Chapter 9

1513 Words

Sa buong linggong iyon ay kasa-kasama ni Edward ang mag-ama sa bukid. Nanatiling civil ang pakikitungo ng dalawa sa isa't-isa bagama't madalas siyang mahuli ni Alexa na nakatitig dito kapag akala niya ay hindi ito nakatingin. Agad naman niyang iniiwas ang tingin para hindi magtama ang mga mata nila ng dalaga. "Napakasarap pala talagang pagmasdan ang berdeng bukirin lalo kapag hitik sa bunga ang mga tanim hano, Edward?" Wika ng doktor nang nasa daan na sila pauwi. Halos magdidilim na dahil nasa silong ng manggahan ang dinaraanan nila at alas sais na halos ng gabi. "Totoo ho. Mayaman ang lupang pag-aari nyo kaya maganda ang bunga ng mga tanim." "Nagpapasalamat ako dahil pinagyaman niyo ang lupang ito." "Wala hong anuman. Ito rin naman ho ang dahilan kaya nakapagtapos ako." Ngumiti ang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD