"It's ok Victoria kung hindi mo agad makuha. Nandito naman ako para i-guide ka." Mabuti nalang talaga at hindi masungit si Francis. Kanina pa ako nahihirapan sa pinapaliwanag n'ya. Napayuko ako at nag focus. "Parang na ge-gets ko na wait lang." "Sabi ko naman kasi sayo makukuha mo din basta wag mong mamadaliin sarili mo." Ginulo n'ya ang buhok ko habang nakangiti siya. "Meryenda na po muna." Sabi ng isang kasambahay na bigla na lamang sumulpot. "Ma'am Victoria nasa labas nga po pala si Attorney Santi." Napakunot ang aking kilay. "Bakit ayaw pumasok? Papasukin mo." Nakangiting utos ko kaya naman agad itong pinuntahan. Ngunit hindi ako makatiis na lumabas upang tignan si Santi kaya naman nag paalam muna ako kay Francis. "Sandali lang Francis, saglit lang ako promise." "Sige lan

