Isang bonggang party ang hinahanda nila Mom and Dad para sakin. Hindi ko pa tuloy mapuntahan sila Petiti para ibalita sana kasi kaylangan kong mag ayos at ihanda ang aking sarili.
Ipapakilala daw nila ako sa mga kaybigan nila, sa business partner at sa lahat ng tao upang makilala ako at malaman na nakabalik na.
"Kinakabahan kaba anak?" Hinaplos ni Mommy ang buhok ko habang nakaharap ako sa salamin. May baklang nag-aayos sa 'kin.
Madami daw kasi akong haharaping mga bigating tao kaya naman nais nilang maging maayos ako. Akala ko nga ay pwede kahit mag daster lang ako tutal ay nasa bahay pang naman.
"Sobra po." Pag amin ko ngunit may ngiti pa din sa aking labi. "Ano na pong gagawin ko ngayong alam nyo na pong ako ang nawawala ninyong anak?"
"Anak wala kang kaylangang gawin. Ikaw ang mag mamana ng lahat nang aming pag-aari. Walang sino man ang tatapak at lalait sa 'yo. Isa kang Costello, at ang mga Costello ay matatapang."
.Kaya pala malakas loob ko.
"Paano po kung may nag utos talaga na ilayo ako? Natatakot po akong mailayo na naman sa inyo ni Dad."
"Shhhh," niyakap ako ni Mommy. "Kahit anong mangyari hindi na kami papayag na mawala ka pa anak. Ginagawan na ng paraan ni Daddy mo ang imbestigasyon. May bodyguards narin kaming kinuha upang mag bantay at promotekta sayo."
Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Mommy. "Mahal na mahal ko po kayo."
"Tama ang desisyon namin ng Dad mo na hindi tumigil kakahanap sa 'yo anak. Lahat ay nag bunga na ang pag ti-tiyaga namin." Naluluha na si Mommy kaya naman pakiramdam ko ilang segundo nalang ay papatak narin ang aking mga luha.
"Pero si Penny po, baka nag se-selos na s'ya dahil na sakin na po lahat ng atensyon ninyo."
"Anak walang sino man ang may karapatang umalipusta sa 'yo. You're the real heiress, at maging si Penny hindi ka maaring question-in. Alam naman ni Penny na matagal na kaming nangungulila sa 'yo." Paliwanag ni Mommy na ikinatango ko.
Iniwan na muna n'ya ako upang maituloy na ang pag a-ayos sa 'kin. Nakaramdam ako ng gutom dahil hindi nga pala ako nag almusal. Nag paalam ako sa nag aayos sakin na lalabas lang muna. Hahanapin ko si Santi upang makisuyo, busy kasi ang mga kasambahay dahil sa paghahanda ayaw ko naman nang makisali pa.
"Uy! Santi nandito kalang pa—" Hindi na ako nakatapos sa sinasabi ko ng mag salita na s'ya na puno ng pagtataka.
"Who are you again?"
Lah? Parang timang haha. Sobrang ganda ko yata kaya nakalimutan na ako.
"Alam ko naman na—" Hindi na naman n'ya ako pinayari.
Ang bastos grabe!
"Nag mukha ka kasing tao."
Sabi pa nito na ikinasimangot ko.
"Talaga ba?" Lumapit ako at mas inilapit ang mukha ko. "Hindi ako maganda dati?" Nang-aasar na tanong ko.
Napakunot ang kaniyang kilay. "Ineng stop teasing me," saway n'ya. "Ano ba kaylangan mo?" Tanong pa n'ya.
"Nagugutom kasi ako, baka naman pwede mo 'kong ibili kahit isaw lang, o kaya ay kwek-kwek." Pakiusap ko.
"Sige." Tumalikod na s'ya at akmang hahakbang palabas ng muli siyang humarap sakin. "For real," napabuntong hininga si Santi habang ako ay titig na titig na sakaniya. "Ang ganda mo." Tumalikod na ito at mabilis na lumabas.
"Salamat!" Sigaw ko habang natatawa.
Pabalik na sana ako sa make-up room ng masalubong ko si Penny na masama na naman ang mukha.
"Trying hard maging mayaman mukha parin namang palengkera." Bulong pa nito na ikinagiti ko.
"May naalala pala ako Penny kaya lang busy pa kasi kaya hindi kita maharap. May usapan tayo di'ba? Ngayon kaya na talaga kitang palayasin sa pamamahay ko," madiing wika ko. "Ang tinutungtung-an mo ay pag mamay-ari ko Penny."
"Ang yabang," pagak itong tumawa.
"Hindi ako mayabang," ngumiti ako ng malawak. "Pinapamukha ko lang sayo kung anong lugar mo sa bahay na 'to kumpara sakin. Minamaliit mo 'ko? Bakit anong karapatan mo? Penny ikaw ang dapat makisama hindi ako."
Nilampasan ko na s'ya ngunit narinig ko pa ang sinabi n'ya.
"Pwes, wag mong agawin nobyo ko."
Natawa ako. "Si Santi? Akala ko ba wala na kayo? At tsaka wala akong balak mang agaw, si Santi talian mo wag ako." Sagot ko bago tuluyan siyang iniwan.