Chapter 14

806 Words
Agad kaming umayos ng makita naming pababa na si Mommy sa hagdan na may malawak na ngiti. Ayaw ko din naman na palagi nalang taga saway si Mommy nahihiya na din ako, baka isipin pa nila na lumalaki ang ulo ko at palaaway ako. "Penny si Ineng muna ang ihahatid ni Manong, then pwede ka namang sumabay." Napapalatak ito at napairap na naman. "Mom ako pa ba mag a-adjust? Mga pulubing tao lang naman pupuntahan n'ya pwede s'yang mag commute if she wants. Hindi ako pwedeng ma-late Mommy." "Penny alam mo namang bagong salta lang si Ineng kaya hindi pa n'ya—" Hindi na nakatapos si Mommy sa pinapaliwanag nito ng inis na sumigaw si Penny. Nababaliw na talaga ang isang 'to. "Sige ho mamamasahe nalang ako." Ngumiti ako bago binitbit ang paper bag na may lamang cupcakes na si Mommy mismo ang gumawa. Ipagmamalaki ko kay Petit ito. Parehas kaming first time makatikim nito eh. Palagi kasing biscuits lang ang natitikman ko, mura lang kasi. "Fine! Hindi naman ako mananalo eh." "Ako na mag hahatid kay Ineng." Alok ni Santi na kakasulpot lang at mukhang inabutan ang pag tatalo namin tungkol sa kung sino ang ihahatid ni Manong. Tiyak laking selos na naman ni Penny nito. "Ayan naman pala si Santi. Thanks Santi, you saved this not so important argument." Napasulyap si Mommy kay Penny na parang pinapagalitan ito sa tingin. "Yah, buti nalang dumating si—" Hindi na nakatapos si Penny. "Let's go Ineng." Aya n'ya sakin bago kinuha ang hawak ko. "Tita mauna na po kami, ako na po bahala sumama kay Ineng." Paalam pa nito. Napasulyap muna ako kay Penny na napahiya dahil akala n'ya s'ya ang ihahatid ni Santi. Ako din naman nagulat eh. Kasi nga pala mag kaaway sila hindi narin nakakapagtaka kung hindi pa sila ok. Basta wala akong kinalaman sa away nila tahimik lang ako dito. Sabi ni Itay at Inay maging mabait ako kahit na gaano pa kalupit ang mga tao sa akin, pero dahil wala na sila medyo susuway ako. Para sakin hindi dapat natin hinahayaan 'yung mga tao na tapak-tapakan nalang tayo at alipustahin lalo na at wala namang ambag sa buhay natin. Katahimikan ang namayani sa amin sa loob ng sasakyan. Napasulyap ako kay Santi na walang imik kanina pa, malapit na kami kila Petit ay wala pa din siyang imik. Napapanis na laway ko kaya naman hindi na ako makatiis. "Problema mo?" Hindi ito sumagot. "Wala na ba talaga kayo?" Usisa ko pa. "Ineng can you just stop bothering me? I'm trying to focus here," sagot nito habang sa daan parin ang tingin. "Napakakulit mo." Dagdag pa nito. "May gusto kasi akong i-kwento." Napasulyap ito sakin bago muling ibinalik sa daan ang tingin. "Ano ba 'yon?" "Kasi nung nasa probinsya ako alam mo bang para akong si Cinderella." "Why?" Tila ba bagot na bagot ito. "Kasi alipin ako ng mga bruhilda kong pinsan-pinsanan at 'yung tiya Rona ko. Sana lang nasa mabuting lagay parin sila. Ayaw ko naman magalit sakanila 'di ako ganung tao. Alam mo ba sa kariton lang sana ako matutulog eh. Mabuti nalang inampon ako nila Petit kaya nga binabalik ko mga nagawa nilang pag tulong sakin." Kwento ko pa. "Kuntento kana ba sa buhay mo kung sakaling hindi kita nakilala?" Biglang sumeryoso kaming dalawa. "Kuntento naman ako sa kung anong mayroon ako, pero sino ba namang tao ang hindi nag hangad umangat sa buhay? Ang tanging gusto ko lang talaga makilala ang tunay kong pamilya. Hindi ko naman inaasahan na sa mayamang pamilya ako magiging konektado." "Ineng pakatatag ka. May kakaiba talaga akong nararamdaman na hindi maganda, maging alisto ka at wag ta-t*nga t*nga. Minsan 'yung kalaban hindi natin namamalayan na nalingkis na pala tayo. Trinatrabaho ko na Ineng kung anong nangyari, o kung bakit ka nawala. Maging ako siguradong ikaw na nga ang batang matagal na nilang hinahanap kaya ano man ang sabihin nila wag kang papayag na matalo. I'm helping you because you deserve to know who you really are. Hindi ako masamang tao para ipagkait 'yon." "Bakit mo sinasabi sakin 'to?" "Dahil gusto kitang tulungan that's all. Huwag kang mag expect ng iba Ineng." "Huy! Hindi naman ako feelingera." Depensa ko. "Nobya mo si Penny, baka magalit na naman 'yon sayo." "Tapos na kami ni Penny. Sawa na akong intindihin s'ya, so stop asking me." Bigla na naman itong sumungit. "Ok master." Naiiling kong sagot bago ngumiti. "Ngingiti ka sayang kagandahang lalaki." Dagdag ko pa. "I don't smile lalo na at hindi ko naman close." Pambabara n'ya na tagos sa buto ko pero malayo sa bituka. "Edi maging close tayo!" Natatawang sagot ko. "Pero seryoso Santi." Napangiti ako sakaniya. "Ang laki ng tulong mo sa paghahanap ko sa tunay kong pamilya, at dahil diyan pinapatawad na kita kahit na muntik mo na akong ipakulong."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD