"Daldal mo."
Tumahik na ako at hindi na nag salita pa. Mukhang wala naman siyang interest na makinig sa buhay ko kaya tatahimik nalang ako. Nakarating na kami kila Petit, mabuti nalang at nandoon sila. Wala silang raket siguro ngayon kaya naman sa bahay lang sila ni tatay.
"Petit!" Kumaway ako sakanila bago masayang lumapit. "May pasalubong ako sobrang sarap tikman mo dali!"
"Nag abala ka pa Ineng." Si tatay na kakasulpot lang. "Ano pala itong mga dala mo pa?"
Napasulyap ako sa mga kalakal. "Benta nyo ho tatay, sayang naman kasi naimbak lang lahat sa Bodega. Marami pa ho sila pag papalitan kaya naman marami pa akong madadala sa susunod na dalaw ko."Paliwanag ko bago may inabot na cupcake. "Gawa ho iyan ni Mommy." Proud kong sabi.
"Ok na ba, iha? Napatunayan ba ang sila ang mga tunay mong pamilya?" Nasisiyahang tanong ni tatay.
"Hinihintay pa po ang DNA pero nararamdaman kong sigurado na ako." Sagot ko bago napasulyap kay Santi na tahimik lang. "Si Santi nga po pala, abogado po siya sa pamilyang tinitithan ko po." Pakilala ko.
"Kamusta ho?" Nahihiyang bati nito bago nakipag kamay kay tatay.
"Maraming salamat sa pag tulong mo sa batang ito." Napasulyap sakin si tatay. "Awang-awa kasi kami ng anak ko sakaniya dahil wala na siyang pamilya. Ang totoo ay nakipag sapalaran lamang siya dito sa manila kaya sana ay wag mong pabayaan si Ineng."
Kamuntik pa akong maluha sa bilin ni tatay.
"Kapag po napatunayan na kukuhanin ko ho kayo." Pangako ko na ikinangiti ni tatay. "Totoo po! Pangako na kukuhanin ko po kayo ni Petit."
"Anak bawiin mo ang oras ninyo ng pamilya mo. Hindi pa naman huli ang lahat, kami naman ni Petit at palagi lang nandito."
Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko kay tatay. Ilang sandali pa ay nag paalam na kami dahil saglit lang ang paalam ko kay Mommy. Gusto kong abutan si Daddy Romeo at makasabay sila sa hapag kainan.
Papasok na ako sa kotse ng bigla nalang may tumanang bato sa bandang balakang ko. May riot pala na nagaganap kaya naman agad akong pinapasok ni Santi sa kotse at minaneho na ito. Kahit nakalayo na kami ay mabilis parin ang patakbo n'ya kaya naman sinaway ko na s'ya. Malakas ang pagkaka tama ng bato sakin kaya naman napadaing ako sa sakit. Kitang-kita agad ang pasa nito.
"Dumiretso na tayo sa hospital." Seryosong wika ni Santi na agad kong inilingan.
"Sa bahay nalang malayo naman ito sa bituka." Ngunit napapangiwi ako. "Para akong sumugod sa gera na walang Armas na dala." Naiiling ko pang sambit. "Ang sakit ng pagkakabato."
Nakarating na kami sa bahay. Yayakapin sana ako ni Mommy ng mag salita agad ako. "May pasa ako dito Mommy," turo ko. "Natamaab po 'ko ng bato."
"Sandali lang kukunin ko lang ang first aid kit. May iapapakita pa naman sana akong litrato mo nung baby ka, tsaka nung nasa tiyan pa kita."
Napatikom ang labi ko, si Santi naman ay tahimik lang nakamasid.
Hindi ko alam ang itsura ko nung bata ako. Wala kasi talaga akong litrato dahil sa sobrang hirap ng buhay hindi namin kayang bumili ng kung ano, mas priority nakin ang bigas.
Bahayang itinaas ni Mommy ang damit ko upang hanapin ang may pasa ng mabitawag n'ya ang hawak niyang alcohol.
"Oh my God! Santi!"
"Po?"
Ako ay napakunot narin ang kilay.
"Hindi na kaylangan ng DNA. Kilalang-kilala ko ang balat na 'to si Ineng nga ang nawawala naming anak!" Napahagulhol na ito kaya naman napatulala ako.
Ang balat kong hugis puso.
"What's wrong Mom?" Si Penny na nandito narin pala.
"Honey," tawag naman ni Daddy Romeo.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Inaasahan ko na 'to pero iba parin pala talaga sa pakiramdam kapag 'yung mga magulang mo masaya at umiiyak. Ramdam na ramdam ko 'yung pangungulila nila.
"Ikaw nga." Lumuluha narin si Daddy Romeo.
"Kayo nga ho ang nga magulang k-ko?" Hindi ako makapaniwala.
Niyakap ako ni Daddy Romeo. Isang yakap mula sa amang napakatagal nang nangungulila sakaniyang anak.
Kita ko ang reaction ni Penny na gulat na gulat din. "Are you guys sure na s'ya 'yung—"
"Yes she is," si Daddy na ang sumagot. "Bukod sa kwintas ay isa pang palatandaan namin ang balat. Bakit nga ba hindi natin agad ito naisip?"
"Nawala din sa loob ko ang balat n'ya honey." Si Mommy ang sumagot. "And now na sigurado na tayong s'ya ang anak natin. Nais kong mag focus naman tayo upang hanapin ang taong nag layo sa ating anak. Ang nag i-isa nating heredera."
Akala yata ni Penny ay nakalimot ako sa sinabi n'ya. Napatitig ako dito bago ngumiti.