Chapter. 19

787 Words
"This is your tita." Tumango ako at ngumiti. "Ikaw po ba ang totoong Mommy ni Penny? Ikinagagalak ko po kayong makilala." Inabot ko ang aking kamay. Nahagip ng mata ko si Santi na mukhang pauwi na kaya naman mabilis akong nag paalam sakanila. "Mom and Dad, mauna na po ako. Tita pasensya na po pero may puntahan lang po 'ko." Paalam ko bago tumakbo. "Huwag tumakbo madapa ka!" Rinig ko pang sigaw ni Mom na hindi ko pinansin. Hindi maman kasi ako nakaheels, sapatos ang suot ko dahil mahaba naman ang gown ko kaya hindi kita. Hinabol ko din si Santi dahil s'ya lang ang hindi nag sayaw sa akin kanina sa party. Akala ko ba naman may balak siyang i-sayaw ako. "Uuwi kana?" Biglang tanong ko ng akmang lalabas na s'ya sa gate. "Yeah, why?" "Hindi pa nga kita nakitang kumain eh. Pasok ka muna samahan mo 'kong lantakan mga pagkain doon." Aya ko. "Kaylangan ka nila kaya bumalik kana." Utos n'ya imbis na sumagot sa sinabi ko. "Hindi kana mapipigilan?" Pangungulit ko pa. "Mamaya kana umuwi. Nakakabagot naman kasi e, puro nalang pakilala. Wala akong makausap na ka-vibes ko. Si Sheena sana kaya lang busy din sa ibang mga tao, si Penny naman palagi kaming mag kaaway, si tita naman kausapi sila Mom and Dad. "Anong gusto mong gawin ko?" Walang emosyong tanong nito bago napahilamos. "Ewan, pero pwede rin na maupo tayo sa harap ng kotse mo at manuod ng babagsak na bituin o kaya paramihan ng bilang." Hamon ko pa. "Bahal ka." Tumalikod na s'ya. Akala ko aalis na talaga s'ya ngunit naupo siya sa harap ng kotse kaya naman nakupo na din ako. Nag laho lang naman ang ngiti ko sa labi ng makita ko ang pisnge niyang tila ba may magiging pasa. "Napano 'to?" Gulat kong tanong. "Wala nagasgas lang." Hindi iyon makukuha sa gasgas. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Kahit naman wala akong alam sa kung ano-ano marunong akong kumilatis. Hindi 'yan dahil kung saan lang. Ang ganiyang kalaking mag pa-pasa ay sinadya." Paliwanag ko. "Kulit mo talaga." Napailing siya. "Sige na pasok na, uuwi na ako." "Nandito kalang pala Victoria, tama ba?" Sabay kaming napalingon ni Santi sa lalaking bigla nalang sumulpot. "Oho ako nga, bakit?" "Tawag kana ng Mom and Dad mo." "Bakit daw?" Napakamot sa batok ang binata bago nag kibit balikat. "Sino ka pala?" Muling tanong ko. Hindi ko kasi s'ya napansin kanina na. "Isa kaba sa—" Hindi na ako natuloy sa tinatanong ko ng sumagot na s'ya. "My name is Francis. Business partner ng parents mo ang parents ko," paliwanag n'ya bago napasulyap kay Santi. "Let's go?" Alok pa n'ya bago akmang hahawakan ako sa kamay ng humarang si Santi. "Kaya niyang lumakad ng walang tulong mo." Malamig nitong sabat na ikinakunot ng aking nuo. "Pumasok kana, marami pang ipapakilala ang parents ko kaya wag kang umalis sa tabi nila. Tama na muna ang pagiging isip bata Victoria." Bilin pa n'ya na ikinatango ko. "Sige, ingat ka." Kumaway pa ako kay Santi bago ngumiti kay Francis. "Pasok na tayo," aya ko. Sumunod na si Francis dahil sa ako ang nauna. "Dear," niyakap ako ni Mommy. "Kanina pa kita hinahanap, mabuti nalang Francis told me na nakita ka n'ya with Santi, is it true?" Napatango ako. "Nag paalam lang po s'ya." Sagot ko. "Ah, ok." Ngumiti si Mommy. "So, I want you to meet your tita Marga." Napatingin ako sa babaeng malawak ang ngiti habang nakatingin sakin. "Hi," mahigpit n'ya akong niyakap. "Ilang taon kana naming hinahanap pamangkin." Naluluha pa ito ngunit hindi ko maramdaman ang pag-aalala n'ya. Parang kinabahan ako. Napatango na lamang ako. "Ikaw po ba ang totoong Mommy ni Penny?" Magalang kong tanong. "Oo iha, pero si Penny kasi simula nang mawala ka s'ya na ang kasama ng kapatid ko at ni Sheena." Paliwanag n'ya kaya naman napatango ako. "Masayang-masaya kami na nakauwi kana, at napakaganda mong bata. Maganda din ang pangalan mo." Puri pa nito. "Masaya din po ako." Napangiti ako. "Marga nais kong i-home school si Victoria. Nais kong matutuhan n'ya ang pagma-manage ng company at mga negosyo ng pamilya namin." Napabaling ako kay Mommy. "Really? That's nice to know, pero parang masyadong maaga para kay Victoria? Pwede naman si Penny muna ang maging CEO then tuturuan nalang—" Hindi na nakatapos si tita Marga ng mag salita na si Mommy. "I want my daughter to take over our legacy." Hinaplos ni Mommy ang buhok ko. "S'ya lang Marga," dagdag pa nito kaya naman napangiti si tita. "Nag suggest lang naman ako, by the way we're here naman to teach her." Nakamasid lang ako bago napasulyap kay Francis na kanina pa pala nakatitig sa akin mula sa malayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD