tumingin pa sya sa daddy niya habang hawak yung pisngi niya, narinig niya papasok na si Mr. Sy kaya lumabas nalang sya, nagkasalubong pa sila sa pinto.
"I'm sorry po" saka patakbo siyang lumabas.
"Mag iingat ka itong bata na to" habol bilin pa ni Mr. Sy pero hindi na niya nilingon pa.
Dumerecho ng punta ng parking si Keith napahinto sya sa harap ng kotse niya. Naiiyak na sya pero pinipigilan niya, nainis pa siya ng maalalang nasa classroom yung bag niya at nandun ang susi ng kotse niya. Imbis na bumalik sa classroom ay lumabas sya ng school nila, nakita pa siya ni Drex palabas nagtaka pa nga ito dahil alam niya na may klase pa sila.
Sa classroom, habang nagtuturo ang Prof nila ay lumingon pa si Cliff sa upuan ni Keith nagtaka sya bakit hindi siya bumalik. Sinilip pa niya ang cellphone niya walang reply si Keith sa mga message niya. Never itong nagskip ng classes unless may sakit, pero nagsasabi ito sa kanila.
"Alright class, I'll see you tomorrow, prepare for a short quiz" Paglabas ng Prof nila ay nakita ni Abi na may tinatawagan si Steven, naisip niya na si Keith ang sinusubukan nitong tawagan, lumapit agad siya dito.
"Sumagot na ba?" Nag aalalang tanong ni Abi.
"Hindi pa" sinubukan ulit ni Steven na tawagan ang cellphone ni Keith, pero this time cannot be reach na.
"Hindi rin sumasagot sa mga message ko si Keith" pagkalapit ay sabi ni Cliff sa kanila.
Naglabasan na yung ibang classamates nila para magsipag uwian. Papunta si Drex sa room nila para sa dance rehersal nila, sabay na lumapit na rin sina Tristan at Paul.
"Practice na tayo para maagang makauwi" sabi pa ni Paul.
"Nakita niyo ba si keith kanina?" tanong ni Steven sa kanila.
"Magkakasama tayo ah bakit?" Nagtatakang tanong naman ni Tristan.
"Nakita ko sya kanina" sabi ni Drex sa kanila.
"Saan?" Halos sabay pang tanong ni Cliff at Steven.
"Palabas ng school, nagmamadali nga eh" sabi pa ni Drex sa kanila.
Nilagay agad ni Steven ang mga notebook ni Keith sa bag saka tumayo, at nagmamadaling lumabas ng room, kinuha naman ni Cliff gamit niya.
"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong pa ni Tristan
"Hindi kase bumalik si Keith after niya lumabas kanina"
"Ano, tsk" nagaalalang sabi ni Paul.
"Abi tara" tawag ni Cliff sa kanya saka siya sumunod dito palabas.
"Kausapin nalang natin sila Ma'am Toni na hindi makakarating sila Steven." Saka sila nagsipaglabasan ng classroom.
Pagpunta nila sa parking, nakita ni Cliff at Abi ang daddy ni Keith pasakay ng kotse nito.
"Hindi parin ako sinasagot ni Keith" nagaalala ng sabi ni Steven.
"Andito ang daddy ni Keith, ibig sabihin alam na niya na nag shift si Keith" sabi pa ni Abi.
"Tawagan mo agad ako kapag nakita o nakausap mo na si Keith" bilin ni Cliff kay Steven.
"Sige" sabi ni Steven dito.
Biglang nagring ang phone ni Steven bago siya sumakay ng kotse niya, sinagot niya agad pagkakita na si Keith ang tumatawag sa kanya.
"Keith nasan ka?" Bungad agad ni Steven.
"Masydo bang obvious pag cutting classes ko"
"Nasan ka nga?" Ulit na tanong niya dito.
"Okay lang ako dont worry"
"Keith, please"
"Okay lang nga ako Steven, promise. Mas gusto ko mag isa dito feeling ko kausap ko si Ate."
"Pupuntahan kita"
"Huwag na please" saka nito binaba ang tawag. Napatingin pa si Steven kay Cliff.
"Sa St. Mary church" sabi nito kay Cliff, dito sila nagpunta ni Keith noon ng gusto sana nitong mag isip isip at mapag isa. Tumango pa si Cliff saka sumakay na rin sa dala nitong kotse kasama si Abi.
Halos magmadali sila Cliff at Steven sa pagpunta sa St. Mary Church. Alalang alala sila kay Keith, tinawagan ulit ni Steven si Carl para sabihing nakausap na niya si Keith. Tinawagan niya ito kanina para tanungin kung umuwi ito. Sinabi niya kay Carl ngayon na papunta sila ng St. Mary para puntahan si Keith.