Walang magawa. Nakatunganga lang ako habang hinihintay si Santi na bumalik. Ewan ko kung anong ginawa non? Mukhang sinunod nga yata talaga ako na bumili s'ya ng mahiwagang pang ahit.
"Wala ba akong pwedeng gawin?" Napabuntong hininga ako. Nag pasya akong tumaya na at mag libot-libot sa mansion. Nakita ko ang mga kasambahay na busy sakanikaniyang ginagawa at hindi man lang ako mabati. Marahil ay hindi pa nga kasi nila ako kilala, bagong sibol palang ako dito alangan namang close ko agad sila?
"Hey, what are you doing here? Naiinip kaba?"
Napangiti ako ng makita si Sheena, mabait s'ya hindi tulad ni Penny na wala na talagang pag-asa sa buhay.
"Gusto mo gumala muna tayo?" Aya n'ya sakin.
"Naku! Hindi ako sanay gumala Sheena. Pang bahay lang talaga ako," paliwanag ko pa. "Lumalabas lang ako kapag may raket o kaya'y mapag kakakitaan." Dagdag ko pa.
"I see," napatango ito. "Gusto mo bang dito nalang tayo sa bahay tapos mag ayos na lamang tayo?"
"Alin aayusin Sheena?"
"Ikaw, ikaw ang aayusin natin." Mabilis niyang sagot habang may malawak paring ngiti sa labi.
"Hindi naman ako sira para ayusin." Natatawang sagot ko bago akmang lalakad na pabalik sa couch ng hilahin ako ni Sheena.
"Tiyak na mai-inlove sayo lahat." Napapalkapak pa ito ng maiupo siya at iharap sa salamin, at habang hinihintay ang resulta ng DNA test. Tutulungan na kitang matuto ng magiging bago mong buhay Victoria.
"Ineng nga kasi tawag sakin ng lahat doon ako sanay." Mabilis kong saway sakaniya.
"Mas bet ko ang Victoria, pak na pak. Palaban masyado ang datingan kaya mas maganda kung Victoria na ang kasasanayan mo." Paliwanag n'ya na sinang-ayunan ko nalang dahil wala naman akong nagagawa.
"Kapatid mo ba talaga si Penny?" Hindi ko mapigilang tanong.
"Nope, sa side ako ng father side, then si Penny ay sa side ng mother side. Naging close lang talaga kami ni Penny, pero lately ayaw n'ya akong kausapin dahil lang sa nakikisama ako sayo."
Nalungkot ako sa sinabi ni Sheena, pati pala ito ay nadadamay sa bangayan namin ni Penny. "Pasenaya kana."
"Ayos lang 'yon. Iba din naman kasi ugali ni Penny sanay na ako, and for sure masasanay ka na din."
"Naku! Sanay naman ako na nilalait, kinukutya, inaalila o inaapi. Ang tiya Rona ko kasi ay masyadong kontrabida sa buhay ko, sama mo na ang mga pinsan-pinsanan ko na kala mo Donya kung makautos. Tinitiis ko na nga lang e, kasi ayaw kong malungkot si Itay at Inay kapag sumama pa ang loob ko kila tiya Rona. Si Penny naman siguro nga makakasanayan ko na din ugali hanggat nag hi-hintay kami ng resulta sa DNA test. Ngunit hindi ko maipapangako kung mapag pa-pasensyahan ko ba ang babaeng 'yon." Napabuntong hininga ako. "Wala pang magawa sa bahay na 'to nakakabagot." Napakalumbaba ako bago naupo na lamang.
"Pwede mo naman akong makausap, friends naman na tayo eh."
Lumawak ang ngiti ko. "Talaga?"
"Oo naman Victoria."
"Ineng nga kasi, mas sanay ako sa tawag na Ineng eh." Pag ta-tama ko.
"Sige Ineng."
Naalala ko 'yung mga nakita kong bakal at bote sa Bodega na alala ko tuloy sila Petit at tatay. "Sheena pwede ko bang hangin nalang ang mga bakal at bote? May pag bi-bigyan lang ako." Pakiusap ko.
"Oo naman Ineng, pero teka sino ba pag bi-bigyan mo?"
Napangiti ako. "Mga kaybigan ko."
Tinulungan ako ni Sheena na iayos ang mga ito at ilabas sa Bodega kaya naman tuwang-tuwa ako. Mamaya ay makikiusap ako kay Mommy na baka pwedeng utusan ang driver nila na i-deliver ang mga naipon kong bote at bakal.
Ang sarap sa pakiramdam na may tinatawag na Mommy.
Ngunit 'yung asawa nito mukhang masungit. Hindi man lang ako pinapansin, parang ayaw sakin? Ok lang hindi ko naman pinipilit sarili ko eh.
Nag paalam si Sheena na maliligo lang dahil na alikabukan s'ya. Ako nga minsan dalawang araw walang ligo-ligo, sayang sa damit at tubig haha. Natigilan ako ng makita sa sala ang tinutukoy kong masungit na parang ayaw sa akin.
Tatawagin ko kaya s'yang Daddy?
Sus! Kakahiya wag nalang baka mamaya mapahiya pa ako. Pasimple akong naupo hindi kalayuan sa tabi n'ya, at hindi rin ako umiimik.
"May picture kaba noong bata ka?"
Nagulat ako sa tanong nito.
"Wala po eh."
"Paanong wala? Lahat ng tao may litrato noong bata pa sila. Sign ba 'to na niloloko mo lang kami, iha? Kasi kung oo mag isip-isip kana. Hindi porket mabait ang asawa ko ay sasamantalahin na ninyo. Ilang beses na kaming naloko, ilang beses na kaming umaasa at tapos ano? Malalaman na naman namin na naloko pala kami." May galit sa pananalita nito habang nakatitig sakin.
Nasasaktan ako kaya naman nag iwas ako ng tingin.
"Wala ho akong litrato kasi mahirap lang ho kami. Hindi po namin kayang bumili ng cellphone. Kasi imbis na ibili po namin ng iba ay ibinibili nalang po namin ng bigas. May tiya po ako pero hindi naman po maayos ang pakikisama nito sa amin nila Itay at Inay. Dalawang matanda lang po nag alaga sakin kahit na hirap na hirap na sila. Imbis na ipang lalaman sakanilang kumakalam na tiyan ibinibili pa po nila ng gatas ko. Alam nyo ho hindi ko rin naman pinagsisiksikan ang sarili ko dito sa pamamahay ninyo, pasensya na ho kayo kung iyon ang iniisip ninyo. Kasi sa totoo lang grabe 'yung sama ng loob ko at iniisip sa mga magulang kong nagawa akong abandonahin. Mas may malasakit pa ho 'yung ibang tao sakin eh."
Hindi ko na hinintay ang sagot nito at iniwan ko na s'ya. Nakakasama s'ya ng loob. Unang-una si Santi ay nag dala sakin dito, pangalawa nag sabi na ako na baka nabibigla lang sila, pangatlo ayaw ko din naman sa mga taong may ayaw sakin.