Hindi ako lumalabas ng kwarto. Kanina nakailang katok na si Sheena, maging si Mommy ay kinatok narin ako. Kaya lang ay ngayon lang ako nag damdam ng ganito, para akong sinugatan sa puso kanina habang nakikita ang galit sa mata n'ya. Gets ko naman na umaasa sila, pero umaasa din naman ako eh. Umaasa akong masasagot ang lahat ng aking tanong kapag napatunayang sila nga ang mga magulang ko.
Kung sana may litrato lang ako na maipapakita. Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kisame at malalim ang iniisip. Paano nga ba ako napunta sa malayong probinsya kung taga manila pala ako? Sinadya ba akong ilayo o aksidente lang talaga ang pagka wala ko?
Ngayon nakakabuo na ako ng haka-haka sa aking isipan. Sabi ay ilang weeks pa daw bago malaman ang DNA kung match nga ito. Kaya ibig sabihin matagal pa akong magtitiis sa mga pag papasaring nila, lalo na si Penny.
"Ineng."
Hindi ako sumagot.
"Ineng ang Daddy Romeo mo ito."
Wow! Ngayon Daddy na daw? Kanina halos ipag tabuyan ako palabas sa buhay nila. Mukhang dahil kay Mommy kaya s'ya nag so-sorry sa akin eh.
"Tulog ho!"
"Ineng pwede ba tayong—" Hindi ko na s'ya pinatapos dahil binuksan ko na ang pinto.
"Hindi nyo naman ho kaylangan humingi ng tawad sa mga nasabi ninyo lalo na at kung napipilitan lang ho kayo." Napaiwas ako ng tingin. Mahinahon lang ang pagsasalita ko dahil ayaw kong mag mataray sa taong 'to. Hindi ako tinuruan na maging bastos sa nakakatanda sakin, pwera nalang sa umaapi sa akin.
Sa buhay kaylangan minsan maging palaban at wag kawawain ang sarili lalo't alam naman nating nasa tama tayo.
"Nope hindi ako napipilitan Ineng. I'm here because I'm guilty sa mga sinabi ko kanina. Hindi ko dapat sinabi 'yon dahil kami pa nga itong nakakabala sa 'yo. Pasensya kana, mapapatawad mo ba ako Ineng?"
May inabot siya na rosas sa akin. Tungkol nga pala sa rosas e, bakit wala pa si Santi? Kanina pa ako nag aabang sa binili n'ya kasi makati na talaga.
"Pintas ko 'yan kaya sariwa."
"Oo nga ho e, makati."
"Ha?" Kunot ang nuo nito.
Napakamot ako sa batok. "Ibig ko pong sabihin e, mabango ang rosas na ito at maganda." Bawi ko.
"May gagawin kaba?"
"Wala naman po," mabilis kong sagot.
"Gusto mo bang sumama sakin? Pwede kitang ilibot sakay ang big bike ko. Alam ko kasi ay matagal ko nang nais itong maranasan sakay ang anak ko."
Napaawang ang aking labi. "Pwede naman ho." Nakaramdam ako ng lungkot habang nakatitig sa mga mata niya. "Pwede ko po kayong tawaging Daddy?"
"Oo naman." Hinaplos n'ya ang aking buhok kaya naman napayuko ako upang hindi niya makita ang nag babadya kong mga luha.
"Alam nyo ho ang totoo ay matagal nang nais maranasan na makasama ang ama't Ina ko. Palagi po kasing ang Lola't Lolo ko ang aking kasama. Iba parin po talaga pag may tinatawag kang Mommy o Daddy, o kaya man ay Mama at Papa."
---------
Sumunod na ako kay Daddy Romeo. Inabot n'ya sakin ang helmet bago ako pinasakay sa likod.
"Kapit." Utos nito bago binuhay ang makina. "Magiging masaya ito, iha." Natutuwang sabi pa nito.
"Kinakabahan ho ako." Pag amin ko.
"Babagalan ko lang wag kang matakot."
Gumaan ang aking pakiramdam sa sinabi niya.
"Ngayon ko na lamang ulit ito nagamit alam mo ba 'yon."
"Ngayon ho alam ko na sinabi mo na po."
Masaya naming nilibot ang may magagandang tanawin. Hinapon na nga kami kaka-rides namin ngunit sobrang saya!
Pag pasok namin ng bahay ay nag tatawanan pa kami ni Daddy Romeo dahil may ikwinento akong nakakatuwang pangyayari sakaniya.
"Mukhang masaya ang gala nyo." Walang amor na tanong ni Penny ngunit hindi ako matignan nito at tanging si Daddy Romeo lang ang tinatapunan ng tingin.
"Ginala ko lamang si Ineng."
"Ako nga Dad hindi mo maisakay sa big bike mo eh."
Ito na naman po kami sa pagiging inggit ni Penny.
"Kamusta ang gala Dad?" Singit ni Sheena upang putulin ang nag babadyang away sa pagitan namin ni Penny.
Nakahanda na sana akong patulan ito.
"Nandito na pala kayo!" Agad akong niyakap ni Mommy. "The food is ready, saktong-sakto lang. Nag enjoy kaba?" Tanong pa ni Mommy kaya napasulyap ako kay Penny na inis na inis na naman.
"Masayang-masaya po. Nandiyan na po ba si Santi?" Tanong ko bago ito hinagilap. Hahanapin ko lang 'yung pinabili ko.
"My God! So insensitive," madiing wika pa ni Penny na ikinagulat ko. "Lahat nalang ba Ineng?" Napairap pa ito.
"Penny nag usap na tayo di'ba?" Sumeryoso si Mommy.
"Ayos lang sanay na po ako, pero mauna na po kayo may gagawin lang ako." Paalam ko.
Napatango naman sila ni Sheena at nauna na sa kusina, si Penny naman ay walk out queen.
"Bakit hindi ka pa—" Hindi ko na pinatapos si Santi sa sinasabi nito.
Kakapasok lang kasi n'ya ng bahay. Agad kong nilahad ang kamay ko upang kuhanin ang mahiwagang pang ahit.
"Ah, the magic shaver." May inabot itong paper bag. "Dinamihan ko na, tumagal ako kasi may dinaanan pa ako." Paliwanag pa n'ya.
"Ayos lang at least dumating makakahinga at makakangiti narin ang rosas." Bulong ko bago ngumiti. "Alam mo sabihin ko kay Penny wag mag selos 'di naman kita type eh." Sabi ko bago nag tungo na sa kusina dahil nagugutom narin ako.