Chapter 14

1825 Words
Pagpunta ni Keith sa broadcasting room, nasa loob si Abi para sa announcement ng school event nila. "Hi keith" bati pa ni Lina sa kanya. "On air na ba?" Tanong ni Keith dito. "Hindi pa mamaya pa, nagchechek pa lang yan si Abi" "Pasok muna ko" Pumasok sa loob ng room si Keith na inis na inis, napansin pa agad ni Abi. "Problema mo?" Tanong pa nito sa kanya. Pagpasok ni Drex nakita niya si Keith kausap si Abi. "Haynaku talaga si Steven" bungad pa nito. "Bakit, nag away na naman kayo?" Napangiti si Drex habang nakaupo, nakita niya yung switch ng On para marinig ng lahat sa speaker, sumenyas pa kila Lina na wag maingay. On air ng magsalitang muli si Keith. "Nakakainis kase si Steven, hindi ako pinansin" Sa classroom nila Keith, papasok sa loob si Steven ng marinig ang boses ni Keith. "Si Keith ba yun" sabi ni Bea pagkarinig. "Si Keith yun diba?" Tanong naman ni Jane sa katabi. "Talaga, hindi ka pinansin?" Sabi pa ni Abi sa kanya. "Manliligaw siya tapos pag may ibang babae dadaanan lang ako" narinig pa nilang pag uusap ni Abi at Keith. Dahil sa sinabi nito ay nalaman ng lahat na nanliligaw pala si Steven kay Keith. "Nadale ka dun ah" sabi pa ni Tristan kay Steven. Nakita ni Abi si Drex na nangingiti, sumenyas pa sa kanya na wag maingay naka on air sila. "Bakit nagseselos ka" tinaasan pa ni Abi ng isang kilay si Keith. "Bakit hindi ba pwede" inis pang sabi nito. "Tinanong kita kahapon kung mahal mo na si Steven ayaw mo kong sagutin tapos ngayon nagseselos ka dyan" Napapangiti naman si Steven sa room nila habang nakikinig sa usapan ng magkaibigan. "Oo na, mahal ko si Steven masaya ka na.." Dinig na dinig nilang lahat sa classroom ang sinabi ni Keith, naghiyawan pa sila at tinukso si Steven. "Namumula ka na, Steven" pang aasar pa ni Jane sa kanya. "Parang sya pa yung nahiya no" sabi pa ni Tristan. "Ibang klase talaga si Keith" sabi pa ni Paul. "Malamang magtatago yun mamaya" sabi pa ni Cliff. Halos hindi makakibo si Steven sa mga narinig kahit pa panay ang pangaasar sa kanya ng mga kaklase. Natawa naman si Drex sa sinabi ni Keith, nag mic pa siya para marinig siya nung dalawa. "Ano kayang reaction ni Steven ngayon" narinig nilang sabi ni Drex, tinuro pa nito yung redlight na ang ibig sabihin ay naka on air sila. "Omg Drex!" Sigaw ni Keith. Inoff ni Drex yung on air saka nagkibit balikat, ng lalabas si Keith ng room ay lumabas na rin si Drex para hindi siya abutan ni Keith. Sa hallway ng marinig ni Jake ang mga sinabi ni Keith ay napahinto siya, sa umpisa pa lang ay alam naman na niyang wala siyang pag asa dito pero sinubukan parin niyang manligaw. Napailing pa siya, pinakiramdaman ang sarili kung nasasaktan ba siya. Nailing pa siya dahil wala naman siyang magagawa kung iba ang gusto ni Keith. Sa classroom naman nila Selene, inis na inis sya sa mga narinig niya. "For sure sinadya niya iparinig ang lahat para mapahiya ka" sabi pa ni Mona "And I didn't even know na nanliligaw pala yang si Steven" "Next week na ang musical, part lang yan ng strategy nila girl" "I really hate her" saka yumuko si Selene sa upuan sa inis. "Sir" katok ng secretary ng Daddy ni Keith, inutusan niya itong hanapin kung nasaan si Sia. Gusto niya itong makausap ulit tungkol sa nangyari sa Palawan noon. Ipinakita nito ang mga picture ni Sia at ng naging asawa nito. "Nahihirapan sila sa buhay dahil si Sia lang ang nagttrabaho. Ang asawa nito ay puro inom at sugal ang ginagawa" sabi pa ng secretary nito. "Can you bring me to her, gusto ko syang makausap" "Sige po" saka nito tinawagan ang driver para iready ang sasakyan at aalis sila. Sa harap ng apartment ng mag asawang Sia at Dan ay maririnig ang sigawan ng dalawa na akala mo ba ay walang kapitbahay sa lakas ng boses. "Hindi ka na ba magbabago!" Sigaw pa ni Sia. "Hindi ba eto naman ang gusto mo, yung kasama mo ko sa bahay 24/7 bakit hindi ka naba masaya?" Pinanglalakihan pa ng matang sabi ni Dan. "Napaka wala mong kwenta!" "Mas wala kang kwenta!" Napansin ni Sia ang daddy ni Keith na nakatayo sa bukas na gate ng apartment nila, napahinto sila sa pag aaway. "May bisita ka ata" sabi ni Dan bago ito umalis. Nahihiya man ay pinapasok ni Sia ang Daddy ni Keith para makausap. "Pasensya na po kayo" "Okay lang" naupo ito sa tabi ni Sia. "Si Dan po yung asawa ko, boyfriend po siya ni Camille" sabi ni Sia Napatingin Daddy ni Keith kay Sia, napansin niya na napaluha ito. "Galit na galit po samin si Camille nun dahil nahuli niya kami naghahalikan, kaya tumakbo sya sinubukan po ni Dan na habulin sya, pero nadulas po sila sa bangin at nahulog sila ni Dan. Nung nasa hospital na po sila, gumawa ako ng kwento dahil galit na galit ako kay Camille, hindi ko po alam na namatay pala si Camille nun Tito. Im sorry po" Tuluyan ng umiyak si Sia, hindi agad nakakibo daddy ni keith sa narinig. Ang tagal ng panahon, ilang taon niyang tiniis at sinisi si Keith sa lahat ng nangyari kay Camille. Napaiyak sa sasakyan ang daddy ni Keith dahil pinagsisihan niya na mas pinaniwalaan niya ang ibang tao kaysa sa sarili niyang anak. Ilang beses gumawa ng paraan si Keith noon para lumapit sa kanila pero nilayo niya ang loob niya. Madalas niya itong makita sa garden na umiiyak pero ang lagi pa niyang sinsabi ay deserve nito ang lahat. Pinunasan niya ang luha saka tumawag sa kay Carl. "Steven" halos sigaw na sabi ni Drex papasok ng classroom habang habol siya ni Keith. Huli na ng marealize ni Keith, na nadun na sila sa room, napatingin pa sa kanya si Steven. Aatras sana palabas si Keith, pag ikot niya ay nabanga niya si Dave. "Sorry" sabi niya dito. Napatingin si Dave kay Keith, asar na asar ng maaalala yung mga narinig kanina, bigla niyang inusog si keith pasandal sa pader. "Ano ba" inis niyang sabi dito. Napalapit agad sa kanila si Steven na galit na galit sa ginawa kay Keith, tumayo din agad si Cliff para lapitan sila. Hinila ni Steven si Dave saka hinawakan sa kwelyo at akmang susuntukin pero pinigilan sya ni Keith, hinawakan yung kamay niya. "Steven please huwag" halos pabulong na sabi niya dito. Lumapit din agad sila Tristan, Paul at Drex para umawat. Nagkatitigan pa ng masama sila Steven at Dave, ang ginawa ni Cliff at Drex ay inalis yung kamay ni Steven sa pagkakahawak sa kwelyo ni Dave. "Next week na ang foundation day hindi ka pwede maguidance" sabi pa ni Tristan sa kanya. Hinatak naman ni Troy si Dave palabas saka kinausap sa hallway. "Gumanti tayo sa labas" Sa inis ni Dave ay umalis na lang, sinundan pa siya ni Troy para hindi gumawa ng ibang gulo. "Ano ka ba, nag iisip ka ba" inis na sabi ni Keith kay Steven. "Alangan namang panoorin lang kita sa gagawin ni Dave" inis na sabi nito. "Eh pano kung nagkasuntukan kayo" "Wala ka talagang bilib sakin no" "Alam mo ewan ko sayo" Naiiling na lang sila Tristan at Paul sa pag aaway ng dalawa. Tinulak pa ni Cliff si Keith, napahawak kay Steven. "Bakit ka naglive?" Sabi pa ni Cliff kay Keith. "Pre una na ko, hirap madamay, may klase pa ko" natatawang sabi ni Drex. Biglang lumayo si Keith kay Steven at tinignan ng masama si Drex, sumenyas pa ito ng peace sign bago lumabas, saka niya tinignan si Cliff. "Ano?" Sabi pa nito sa kanya. Bago magsalita si Keith ay pumasok na ang Prof nila. "Keith, please get your things, you'll be excuse for today" sabi pa ng Prof nila. Nagtaka pa sila Steven, Keith, Abi at Cliff. "Your mom is waiting fkr you, She ask me to excuse you for todays' class" Lalong nagtaka si Keith sa sinabi ng Prof nila. "Class go back to your seats" "Gusto mong samahan kita" narinig niyang sabi ni Steven habang inaayos niya ang gamit niya "No, it's okay" Saka nagmamadaling lumabas si Keith. Hangang makarating sa resort nila sa Tagaytay ay hindi kumikibo si Keith. Gusto niyang magtanong pero walang lumalabas na boses sa kanya. "Let's go inside" sabi pa ng mommy niya. "I still don't get it" sa wakas ay nasabi ni Keith kahit kanina niya pa gustong magtanong. "What's this all about?" Nagtataka pang sabi nito. "Keith, mommy?" Napatingin pa si Keith ng makita ang Kuya niya. "Kuya Carl" nagulat pa si Keith dito. "We'll just eat together" sabi ng mommy nila. Lumabas ng kusina daddy nila na nakasuot pa ng apron. "Nandyan na pala kayo" nakangiti pa nitong sabi. "Dad, i thought tayong dalawa lang ang nandito ngayon?" Nagtataka na ring sabi ni Carl. Napatingin ang daddy nila kay Keith, hindi niya mapigilan na mainis sa sarili dahil ilang taon siyang nagalit dito sa maling paratang, napaluha sya bigla at yumakap sa anak. Nagulat pa si Keith sa ginawang pagyakap ng daddy niya. "I'm so sorry anak" lumuluhang sabi nito "Dad..." hindi parin makapaniwala si Keith sa nangyayari. "I'm really sorry for making it hard for you" sabi pa nito kay Keith. Hindi na napigilan ni Keith ang maiyak sa narinig sa sinabi ng daddy niya, inangat niya yung kamay niya para yumakap narin. "Daddy naman eh" sambit pa niya dito. "Bakit?" Pahid nito sa luha ni Keith. "May last pictorial pa kami bukas maga mata ko" Nagkatawanan pa sila sa sinabi ni keith. "I miss you baby" sabi ng mommy niya saka yumakap din kay Keith. "Everything that happened was a mistake, hayaan mong bumawi kami sayo ng mommy mo, anak" nakangiti pang sabi ng daddy nila. "Pasali naman sa hug na yan" sabi pa ng Kuya Carl niya. "Mamamaga na kase mata ko" nakangiti pang sabi ni Keith sabay punas ng luha. "I heard ikaw yung lead actress" "Yes dad" ngumiti pa ito. "And boyfriend niya po yung lead actor sa teatro" singit pa ni Carl. "Kuya.." saway niya pa dito. "What?" Tumingin pa kay Keith ang mommy niya. "Hindi ko po sya boyfriend, mommy" sabi pa niya dito. "Eto ba yung naghahatid sundo sayo sa bahay?" Tanong pa ng daddy niya sa kanya. "Po?" Hindi siya makapaniwala na alam ng daddy niya na hinahatid at sundo siya ni Steven. "Yari ka, bati na kayo ni daddy may kasama na ko maghigpit" "Nagpapaligaw ka hindi mo man lang papasukin sa bahay, gusto ko siyang makilala" "Dad..." Nagkatawanan pa sila sa pagkontra ni Keith. Hindi mapigilan ng daddy niya na yakapin siyang ulit, sa pagyakap na yun ay masayang masaya si Keith. At wish niya na hindi na ito magbago pa. Napangiti pa si Keith ng yumakap sa daddy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD