Chapter 13

1712 Words
Sa bahay nila Keith ay pinuntahan ni Carl mommy nila sa kwarto para kausapin, ngayon lang umalis si Keith ng walang paalam kahit kanino. Ng tawagan siya ni Steven ay hindi na siya mapakali. Alalang alala siya kung saan nagpunta ang kapatid. Pinuntahan niya agad ito sa St. Mary Chruch kanina pero wala doon. Kaya ng tumawag si Stevenpara sabihing papunta ito ng St. Mary, he prayed na sana nga nagkasalisi lang sila ng kapatid. "O Carl" sambit ng mommy niya ng makita siya. "Dumating na ba si daddy?" Tanong ni Carl sa mommy nila. "Pauwi na daw sya, galit na galit daddy mo nagshift pala yang si Keith" "Hindi pa po umuuwi si Keith, umalis siya ng school kanina, hindi niya dala ang kotse niya" nag aalalang sabi ni Carl. "Kahit kailan talaga yang bata na yan masyadong pasaway, kapapagawa pa lang ng kotse niya iiwan na niya kung saan lang" nainis pang sabi nito. "My, hindi ka ba nagwoworry?" naupo na si Carl sa tabi ng mommy niya. "Uuwi din yan mamaya" "Ganyan na po ba talaga kayo katigas" Papasok na sana daddy nila ng marinig si Carl nagsasalita, napahinto pa muna sya sa may gilid ng pinto. "Wala pong kasalanan si Keith sa nangyari kay Camille. And I don't get it, why did you trust Sia more than your own daughter. Ilang beses nagpaliwanag si Keith pero kahit minsan hindi kayo nakinig, ilang taon nagtitiis si Keith ng sakit pero kahit minsan hindi niya pinakita na umiyak sya miski sa mga kaibigan niya" may hinanakit ng sabi niya "Carl" napatingin pa ito sa anak. "My matagal ng pangarap ni Keith mag doctor dahil sa inyo ni daddy pero nagshift sya para mapansin niyo, dahil sa ganung bagay nagiging masaya sya kapag nakikita niyo existence niya. Mas pipiliin niyang mapagalitan dahil dun lang niyo sya kinakausap. Mommy, aksidenteng nahulog si Camille, sinubukan siyang sagipin ni Keith pero nahulog silang parehas kaya wag niyo kay Keith isisi ang lahat" Hindi naman napigilan ng mommy niya na maluha sa mga sinsabi ni Carl. "Hahanapin ko po muna si Keith, at kapag nakabalik na ko from Sinagpore lilipat muna kami sa condo ko" saka siya tumayo at lumabas, nakita pa niya daddy niya pero hindi kumibo kaya lumakad na lang siya palabas. Pagdating sa St. Mary Church nakita nila si Keith nakayuko sa upuan, halos sabay sabay din sila Steven, Abi at Cliff na dumating. Nang lalapitan ni Steven si Keith pinigilan sya ni Cliff. "Hayaan mo muna sya" pigil ni Cliff dito. Tinignan pa ni Steven si Keith saka inalis niya ang kamay ni Cliff at nagmamadaling lumapit ka Keith, napabuntong hininga pa siya. "Keith..." mahina pero may pag aalalang sambit niya dito. Nagulat si Keith ng marinig niya ang boses ni Steven, dahan dahan pa siyang tumingin dito. Naupo pa si Steven sa tabi niya. Habang nakatingin si Keith kay Steven ay hindi na nito mapigilan ang sarili, pumatak ang luha niya, saka siya niyakap ni Steven. Hindi mapigilan ni Keith sarili niya na umiyak napayakap sya ng husto kay Steven. Kitang kita ni Cliff kung gaano kahigpit ang pagkakayakap nito kay Steven, ni wala siyang magawa sa kaibigan para icomfort ito. Aalis na sana siya ng pigilan siya ni Abi, kaya naupo muna sila sa gawing likuran ng simbahan. Nang mahimasmasan ng konti ay nagkwento si Keith kay Steven ng nangyari sa Guidance Office. "Hindi naman ako nasaktan sa sampal niya, mas masakit pa nga yung mga sinasabi niya, Akala ko okay na ko, ewan ko ba hindi na ko nasanay." Nakatingin sa altar na sabi pa ni Keith. "It's okay not to be okay" sabi pa nito sa kanya. Napangiti pa si Keith sa sinabi ni Steven. "Paano mo nalaman nandito ako?" "Nagwish ka sa Kanya" tinuro pa ang imahe ng Mama Mary sa harapan nila. "Bakit, ano bang wish ang pwede ko sabihin aber" "Na sana may isang tao na lalapit sayo at sasabihing, it's okay to cry, it's okay to be hurt, that he's there for you not to pity or judge you but to listen and have his shoulder for you to cry on" sabi pa ni Steven. "Ilang taon ko na kayang wish yan" Napapaluha pang sabi ni Keith pero pinipigilan niya. Nagulat pa sya biglang lumapit si Abi sa kanya kasunod si Cliff. "Keith.. im sorry" Biglang yumakap si Abi sa kanya. "Mula ngayon hindi na kita hahayaang mag isang umiyak. Alam namin na ayaw na ayaw mong kakausapin ka pag may problema ka pero promise kahit magalit ka pa, sasamahan kita." Naiiyak pang sabi ni Abi. "Thanks, Abi" natatawa pa nitong sabi, saka sila naghiwalay ng yakap. "Okay ka na?" Tanong naman ni Cliff sa kanya. "Siguro kapag nag samgyup tayo" nakangiti na nitong sabi. "Kailan ba to hindi nagutom" sabi ni Steven. "Kaya nga eh napakatakaw" naiiling na sabi ni Cliff. "Anong oras na kaya" sabi pa ni Keith. "So pano Steven ikaw ang taya" "Good suggestion Abi" "Bakit ako?" "Ikaw ang nakahanap kay Keith eh" sabi pa ni Abi saka inaya si Keith. "Lets go" saka sila tumayo at lumakad. "May gusto ka ba kay keith?" Nagulat pa si Abi at keith sa pagtatanong bigla ni Cliff kay Steven, nasamid pa nga si Keith na ikinatawa ni Abi. "Oo Nililigawan ko na sya" derechang sabi naman ni Steven, kaya napatingin pa si Abi kay Keith. "Ikaw may gusto ka ba kay Keith?" Tanong naman ni Steven. "Wala na" sabi naman ni Cliff. "Wala na?" Napalingon pa si Keith dito. "Oo wala na, naisip ko kase mas okay kung friends lang tayo" nakangiti pang sabi nito. "Bakit parang nanghinayang ka?" Seryosong sabi naman ni Steven kay Keith. "Ibabalik ko ba yung feelings ko?" Pagbibiro pa ni Cliff. Inakbayan pa ni Steven si Keith para mauna sila lumabas. "Wala ka ng pag asa" sabi pa ni Steven. "Naging crush niya kaya ako noon" pangaasar pa nito. "First crush nga kita eh diba" sabi pa ni Keith kay Cliff. "First crush.. past is past" sabi pa nito sa kanila. "Seloso ka pala Steven" sabi pa ni Abi Nagkatawanan pa sila sa labas, nagulat pa si keith ng makasalubong Kuya Carl niya. "Kuya" sambit niya dito. "Hi Kuya Carl" bati pa ni Abi. "Thanks" sabay tapik pa sa balikat ni Steven. Tumango pa si Steven saka ngumiti. "Magkakilala na ba kayo?" Pagtatakang tanong pa ni Keith. "Oo bakit?" Sabi pa ni Carl sa kanya. Napatingin pa siya kay Steven, ngumiti lang ito sa kanya. Kinabukasan sa School papasok na si Keith naglalakad siya ng makasalubong sina Mona at Selene. "Hi Keith" bati pa ni Selene sa kanya. Lalakad na sana si Keith pero pinigilan sya ni Selene. "Wait.." pigil nito kay Keith. Pinakita ni Selene ang cellphone niya na tinawagan si Steven habang nakaloudspeaker. "Hello Selene" "Steven, si Mona to.. nahilo kase si Selene can you please help me" Aalis na sana si Keith pero hinawakan sya ni Selene sa braso kaya napahinto sya. "Nasan kayo?" Dinig na dinig ni Keith yung boses ni Steven halatang nag aalala ito. "Nandito pa kami sa parking" sabi pa ni Mona na tumingin kay Keith. "Sige pupunta ko dyan" saka binaba agad ni Steven yung tawag. "Pinigilan mo ko para iparinig lang sakin yan?" sarkastiong sabi ni Keith. "Yes, because I want you to realize that Steven is mine, at kahit anong mangyari ako parin ang pipiliin niya" Nagkatinginan pa sila ng masama, saka inalis ni Keith kamay ni Selene at nagmamadaling umalis. Naupo muna si Keith sa isang shed sa loob ng campus, pakiramdam niya matutumba sya anytime. Naaalala niya ang sinabi ni Selene kay Steven sa auditorium na payag siyang maging girlfriend ni Steven, tapos sasabihin nito na siya ang gusto at manliligaw, pero isang tawag lang ni Selene alalang alala na siya. Nagmamadali siguro ngayon ito na puntahan si Selene. Inis na inis naman si Selene dahil instead na si Steven, si Drex ang dumating. "Nasaan si Steven?" Galit pa nitong sabi. "I don't think you're sick with that kind of expession, disappointed ka ba ako ang nandito?" Nakangiti pa nitong sabi na halata namang iniinis lang din si Selene. "I hate you!" Saka ito umalis, tumingin pa si Mona sa kanya, nagkibit balikat lang si Drex tapos ay iniwan siya ni Mona para sundan si Selene. Habang naglalakad sa hallway si Keith, ay nakasalubong niya si Jake. "Keith, ok ka lang?" Tanong pa nito sa kanya. "Nandyan na ba sia sir?" "Wala hindi papasok, kaya baba muna sana ko nagugutom ako eh, gusto mong kumain?" Nakita ni Keith si Steven na lumabas ng classroom, napatingin pa sa kanya hindi niya ito pinansin at kunwari ay hindi niya nakita. "Sige tara" aya niya kay Jake. "Ano bang gusto mo?" "Sandwich lang" sabi niya rito habang naglalakad. "Hoy" sabay akbay ni Paul kay Steven na nakatingin kila Jake at Keith. "Okay naman daw si Selene sabi ni Drex, malamang nagpapalambing lang sayo" sabi pa nito. "Nagpapapansin kamo" natawa pang sabi ni Tristan. "Hindi ko magets" inalis mga kamay nila Tristan at Paul. "Si Selene? Alam mo namang inlove na inlove yun sayo" "Kita mo ginagawa ang lahat para sayo" "Alam niyo naman na nanliligaw na ko kay Keith" sabi pa ni Steven. "At sa dami ng may gusto kay Keith, malamang basted ka" pang aasar ni Paul at nakipag apir pa kay Tristan. "Thank you sa suporta ha" sabi pa ni Steven sa kanila. "Welcome" Nagtawanan pa sila Tristan at Paul. Mayamaya after kumain, naglalakad sa hallway sila Jake at Keith. "Nagchat si Ma'am Toni, punta daw kayo ni Steven sa teachers office mamaya. Hindi daw kayo nagrereply" "Sige sabihih ko nalang" Nakita ni Keith na lumabas galing sa classroom nila si Selene. Nang bago sila pumasok ay lumabas din si Steven, dinaanan lang sya at hindi sila pinansin. "Ah.. Ste.." Deredercho lang si steven at hindi sya pinansin "Nag away kayo?" Tanong pa ni Jake, ng lagpasan sila ni Steven. "Hindi ko alam dyan" Inis na sabi ni Keith sa pag aakalang sinundan nito si Selene. Pagpasok nila Keith sa classroom ay nilapitan niya agad si Cliff. "Si Abi?" Tanong nito kay Cliff. "Nasa broadcasting department" sabi ni Cliff sa kanya. "Puntahan ko muna" "Sige bumalik na kayo agad ha" sabi pa nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD