Nagulat si Alexa nang pagdating ng hapon ay dumating si William na may dalang bulaklak at regalo para sa Daddy niya. Nagyaya itong kumain sa isang restaurant sa maliit na mall sa bayan na hindi niya nahindian. "I really want you to work with me," wika nito habang kumakain sila. "Nabanggit ko na sa kaibigan kong doktor at member ng board na bigyan ka ng posisyon bilang isang nutritionist." "Hindi ako papayagan ni Dad," pagtanggi niya. Sa ngayon ay nadagdagan na ang dahilan niya para manatili sa lugar na ito. Si Edward. "Your Dad will be fine. Madalas naman natin siyang dadalawin. Magbabakasyon tayo buwan-buwan," dagdag pa ni William. "Gusto sana kitang makasama madalas. And besides, hindi bagay sa 'yo ang maburo sa probinsiyang 'to. Mas maraming oportunidad sa Maynila." "Pag-

