Ano ba kasing meron? Napabuntong hininga nalang ako habang kanina pa tanong ng tanong sa aking isipan kung bakit ba ako sumama kay Santi. Panay lang naman siya sabi sakin na umayos ako fahil hindi daw bastang tao lang ang kakaharapin ko. Ano pala kakaharapin ko alien? Sus! Labo talaga ni Santi.
Malamang hinahanap na ako ni Petit nito.
"Labas na." Malamig na utos nito bago pumasok sa loob ng mansion.
Sobrang laki! Ngayon lang ako nakatungtong sa ganito kalaking bahay. Tuwang-tuwa ako kaya naman halos mag slide na ako sa tiles dahil sobrang kinis nito. Mas malinis pa sakin 'yung tiles nila nakakahiya naman.
"Stay here."
Tumango lang ako at hindi na pinansin si Santi.
"God! Who are you?!"
"Ho? Sorry ante pero hindi ako si God." Nag peace sign ako. "Half alien na medyo tao po ang breed ko." Pagbibiro ko pa bago ngumiti sa napaka gandang dilag na nasa harapan ko. Kaya lang may pagka masungit.
"Sino kaba? Hindi kami nag papalimos kaya uma—" Hindi na ito nakapag patuloy ng sumulpot na si Santi kasama ang isang may edad na babae, pero elegante parin ito.
"Babe ummm.. S'ya 'yung bababeng tinutukoy ko na nakitaan ko ng kwintas na kahalintulad ng pinakitang kwintas ni tita." Paliwanag ni Santi sa babae na mukhang jowa nito. "Well dinala ko s'ya dito upang si tita na mismo ang kumausap at mag tanong sakaniya."
"Hindi ako kriminal." Sumeryoso ako. "Iniisip nyo ba na ninakaw ko ang kwintas ko?" Naalala ko ang sinabi ni itay sa akin bago ito pumanaw.
Ang sabi niya ay wag ko ibibigay ang kwintas na ito kahit kanino.
"Gusto nyo ba ang kwintas ko? Hindi ito maari, bawal nyo itong kuhanin."
"For sure ninakaw lang 'yan. Mamaya may clue na ang iba dahil nga sa alam nilang nawawala ang bunso natin Mommy. Malay ba natin kung scammer ang babaeng 'yan at inutusan lang upang mag panggap, why not? Hindi natin alam ang isip ng mga tao ngayon."
Hindi ako sang-ayon sa sinabi nung babae kaya naman umangal ako.
"Mawalang galang na ante."
"Don't call me ante, excuse me we're not close." Maarteng sabi pa nito na hinayaan ko nalang.
"Ang kwintas na ito ay pamana ng aking inay at itay na pumaw na wala pang isang buwan ang nakakaraan." Paliwanag ko. "Hindi ako pinalaking magnanakaw ng Lolo't Lola ko. Malinis ho ang intensyon ko at hanap buhay ang kaylangan ko."
"Pasensya kana, iha. Hindi naman sinasadya ng anak ko na ma-offend ka. Gusto lang naming malaman kung sino ka at bakit may kwintas ka na iyan?"
"Bata palang ako nakasuot na ho sa akin ito. Ginawan na nga lang paraan ni itay para mag kasya pa sa leeg ko eh. Itong bato n'ya tunay daw ito." Pagmamayabang ko pa.
"Alam ko," ngumiti ito sa akin. "Sa akin galing ang kwintas na iyan. Ang bato sa kwintas na tinutukoy mo ay nag kakahalaga ng sampong milyon."
"Ho?!" Kamuntik mahulog ang eye balls ko sa sobrang gulat. Sampong milyon pala ang kwintas na 'to bakit hindi ko alam? Sana pala hindi na kami nag hirap ni inay at itay.
"Yes, you heard it right. Sampong milyon ang kwintas na suot mo kung iyan nga ang totoong kwintas ko. Ibinigay ko 'yan sa anak kong bunso bago ito nawala sa amin." Lumungkot ang expression ng mukha nito kaya naman nalungkot din ako.
"Kaya wag mo kaming tangkaing lokohin dahil malalaman din namin kung nag papanggap kalang. Ayaw na naming umasa, at pag nalaman ko na peke ka ay ako mimso ang mag papadampot sayo sa pulis." Banta ng babaeng kanina pa nag su-sungit sa akin parang may malaking galit e, hindi ko nga s'ya kilala.
"Bakit naman ako mag si-sinungaling? Ulilang lubos na 'ko kaya ang nasa isip ko ngayon ay mag ipon ng pera, tsaka nalang 'yung paghahanap sa mga magulang ko." Paliwanag ko bago napatitig sa mata ng may edad na babae.
"Maupo ka." Alok n'ya. "Maari ba akong mag tanong? Sino ba ang Lola't Lolo mo? Anong pangalan mo? Ilan taon kana?" Sunod-sunod nitong tanong.
"Isa-isa lang ho mahina ang kalaban." Umayos ako ng upo bago sumagot. "Napulot daw ho ako sa tae ng kalabaw, sa gilid pala ng tae ng kalabaw." Pag ta-tama ko.
"Kadiri." Bulong ni ante na sobrang taray talaga.
"Aalis na pala ako hindi na ako mag ta-tagal." Tumayo ako bago akmang lalakad palabas ng pigilan ako ni Santi.
"Hindi pa tapos."
"Pupunta ako sa sanglaan bitawan mo 'ko. Sampong milyon daw 'to yayaman na ako."