Mabilis na nagdaan ang mga araw. Hindi ko namalayan na lumipas na ang isang linggo magmula na simulan ni Sir Apollo ang kanyang panliligaw sa akin. Nang una ay aaminin ko na talagang sobrang awkward ako sa tuwing gagawa ng hakbang si Sir Apollo para ipakita ang kanyang pagka-sinseridad sa panliligaw sa akin. Iyon ay dahil sa natatakot ako na mangyari muli ang katulad ng dati. Na makita ko lamang sa kanya ang katauhan ni Apollo. Na baka sa huli ay hindi ko pa rin makita kung sino siya at umuwi lang din sa pagpapaasa ko katulad ng nangyari kay Zeus. Ngunit sa pagdaan ng mga araw ay ipinakita ni Sir Apollo ang kanyang pagiging desidido. Unti unti niya nagawang tibagin ang depensa ko na siyang pumo-protekta sa aking puso. Aaminin ko na ibang iba ang pakiramdam ko na ito kumpara nang si Ze

