Chapter 6

704 Words
"Sige na umalis kana, baka manloloko kalang talaga. Maawain ang Mommy ko kaya kunteng kwentong barbero lang ay nadadala na si Mommy." "Bakit naman ako manloloko?" "Penny." Saway ng Mommy nito kaya naman napangisi ako pang-asar sakaniya na kanina pa ako iniirapan at tinatarayan. "Mom concerned lang ako noh! What if I'm right? Dapat masigurado natin na s'ya nga ang may-ari ng kwintas o ninakaw lang n'ya." "Hindi nga ako magnanakaw Penny." Tinawag ko na din siya sakaniyang pangalana. "Aalis ako hindi ko pinag sisiksikan ang sarili ko, ni hindi ko nga kayo kilala eh. Makapag salita kayo sa akin ng masasakit para kayong kakilala ko." Umirap din ako kay Penny. "Kala mo ikaw lang marunong mag mataray ha! Hindi ako api-apihan mo porket mayaman ka! Lamang kalang ng ilang paligo sa akin at mas mabango ka, pero mabati naman akong tao. Wala akong tinatapakan." Paliwanag ko bago napasulyap kay Santi. "Isa kapa!" Dinuro ko ito. "Hindi naman kita kilala makahatak ka sakin." Sa huli ay napabaling ako sa Mommy ni Penny na mabait. "Pasensya na ho kayo sa akin. Mauna na po ako ma'am kasi may gagawin pa po ako." Maayos kong paalam bago tuluyang umalis ngunit huminto ako sa paglalakad at bumalik. "Santi pwede bang makahiram ng pamasahe?" Nahihiyang bulong ko. "Babayarad ko kapag nakabenta na ako ng kalakal." "Ihahatid na kita." Nag paala na ito sa mabait na babae bago lumabas kasama ko. Habang ang jowa n'ya umuusok na ang ilong sa galit. Naihatid n'ya ako ng maayo sa kubo. Ang kariton ay nandoon narin habang si Petit ay natanaw ko na sa labas palang. Mukhang kanina pa ako nito hinihintay kaya lang ay wala akong nakalakal dahil nga sa pangsasama ni Santi sa akin. "Kapag na check ko na ang background ko babalikan kita." Napahalakhak ako. "Walang tayo Santi, may jowa kana." Napailing pa ako. "Huwag kong alisin ang kwintas. Iyan ang patunay ngunit hindi rin ganun kadali kaya mahihirapan ka sa mga susunod na mangyayari." Paliwanag ni Santi. "Bakit mo ba kasi ako isinasama sa pamilyang 'yon? Isa lang naman mabait, pero si Penny ubod ng taray." Reklamo ko pa. "Tutulungan parin kitang mahanap pamilya kung sakaling hindi man sila 'yon." Talaga ba? Natuwa ako. "Umaasa din akong mahahanap ko sila. Ngunit palagay ko'y malabo na dahil sa laki ng manila hirap pa ng buhay." Napabuntong hininga ako. Nag paalam na ito kaya naman pumasok na ako sa bahay kasama si Petit. "Wow Ate! Sino po iyon? Nakasakay ka po ng kotse? Nakakatuwa naman!" Napapalakpak pa ito. "Saan kayo ate nag punta?" Natutuwang ikwinento ko kay Petit lahat habang nag hahanda ng pagkain. ------------ [Santi POV] "Babe ginawa mo parin? Hinanap mo parin?! Gosh!" Kanina pa kami nag tatalo ni Penny. "Penny ano bang problema kung mahanap s'ya? Ano bang kinakatakot mo?" "Ang mawala sakin ang lahat! Atensyon, pagmamahal, pera at ikaw. Mamaya pati ikaw maagaw sakin hindi ko kakayanin 'yon." "Penny calm down," inabutan ko ito ng tubig. "Hindi ako mawawala." "Babe ayaw kong mahanap s'ya kasi mai-etchapwera na ako eh." Pinahid ko ang luha ni Penny. "Hindi ako masamang tao para itago ang bagay na 'to Penny." Sumama na ang mukha nito at pinaalis ako. Upang hindi lumala pa ay umalis na lamang ako. Sana pala ay hindi na ako bumalik pa kung mag a-away nalang pala kaming dalawa. Para talagang may something eh. Takot na takot si Penny na mahanap ang nakababatang kapatid nila ni Sheena. Dapat yata ay masaya sila dahil kadugo parin nila 'yon. Ano nga ba ang hindi ko alam? May tinatago ba si Penny sa akin? Ilang beses na n'ya akong pinakikiusapan na itigil na ang paghahanap at alisin na ang pag-asa ng mga magulang niya. Ngunit hindi ko kaya na huminto nalang lalo na at wala pa naman kasagutan. Ngunit ngayon nararamdaman ko na malapit na, malapit nang umuwi ang bunso ni tita at tito. Pahiga palang ako sa kama ng tumunog ang phone ko at may marecieve na files. Ito ang document ni Victoria. Binabasa ko ito upang pag-aralan. May mga relatives ito sa probinsya na mukhang dapat kong puntahan upang alamin ang iba pang detailed. Sa ilang taon na paghahanap mukhang tadhana na ang kusang nag la-lapit ng katotohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD