Chapter 9

703 Words
Unang araw ko sa mansion. Nangangati tuloy ako sa suot ko hindi ako sanay sa mga ganitong style, mas gusto kong mag daster o kaya'y t-shirt nalang. "Unang araw baka kahihiyan gawin mo." Nakita na naman ako ni Penny. Ako na naman po ang pinag i-initan. Napailing na lamang ako bago ito nilampasan ng hawakan n'ya ang braso ko kaya naman hinablot ko ang buhok n'ya. Ayaw ko nang mag timpi, bwiset na bwiset na ako. Hindi ako anghel para palaging hayaan s'ya sa panglalait sa akin. "Penny marunong akong makisama. Oo basurera ako at mahirap, pero hindi ko ginusto ito. Hindi ko hingad na tumira ako sa inyo. Hindi pa nga ako sigurado eh. Akala mo ba natutuwa ako? Saksak mo sa baga mo 'tong bahay nyo!" "What the?!" Sinampal n'ya ako ng malakas. "Kinakausap lang kita." "Kinakausap e, sinasaktan mo na ako! Hindi naman pwedeng hindi ako—" Itinulak ako ni Penny kaya hindi na ako nakapag patuloy sa aking sinasabi. Sinong nag sabing papatalo ako? Nilundag ko s'ya at inibabawan bago pinag sa-samsamapal. "Bwiset ka! Inaano ba kita at ang init-init mo sakin?" Wala akong tigil sa pag sampal sakaniya habang s'ya ay humihiyaw. Nagulat nalang ako ng may biglang bumuhat sakin palayo kay Penny. "Stop hurting my fiancee!" Tila ba kulog ang boses ni Santi habang nanlilisik na nakatitig sa akin. Inalalayan nito si Penny. "Bakit ba kayo nag aaway, at bakit ka nananakit?" Tanong n'ya ng muling mapasulyap sakin. "Kinakausap ko lang naman s'ya babe." Si Penny ang sumagot. Bwiset talaga! Napabuntong hininga ako. "Alam ko namang ayaw sakin ni Penny. Aalis nalang ako kaysa kawawain ako dito, at least kila tatay at Petit hindi ako ginaganito. Hindi ko rin naman pinag sisiksikan sarili ko eh." Matapang na sagot ko bago inayos ang aking sarili. Paakyat na sana ako ng hagdan upang mag impake ng sumulpot 'yung mabait na babaeng inaako akong anak. "Anong nangyare? Why are you crying, iha?" Nag aalalang tanong nito bago pinahid ang luha ko na hindi ko namalayan. "Wala ho ito." Tanging sagot ko. "Santi, Penny what's going on?" Seryosong tanong niya sa dalawa. "Tama naman si Penny e, baka mali ho kayo. Aalis nalang ako para narin matahimik na s'ya." Sumulyap ako kay Penny na mataray parin ang expression ng mukha. "No! Walang aalis," pigil sakin nito. "Anak man kita o hindi wala namang problema sakin 'yon. Maari kang manatili sa bahay, you don't need to leave." "Pero iyon ang gusto ni Penny." Malungkot kong sabi. "Penny mag u-usap tayo sumunod ka." Galit na utos nito kay Penny kaya naman lihim akong napangiti. Lumingon pa si Penny sa akin bago ito sumunod kaya naman na inis ko pa s'ya lalo. "Buti nga sayo salbahe ka kasi." Bulong ko pa na natitiyak kong narinig niya. "Victoria." "Ineng nga kasi!" Inis kong sabi kaya naman natigilan si Santi. "Bakit mo 'ko kinakausap? Sinabihan mo nga ako masakit bago mo alamin totoo. Abogado ka pero hindi ka pantay humusga, basta talaga kagaya kong mahirap wala kayong pake." "Hindi naman sa ganun pero—" "Galit ako wag mo 'kong kausapin! Ikaw ang nag dala sakin dito Santi tapos ginaganito mo lang ako? Palagi nalang ako iniinsulto ni Penny pero s'ya parin pinanigan mo." "Kaylangan pa ba kitang suyuin para kumalam ka?" "Abah! Natural!" Maarteng sagot ko. Gusto ko naman maranasan suyuin. "Sige, anong gusto mo? Bibilhin ko." Napaisip ako. "Ang mahiwagang pang ahit." Nakangiting sagot ko. "Wait, what?" Jusme naman! Pang ahit nalang hindi pa alam. "Kasing kapal na kasi ng mukha ni Penny itong buhok ko sa ibaba. Masyado ng makapal ang damo kasi nasa probinsya pa ako nung mag ahit ako eh. Bilhan mo ako ng mahiwagang pang ahit para naman maalisan ko na ng damo ang rosas." Paliwanag ko sa maayos na paraan at baka sabihin pa ay bastos ang bunganga ko. "Ewan ko sayo Ineng." Naiiling na sabi pa nito. Tumaas ang aking kilay at seryosong tumitig kay Santi. "Hindi ako nakikipag biruan Santi mangati na nga gusto mo tignan mo pa." Huhubarin ko na sana ito ng tumalikod na ito at nag mamadaling lumabas. Feeling naman n'ya ipapakita ko hahaha. May doble kaya ako! Inisahan ko lang talaga s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD