"Tay, Petit."Naluluha na si Ineng ng tawagin niya ang pangalan ng mag ama na kumupkop sakaniya nung araw na walang-wala siyang mahingan ng tulong.
Labag sakaniyang loob na iwan ang mga ito ngunit wala siyang magawa dahil Kaylangan niyang alamin kung sino nga ba talaga s'ya. Titira na s'ya sa mansion kasama ng mag asawang nag sasabing s'ya ang tunay nitong pamilya.
"Pangako kapag nalaman ko ang totoo at mayaman talaga ako babalikan ko po kayo ni Petit. Hindi ko kayo kakalimutan kasi napakbuti po ninyo sa akin."
"Umalis kana lang ate Ineng." Masama ang loob ni Petit.
"Petit kukuha ako maraming fried chicken doon, tsaka sabi naman ni Santi maari akong dumalaw sa inyo. Isasakay kita sa kotse na may aircon."
"Iniinggit mo lang ako eh."
"Petit," saway ng ama nito. Sumeryoso siya at hinarap ang tinuring na niyang ikalawang ama. "Victoria—" Sumabat agad s'ya.
"Ineng nalang ho doon ako sanay."
"Ineng masaya kami para sayo ni Petit, bastat dadalaw ka at wag kaming kalilimutan. Kapag hindi sila ang tunay mong pamilya maari kang bumalik sa amin dahil kami ni Petit ay para mo naring tunay na pamilya."
"Maraming salamat ho talaga, tay." Kumaway na siya bago tuluyang pumasok sa kotse. Hindi siya umiiyak kanina ng mag paalam. Ngunit ng makapasok siya sa kotse at makalayo sa mga ito ay tuluyan ng umagos ang luhang kanina pa niya pinipigilan.
May nakita siyang pamunas kaya naman walang pasabi n'ya itong dinampot at ipinahid sakaniyang mga luha.
"Ayaw ko sanang basagin moment mo pero basahan sa kotse 'yang nadampot mo."
Napangiwi si Ineng. Hindi n'ya inaasahang basahan pala 'yon? Mas malinis pa kasi ito kaysa sa suot niyang damit.
--------------
[Ineng POV]
Nakarating na kami sa mansion ng sinasabing mga magulang ko daw, pero wala pang kasiguraduhan kaya nga ayaw ko ding mag assume eh.
"She's here na!"
May babaeng sumalubong ng yakap sa akin.
"Hi, ako nga pala si Sheena. Alam kong hindi mo 'ko kilala pero pinsan mo 'ko."
"Pinsan? Yak," maarteng singit nung babae na palagi nalang galit sa akin. "Sheena hindi pa nga confirmed kung s'ya nga 'yon kaya mag hunos dili ka. Mamaya manloloko pala 'yan." Pumamewang pa ito bago ako inirapan.
"Tumigil ka nga Penny. Itrato parin natin s'ya ng maayos kahit pa hindi s'ya 'yung nawawala nating kapamilya. Kahit bilang kapwa tao igalang mo naman s'ya." Pag tatanggol ni Sheena sa akin.
"Bayaan mo na sanay na ako. Si Penny yata ay palaging may regla kaya palaging mainit ang ulo." Sagot ko bago ngumiti. "Ano na palang gagawin ko?" Na e-excite na tanong ko. "Marunong ako sa gawaing bahay maasahan ako diyan." Pag mamayabang ko pa.
"No, you don't need to do that." Si Santi na bigla na lamang sumulpot bitbit ang maleta ko na may lamang mga damit ko.
"Mom is waiting na. Nag aayos kasi s'ya ng food pero pinatawag ko na." Singit ni Sheena na ikinatango ko.
"Victoria." Sinalubong ako nito ng isang yakap. Tila ba sabik na sabik ito kaya naman napaawang ang aking labi lalo na ng mapansing sumisingot ito na para bang umiiyak.
Nakaramdam ako ng pangungulila habang yakap niya.
"Ineng nalang ho ang itawag nyo sa akin."
"See? Aneng daw, baho ng pangalan." Mataray na sabat ni Penny.
"Bingi mo naman? Sabi ko Ineng hindi Aneng. Ikaw nga Penny e, pero hindi ako nag reklamo." Balik na pag ta-taray ko. "Penny balot." Pang-aasar ko pa na ikinatawa naman ni Sheena.
"Pasensyahan mo na si Penny ganiyan lang talaga s'ya. Halika samahan na muna kita sa magiging kwarto mo anak." Aya sakin nito na agad kong sinundan.
Tinawag agad n'ya akong anak kahit na wala pa naman test na ginawa sa amin para sa DNA. Ipinaliwanag na ni Santi sa akin kung ano 'yon. Para daw 'yon malaman kung ako talaga 'yung nawawala nilang heredera.
"Nagustuhan mo ba?"
Napanganga ako sa laki ng kwarto ko. "Sobra po! Parang isang buong bahay na po namin ito sa probinsya sa sobrang laki." Manghang sabi ko.
Hinaplos n'ya ang aking buhok. "Gusto kong makabawi."
"Pero hindi pa po natin sigurado kung ako nga po ang batang 'yon." Napayuko ako.
"Iyan palang kwintas anak malaking katibayan na."
"Sabi ni Penny baka mali lang ho kayo ng akala. Mahirap ho maging padalos-dalos ma'am."
"Call me Mama or Mommy."
Bigla nalang nag umapaw ang saya ng aking puso ng sabihin niya ito. "Sige po Mommy."
Lumabas na ito at iniwan na muna ako upang makapag pahinga. Dahil mainit ang suot ko ay nag palit na muna ako. Napaharap ako sa salamin at tinignan ang buhay na balat kong nakatatak sa balakang ko.
Hugis puso ang balat at talagang kakaiba ito, buhay na buhay din ito kaya naman sa tuwing makikita ito ni Inay ay tuwang-tuwa siya dahil sa korte nitong puso.