CHAPTER 17

712 Words
Ang daming tao. Hindi naman ako sanay sa ganito ka-bongga na party kasi laking probinsya ako. Simple lang kami duon walang arte. Pinalaki ako ni Itay at Inay na wag maging maarte at makuntento sa kung anong mayroon ako. Hindi ko lang talaga inaasahan na mayaman pala ang mga totoo kong magulang, pero sobrang pasasalamat ko parin sa mga taong nag alaga at tumulong sa 'kin. Nais kong bumalik duon upang ayusin ang pinag libingan kay Inay at Itay nais kong kahit 'yung nililibingan nalang nila ay maging maayos naman. Ano kayang magiging reaksyon ni tiya Rona? Lagi niyang sinasabi dati na wala akong mararating. Wala akong silbi at bastarda lang ako. Sa loob ng mahabang panahon inakala kong sila talaga ang tunay kong pamilya kaya ang sama-sama ng loob ko sa tuwing mararamdaman na iba talaga ang trato nila sa akin. Ngunit ngayon ay na i-intindihan ko na. Wala na akong sama ng loob sakanila. Totoo nga na hindi sa lahat ng oras ay tinatapakpakan ka, may pagkakataon na i-aangat tayo. Maging matiisin, mayitaga, masipag at maging mabuting tao lang tayo ay may darating na magandang pangyayari sa atin. Ngayon ay na i-intindihan ko na ang mga pangaral ni Itay at Inay. Ngunit alam kong maliit parin ang tingin ng ibang tao sa 'kin dahil wala naman akong tinapos. Gaya na lamang ng tingin ni Penny sa akin. Isa akong pabigat at asa sa magulang ko, pero mag ba-bago 'yon. Nais kong ayusin ang aking sarili at matutuhan ang bagay na dapat kong i-apply sa aking sarili. Ayaw kong maging tampulan ng tukso ang pamilya ko. "Ito na pagkain mo." Tapos na akong ayusan. Hinihintay ko na lamang na dumating ang lahat ng mga bisita bago ako ipakilala nila Mom and Dad. "Salamat Santi, maasahan ka talaga." Ngumiti ako at nag simulang lantakan ang tinapay na bigay n'ya. "Dahan-dahan sa pagkain mamaya madumihan ka, puti pa naman gown mo." Saway n'ya. "Nakakainis nga eh." Reklamo ko. "Para akong ikakasal sa suot ko, kung pwede sanang simple nalang." Napasibangot ako. "Victoria hindi kana basta-bastang tao lang ngayon." "Edi ano na pala ako?" Bahagya akong nagulat. "Alien na ako?" Natatawang tanong ko pa. "Masanay kana rin na Victoria ang tawag sa 'yo. Isa kang heredera, isa kang Costello." Napatango ako. "Isa akong tao," dagdag ko pa. Naalala ko bigla banggaan namin ni Penny kanina. "Santi hindi mo na ba talaga babalikan si Penny? Mukhang broken na broken eh. Pinapalayuan ka sakin kahit wala naman akong ginagawa." Sumbong ko pa. "Pero hindi naman n'ya ako masaktan lumalalaban ako eh." "Ayaw kong pag-usapan s'ya." Malamig na sagot ni Santi na ikinakunot ng nuo ko. "Mukhang broken ka din. Bakit nyo naman kasi papahirapan—" Natigilan ako ng mag salita siya. "Lumabas kana nag start na." Inagaw n'ya ang tinapay sa akin kahit na hindi pa ako tapos. "Bumawi kana lamang after ng pagpapakilala." Dagdag pa n'ya kaya naman napatango nalang ako. Ngunit bago ako lumabas sa ng room ay isang yakap ang iginawad ko kay Santi. "Habang buhay akong mag papasalamat sayo dahil napakalaki ng tulong mo para mahanap ang mga tunay kong magulang. Nahanap nila ako at nahanap ko sila, at dahil 'yon sayo Santi." Lumabas na ako ng may kaba sa aking dibdib. Inabot ni Mommy ang aking kamay habang si Dad naman ay masayang nakatitig sa akin. Si Sheena naman ang nagsasalita habang may malawak na ngiti din sa labi. "Ladies and gentlemen, good evening to all of you." Bati ni Sheena. "Good evening Mom and Dad," baling niya kay Mom and Dad. "Salamat sa mga pumunta sa party ng kapatid ko. Salamat sa pakikiisa sa amin. Kaya naman hindi po namin ito patatagalin pa. Nais po naming ipakilala sa inyong lahat ang nag i-isang heredera, at nag i-isang anak ni Mrs. and Mr. Costello. Nawala siya noong baby dahil sa isamg insedente, at sa tagal ng paghahanap ay natupad na ang matagal nang dasal at hiling ng aming pamilya. Let's all welcome Victoria Costello!" Nag palakpakan ang mga bisita habang ako naman ay inakay ni Dad. Ibinigay ni Sheena sa akin ang mic. Nanginginig pa ang kamay ko habang pabalik-balik ang tingin sakanila. Hindi ko alam ang sasabihin, pero isa lang ang nararamdaman ko sa gabing ito. Napakasaya sa pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD