Chapter. 20

743 Words
LUNES NA LUNES MAY JETLAG AKO. Napabalikwas ako ng higa dahil sa sakit ng ulo ko. Napuyat kasi ako kagabi dahil ang tagal umalis ng mga bisita. Mabuti nalang patok ang acting ko na mag mukhang sosyal kahit hindi naman talaga. Si Francis din nakipag kwentuhan pa sakin. Mabait naman pala s'ya at first-time lang din n'ya sa bahay namin. Palagi daw siyang nag ta-travel, mahilig gumala ang lalaking 'yon palibhasa mayaman. Ngayong araw din pala ang simula ng home schooling ko. Sana lang ay may matutuhan ako kahit na hindi ako matalinong tao ayaw ko din naman kasing mapahiya ang mga magulang ko. Lalo na't minamaliit pa ako ni Penny. Dapat ipakita ko na may natutuhan ako at hindi ako mananatiling ignorante nalang habang buhay. Sila Petit at Tatay pala ay binigyan ng tulong nang mga magulang ko. Masaya ako para kay Petit na nag-aaral na s'ya, first day rin n'ya ngayon. Tinawagan nila ako kagabi. Kahit busy ako sa party ay hindi ko sila kinalimutan. Hindi ko malilimutan ang pag tulong nila sa aking mag ama. "Ma'am Victoria." May kumatok sa pinto. "Handa na po ang umagahan. Maaga daw po kayong gigising dahil darating ang iyong Professor." Mas sanay talaga ako sa tawag na Ineng kaya lang ay sanay sila sa Victoria kaya naman wala na akong magagawa. Iba na talaga ang buhay ko kumpara sa buhay ko noon nang nasa probinsya pa ako. "Sige po susunod na ako sa baba. Mag i-inat at mag hi-hilamos lang po ako." Paalam ko bago umalis sa pagkakahiga. "Salamat po!" Pahabol ko pa bago pumasok sa banyo. Matapos mag hilamos ay bumaba na ako. Nadatnan kong nag a-almusal na sila Mom and Dad kasama si Sheena at si Penny, maging si tita Marga pala. Ngumiti ako sakanila at bumati. "Magandang umaga ho." Ngumiti ako ngunit umirap lang si Penny sa akin habang si tita Marga ay malawak ang ngiti. "Sit down," utos ni tita Marga kaya naman umupo na ako. "Ako nag luto niyan, you should try it." "Mom mag tagalog kana lang." Sabat ni Penny bago napangisi. "Baka kasi hindi na i-intindihan ni—" Hindi ko na pinatapos si Penny. "Mahina ako sa english pero hindi ako bobo. Mga simpleng mababaw na english ay na i-intindihan ko Penny." Sagot ko. "Para lang alam mo." Dagdag ko pa. "Oo nga naman Penny." Sabat ni Sheena. "Iyan ang nakakabilib kay Victoria eh. Kaya sayo ako girl," kumindat pa si Sheena sa akin kaya naman napangiti ako. "Hayaan mo at madali lang naman na matutuhan ang english, tutulungan din kita." "Maganda 'yan Sheena. Thank you for being nice to my daughter." Napasulyap si Mom kay Penny. "Pasensya kana." Mommy na ni Penny ang nag salita. "Hindi lang s'ya sanay. Hindi naman ganito si Penny, tiyak na magiging maayos din ang mga bata." Paliwanag pa ni tita Marga. "Ayos lang naman po Mommy sanay na ako kay Penny." "Mabuti nalang talaga at mabait ang anak namin." Sabat ni Dad na hindi rin nagustuhan ang asal ni Penny. "So, Penny what's your plan? Tuloy ba ang kasal?" Pag i-iba ni Dad sa usapan. Hindi agad nakasagot si Penny. "I don't know po, parang hindi pa po kasi kami handa." Sus! Kung alam lang nila Dad na wala na sila. Itong si Penny napakasinungaling talaga eh. Ayaw pa aminin na wala na sila ni Santi. Hindi makamove-on? "Akala ko ba wala na kayo?" Tanong ni Sheena na ikinalikot ng mata ni Penny. Kumindat sakin si Sheena kaya naman lihim akong natawa. "Really? Wala na pala kayo ni Santi? Santi is a good man, so whatever is the reason I'm sure valid naman." Si Dad na busy sa paghihiwa ng steak. "Ganun siguro talaga, sawain pa sila." Sabat ni Mom. "Kaya ikaw anak susuportahan kita sa gusto mo. Hindi ka namin didiktahan ng Dad mo basta alam naming mahal ka at mahal mo." "Salamat po." Matapos naming mag almusal ay naligo na ako. Darating na daw kasi ang magiging guro ko at nais ni Dad na bago ito dumating at nakaayos na ako, medyo strikto kasi si Dad pag dating sa mga gagawin ko. Nais n'ya akong madisiplina. "Hi." "Francis?" Gulat na gulat ako. "Huy! Anong ginagawa mo dito?" Napangiti ako. "I'm your professor Victoria." Nakangiti din s'ya. "Don't worry hindi ako magiging masungit. Sinabi kasi ni tito na kaylangan n'ya ng Profesional na mag tuturo sa 'yo. Agad akong nag volunteer." Paliwanag n'ya. Napatango ako bago naupo na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD