Masaya at magana akong kumain habang si Penny naman ay parang nadidiring nakatingin sa akin kaya naman upang inisin pa s'ya ay mas iningayan ko pa pag nguya ko at sinimot pati buto.
"Kain lang ng kain." Nilagyan ni Mommy ang pinggan ko. "Nakakatuwa kang pag masdan, parang mapaparami din ang kain ko."
"Sabayan nyo na po ako, pero malakas po akong kumain ayos lang po ba?" Nahiya tuloy ako bigla.
"Nahiya ka pa? Gross," napairap si Penny. "Have some good manners sa lahat ng mga bagay na gagawin mo, maging sa pananalita. Nakakahiya kung haharap ka sa mga tao na ganiyan ang asta. Pang palengke ang galawan napaka gaslaw pa."
"Babe," si Santi ang sumaway. "Intindihin natin si Ineng dahil—" Hindi ko s'ya pinatapos.
"Hindi ko kaylangang baguhin sarili ko para lang pumasa ako sa standard na gusto mo, may sarili akong pag i-isip at hindi ko kaylangan ng opinion mo." Mahinahon parin ang sagot ko bago nag patuloy sa pagkain.
"Mommy uuwi pala si tita Monica?" Putol ni Sheena sa tension na namumuo.
Galing talaga ni Sheena mag pakalma ng mga tao.
"Yah, I forgot. Oo nga pala anak," bumaling sa akin si Mommy. "Kapatid ko si tita Monica mo, s'ya ang totoong Ina ni Penny. For sure matutuwa siya sa ibabalita ko."
Napatango ako. "Sana ho mabait." Bulong ko na mukhang hindi naman nila narinig.
Mama pala ni Penny eh. Kaya pala tunog demonyita na agad. Mukhang may kontrabida na naman sa buhay ko, pero keri lang lalaban ako.
Matapos ang dinner ay tinulungan ko si Mommy na mag ligpit.
"Nag bonding na kayo ng Dad mo."
"Ah, opo ang saya nga po eh. Nag rides po kami ang gaganda ng mga tanawin sa pinuntahan namin." Kwento ko habang sinasabon ang mga kinainan namin, si Mommy naman ay pinupunasan ang lamesa.
"Alam mo bang binili n'ya ang big bike na 'yon para sayo."
Ako nga ba talaga?
"Hindi n'ya 'yon sinakyan simula ng mawala ka sa amin anak."
"Pero wala pa po ang resul—" Hindi na ako nakatapos sa sasabihin ko.
"Alam kong ikaw na nga 'yan anak. Ikaw na ang heredera namin at ang nag i-isang anak namin hindi mo kaylangan pag dudahan ang iyong sarili."
"Gustong-gusto ko din po na kayo nalang ang pamilya ko."
"Pamilya mo na kami kahit anong maging resulta ng lahat. Hindi mag ba-bago ang pag tingin at trato namin sayo Victoria." Mula sa likod ko ay niyakap ako ni Mommy. "Napakagandang pangalan naman ang ibinigay nila sayo, at sobrang nag pa-pasalamat ako na mag kumukop sayo anak. Sinong mag a-akalang sa tagal na panahon ka naming hinanap si Santi lang pala ang makakapag balik sayo sa amin?"
"Si Santi ipapakulong pa nga po n'ya ako kasi akala n'ya magnanakaw ako," natatawang kwento ko kahit na may luha na talaga ako dahil sa sayang nadarama ko ngayon. "Mabait po siyang tao kita ko 'yon sa mga mata n'ya kahit na masungit din s'ya talaga."
"Ang Daddy mo din naman ay masungit anak halos pag lalaki talaga may kasungitan na taglay." Sang-ayon ni Mommy.
Matapos mag hugas ay nag paalam na ako. Nauna nang umakyat si Mommy dahil kanina pa daw nag hi-hintay si Daddy. Ako naman ay lumabas pa upang ibigay sa asong gala ang natira namin na inipon ko. Nakakita kasi ako ng aspin kanina na nasa tapat ng gate kaya naman umasa akong nadoon pa ito.
Ngunit bago pa ako makalabas ay narinig ko ang malakas na boses ni Penny. Mukhang nag tatalo sila ni Santi, agad akong nag tago upang makinig.
"Bida-bida talaga ang bwiset na 'yon! Ito gusto mo Santi? Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko dito sa bahay, para akong walang papel dito. Kahit ilang taon pa guguluhin ko para ako 'yung maging number one wala pa din. Dami kong achievements pero wala pa din! Ang anak parin nila ang nasa puso't isipan nila."
"Penny ano bang pinuputok ng butchi mo? Anak nila 'yon, they deserve to know the truth. Ngayon na nag bunga na pag ti-tiyaga nila dapat maging masaya tayo." Paliwanag naman ni Santi.
"No! I can't be happy for them. Hindi ko magawang maging masaya sa tuwing maiisip na etchapuwera ja ako. Dapat hindi na s'ya bumalik Santi, it's all your fault. I hate you."
"It's my job Penny. Hindi ko sinasali ang personal life ko sa trabaho ko, ok? It seems you have problems with that, maybe let's stop this toxic relationship."
Nanlaki ang mata ko ng papasok na si Penny. Kaya naman agad akong nag tago, at pag tapos ay lumabas upang sundan si Santi.
"Psst," paswit ko. "Santi sandali lang."
"What?"
"Magiging maayos din kayo, baka parehas lang mainit ulo ninyo."
"Wala kang alam."
"Narinig ko, sorry marites lang." Tinapik ko ang balikat niya. "Mukhang mahal ka naman ni Penny baka naguguluhan lang." Payo ko pa bago hinagilap 'yung asong gala. "Nandiyan kalang pala. Halika may dala akong pagkain." Inilapag ko ang pakainan na may laman.
Akala ko umalis na si Santi pero pinag mamasdan pala n'ya ako.
"Hala ka! Type mo 'ko noh? Matunaw ako ha." Natatawang sabi ko pa. "Single ako pero ayaw ko pa mag boyfriend, baka mabuntis lang ako."
Napakunot ang nuo ni Santi. "Pinagsasasabi mo? Baliw." Naiiling nito sabi bago umalis na.
Ano bang mali sa sinabi ko? Mas maganda na advance kaysa sa late mag isip.