Pagdating sa mansyon ay agad niyang ipinaalam sa ama ang nangyari kay Edward. Hindi rin siya tumigil sa pag-iyak. Niyakap siya ng ama at doon siya kumuha ng lakas. “I know his family hates me now, Dad.” “Hindi ganoon sina Greg, Alexa. Marahil ay mahirap lang sa kanila na makita si Edward sa ganoong kalagayan. Gusto ko silang makausap at gusto ko ring makadalaw sa ospital. Sasagutin natin ang lahat ng gastusin sa ospital.” Umakyat siya sa silid at muling umiyak doon. Pagkaraan ng kalahating oras ay tinawagan niya si William para ipaalam ang nangyari kay Edward. “I’m sorry, William. Nagamit kita para kalimutan si Edward. But I still love him. Sa ngayon ay gusto kong muli kaming magka-ayos kapag gumaling siya.” Walang nagawa si William kundi ang tanggapin ang de

