Parang ang tahimik sa mansion umagang-umaga. Hinagilap ko si Sheena ngunit wala ito, si Mommy lang nakita ko. Si Daddy Romeo naman daw ay may pinuntahan kaya maagang umalis. Habang si Penny ay mukhang tulog pa. Bampira yata 'yon, sa gabi gising, sa umaga tulog.
"Magandang umaga!" Masiglang bati ko.
"Magandang umaga anak." May ngiti sa labi na bati rin nito. "Tikman mo nga ito tapos ay sabihin mo ang lasa."
Isinubo ko ang cupcake ng isang buo kaya naman punong-puno ang bibig ko.
"Mabulunan ka." May inabot siyang tubig sa akin.
"Masarap po!" Nag thumbs up pa ako.
Ngunit nawala ang ngiti ko ng sumulpot si Penny bigla na sinabangot na naman ang mukha, parang laging galit 'tong taong 'to. Hirap pakisamahan kada galaw ko kinakagalit na. Kahit nga yata pag hinga ko ayaw n'ya.
"Magandang araw Penny." Bati ko parin upang hindi naman n'ya masabing masama ugali ko at asal palengkera daw.
S'ya 'tong edukada pero ang kitid ng utak.
"Anong maganda sa umaga kung panay nalang ikaw nakikita ko? Sakit sa mata ng mga ambisyosa." Pag ta-taray nito na isinawalang bahala ko nalang ngunit si Mommy ay hindi sang-ayon.
"Umagang-umaga ganiyan asal mo Penny. I don't know what's wrong with you, pero anak ituring mo naman na kapamilya si Ineng. Nandoon na nga tayo sa concern ka at naninigurado pero anak ganiyan kaba talaga makisama sa kapwa mo? Hindi ka namin pinalaking ganiyan Penny, for sure maging ang Mommy mo ay hindi papayagan ang asal mo." Pangaral ni Mommy kaya natahimik si Penny.
"Pasensya na Mom, si Santi kasi nag away kami kagabi eh. Parang nagiging malabo na," napasulyap s'ya sakin na parang ako ang sinisisi.
Lah? Ako ba? Ako sinisisi n'ya? Hindi ko naman nilalandi si Santi.
"Hayaan mo muna makapag isip tiyak na magiging maayos din kayo. Penny anak, malapit na ang kasal ninyo nakakalungkot naman kung magiging ganito kayo palagi."
Tumango lang ito bago kami iniwan. Bumalik na kami sa pag titikim nang mga cupcakes na talaga namang masasarap. Dahil madami naman ito ay hindi na ako nahiya pang humingi para ibigay kila Petit.
"Pwede po ba akong mag dala nito kila Petit at tatay? Pati ho pala 'yung inipon kong bote at bakal na nasa Bodega, si Sheena po tumulong sa akin gusto ko po sanang dalhin sakanila.
"Pwede naman anak, no problem. Sandali tatawagin ko lang si Manong para ihatid ka. Hindi muna ako makakasama anak dahil ihahanda ko pa ang lunch ng Daddy mo eh."
"Ayos lang po walang problema sakin 'yon saglit lang din naman po ako."
Kita kong bihis na bihis si Penny. Kasalukuyan kong hinihintay si Manong na sasama sa akin.
"Saan ka punta?" Tanong ko sakaniya.
"That's none of your business," mataray nitong sagot bago ako inirapan. "My God! Manong make it fast ang bagal ha! Kupad kupad naiirita na ako!" Sigaw pa nito.
"Ihahatid ako ni Manong eh." Sabat ko.
"Stupida ka talaga e, noh?" May kahinaan lang ang boses nito nag i-ingat na baka marinig ni Mommy. "Intrimitida kang pulubi ka." Mapang insultong sabi pa n'ya.
At dahil diyan ay mas lalo ko siyang aasarin. Ngumiti ako at hinarap si Penny. "Kapag nagka taon na ako ang anak, baka tumalsik kana sa pamamahay na 'to Penny kaya inagtan mo sinasabi mo sakin."
"That's not gonna happen Ineng na aneng kaya wag kang pakasisiguro." Tila ba may pag ba-banta ito.
"Kilala ako ng mga magulang ko. Una palang dapat ramdam na nilang hindi ako, pero maging ako Penny malakas ang pakiramdam ko na sila ang mga magulang ko."
"DNA test lang ang kaylangan Ineng, at kapag negative ipapahiya kita at sisirain ko ang buhay mo."
Binangga n'ya ng bahagya ang balikat ko. "Hindi mo kilala binabangga mo."
Sus! S'ya nga bumangga sakin eh.
"Kapag ako ang tunay na anak nila ikaw ang aalis sa bahay na 'to at sa buhay namin." Sagot ko na ikinapanlaki ng kaniyang mata.