I Ipinakilala s'ya nila tita sa nga bisita habang ako ay nakamasid lang at masaya para sakaniya. Victoria deserve this happiness, at walang karapatan ang kahit na sino mang pigilan s'ya. The real heiress is back, for sure susunod na gagawin ng mga magulang n'ya ay sanayin at turuan siyang makisama sa mayayamang tao ng may tamang etiquette at attitude. Fast learner si Victoria kaya naman madali lang n'ya itong matutuhan.
"Do you like her?"
Napabaling ako kay Penny na bigla na lamang sumulpot.
"No." Tipid kong sagot.
"Then why are you helping her? Santi ako nobya mo, dapat ako ang pinapanigan mo."
Ito na naman kami sa pag-aaway. Tama narin siguro talaga na tinapos ko na ang lahat sa aming dalawa.
"Hindi ka masamang tao Penny."
"Pero dahil sa ginagawa mo 'ko tinutulak mo ako maging masama Santi."
"Hindi na ikaw 'yung Penny na kilala ko." Napairap ako bago akmang lalampasan s'ya ng hawakan n'ya ako sa braso. "Penny bitaw." Malamig kong utos habang iwas ang tingin sakaniya.
"I can't let you go Santi. Don't leave me, balikan mo na 'ko. Hindi ko kayang makita na nahuhulog ka sa iba. Sa akin kalang dapat, tayo dapat. Hindi na ako magagalit sa 'yo. Akong bahala kay Mom hindi ka n'ya mapagsasalitaan ng masama dahil ipag tatanggol kita."
Tinutukoy n'ya ang totoo niyang Ina.
Palagay ko talaga'y may kinalaman ito sa pag kawala ni Victoria. Mahirap lang mambintang ng walang ibesensya.
"Too late Penny, I'm done. Ayaw ko na sa toxic na relasyon natin. Wala akong gustong babae for now dahil focus ako sa mga importanteng bagay." Paliwanag ko bago ako na mismo nag alis sakaniyang kamay.
"I'm willing to give up everything Santi just for you. Kaya wag mo 'kong iwan, please? Suko na ako. Wala na akong pake kay Ineng hindi ko na s'ya aawayin."
"Pasensya na Penny." Iniwan ko na s'ya at nag tungo sa restroom.
Napatitig ako sa salamin. Minahal ko naman si Penny, in fact totoong nais kong mag settled down na because if her, pero mabilis nag laho ang lahat ng pagmamahal na 'yon dahil sa asal n'ya.
Kasakiman ang nakikita ko sa mata n'ya sa tuwing titigan ko ito. Imbis na maging masaya dahil matagal na nawalay si Victoria ay galit na galit s'ya, tipong parang may inagaw na napakahalagang bagay sakaniya si Victoria.
Matapos kong manatili ng ilang minuto sa restroom ay lumabas na 'ko. Hinarang ko ang waiter na nag lilibot upang mag salin ng champagne. Pinasalinan ko ang akong wine glass bago akmang iinom ng makita kong palapit sakin si tita, ang ina ni Penny.
Mukhang kadarating lang n'ya.
"Good evening po."
"Follow me, may pag u-usapan tayo." Seryosong utos n'ya na agad kong sinunod.
Nag tungo kami sa labas, sa may garden. Walang tao dahil nasa loob lahat ng bahay.
"Bakit po ninyo ako—" Hindi na ako nakatapos sa tinatanong ko ng sampalin n'ya ako dahilan para matigilan ako at mapabaling ang mukha ko.
Mukhang bumakat ang sampal n'ya ngunit hindi ko ito ininda.
"Wala kang utang na loob Santi!" Madiin ang pananalita n'ya. "How dare you!" Dinuro pa n'ya ako ng mukaan. "Tinulungan kita na maging lawyer sa kapatid ko, mataas ang pwesto mo at malaki ang sahod mo that's why you're so wealthy now. Nabibili ang gusto, nobya ang anak ko at naibibigay ang pangangaylangan mo sa pamilya mo. Samantalang noon ay nag si-simula ka pa lamang sinong gumabay at tumulong sayo Santi?" Panunumbat n'ya sakin.
"Kayo po." Magalang parin ang sagot ko.
"Exactly Santi! Ako! Ako lang naman, and yet tinalo mo parin ako? Sarili kong tao ininsulto ako at ang anak ko?" Pagak siyang tumawa. "Nakiusap anak ko na wag mong ituloy ang paghahanap pero anong ginawa mo? Galing-galingan ka Santi? Ngayon mag durusa na ang anak ko at mawawalan ng mana dahil sa kat*ngahan mo! Ang t*nga lang!"
"Hindi ako mali at hindi ako t*nga ma'am." Depensa ko bago siya seryosong tinitigan. "Trabaho ko 'yon at ginawa ko ang nararapat. Si Victoria naman talaga ang tunay na heiress kaya ano hong ikinagagalit mo? Magalit ka kung mali ang nahanap ko, pero nakakapag takang tiyahin ka n'ya ay galit na galit ka din? May malalim na dahilan pa ho ba bukod sa manang nais mong mapasakamay ni Penny?"
Napaawang ang kaniyang labi. "Wala kang karapatan i-question ako Santi. You don't know nothing," mataray nitong sagot.
"For now ma'am I know nothing, pero soon. Malalaman ko din ho ang totoong pangyayari sa kaso ni Victoria." Akmang tatalikod na ako ng may makalimutan akong sabihin. "Wala na din kami ni Penny kaya hindi na ako konektado sa inyo. Trabaho nalang ang dahilan why I'm still here."
Nilampasan ko na s'ya at hindi na nilingon pa.