Kinabukasan... Pagkalabas ko sa pintuan ng aking tinitirahan ay sobrang nagulat ako nang bumungad sa aking harapan si Sir Apollo. Nalilitong inilibot ko pa ang tingin para hanapin si Zeus na siyang madalas ko na magkasabay sa pagpasok sa kompanya. Ngunit anumang ulit na paghahanap ang gawin ko ay hindi ko mahagilap ni anino ni Zeus. Malakas na tumikhim naman si Sir Apollo para kuhanin ang atensyon ko. "Good morning, Savannah," pagbati pa niya sa akin at binigyan ako ng napakalawak na ngiti. "Uhmmm yes... Good morning, s-sir..." nahihiyang pagbati ko naman sa kanya pabalik. Pagkatapos ay ilang sandali na nagkatinginan lang kami roon na dalawa. Tila ba pareho namin iniisip ang susunod na gagawin at nakikipagkiramdaman sa isa't isa. Alam ko na pinagbigyan ko si Sir Apollo na ligawan ako

