Nagtuloy-tuloy ang magandang relasyon ni Edward at Alexa nang ilang buwan. Natuwa ang buong hacienda sa pag-iibigan ng dalawa. Madalas magkasama sila sa bukid habang tinuturuan ni Edward si Alexa sa pamamalakad ng hacienda. "You don't have to teach me everything. Nandito ka rin naman," wika ni Alexa kay Edward. "Mabuti na ring alam mo lahat, sweetheart. This is land is yours." Kasalukuyan silang nag-iinspection sa malawak na taniman ng sitaw para sa harvesting sa susunod na araw. Matapos ng gawain sa bukid ay inaya ni Edward si Alexa na may pupuntahan. Halos alas kwatro pa lang ng hapon. Sumakay naman ang dalaga sa pickup truck hanggang sa tahakin ni Edward ang daang may hangganan ng lupain nila. Sa dulo ay may ilog na karugtong ng dagat. "Wow! Ganito pala kaganda dito. Baki

