Chapter 8

1456 Words

Tumawag si Edward kinabukasan sa katulong kung may kailangan ba ito sa ospital pero ang sabi ay huwag na siyang mag-abala dahil lalabas na rin sa ospital si Dr. Martin sa tanghali. Nagsabi rin ang katulong na huwag na siyang sumundo dahil si William ang maghahatid sa mga ito sa hacienda. Napahugot siya ng malalim na hininga bago ibinaba ang telepono sa pasamano. Ang kaisipang magkasama ngayon si Alexa at William ay nagpabigat kaagad sa kalooban niya. Hindi niya namalayang nasa likod ang Inay niya. "May problema ba kay Dr. Martin, anak?" nag-aalala nitong tanong. "Wala naman ho." "Bakit parang malungkot ka? Kumusta ba si Doctor Martin?" "Mabuti na raw ho ang lagay. Mamayang tanghali ay makakalabas na sila ng ospital." "Ah... Pupunta ka ba muna sa bukid o susundo ka na sa ospital?" "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD