Nahihiya akong humarap kay Petit at sa ama niya kaya naman nakayuko lang ako pag pasok. Iniwan ko nalang basta 'yung kariton dahil sa Santi na 'yon, pero at least nalaman kong ang laking halaga pala nung kwintas? Sampong milyon! Mayaman na talaga ako. Tama pala ang itay at inay na may pakinabang ang kwintas na 'to.
Ngunit naalala ko ang sinabi nung mabait na babae. Sa anak daw n'ya ang kwintas na ito? Ako ba ang anak na tinutukoy n'ya? S'ya ba ang Mama ko?
Ang yaman ko naman pala pag s'ya nga ang ina ko. Ang laki nung bahay tapos ang daming kotse, para akong prinsesa kapag totoo nga.
Pero ayaw kong mag assume mahirap na. Iniwan ako ng mga magulang ko kasi feeling ko e, mahirap lang sila at hindi ako kayang suportahan. Nakakalungkot lang na matapos makatikim ng sarap at mag bunga e, itatapon lang kasi hindi pa handa.
"Saan kaba galing?"
Natigilan ako sa pag i-isip ng basagin ni tatay ang katahimikan na namayani sa aming tatlo.
"Sa isang kaybigan lang ho hehehe.'' Napakamot ako sa aking batok.
"Kaybigan? Wala ka ngang kakilala dito."
Intrimitida talaga itong si Petit.
"Iha, wag kang sumasama kahit kanino sa hindi mo naman lubos is kilala." Payo ni tatay na ikinatango ko.
"Opo pasensya na sa pag-aalala." Nahihiyang sagot ko bago ngumiti. "Malapit na tayong yumaman," bumaling ako kay Petit.
"Ha? Paano mo naman nasabi?" Takang tanong ni Petit.
"Basta," napahalakhak ako at nasamid. "Pera nalang kulang pero ramdam ko na talaga. Kumapit kalang Petit palagi nang fried chicken ang ulam natin."
Nag laway kami ni Petit.
"Pero ang ulam ngayon ay talbos kamote kaya mag tiyaga muna tayo." Naiiling na sabi ni tatay na ikinakibit balikat nalang namin ni Petit.
---------------
[Santi POV]
Totoo ngang ampon s'ya, may posbilidad na s'ya ang nawawalang bata. Dahil narin sa magkaedad sila at mismong araw na nawala ito ay nakita naman siya ng dalawang matanda. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit sobrang layo naman ng napuntahan niya?
Mukhang may foul play talaga na nangyari. Hindi aksidenteng nawala ang bata, may kumuha talaga dito at inilayo.
Ngunit sino?
Sino ang gagawa ng ganito kasamang gawain?
Hindi na ako kumatok bago pumasok. Kita ko ang gulat sa mata niya ng makita ako, para bang may kausap na s'ya bago pa ako pumasok.
"Bakit mo binaba?"
"Ha? Wala 'to friend ko lang." Ngumiti s'ya at hinagkan ako.
Nawawalan na ako ng amor sa pinapakita niya. Hindi naman ganito si Penny, smart at mabait s'ya, but now? I don't know what happened to her. Simula nung malaman niyang umuusad ang pinapatrabaho ni tita at tito sa akin ay palagi nalang kaming nag tatalo.
"Lalabas ba tayo?" Tanong niya habang nakayakap.
"No not now, may tinatrabaho pa ako." Ngumiti ako at hinaplos ang kaniyang buhok. "Ayaw kong mag talo na naman tayo uunahan na kita."
"Nope hindi na tayo mag aaway dahil mapapatunayan ko na hindi naman 'yon ang kapatid ko." Tila ba masayang-masaya si Penny ngayon.
"So you mean hindi kana galit if ever mahanap na nga ang totoong heredera?"
"Kung totoo ba s'ya eh."
Napatango ako bago nag paalam na kakausapin lang muna si tita. Kakaiba talaga ang inaasal ni Penny ngunit wala naman siguro itong gagawing masama.
"Santi kamusta? May balita na ba sa anak ko?"
"Honey kumalma ka." Si tito na hawak ang kamay ni tita dahil nanginginig na naman ito.
"Ayaw kong mag assume dahil marami talagang manloloko ngayon, at madaming beses na po tayong naloko, but this time may proof dahil sa kwintas. But stills we need to make it sure kaya naman isasalang natin ito sa DNA test, and 'yung investigation nandoon pa din. Sa mga kakilala niya sa province kung totoo bang napulot lang s'ya." Paliwanag ko.
"Nararamdaman kong anak ko s'ya." Naiiyak na wika ni tita. "Santi please do anything. Kahit magkano gagastos kami. Ngayon pa ba ako titigil kung kaylan may usad na?"
"Makakaasa po kayo na gagawin ko lahat." Pangako ko bago tumayo. "Pero just in case tita na may mapansin ka pong panloloko just let me know. Sana lang bukod sa kwintas ay may palatandaan pa po s'ya."
"Santi kilala ko ang anak ko."
Tumango ako bago nag paalam na.